3

Denisse Gonzales-Juariz

EIGHT YEARS LATER....

Napatanga na lang ako sa harap ng TV habang pinapakinggan ang balita. Nakita ko na naman ang asawa ko na na-link sa isang babae. This time isa na namang modelo ang babae niya kuno.

Narinig kong tumunog ang pintuan ng bahay kaya napalingon ako sa gawi dito. Tahimik na pumasok si Jonas sa bahay na may seryosong mukha. Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin ng tumigil ito sa gilid ko at naghubad ng suot na long-sleeved polo.

"Jonas, kailan mo ba kami ipapakilala ng mga anak mo sa mga magulang mo?" Mahinang tanong ko dito. Nakatuon pa rin ang atensyon ko sa mga tao sa telebisyon.

"It's not yet the right time, Den." Sagot niya at naglakad papunta sa kusina ng bahay. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at sinundan siya sa kusina.

"Not yet the right time? Jonas, naman! Mag wawalong taong gulang na sila Janisse at Jaiden. Not yet the right time pa rin ang sasabihin mo?" Napipikon kong sabi dito. Everytime na mapaguusapan namin ang issue na'to palagi na lang 'yan ang palusot niya.

"Pwede ba, Denisse? Pagod ako. I had a long, stressful day at work. 'Wag mo ng dagdagan pa ang sakit ko sa ulo." Pagod niyang sabi sa akin at saka ininom ang kinuhang bote ng beer.

"Pagod? Pagod ka kakadate ng girlfriend mo ha? Sabihin mo nga sa akin ang totoo, Jonas. Ikinakahiya mo ba kami ha?!" Hinablot ko sa mula kamay niya ang beer na iinomin niya sana.

"Putangina mo, Denisse! Gusto mo ang katotohanan? Then I'll tell you the truth! I hate you at nahihiya akong ipakilala kayo sa kanila. How could I dare introduce to everyone that I married a man at nakabuntis ako ng lalaki?! Iniisip mo ba ang sasabihin ng mga tao sa akin? Gusto mo ba talagang sirain pa lalo ang buhay ko?!" Galit niyang sigaw sa akin. Namumula na ang kanyang gwapong mukha at kulang na lang ay maglabas ng usok ang kanyang ilong habang nakatingin ng masama sa akin.

Walang sali-salita niya akong tinalikuran at iniwan. Nanghihina nalang akong napa-upo sa sahig. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Impit akong napaiyak habang sapo ang aking bibig. Kahit gaano man ako magpakatatag para lang masalba ang kasal na'to hindi ko magawa. Sobrang hirap. Ang hirap-hirap panatilihin ng pagsasama ng dalawang tao kung sa simula pa lang ay ayaw na ng isa.

"Dada?" Narinig kong tawag sa akin ng isang maliit na boses. Nakita ko ang anak kong si Janisse na mahina ring umiiyak. Lumapit ito sa akin at mahigpit akong niyakap.

Hindi ito ang pamilyang pinangarap ko para sa mga anak ko. Noong pinili kong pakasalan si Jonas, ang gusto ko lang naman noon ay ang mabigyan ng isang mapagmahal at kumpletong pamilya ang mga magiging anak ko. Iyong unang taong tatanggap sa sitwasyon namin. Hindi ko akalaing guguho lang ng ganun-ganun ang mga pangarap ko.

Kinabukasan ay obvious na obvious ang ginawa kong pag-iyak kagabi. Masakit at mugto ang aking mga mata at medyo mahirap itong ibukas. Kahit gustuhin ko mang mahiga at magmukmuk na lang buong araw ay hindi pwede. May obligasyon ako bilang ama sa mga anak ko.

Palagi namang ganito eh. Sigawan, bangayan, iyakan, wala namang bago.  Halos araw-araw kaming nagtatalo mag-asawa. At kung hindi man ay hindi na lang kami nagpapansinan dalawa. Akala ko sanay na ako sa sakit. I thought I got used to it but the pain's still the same.

Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga para hindi magising ang anak ko na mahimbing na natutulog sa aking tabi. Dito na ako natulog sa kwarto ni Janisse dahil ayaw kong tumabi kay Jonas. Pero mukhang hindi naman ito natulog dito sa bahay. Tuwing nag-aaway kasi kami ay umaalis siya ng bahay. At isa pa, madalang lang din naman siyang umuwi dito.

Dumiretso ako sa bathroom dito sa kwarto ni Janisse. Naghilamos muna ako at nagsipilyo bago bumaba para maghanda ng agahan namin. Hindi kasi ako pinayagang mag-hire ng katulong ni Jonas. Hindi na raw kailangan dahil mawawalan ako ng silbi kapag kumuha ako ng maid. Saka baka ipagkalat lang daw ng maid ang tungkol sa amin ng mga bata. Sobra akong nasaktan doon hindi lang para sa sarili ko kung hindi para na rin sa mga anak ko. Hindi naman nila deserve ang itago. Dapat silang ipagmalaki dahil matatalino at mababait silang mga anak.

Nagluto ako ng pinakbet at kanin para sa kanila. Nasanay na kasi ang dalawa sa heavy breakfast. Natutuwa din naman ako kasi maganang kinakain ng dalawa ang mga niluluto ko kahit hindi naman ako kagalingan. Noong first two years ng kasal namin ni Jonas ay mostly ng mga niluluto ko mga sunog. Buti na lang at nandoon ang papa para alalayan ako.

Pagkatapos kong magluto ay inakyat ko na ang dalawa at ginising isa-isa sa mga kwarto nila dahil may pasok pa ito mamayang ala nuebe. Exam pa naman nila ngayon.

"Good morning, dada.." ang humihikab na bati sa akin ni Janisse ng gisingin ko ito. Ngumiti ako dito at ginawaran ng halik ang tuktok ng kanyang noo.

"Good morning din, nak. Maligo ka na, gigisingin ko lang si kuya mo." Paalam ko dito at lumabas na mula sa kanyang silid para puntahan si Jaiden.

Napangiti ako sa aking nadatnan pagkapasok ko sa kwarto nito. Tapos na siyang maligo at kasalukuya ng nagpapalit ng kanyang puting uniform. Sa murang edad ay napaka- independent at napaka-responsable na ni Jaiden. Kaya hindi ako nahihirapang palakihin silang dalawa ni Janisse. They listen very well at madaling natututo.

Nakangisi akong lumapit sa kanya at tinulungang siyang isuot ang kulay black niyang necktie. Ako na rin ang nagsuot ng itim niyang polo na may logo ng kanyang paaralan.

"Good morning kuya. Ang aga mo namang nagising." Sabi ko dito at hinalikan ito sa pisngi. Tipid lang itong ngumite sa akin at hinalikan rin ako pabalik sa akin noo.

"Good morning din po, mama. Nagising po ako sa alarm." paliwanag niya sa akin at kinuha ang bag na nasa ibabaw ng kama.

"Let's go na po," ang paga-aya niya sa akin.

Nauna siyang naglakad papunta sa may pintuan. Ako naman ay saglit pang inayos ang kanyang higaan bago ako sumunod sa kanya. Pinauna ko na muna ito sa ibaba dahil tinulungan ko pa ang kapatid niya sa pag-aayos.

Kumpara kay Jaiden na organized at tila may schedule na sinusunod, si Janisse naman ay medyo makupad ang galaw at kailangan pa talagang asikasuhin. Siguradong male-late ito kapag hindi ko tinulungan at minanduhan.

"Lika na bilis. Kanina pa naghihintay sa baba ang kuya mo. Nagugutom na 'yon," ang nagmamadali kong sabi dito habang tinutulungan siyang isuot ang kanyang sapatos. 8:15 na rin kasi at maya-maya lang ay darating na ang bus na susundo sa kanila.

"Done na, dada. 'Yong buhok ko nalang po." Aniya habang sinusuklay ng mga daliri niya ang kanyang medyo mahaba at kulay tsokolate na buhok na kaisa-isang namana niya sa akin.

"Sa baba na 'yan. Ako na ang bahala diyan," ang sabi ko at saka pinulot na ang bag niya na nakapatong sa study table niya.

Pareho kaming nagulat pagbaba namin nang makita ang isang hindi inaasahang panauhin na nakaupo sa harap ng hapag. Si Jonas.

Prenteng-prente itong nakaupo sa kabisera habang nagbabasa ng dyaryo at umiinom ng kanyang kape. Tahimik lang ding nakaupo si Jaiden sa harap ng hapag, isang silya ang layo mula sa kanya.

Totoo nga siguro ang sinabi nila na mostly sa mga anak ng mga carriers ay may isa talagang kuhang-kuha ang traits ng kanilang ama.

Sa dalawa, si Jaiden ang pinakahawig at pinakakatulad ni Jonas. Para siyang mini-version ng ama at replika nito. Mula sa kanyang buhok hanggang sa kanyang personalidad ay katulad na katulad kay Jonas. And I don't know if it's a good thing.

Umupo si Janisse sa tabi ni Jaiden dahil takot itong tumabi o lumapit man lang kay Jonas. Ni minsan ay hindi ko sila nakitang nakipag lambingan sa kanilang ama. Ganoon rin naman kay Jonas. Ni minsan ay hindi ko pa siya nakitang nakipag lambingan sa dalawa. Nandito nga siya pero para din lang namang wala.

Matapos kong mailagay ang kanin, pinakbit, plato, kutsara, baso at tubig sa ibabaw ng lamesa ay tinulungan ko silang dalawa na lagyan ng kanin at ulam ang kanilang mga plato. Hinanda ko na rin ang mga baon nila.

"Jaiden, I heard you were caught in a fight again. Ayusin mo 'yang pag-aaral mo. Ayokong nadadawit ang pangalan ko sa mga kalokohan mo. Don't drag me or my name in the mud." Ang narinig kong sermon ni Jonas sa mga anak. Kaya pala ito hindi umalis ng maaga. Nilingon ko silang tatlo na tensyonadong kumakain.

Napatigil naman sa pagkain si Jaiden at tumingin sa ama na nagbabasa pa rin ng dyaryo. Tahimik at walang ka emo-emosyon ang mukha nitong pinagmamasdan si Jonas na nagbabasa ng dyaryo.

"Don't worry. They don't know that we're related, anyway. We just the same face, but I made it clear that I don't have any connections to you. Nakipag-away ako dahil binubully nila si Janisse." Ang mahabang paliwanag ni Jaiden sa kanya bago ito bumalik sa pagkain na para bang walang nangyari.

"M-me too po. Hindi rin nila alam na daddy kita kahit tinatanong nila kung bakit same tayo ng face. So you don't have to worry about it po." Ang nauutal na sabi ni din Janisse kahit na mukhang maiiyak na ito.

What did I do for my children to experience this? Ang sakit isipin na sa murang edad ay natuto silang itanggi ang tunay nilang pagkatao dahil naging sa sitwasyon namin ng ama nila ni Jonas.

Sobrang nasasaktan ako para sa mga anak ko. Araw-araw at gabi-gabi akong nagsisisi sa pagpasok sa kasal na ito. I couldn't have what I wanted to get from this marriage. I couldn't give my kids the other father I wish they had.

Bilang lang sa daliri ang pagtawag nila ng daddy kay Jonas. Noong tinawag kasi siyang daddy ni Janisse ng paulit-ulit noong five years old ito ay nasinghalan niya ang bata. Nasaksihan rin iyon ni Jaiden kaya tila isang nakakamamatay na salita na 'yong daddy sa kanila.

"Nak, hito na ang baon ninyo. Tapos na ba kayong kumain?" Ang tanong ko sa dalawa saka sila nagmamadaling nilapitan.

Inilagay ko muna sa loob ng kanilang bag ang lunch at snack nila. Baka kasi saan pa mapunta ang pag-uusap nila at pumasok sa school na luhaan ang dalawa. Sinuklay ko na rin ang buhok ni Janisse. Hindi ko na ito itinali dahil mahilig naman itong ilugay ang buhok.

Napatigil ako sa pagsuklay kay Janisse ng tumunog ang upuan ni Jonas. Sumulyap ako sa direksyon niya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at tahimik na lumabas ng kusina. Napabuntong hininga na lang ako at napahilot sa sentido.

Kaya ko 'to. Kaya ko pa.

Inihatid ko ang dalawa sa may gate ng village. Doon kasi sila pini-pick up ng kanilang school bus.

"Ba-bye. Love you. Ingat kayo sa school." Pinaghahalikan ko silang dalawa sa kanilang mga pisnge saka sila inalalayan sa pagsakay ng bus.

Matapos umalis ang mga bata ay sinimulan ko na ring baybayin ng daan pauwi. The empty and silent street persuaded my eyes to give up. Nag-uunahan na namang lumabas ang mga luha ko. Parang wala itong kapaguran. Mabilis ko itong pinunasan nang makita ko ang papalapit na sasakyan ni Jonas.

Hindi alam ng mga tao dito sa village na sa amin ito tumutuloy.  Bukod kasi sa magkalayo ang mga kabahayan dito sa village namin, hindi rin gaanong nagsisilabasan sa mga naglalakihan nilang mga bahay ang mga tao dito. Saka napakagaling din namang magtago ni Jonas.

Dumiretso ako sa isang park dito sa village at umupo sa isang bench na nakapwesto sa ilalim ng napakalaking kahoy. Inilibot ko muna ang aking paningin sa paligid at nakitang ako lang mag-isa dito.

Tumingala ako at dinama ang hangin na nanggagaling sa kalikasan habang malayang umaagos ang mga luha ko. Sunod-sunod akong napalunok para pigilan ang sarili na humagulgol. Pero ang hirap pigilan. Ang hirap itago. Sobrang sakit na kasi.

Kaya ko pa ba? Hanggang kailan ko makakaya?

-----------------------------------------------------------

Editied version
August 3, 2020

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top