17

Denisse Gonzales-Juariz

"Nag-enjoy ba kayo, nak?" Ang nakangiti kong tanong sa kambal habang pinupunasan sila gamit ang malambot na tuwalya. Kakatapos ko lang kasi silang linisan.

"Opo, dada!" Ang nakangiti ring sagot sa akin ni Janisse.

"Eh ikaw, kuya?" Ang tanong ko kay Jaiden na tahimik lang na nagsusuot ng kanyang damit.

Mabuti nalang talaga at mga de-butones at malalambot ang mga biniling damit sa kanila ni Jonas. Hindi sila mahihirapang magpalit-palit dahil sa nga sugat nila.

Bago pa man makasagot si Jaiden, pumasok na si Jonas sa kwarto namin ng mga bata na nakahubad sa pang-itaas. Tapos na siguro itong icheck-up ng doctor na pinatawag kanina ni Francis. Mukhang napalitan at nalinisan na rin ang kanyang sugat.

"Janisse, come here angel" Tawag niya sa bunso namin na sinusubukang ibutones ang kanyang pajama shirt.

Tumingala si Janisse dito, ngumite at tumakbo papalapit sa kanya ng nginitian niya pabalik si Janisse. Agad kung iniwas ang paningin ko sa kanya dahil bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko pagkasilay sa mga ngiti niya. Ang gwapo talaga. Kainis.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtulong kay Jaiden sa pagdadamit.

"Ma, mali po 'yong pagkakabutones niyo." Hawak-hawak ni Jaiden ang kamay ko, pinipigilan ako sa pagbutones sa huling butones.

"S-sorry." paumanhin ko dito at muling binuwag ang mga namaling butones.

"It's fine, ma." nagawa pa niyang i-pat ang ulo ko. Nakaupo kasi ako sa sahig kaharap siya. Mahina nalang akong natawa. "I had fun awhile ago, mama. It's my first time not punching someone in a group." ang dagdag nito.

Napailing nalang ako sa sagot ni Jaiden. Kanina kasi ay hinayaan sila ni Jonas na makipaglaro sa mga batang naglalaro di kalayuan sa bahay ni Jonas. Anak daw 'yon ng mga tauhan sa isla na dito na nakatira. Sa harap lang naman  ng bahay niya ito naglalaro kaya hindi ako gaanong natakot. Hindi pa kasi sila pwedeng magtampisaw sa tubig. Hindi rin naman masyadong physical ang nilalaro nila, inilabas kasi ng kambal ang mga laruan na ibinigay sa kanila ni Jonas at Francis. Naglaro pa sila hanggang alas syete dito sa loob ng bahay ni Jonas.

"Sana wala ng susunod, Jaiden. Hindi sa lahat ng pagkakataon gagamitan mo ng kamao ang mga kaaway mo. Be more patient anak, ha? Ayaw na ayaw kong nakikitang may pasa ang gwapo mong mukha." Ang paalala ko dito bago siya hinalikan sa pisngi. Tumango lang ito sa akin.

Pagkatapos ko siyang palitan ng damit, sinimulan ko ng pulutin ang mga saplot nila na nakakalat sa sahig. Si Jaiden naman ay pumunta sa may study table para tapusin iyong cube na ibinigay sa kanya ni Francis.
Saglit ko pang sinulyapan sila Jonas at Janisse. Nakakandong si Janisse kay Jonas habang may pinapanood sila sa cellphone nito.

Kakaibang saya ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to pero alam ko rin namang nakakatakot na sakit ang kapalit nito. This is what I've ever dreamed of. This is what my children deserves. Ito 'yong ama na pilit kong hinihingi sa Diyos para sa mga anak ko. But he gave it to me with conditions and expiration date.

"Do you like your room, baby?" Ang narinig kong tanong ni Jonas kay Janisse. Naaalala ko tuloy 'yong tanong niya sa akin kaninang umaga.

"Yes po, daddy! Parang 'yong bed sa room ni dada at tito Miggy."

Mariin nalang akong napapikit sa isiniwalat ni Janisse kay Jonas. Itong batang 'to talaga naman, oo.

"Their. room." Ang may diing sabi ni Jonas. Hindi naman ito tanong pero sumagot pa rin si Janisse.

"Opo, parang kayo ni dada noon. 'Yong share kayo ng bed." Anito kaya napakagat nalang ako ng labi ko. Matapod kong damputin ang brief ni Janisse nagmamadali akong pumasok sa paliguan nila at inilock ang pinto nun.

Inilagay ko sa basket ang mga maruming damit at napag desisyon na maligo nalang din. Baka wala na si Jonas paglabas ko mamaya. Binagalan ko talaga ang pagsasabon ko.

"Dada? Matagal ka pa po? Magsle-sleep na po kami." Ang narinig kong sigaw ni Janisse sa labas.

"Mauna na kayo, nak. Tatabi ako sa inyo mamaya pagkatapos ko dito." Ang sabi ko dito pagkatapos kong pahinaan ang shower.

"Okay po, dada! Ako sa right side magsle-sleep, dada ah!?" Ang muli niyang tanong na lihim kong tinawanan. Ang kulit talaga.

"Mmm! Opo, mahal na prinsipe!" Ang nakangisi kong sagor at muling pinaandar ang shower.

"Okay! Take your time po!"

Halos magda-dalawang oras din ako doon sa banyo. Ginawa ko na lahat ng pwedeng gawin doon, maliban nalang sa ehem. Na ahit ko na ang lahat ng pwedeng ahitin, naghilod, nag- toothbrush at ibinabad ang katawan sa magarang bathtub dito. May mga scented oil kasi sila kaya sinubukan ko. Lapat na lapat na ang amoy ng vanilla at rose sa katawan ko.

Napatalon at muntikan na akong mapatili ng makitang nandoon pa rin si Jonas sa kama. Nakasandal ito sa headboard ng kama habang may tinitipa sa kanyang laptop na ngayon ko lang nakita. Nakasuot pa ito ng salamin na nagbibigay sa kanya ng kakaibang appeal. Katabi pa rin niya ang kambal na mahimbing na natutulog.

"J-Jonas..n-nandito ka pa pala." Napahigpit ang kapit ko sa suot-suot na bathrobe.

"You done?" Sinulyapan niya ako saglit bago muling ibinalik ang paningin sa kanyang laptop.

"Ah...oo." Muli akong tumalikot at mariing napapikit. Suminghap ako ng hangin at tahimik iyong pinakawalan.

"Magpalit ka na ng damit at sumunod sa kwarto ko."

"Huh? Bakit?" Muli akong napaharap sa kanya at naguguluhang hinintay ang kanyang sagot.

"Doon ka matutulog." Aniya habang patuloy pa rin sa kanyang ginagawa sa kanyang laptop.

"Ayoko. Malaki naman ang kama, kasya kaming tatlo. Dito na lang ako." Ang mariin kong pagtanggi.

Tumigil siya sa kanyang ginagawa sa laptop at isinara iyo. Tinanggal niya ang kanyang salamin at hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. I'm fidgeting on my place. "Malikot matulog ang dalawa."

"E-edi sa ibang kwarto ako matutulog. Marami ka namang guest room dito." Despirado kong banggit dito. I don't know if I'm seeing right but I think I just saw his face grimmed from my answer.

Oh baka assuming lang ako like I always am this past years.

"No, I haven't cleaned those rooms yet. The security cameras aren't activated too." Aniya at dinampot ang kanyang cellphone sa lamesa na katabi ng kama.

"Ganun ba? Baka mapano kasi yang sugat mo. Malikot akong matulog hindi mo lang napapansin. Doon na lang ako tatabi kay Fran—." Naputol
ang sasabihin ko ng pabagsak na ipinatong ni Jonas ang cellphone pabalik sa lamesa.

"NO," Dumagundong ang kanyang malaki, mababa at nakakatindig-balahibong boses sa buong kwarto. "And that's final. Bilisan mong magpalit ng damit at wag kang makulit."

Napakuyom nalang ako sa aking kamao at pinakalma ang sarili para maiwasang mabulyawan itong lalaking 'to.

Nakapalumbaba akong pumunta sa halos walang laman na walk-in-closet. Kumuha ako ng maluwag na t-shirt at pajama. Paglabas ko ng closet nakatayo na si Jonas bitbit ang kanyang laptop sa isang kamay at ang isa ay inaayos ang kumot sa mga bata. Hinalikan niya pa ang noo ng dalawa.

"Let's go." Aniya at naunang lumabas ng kwarto.

Tahimik akong sumunod sa kanya papasok sa kwartong katabi lang naman ng kambal.

Kasinglaki lang naman ito ng kwarto ng kambal kaso lalaking-lalaki talaga ang aura ng kwartong ito. Ang amoy ay Jonas na Jonas talaga. I can even smell the scent of cigar here.

"Matulog ka na, tatapusin ko lang 'to." Aniya at umupo sa kanyang study table na organize na organize ang mga libro at papeles. Maayos ring nakadikit ang mga notes sa isang board doon.

"Hmm..good night."

Even though Jonas is lacking as a father hindi ko naman maikakailang isa siya sa pinakamagaling na gobernador sa bansa. Gamay na gamay nito ang kanyang trabaho at hindi talaga pinapabayaan ang kanyang mga nasasakupan. Nakikita rin ng mga tao na may pinapatunguhan ang mga pera nila dahil sa mga proyekto nito.

Humiga na ako sa malambot na kama. Sumiksik talaga ako sa pinakagilid para malayo sa kanya.

Third Person POV

Hindi maiwasang mapahikab ni Jonas ng makita ang orasan na nakapatong sa kanyang lamesa. Hindi niya namalayan ang mabilis na paggalaw ng oras dahil masyado siya nakatutok sa pag-aayos ng trabahong ipapasa sa kanyang bise-gobernador na ngayon ay acting governor na ng kanilang lungsod.

Pinatay niya ang laptop at marahang minasahe ang leeg na nananakit.

"Fck.." daing niya ng maramdaman ang daglit na sakit sa kanyang tama.

Tahimik siyang umupo sa kama at nilingon ang asawang mahimbing na natutulog. Nothing changed in his heart, nandoon pa rin ang inis at galit sa asawa. Ngunit unti-unting nagbabago ang kanyang dahilan. There's also this growing fear in his heart. Takot na hindi niya aakalaing muli niyang mararamdaman. He thought he has everything under control but the moment Denisse came into his life, his calculated and perfect life started to crumble.

Hinila niya ito papalapit sa gitna bago inayos ang pagkakahiga at ang pagkakakumot nito. Umayos na rin siya ng higa sa tabi nito, kaunting distansya lang ang kanilang layo.

He hates Denisse. And he hates the fact that this guy is the only one who can give him a peaceful sleep. Ngunit ito rin ang dahilan kung bakit bigla nalang mati-trigger ang kanyang trauma. He had to deal with his panic attacks secretly because he don't want them to see his vulnerable sides.

Hindi maaaring makita nino man na mahina ka dahil gagamitin nila ito laban sa'yo. Iyon lagi ang sinasabi sa kanya ng dalawang matandang lalaking kanyang kinalakihan.

Kapag ipinipikit na ng kanyang asawa ang mga mata nito at tahimik lang na natutulog sa kanyang tabi doon lang din siya nakakatulog ng maayos.

He liked him better if he's asleep. He hates him less if he's asleep. Dahil para itong anghel kapag natutulog. He looked totally different from Keanu when he's asleep.

Tumagilid siya paharap dito at pinagmasdan ang maamo nitong mukha. Biglang pumasok sa isipan niya ang sinabi ng mga kapatid habang nasa ospital pa sila. He had it in his mind since then.

"Kuya, why don't you try to consult a psychiatrist again? We don't know what happened to your consultation back then but we do know you're not fine, Kuya." Ang suhestyon sa kanya ng kanilang bunso.

"They told me I'm fine." Ang sagot niya dito at mariing pumikit dahil kumirot na naman ang kanyang sugat.

"You're not fine, Jonas. You were never fine to begin with. Lalo na nung marinig namin ang kwento mo. At sa tingin ko ay may kinalaman si lolo sa lumabas mong results." muli siyang napamulat at napatingin sa kapatid na si Nathan.

"Anong kinalaman ni lolo dito? At sino sa dalawang gurang?" Ang nagtatakang tanong ni Francis dito.

"Si Navarro, mom's dad. Nakita ko siyang pasekretong bumisita sa hospital a day before Jonas's first consultation. Hindi ko na rin siya tinanong tungkol doon dahil ayokong makipag-usap kay satanas. Kinakailangan ko na rin kasing lumipad pabalik sa paaralan ko nun. Sinabi rin ni mama na okay ka na naman daw kaya hindi ko na muling in-open up ang topic tungkol doon." ang pagkwe-kwento ni Nathan sa kanila.

Hindi maiwasang mapaisip ni Jonas na baka tama ang sinabi Nathaniel. Na baka nga may mali sa kanya but he just keep on denying it. He was taught to deny such things. Ilang taon pagkatapos ng aksidente sa kanilang pamilya, lumabas ang tunay na kulay ni Navarro na akala niya ay naiiba sa ama ng kanyang ama. He finally saw the greedy demon behind that warm fatherly smile.

Bago siya tuluyang hinila ng antok napatanong pa siya sa sarili:

Did they make a perfect leader out of me? Or have they turned me into a demon?

Kinabukasan maagang nagising si Denisse na nakayakap kay Jonas. Mabuti nalang at ang braso nitong walang sugat ang kanyang niyakap at hindi ang may sugat.

Hindi na naman bago sa kanya ang ganitong senaryo dahil ganito kadalasan ang nabubungaran niya. Mabuti nalang at maaga siyang nagigising kaya hindi siya inaaway ni Jonas tungkol dito. Mabilis na lamang siyang umalis sa higaan para maghanda.

Chenick muna niyang ang kambal bago bumaba para ihanda ang kanilang pananghalian. Nadatnan niya roon si Francis na mukhang galit.

"May problema ba, Francis?" Ang nag-aalala niyang tanong dito.

"Nagkaroon ng problema sa kompanya and they need me there. Nakatakas rin ang isa sa mga nag-ambush kay Ian at pinatay ang dalawa niyang kasamahan." Aniya. Bakas ang frustration sa kanyang boses.

"Anong gusto mong inumin o kainin?" Ang nakangiti niya tanong dito.

"Milo na may maraming ice at bread with peanut butter." Ang nanlulumo nitong sagot.

Minadali niya ang kanyang kilos at ginawa ang mga gusto niyang inumin at kainin. Ganito kasi ang ginagawa niya kina Jaiden at Janisse kapag malungkot o naiinis ang dalawa. Binibigyan niya ng pagkain para kumalma.

"Heto." Inilapag niya sa kanyang harapan ang kanyang request at ngumite.

"Wow! Ambilis naman. Thanks, Den!" Ang kaninang nakasimangot nitong mukha ay napalitan ng ngiti at lumiwanag.

"Being the youngest must be tough no?" Tanong niya dito habang sinusuot ang apron.

"Hell yeah! Lalo na kapag kapatid mo ang apat. Napaka-bossy ng mga hayop lalong-lalo na si Nathan at Jonas. A lot of people are dying to serve me pero ginagawa lang akong personal na alalay ng mga demonyo." Ang may pagkamahangin nitong reklamo sa kanya. Mahina siyang napatawa at napailing. He can already imagine his struggles.

"You're very tough! Kung may maitutulong ako sa'yo don't hesitate to tell me. I'm willing to help in any way I can." Ang sabi niya dito habang inilalabas ang kanyang mga lulutuin.

"Thanks, Den. Ang bobo ni Jonas no? May ginto na nga siya, ipinagpalit pa niya sa bato." Ang nakangisi nitong sabi sa kanya na ikinatawa ni Denisse.

Marami pa silang napagkwentuhan dalawa. At hindi niya maiwasang mamangha sa lalaki habang kausap ito. Ibang-ibang Francis ang nababasa niya sa balita sa Francis dito sa harapan niya at nakakausap. Natigil lang ang kanilang kwentuhan ng tumunog ang cellphone niya. Nagpaalam muna ito sa kanya saglit para sagutin iyon.

"Okay ka lang?" Tanong niya pagbalik nito.

"I really need to go back to Manila, Den. Ikaw na ang bahala kay kuya at sa mga pamangkin ko." Anito sa nagmamadaling tinig bago nagtatakbong umalis sa kanyang harapan.

Nakapalumbaba siya g napaupo sa isang stool doon.

Ayoko ng maiwan sa isang bubong na kasama si Jonas. Gusto kong sumama dito pabalik sa Manila.
-----------------------------------------------------------
Hi guyses! Nakakalungkot ang araw na 'to. Huehuehue. Nag shutdown ang ABS-CBN!!!😭😭😭 Lumaki ako sa mga palabas doon at hindi ko maiwasang maging emotional. Char! Hahaha! Eh kasi naman, parang shinut-down rin nila 'yong mga magagandang ala-ala mo. Ayon lang. Nagdrama lang ako hahaha! Iniwis, pagpasensyahan niyo na po ang chapter na ito hahaha! Thank you all! Mwuah mwuah! Chup chup! Ciao!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top