18
Denisse Gonzales-Juariz
Pagkatapos kong magluto ng agahan namin saglit pa akong tumambay sa harap ng bahay para diligan ang mga bulaklak sa garden ni Jonas. Umalis na kasi si Francis kanina lang kaya wala na akong kau-kausap. Mukhang hindi naman nito pinapabayaan ang mga bulaklak dahil malalago at maganda pa ang kondisyon nito.
"ANO BANG KULANG SA AKIN, ZAYN?! PUKE?! SUSO?! MATRES?! 'YON BA YONG PROBLEMA HA?! TANGINAMO SABI MO TANGGAP MO AKO KAHIT WALA AKO NUN BUT NOW YOU'RE CHEATING ON ME WITH SOMEONE THAT HAS EVERYTHING I'M INSECURE OF. ANG SAMA MO! ANG SAMA-SAMA MO!"
Napatigil ako sa ginagawang pagdidilig at tiningnan ang lalaking tumigil sa harap ko. Tanging ang garden hedge lang ang namamagitan sa amin. Tumigil sa di kalayuan ang isa pang lalaki at nilingon ang lalaking nasa harapan ko. Mugto ang mga mata nito at pulang-pula ang mukha, napakagulo pa ng may pagkaolandes nitong buhok.
"Migo, let's break up. I'm sorry for cheating on you. Alam naman nating dalawa na walang patutunguhan itong relasyon natin. I'm not gay! I was just curious." Ang walang pusong sabi nito sa lalaking kaharap ko bago muling naglakad palayo. I couldn't help but feel bad for this guy in front. Nakakaawa itong tiningnan habang nakayuko at nakatutop sa bibig niya.
"Curious?! Curious?! Gago ka! Ano ako experiment mo, ha!? Ang mahal pa ng bayad ko masama lang kita dito tas gaganyanin mo ako?! Pinaniwala mo akong mahal mo ako pero kagaya pa rin naman pala ng mga ex ko." Ang nanggigil nitong iyak at bumunot ng maraming dahon sa garden hedge ni Jonas. Napanganga ako sa ginawa niya. Patay kami nito.
"A-ay s-sandali lang. 'Wag naman 'yong tanim." Ang alanganin kong saway dito. Mahina lang ang pagkakasabi ko nun dahil umiiyak pa ito. Baka sabihin pa niyang inaaway ko siya.
"UWAAH!! Sorry po!" Ang paumanhin nito bago umiyak ng malakas sa harapan ko. Pulang-pula na ang mukha nito. Dahil sa nararamdamang taranta hindi ko na nagawang itabi ang bitbit na watering can at lumabas sa gate na hanggang bewang ko lang ang taas bitbit iyon.
"Okay ka lang? Gusto mo ng tubig?" Ang tanong ko dito at itinaas ang watering can sa mukha niya.
"Uwaaaaa! Mukha ba akong tanim ha, kuya? Nakakainis ka." Anito at muling pumalahaw ng iyak. Bigla itong lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap.
"S-sorry."
"Kuya, bakit ganun? Ang hirap maging bakla. Gusto ko lang naman mahalin. Bakit ang malas-malas ko? Binigay ko naman lahat sa kanya eh. Pera, virginity, credit card, cellphone, sapatos at lahat ng gusto niya ibinibigay ko. Sinunod ko lahat ng sinabi niya, kahit ayaw kong lumunok ng tamod nilulunok ko pa rin para sa kanya. Pangit ba ako, kuya? Mas mukha pa nga akong babae kesa doon sa kabit niya. Ang galing-galing ko pang sumubo." Napaawang ang bibig ko sa huling narinig kong sinabi niya. Dahan-dahan ko na lang tinapik ang kanyang likuran para pakalmahin siya.
To be honest, wala akong maisip na advice sa kanya. Para kasing nakikita ko ang sarili ko sa kanya. I was and still am stupidly inlove with Jonas.
"T-tahan ka na. Maybe he's not the right guy for you. Ang gwapo-gwapo mong bata, you deserve someone better." I told him what I should be telling myself too. That Jonas isn't for me and maybe...I deserve someone better too.
"Hindi na ako bata, kuya. Kaka-18 ko lang kahapon eh. I'm already an adult." Ang sumisigok na sagot nito habang kumakalas mula sa pagkakayakap sa akin.
"You're very young, enjoyin mo muna ang pagiging..." Tumigil ako dahil hindi ako sure kung dalaga o binata ang idadagdag ko.
"Dalaga po, kuya." Ang dagdag nito na nagpatawa sa akin.
"Just enjoy your life for now. I think it's better to wait for the right person while you're learning how to love yourself. Ang bata-bata mo pa eh, marami pang darating na tao sa buhay mo. Ang pagmamahal ay hindi nasusukat sa mga materyal na bagay na iyong maibibigay. Tandaan mo 'yan." Ang payo ko dito at tinapik ang kanyang balikat.
"Thanks, Kuya. You're right po, marami pang boys dito sa island. Mas gwapo, mas masarap at mas malaki ang tite kesa sa Zayn na 'yon. I'm Migo Montseratt nga po pala." Pinunasan muna nito ang kanyang mukhang puno ng uhog at luha gamit ang laylayan ng kanyang damit bago iniunat ang kanyang kamay sa akin.
Tinanggap ko ito at nakipagkamay, "Denisse Gonzales."
Hinila niya ako at inakbayan. Pinatalikod niya ako sa bahay. "Kaano-ano niyo po si Gov, kuya? Girlfriend niya ba talaga si Shanice." Panguusisa niya.
"A-ah ako? K-kaibigan ako ni Francis, gusto ko talaga kasing magbakasyon dito kaso d-di ko afford. Ayon sabi niya pwede naman daw akong makitira saglit dito. Kasama ko silang dumating kahapon."
Gumagaling na ako sa pagsisinungaling. Gumawa kaya ako ng libro pagkatapos ng divorce namin ni Jonas?
"How about Shanice po? Crush ko kasi si Gov, kuya. Pwede manghingi ng number? Chos!" Tinulak-tulak pa ako nito habang kinikilig. Napapailing nalang ako. Parang kanina lang mamatay-matay ito kakaiyak sa ex niya.
"Pasensya ka na, wala kasi akong alam sa relasyon nila. Wala rin akong number ni Jo—ni Gov since kahapon lang din kami nagkakilala." Ang sagot ko sa kanya at alanganing ngumite.
"Ganun ba? It's okay, kuya. Alis na po ako, baka hinahanap na ako ni mommy. Tumakas lang kasi ako kahapon para makipag sex kay Zayn. Bye po! See you around." Anito at tumakbo palayo sa akin.
Nang hindi ko na siya makita, pumasok na ako ulit sa gate bitbit ang watering can para ibalik sa lalagyan nito. Pagpasok ko sa bahay ay pumanhik kaagad ako sa kwarto ng kambal para gisingin ang mga ito. Pero wala akong Janisse at Jaiden na nakita pagpasok ng kwarto. Tanging ang magulong higaan lang ng dalawa ang nandoon.
"Janisse? Jaiden?" Tawag ko sa kanila habang naglalakad papunta sa banyo. Binuksan ko ito pero wala akong kambal na nadatnan doon. Sunod kong pinuntahan ay ang closet pero wala pa rin sila doon pagpasok ko. "Bumaba na siguro sila." bulong ko habang papalabas na kwarto.
Pumunta naman ako sa kwarto ni Jonas para gisingin din ito. Ngunit wala din akong Jonas na nadatnan doon. Lumabas na lang ako ng kwarto at bumaba papunta sa salas ng bahay. Ilang minuto ko pa 'yong hinanap dahil hindi ko pa saulo ang kabuuan ng bahay. Marami kasing kwarto at pasilyo dito kaya nalilito ako sa daan.
Hindi nga ako nagkamali, nandoon silang tatlo sa sala at nanonood ng paborito palabas ng kambal na PJ Mask yata ang pamagat. Nakakandong si Janisse kay Jonas habang si Jaiden naman ay nakaupo sa kabilang dulo ng sofa. Pumwesto ako sa likuran ni Jaiden at walang imik na ikinulong ang kanyang mukha sa kamay ko at pinatingala ito. Hinalikan ko ang tungki ng kanyang ilong kasunod ang kanyang noo.
"Good morning, kuya." Ang bati ko dito. Pinigilan niya mukha ko sa pag-angat at ikinulong rin ito sa pagitan ng kanyang mga kamay bago ako hinalikan sa pisnge.
"Good morning din po, mama." Ang walang kangiti-ngiti nitong bati sa akin. Bukod sa hindi ito mahilig ngumite, habit na talaga niya ang sumimangot tuwing umaga.
"Da, ikiss mo rin po ako!" Ang paglalambing ni Janisse. Mahina akong napatawa ng ngumuso siya sa direksyon.
"Lapit ka dito, nak." Ang tawag ko sa kanya. Ayoko namang halikan siya habang nakakandong kay Jonas at baka masuntok pa ako nito sa mukha ng dahil sa inis.
"Daddy, bitaw ka po." Ang utos ni Janisse sa ama habang hawak-hawak ang braso nitong nakapulupot sa kanyang bewang.
"Just let him come near us." Anito habang nakatuon pa rin ang buong pansin sa hawak-hawak nitong cellphone.
"Da..." Ang nakasimangot na tawag ni Janisse sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang lumapit dito at yumuko. Madali lang naman maabot ang mukha nito dahil nakatagilid ito ng upo habang ang mga paa ay nakapatong sa puting sofa. Ayokong nagtatampo ang isang 'to dahil ang hirap nitong amuhin.
Hahagkan ko na sana ang noo niya ng biglang yumuko ang bubwit kong anak.
Pakiramdam ko tumigil sa pag-ikot ang mundo ng dumapo ang labi ko sa medyo magaspang na pisngi ni Jonas dala ng tumutubong balbas dito. Nanlalaki ang mata kong inilayo ang mukha ko palayo sa kanya. Mabilis akong tumalikod at napasapo sa labi ko.
"S-sorry, Jonas." Ang paghingi ko dito ng pasensya. Nakatalikod pa rin ako dito dahil natatakod ako sa reaksyon niya.
"Apology not accepted. If you want to apologize face me properly. You don't turn your back on someone when you're giving an apology." He said flatly.
And you don't turn your back on someone who's going to give a sincere apology.
Humarap ako sa kanyang likuran at napatungo. "I'm sorry. It was an accident...hindi ko sinasadyang hal—"
"Apology accepted. Paliguan mo muna ang mga bata bago tayo kumain. We're going out after." Ang utos niya matapos akong putulin sa pagsasalita ko. Mariin akong napakuyom sa kamao ko. Nakakainis! Ang sarap kutusan ng lalaking 'to.
"O-okay." Ang sagot ko nalang dito.
"Janisse, Jaiden, go up to your room and take a bath." Ang pagtawag niya sa dalawa. Tumango ang kambal at bumaba sa sofa. Naunang bumaba si Jaiden at inalalayan si Janisse sa pagbaba mula sa kandungan ng ama.
Kumapit sa magkabila kong kamay ang dalawa pagkalapit sa akin. Tahimik kaming naglakad tatlo papunta sa may hagdanan.
"Nak, 'wag mo ng gawin ulit 'yon, okay? Hindi 'yon nakakatuwa, Janisse." Ang sermon ko dito. Nakayuko pa rin ito pero humigpit ang kanyang kapit sa kamay ko.
"Sorry po, dada."
"Very good." puri ko dito bago ko pinisil ang kanyang kamay na nakahawak sa akin.
Tumunog ang doorbell bago pa ma. kami makahakbang pataas sa hagdanan. Iniwan ko muna sila Janisse doon para puntahan ang pinto. Bahagya akong yumuko para buksan ang video doorbell camera na nakakabit sa gilid ng may kalakihang pinto at tingnan ang tao sa labas.
"That's probably Dr. Montseratt" Napalingon ako kay Jonas na nakatayo sa likuran. Halos magkadikit na ang harapan niya sa likuran ko ng mas lumapit pa ito sa akin.
Umayos ako ng tayo ng maramdaman ko ang kanyang braso sa gilid ng aking mukha. I was so tensed while he was typing the door code na hindi ko na nagawang umalis sa harapan niya.
"Go up and don't look at the door." Bulong niya sa tenga ko bago lumayo.
But I didn't follow him, tiningnan ko lang ang likuran niyang papunta sa pinakaharapan ng pinto.
Mukhang tama nga yata ang sinabi kanina ni Migo na maraming gwapo dito sa isla.
"Oh wow..." Ang mangha kong sabi habang nakatingin sa lalaking kakapasok lang. Hindi alintanang napalakas pala ang pagkakasabi ko nun.
Agad na namula ang mukha ko ng pareho silang napatingin sa akin. Jonas was glaring hard at me while the other one was giving me the sexiest smirk I have ever seen in my entire life.
"Go up, Denisse. NOW." Jonas commanded me with his deep, authorative voice. Hindi ako nakaalma dito.
Wala na ang mga bata sa hagdanan kaya sa palagay ko ay nauna na itong umakyat sa itaas.
"Damn you, bro! He looks so fucking cute. You should've let him stay para ganahan naman akong gamutin ka. Pinsan mo ba 'yon? Do you have his number?" Ang narinig ko pang tanong nito habang paakyat ako sa itaas. Napailing nalang ako.
Pagkarating ko sa kwarto, nagkakagulo na ang dalawa sa banyo. Nagbabasaan ba naman ng tubig galing sa bathtub.
"Janisse! Ikawng bata ka, magdahan-dahan ka nga muna at may sugat ka pa. Ikaw rin kuya, wag muna kayong masyadong magalaw dito sa banyo." Ang paalala ko sa dalawa. Nakinig naman sila sa akin kaagad at tumigil na rin sa paglalaro.
Tinulungan ko silang magsabon at shampoo para hindi kami magtagal dito sa banyo. Pati ako ay nakiligo na rin. Pasado alas otso na ng umaga at nag-aalala ako na baka malipasan ang dalawang 'to ng gutom. Pagktapos nilang maligo ay ginamot ko muna ang mga sugat nila bago dinamitan.
Isang pares ng floral print shirt at white pants ang pinasuot ko kay Janisse at Jaiden. Ang kulay lang ng damit nila ang magkaiba, itim ang damit ni Jaiden at puti naman kay Janisse. Pinaresan nila ito ng puti ring sapatos na binili Jonas. Lahat ng mga gamit na binili niya sa mga bata ay tamang-tama ang sukat. Pati rin yong mga gamit ko.
"Ma, gusto ko pong bun 'yong hair ko." request ni Janisse habang pinapatuyo ko ang buhok ni Jaiden.
"Sure."
Pagkatapos naming mag-ayos tatlo inaya ko na silang bumaba. Simpleng puting t-shirt at pink na sweatshort lang ang suot ko.
Pagbaba namin nakasalubong pa namin sila Jonas at si doc. Mukhang papaalis na ang huli.
"Hi! I'm Adrian Mont—" Iaabot sana ng gwapong doctor ang kamay sa akin ng harangan ito ni Jonas.
"Umuwi ka na Montseratt." Pagtataboy ni Jonas dito.
Pero mukhang hindi natatakot ang lalaking 'to kay Jonas dahil nagawa pa nitong tumawa. "I'll see you when I see you...?" mukhang hinihintay niya yatang sabihin ko ang aking pangalan.
"Denisse po,kuya!" si Janisse na ang sumagot.
"Denisse. Goodbye." Kumaway pa ito bago lumabas ng tuluyang lumabas ng bahay.
Walang ekspresyon ang mukha ni Jonas ng hinarap niya kaming tatlo. He looked seemingly calm, but I could feel a cold and dangerous aura pulsed around him. Ramdam ko ang saglit na takot ni Janisse. Napahigpit kasi ito ng kapit sa akin. Ang ikinagulat ko lang ay noong bumitaw ito sa akin at tumakbo papunta kay Jonas. Niyakap niya ang paa nito, tumingala at binigyan ng matamis na ngiti ang ama.
"Daddy, don't be upset po mas gwapo naman kayo do'n eh. His eyes are very big po and he's smaller than you. I don't like his hair too." Ang pampalubag loob na sabi ni Janisse.
Tinaasan ito ng kilay ni Jonas at binigyan ng isang maliit na ngiti. "I'm not upset but you have good eyes, angel." Anito at inakay si Janisse papunta sa kusina. Lumingon si Janisse sa amin at ngumise.
This cunning little angel. Ewan ko nalang sa batang ito.
-
Itinigil ni Jonas ang sasakyan sa isang two-storey mall. Merong mangilan-ngilang tao ang pumapasok at lumalabas mula doon. Some of them looks so simple and casual pero alam kong hindi lang sila mga ordinaryong tao.
"Tayo na." Aya sa amin ni Jonas.
Tinanggal ko ang seatbelt ng dalawa at tinulungan silang bumaba. Naunang naglakad papasok si Jonas at kami naman ay parang masunuring tuta na nakasunod sa kanya.
"Anong una niyong gustong gawin? Do you want to buy your toys and things first? Or mag-grocery muna tayo?" Biglang tanong sa amin ni Jonas. Niyuko ko ang dalawa na nakatingala pa rin sa akin. Tinanguan ko sa kanila para sabihing sila ang ang masusunod.
"Toys po." Ang excited na sagot ni Janisse. Napakapit pa ito sa kamay ni Jonas.
"Yo! Jonas, Anong nangyari sayong gago ka? At sino to? Anak mo? Pasikreto ba kayong nagkaanak ni Shanice?"
Nanlaki ang mata ko ng makita ang taong tumawag kay Jonas. Malakas na kumabog ang puso ko ng makita ito. Pakiramdam ko pumunta lahat ng dugo ko sa aking ulo. Leon Val Alfar. The fucking shit who asked his uncle to drug me.
Bahagya kaming lumayo ni Jaiden dito. Mabuti nalang at naisipan kong magdala ng cap kanina. Iyon ang isinuot ko at maiging itinago ang muka.
Tumingala si Janisse kay Leon at naluluha itong tiningnan. This feels like deja vu. I wanna pull the twins out of here and prevent them from hearing another painful rejection.
"Sorry po, akala ko po ka——"
Hindi natapos ang sasabihin ni Janisse dahil sinapawan ng malaking boses ni Jonas ang maliit nitong boses.
"He's my kid and you better keep your mouth shut, Alfar. Sa kabaong ang bagsak mo kapag ipinagkalat mo 'to. I will keep an eye on you. Ayusin mo yang mga galaw mo." banta niya dito. Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ni Leon. I can no longer find his usual arrogant aura and fake friendly smile. Just a scared little mouse.
Nilingon kami ni Janisse na may malaking ngiti. He just showed me his precious gummy smile. Nakita ko ring ngumite si Jaiden dito.
Is this real? Is this really real? Hindi niya dineny si Janisse di ba?
-----------------------------------------------------------
Hello bello guyses! This is my compensation for my mistake yesterday. Pasensya na po kung naconfuse kayo sa huling parte ng chapter gawa ng pagkahalo ng POV ni Denisse at ng third person. Lutang na lutang lang po ako kahapon hahaha. Sorry po! Hahaha.
Saka all out na update na ako dahil baka huling update ko na next week. Lifeline na kasi ng load ko na ibinigay lang din aa akin ng mga readers dito. Huhuhu! Thank you po. Baka wala na po talaga akong update update hanggang ngayon kung hindi dahil sa inyo.
Baka pag nakatrabaho na ulit si papa pa ako makapag load ulit. Ayon lang po! Love you all! Mwuah mwuah! Chup chup! Ciao!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top