23

Denisse Gonzales-Juariz

Mahigpit ang kapit ni Jonas sa palapulsuhan ko habang hila-hila niya ako papunta sa kwarto nam-niya. Kanina pa niya pinauna ng akyat ang dalawa sa kwarto nila habang mahigpit pa rin ang hawak nito sa akin.

"Jonas! Nasasaktan ako!" sigaw ko sa kanya matapos nitong maisara ang pintuan ng kwarto. Maisara, as in ni-lock niya talaga ang pintuan.

Marahas niyang binitiwan ang kamay ko at galit akong tinitigan. Minsan ko lang makita ang ganitong Jonas and I really hated seeing him this way.

"I warned you before, Denisse! Ilang ulit na kitang pinagbawalan makipag-usap sa lalaking 'yon pero ito at nakikipag-landian ka pa sa hayop na 'yon! Putangina. I am still your husband so stop flirting with everyone! You didn't even ask for my permission. Ganoon ka na ba ka-atat makipag lampungan sa lalaking 'yon?! Ha?! Kasi alam mong makakawala ka na?! Then what?! You're going to live your life easily!? Na parang hindi mo sinira ang buhay ko dati?! Dream on! Hindi ganun kadali ang daan palabas, Denisse! I won't let you get away from me that easily!"

Napahilamos ako sa aking mukha at magkasalubong ang kilay na hinarap siya. I'm so frustrated! "Jonas, STOP! Tumigil ka na, please lang. Hindi ganun 'yon. I am not flirting with anyone. I am not flirting with Jordan. Wala. Akong. Nilalandi! Hindi na kita ginising kasi ang himbing ng tulog mo. Dati mo ng sinabi sa akin na ayaw na ayaw mong nagpapagising. So I did not! Stop acting like a jealous husband!

"I'm not! I'm better than them!" Ang sigaw nito pabalik sa akin.

"You're not! Ano pa bang gusto mo, Jonas? What do you want from me?! Gusto mo akong magdusa?! Ang magsisi?! Ang humingi ng tawad sa iyo?! Then I'm sorry! I'm sorry..." Napatakip ako sa bibig ko dahil muli na namang umagos ang mga luha ko. Ramdam ko rin ang paninikip ng dibdib ko dahil sa umaapaw na emosyon. "I-I'm sorry for ruining your life. I'm sorry for ruining our children's life. Sa loob ng walong taon, araw-araw at gabi-gabi akong nagdurusa at nagsisisi, Jonas! Hindi mo lang alam kasi wala ka namang pakialam sa akin! Alam kong malaki ang kasalanan ko sa iyo kaya nga bumitaw na ako 'di ba?! Kasi gusto kong bawiin mo 'yong buhay na nawala sa'yo dahil sa mga mali ko! Kasi baka hindi pa huli ang lahat para sa'yo. Pagod na ako Jonas. Pagod na pagod na ako sa mga away natin, sa mga sigawan, sa panunumbat. Pagod na pagod na pagod na ako! Pero hindi ko kayang sumuko dahil may mga anak tayo!"

Napasalampak ako sa sahig dahil sa labis na pagod, sakit at lungkot na nararamdaman. Pakiramdam ko sirang-sira na ang buhay ko. Sa mga sinabi ni Jonas parang sinasabi niya na wala akong karapatang maging masaya. Wala akong karapatan sa kahit ano man kasi may kasalanan ako sa kanya. Hindi ako maaaring umahon sa pagkakalubog kasi gusto niya akong lunurin bilang kabayaran sa ninakaw kong walong taon ng buhay niya.

Saglit lang na tumayo si Jonas sa harapan at tahimik na pinapanood habang umiiyak. Lumabas ito ng kwarto at pabagsak iyong isinara.

Marahas kong pinahid ang mga luha ko at dahan-dahang tumayo. Kinailangan ko pa ng suporta sa cabinet na katabi ko dahil nalalambot ang aking mga paa. Gusto ko sanang pumunta sa kwarto ng kambal kaso ayokong makita nila akong nasa ganitong estado. Naglakad ako sa kama ni Jonas at marahang nahiga doon.

Nakatulala lang ako sa bintana ng kwarto niya habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. I want to rise again, katulad ng araw. But I don't know how. I don't know if I'm still allowed to do that. Sana may time machine na lang. Gusto kong bumalik dati noong pinapipili pa ako ni dad. Kung alam ko lang na magiging ganito ang buhay namin sana umayaw na lang ako.

Hindi ko alam kung kailan ako nakatulog at kung gaano kahaba ang tulog ko. Nagising na lang ako nang makaramdam ng mahinang pagyugyog sa aking katawan.

"Wake up and eat, then take your meds. May lagnat ka." Ang narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Hindi ko pa tuluyang minumulat ang mata ko kasi pakiramdam ko ay panaginip lang ang lahat ng ito.

"Denisse..."

"Hon, come on. Wake up and take your meds." Doon na tuluyang bumukas ang mga mata ko. He placed the back of his hands on my forehead for awhile before moving away.

"J-Jonas?" Paos ang boses ko at masakit ang aking lalamunan habang tinatawag ang pangalan niya.

"Umupo ka muna ng maayos, Denisse, then eat. You have to take your meds." Ang utos nito sa akin.

"Ayoko. Busog pa ako, Jonas. Bukas na ako kakain, I want to sleep." Muli kong ipinikit ang mga mata ko para bumalik sa pagtulog.

"Damnit! Ba't ba ang tigas ng ulo mo? Marami pa akong trabaho, Denisse. 'Wag ka ng dumagdag." Nagpakawala ako ng isang buntong hininga at pikit matang naupo sa hinihigaan ko.

Hindi mo naman 'to kailangang gawin. You can choose to ignore me at hayaan akong magdusa. Gusto ko sana itong sabihin sa kanya but that would be too much for me to do right now.

Sobrang bigat ng katawan ko, para akong dinaganan ng elepante sa sakit. And I feel like crying again. Sobrang init rin ng hininga ko. Napamulat ako sa aking mata when I heard something beep. Pero muli rin akong napapikit nang umikot ang paningin ko. Napatakip ako sa aking bibig nang maduwal ako. Gusto kong sumuka...pero hindi ko kayang tumakbo sa cr.

"Here. Sumuka ka. May trashcan sa tabi mo." Binuksan ko ang mga mata ko at tiningnan kung saan nakalagay ang basurahan. Muling pumintig ang ulo ko at umikot ang aking paningin. Doon na ako sumuka ng sumuka.

Sobrang tagal na n'ong huli akong nagkasakit ng ganito kalala. Kasama ko pa sila dad at papa n'on. Tagaktak ang pawis ko nang mapasandal sa isang matigas na bagay. Marahang hinaplos ng isang malaki at mabigat na kamay ang likuran ko. Mas isiniksik ko pa ang katawan ko sa sinasandalan ko. Nakakagaan sa pakiramdam ang init nito.

"You okay now?" Ang mahina niyang tanong.Tumango lang ako bilang sagot dito. Nakakapagod magsalita.

Si Jonas pala itong sinasandalan ko. Nakakapagtaka na hindi man lang niya ako tinulak palayo sa kanya. Kusa na akong lumayo dito at isinandal ang sarili sa headboard ng kama.

"39.2°C. Ang taas ng lagnat mo. Can you feed yourself?" Muli niyang tanong sa akin. Umiling ako dito. I don't think I have the energy to even lift my finger up.

Saglit na tumahimik ang paligid hanggang unti-unti kong narinig ang pagkalampag ng kung ano. "Open your mouth, hon. Baka matapon itong pagkain."

I didn't bother asking him or myself about his endearment. Hindi ko na tinanong kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. Hinayaan ko na lang siya sa kung ano gagawin niya. Whether my guard is up or not, paulit-ulit pa rin akong titibagin ni Jonas. Ako lang ang paulit-ulit na masisira if I keep on resisting him.

Pagkatapos niya akong subuan, pinainom niya ako ng gamot at tinulungang mahiga sa kama. Ingat na ingat ang mga galaw nito habang ginagawa ang lahat ng iyon. He was so caring and patient that for a moment I feel like I'm important. That I matter to him. Na may pakialam siya sa akin.

"Goodnight." Bago ako matulog, inakala ko pang hinalikan niya ako sa noo. Pero agad kong iwinaksi ang akala kong 'yon. Panandaliang illusyon ko lang siguro 'yon dala ng mataas kong lagnat.

Kinabukasan gumising ako na mas magaan na ang pakiramdam. Hindi na rin ako gaanong nahihilo 'pag tumatayo. Wala na rin si Jonas sa tabi ko. Siguro ay maaga itong nage-ehersisyo sa gym. Ganoon kasi iyong gawain niya nitong nagdaang araw.

"Dada!" Napalingon ako sa nakabukas na pintuan ng marinig ko ang matinis na boses ni Janisse. Nakadungaw ang ulo nito sa pintuan. Ganun rin si Jaiden. Pareho pa itong naka-suot ng facemask. Ang cute lang.

"Dada, nagluto kami ni daddy para sa'yo po!" Ang excited na pagkwekwento nito sa akin. Napataas naman ang kilay ko nang marinig ang kasama nila sa pagluluto.

"Talaga? Ano namang niluto ni'yo?"

"Opo, pero secret lang muna para surprise. 'Di ba, kuya?" Tiningala nito si Jaiden na nakayuko rin sa kanya at hinintay ang sagot nito.

Maragan itong tumango at tumingin sa akin. "Hmm.."

"DADDY!!! FASTER PO! NAGUGUTOM NA ANG DADA KO!" Ang malakas na sigaw ni Janisse dahilan para mapatawa ako. Patagal ng patagal mas lalong lumalakas ang loob nitong alilain ang daddy niya.

"Dada, inaway po namin kanina si daddy para sa'yo po kaya 'wag na kayong ma-sad. Okay?"

Ngumite ako dito at tumango. "Okay, po. Naligo na ba kayong dalawa, kuya?"

Tumango ito sa akin at nag-thumbs up."Pinaliguan po kami ni dad, ma."

"Ayan na si daddy, kuya! Tumabi ka na." Nilakihan ni Janisse ang bukas ng pintuan at tumabi para paraanin ang dad nila. Para itong professional waiter habang bitbit ang breakfast tray gamit ang isang kamay.

Inayos niya muna ang tray sa harapan ko bago nito kinuha ang thermo gun sa kanyang bedside table. Itinapat niya muna ito sa aking noo saglit bago siya muling lumayo.

"37.5. How are you feeling?" Ibinaba niya ang thermo gun saka ako pinagmasdan.

"O-okay na ako. Thank you for taking care of me last night, pati kaninang madaling araw. Pasensya ka na, naabala pa tuloy kita." Ang nahihiya kong sagot dito.

"You should be. You didn't let me sleep for the whole night kaya dapat lang na gumaling ka. Kumain ka na rin. Pinagpaguran 'yan ng mga bata." Aniya bago ako tinalikuran at naglakad patungo sa pintuan. "Papakainin ko muna ang mga bata." Aniya bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Tiningnan ko ang dala nitong pagkain. Kanina pa naglalaway sa bango ng bulalo. May orange, apple at grapes rin sa isang tabi at gamot. Hindi ko maiwasang mapangiti ng makita ang dalawang card na may nakasulat na get well soon at I love you.

Itinabi ko muna ito saglit at nagsimula ng kumain. Kumakalam na kasi ang tiyan ko. Napapikit at napaungol ako ng malakas ng malasahan ko ang pagkain. It tastes so damn good.

Pagbukas ko ng mga mata ko muntik pa akong mapatili nang makita ang masamang tingin ni Jonas. "J-Jonas...m-may problema ba?"

"Pwede ka namang kumain ng tahimik. Don't moan so fucking loud." Napakagat ako ng labi dahil sa hiya.

"Bakit ka nga pala bumalik?" Pag-iiba ko ng usapan namin dahil nahihiya ako sa pinaggagagawa ko.

"Bakit hindi? Kwarto ko 'to." Pambabara nito sa akin. Hindi na ako muli pang nagsalita rito at baka magka-initan na naman ulit kami. Hindi pa ako nakaka-move on sa nangyaring away kagabi.

Bumalik na lang ako sa pagkain at hinayaan siya sa kung ano man ang pakay niya dito sa kwarto.

"Denisse..." Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain. Walang kwentang kausap si Jonas kaya mas mabuti pang umakto na lang ako na hindi siya naririnig.

"Denisse, look at me." He's using that authoritative voice on me again. Pero hindi pa rin ako lumingon sa direksyon niya.

"Hey...look..Damn it, Denisse! Focus on me. Stop eating that damn food first." Ang naiinis nitong sabi sa akin. Hindi ko alam kung bakit but for some reason gusto kong pagtawanan siya.

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang sarili kong mapangisi at tumawa.

"Fine! I-I'm...I'm..." Iniangat ko na ang aking paningin sa kanya at sinalubong ang mga mata nito. And for the first time, ito ang unang nag-iwas ng tingin. He looked uneasy.

"I'm what?"

He heaved out a deep sigh and looked me straight in the eye. "Don't make fun of me."

"I won't. Why would I-"

"I'm sorry." Hindi ako nito pinatapos sa pagsasalita nang itapat niya sa mukha ko ang isang boquet ng rosas.

"I'm sorry for what I did last night."

I was so shock that I couldn't speak immediately. Sinasapian ba 'tong si Jonas?!

-----------------------------------------------------------
Hello guyses! Kamusta po kayo? Yiekksss! Dahil tapos na po ang The General's Affair, magfo-focus na po ako dito at sa The Lost Doctor. HAHAHAHA! Saka paminsan-minsang Where To Find rin po. Ayon lang. Thank you all ❤❤ labyu ol! Mwuah mwuah! Ciao! ❤🎉🎊

#HappyPrideMonth Everyone!🌈

Thank you po kay @violetspear para sa fanart na ito. Siya rin yong gumawa kay Jonas dati. Yieekss!❤

May bago po akong series na ginawa para hindi ako mawalan ng gana hahaha. Sana suportahan niyo rin po 'yon kagaya ng pag-suporta niyo sa kwento ng mga Juariz bebebois. Tatlo na lang kasi ang natitira sa Juariz Bachelors, feeling ko rin malapit nang matapos ang story ni Jonas HAHAHAHA. Ayon lang po. Thank you ❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top