11
Denisse Gonzales
"Anak, 'wag nga muna kayong masyadong maglikot. Gumagaling pa mga sugat niyo eh." Saway ko sa dalawa habang nililinis ang hospital room nila.
"Si tito Miggy kasi, dada eh! Kinikiliti niya po kami kapag nananalo siya sa bato-bato pick!" Nakangusong sumbong sa akin ni Janisse na tinawanan ko lang.
"What? Why me? 'Yon kaya usapan natin, baby! Rules niyo 'yon ni Jaidn eh." pabirong sabi ni Miggy dito habang mahinang tumatawa.
"Akala kasi namin hindi ka marunong. Hahaha! Tito pitikin ka nalang namin sa kamay." Mahina na lang akong napatawa sa kakulitan nilang tatlo.
"Miggy..." pabanta kong tawag dito at mahina siyang pinalo sa braso gamit ang hawak-hawak kong stick na itatapon ko na sana. "Kapag ang mga sugat niyan napano ikaw talaga ang sunod na mahihiga sa hospital bed."
"Sorry na po, mahal na hari na may pusong prinsesa." Tukso niya sa akin kaya kinurot ko na talaga sa tagiliran.
"Aray! Aray! Den, Sorry na!"
Ng makitang nasasaktan na talaga siya ay doon ko lang binitiwan ang balat na nakaipit sa pagitan ng mga koko ko. Mangiyak-ngiyak naman niyang hinagod ang kanyang tagiliran.
"Grabe ang brutal mo sakin tas hinahayaan mo lang 'yong asawa mo na apihin ka." sapo niya pa rin ang parte na kinurot ko.
"Ewan ko sayo. 'Di ba may lakad ka ngayon? Hindi ka pa ba aalis?" Tanong ko dito.
"Ganyan ka na ba ka atat na mawala ako sa buhay mo? I've been away for too long tas ngayon pinagtatabuyan mo ulit ako." Ang madrama niyang sagot sa akin. I just rolled my eyes at him at pinagpatuloy sa pagtapon ng mga basura sa trashcan.
"Ewan ko sa'yo Ayala."
"I was just kidding. Aalis na ako kapag sinundo na kayo nung Francis."
Apat na araw na kaming namamalagi dito sa hospital. So far, mabilis naman ang recovery ng dalawa. Patuloy pa ring minomonitor si Janisse dahil sa abnormal na pagbilis at paghina ng tibok ng puso niya kahapon. Sign daw ito ng Arrhythmia. Sabi ng doctor ay baka na trigger daw ito sa nangyaring aksidente. Hindi pa naman ito life threatening pero kailangang palagi siyang bantayan lalo na't mahina ang puso niya.
Ngayong araw ding ito napag desisyonan nila Francis at Nathan na bisitahin namin si Jonas. Sila kasi ang nakatokang magbantay dito ngayong araw. Mas desidido na ako ngayong tuluyan ng makipag hiwalay dito dahil kay Janisse. Gusto kong pumunta sa US at doon na manirahan. Mas advance kasi ang mga hospital nila doon. Isa pa, doon na rin in-assign si Miggy ng mga magulang niya after nitong bakasyon niya. Si Henry din ay doon daw mamamalagi temporarily dahil sa bagong bukas na branch ng kanyang kompanya. Si Maricel ay doon din nagta-trabaho.
"Tito Miggy, when are we going back to your house? Gusto ko ng makita sila Shaun at Pier. Tapos ko na rin pong sagutan 'yong book na ibinigay niyo." Narinig kong tanong ni Jaidn dito. Sila Shaun at Pier ay ang mga aso ni Miggy.
"Kapag magaling na si Janisse, bud. Just be patient okay?" Tumango lang si Jaidn dito at nagpatuloy sa paglalaro ng chess kasama si Janisse. Pinatigil na kasi sila ni Miggy.
Dumiretso ako sa pintuan dahil narinig kong may kumatok dito. Sila Nathan at Francis na siguro ito.
Hindi nga ako nagkamali. Pagbukas ko, isang nakangiting Francis ang bumungad sa akin dala-dala ang isang maliit at malaking boquet, fruit basker at isang paper bag.
"Good afternoon."
"Good afternoon din, Francis. Pasok ka." Aya ko dito at mas nilakihan pa ang bukas ng pinto para makapasok siya.
"Here, flowers for you." Inabot niya sa akin ang malaking boquet bago pumasok.
"Uncle Francis!" ang masayang tili ni Janisse at akmang bababa sa kanyang kama pero mabilis itong hinawakan ni Miggy.
"Baby, wag ka munang masyadong maglikot." saway nito dito.
"Sorry po, tito." Ang nakangusong paumanhin nito na nginitian lang ni Miggy.
"Hello, guys. Okay na ba kayo?" malambing na tanong ni Francis sa dalawa pagkalapit niya sa mga higaan nito.
"Yes, po. Pero sabi ni Doc Ma'am hindi pa daw ako pweding umuwi kina tito Miggy kasi hindi pa okay ang heart ko." Ang mahabang sagot nito. Napalingon sa gawi ko si Francis at tiningnan ako gamit ang nangungusap na mga mata.
"Sabi ng doctor ay baka Arrythmia daw. He had an episode of abnormal heart rhythm yesterday morning and night. Hindi naman daw life threatening but kailangan palakasin ang puso niya." Paliwanag ko dito. Tumango ito at humarap ulit kay Janisse.
"Don't worry, you'll get better angel. Here, flowers for you." Inabot nito dito ang maliit ba boquet ng flowers na ikinatuwa naman nito.
"Wow! Flowers for me! Thank you po." Ang masayang pasasalamat ni Janisse dito.
"Welcome, angel." ginulo muna ni Francis ang nakataling buhok ni Janisse bago hinarap nito si Jaidn na tahimik lang na nakamasid sa kanya."Hey buddy. Here's my promise to you. Hope you like it."
Inabot nito ang isa sa paper bag na dala-dala niya kanina kay Jaidn. Kinuha ito ng anak ko at nagpasalamat.
"Mama! It's a megaminx cube and gearball brainteaser!" Malakas na sigaw ni Jaiden na ikinabigla ko. Hindi ko pa siya nakitang ganito ka excited.
"You like it, little man?" Nakangiting tanong ni Francis dito.
Nahihiyang tumango si Jaiden dito at binigyan ang kanyang uncle ng isang maliit ngunit senserong ngiti.
"Jaiden, anak? Anong sasabihin mo sa uncle Francis mo?" Taas kilay kong tanong dito.
"Thank you po...uncle."
"You're welcome, bud."
Kinabukasan noong biglaan silang pumunta dito ay bumalik silang dalawa ni Nathan para magpakilala bilang mga tiyuhin nila Janisse at Jaiden. Madali itong natanggap ni Janisse pero walang reaksyon si Jaiden hanggang sa makaalis sila.
"Bro, this is the latest watch design our company had created. Ewan ko lang kong magugustuhan mo." Inabot ni Francis ang huling paper bag na hawak niya kay Miggy.
Nagulat ako ng malaman na magkaibigan pala si Miggy at Francis. Isa siguro ito sa dahilan kung bakit nalaman nila ang tungkol sa amin.
"Thank bro. Don't worry, I'll convince dad to consider your partnership proposal." Sabi ni Miggy dito dahilan para mapahalakhak si Francis.
"That's what I like about you, bro. Hindi ako talaga ako nagkamali sa pagkaibigan sa'yo. Buti at may silbi ka na sa mundo."
"Gago! Pasalamat ka at may utang na loob ako sayo." Ang natatawang sabi ni Miggy at ibinato kay Francis ang hawak-hawak na box ng relo.
"Yeah, yeah. Whatever. Ano na Denisse? Let's go to Jonas' room so you'll have longer time to talk." Aniya at kinarga si Janisse sa mga bisig niya.
"Sige. Jaiden, lika na anak." Tawag ko kay Jaiden. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Miggy, aalis ka na rin?"
Nilingon ko si Miggy at nakitang inaayos na nito ang suot na damit. Nauna ng lumabas si Francis karga-karga si Janisse.
"Yeah. Do you want me to buy you something along the way?" Tanong niya nang makalabas kami sa pintuan.
"Pabili ng vanilla cake please." Pakiusap ko sa kanya.
"Sure. Bye Jaiden. Mag behave kayo ng kapatid mo so we can go home tomorrow." Paalala nito dito at ginulo ang buhok.
"Yes po. Bye tito." Kinaway nito ang kanyang kamay kay Miggy.
Tahimik lang naming binabaybay ang daan patungo sa kwarto ni Jonas. Hinintay pa kami ni Francis sa may entrance ng isang lobby kung saan nakalagay ang Presidential suite. Hindi kasi kami makakapasok dito basta-basta dahil sa taas ng seguridad. Nakalagay rin ito sa 10th floor ng hospital. 'Yong kwarto namin ay first class private room kaya nasa 9th floor lang din ito.
Tinanguan pa ni Francis ang anim na lalaki na nagbabantay sa may entrance ng lobby.Kinapkapan muna nila ako at ang mga bata bago kami pinapasok.
Saglit lang kaming naglakad bago tumigil sa isang kwarto na gawa yata sa metal. Itinapat ni Francis sa isang facial recognition scanner ang mukha niya. Itinapat niya rin ang kanyang hintuturo sa isang fingerprint scanner at iniswipe na ang isang card sa isang card reader na nakadikit sa dingding at nagtype dito. Nalula ako sa grabeng security sa pintuan pa lang.
Pagpasok namin ay mabilis na bumaba si Janisse mula sa mga bisig ni Francis at nagsisigaw. Nakita ko ang bahagyang pagka gulat ni Jonas sa pagdating namin.
"DADDY! DADDY! DADDY I MISS YOU PO, DADDY!" Ang masayang sigaw ni Janisse dito at sinubukan pa nitong sumampa sa higaan ng ama.
Tumigil si Nathan sa pagta-type sa kanyang laptop at hinarap si Janisse. Tinulungan niya itong makaakyat sa kama ni Jonas. Umupo ito sa mga binti ni Jonas.
"Thank you po, Uncle Nathan."
"You're always welcome, baby." anito bago bumalik sa harap ng laptop.
Ngumite si Jonas dito at ginulo ang kanyang buhok."I miss you too, angel."
"Daddy, are you okay na po ba daddy?" Tanong ni Janisse dito habang nakatingin sa arm sling ng ama.
"I'll be if you kiss me on my cheeks." Nakangiting sabi ni Jonas kay Janisse na malugod na ginawa ng huli.
"Daddy, I'm sorry po if you got hurt because of us. Don't worry po, you won't get hurt again because of us kasi sabi ni tito Miggy siya na ang magpo-protect sa amin. Marami po siyang baril at sword sa bahay." Ang kaninang nakangiting mukha ni Jonas ay agad na naglaho.
"Denisse." Tawag ni Jonas sa akin sa nakalukot na mukha. "What is this about? Anong mga baril at sword? Are you exposing my kids to this kind of things." Tanong niya.
Mabilis akong umiling dito. Nasa akin na rin ang atensyon nila Francis at Nathan. Na-alarma din siguro ito sa sinabi ni Janisse.
"Hindi. Hindi sa ganun. Hobby kasi ni Miggy ang mag kolekta ng mga baril at espada. Nakasilid ang mga ito sa isang malaking vault. Minsan niya kasi itong pinakita sa kanila. Hindi naman sila nagagawi doon." Sagot ko pero tinitigan niya lang ako saglit bago muling itinuon ang pansin kay Janisse.
"Your tito Miggy doesn't need to protect you. I'm your dad so I'll be the one doing that. You understand?" Tanong nito kay Janisse na tinanguan lang siya.
"Jaiden, come here." Tawag niya kay Jaiden na tahimik lang na nakikinig sa kanyang kapatid at ama.
Lumapit ito sa kama ng kanyang ama kagaya ng sinabi nito. Kinuha niya ang isang upuan at hinila papalapit sa kama bago umupo doon. Sumenyas si Francis at Nathan na papasok sila sa isang kwarto na nasa loob dito.
"What is it...what should I call you? Gov? Sir? Dad? Or nothing?" Diretsahang tanong niya sa ama ng hindi kumukurap.
"Jaiden, anak..." I called out helplessly.
"I just don't want to cause him any problems, ma. Considering that he saved us, it's just my little compensation." Walang emosyong sabi ni Jaiden na ikinabigla ko. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin. I was left speechless.
"Son.." tawag dito ni Jonas at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga bago tinitigan si Jaiden. He looks as emotionless as Jaiden.
"I'm not your son. Me and Janisse are just your flaws that you don't want others to see. Ayaw mo kaming makilala ng ibang tao na anak mo because you don't want them to see your mistakes." Seryosong sabi nito but I could see that he's hurting. His eyes are telling me that hes's hurting. Because it's the reality that they're living in.
"Jaiden Nicholas!" Saway ko dito. Kahit tama ito sa mga sinabi niya ay mali pa ring nagsalita siya sa ganoong paraan sa ama niya. I thought them how to respect.
Natahimik ito at yumuko. "I'm sorry po."
Hindi ko alam kung bakit biglang naging ganun si Jaiden. I wonder kung anong nakapag-trigger dito.
"You're right. It's good that you voiced out your thoughts about me. I admit that I'm a bad father but that doesn't mean I don't consider you as my children. You guys are the only mistake that I will catch the bullets for." saad nito habang nakikipag sukatan kay Jaiden. "Let's not get too worked up over this. How are you both? I heard you had a head injury."
"Yeah, but I'm okay na po. Sabi ni doc, I don't have serious injuries." sagot ni Jaiden habang nakayuko.
"That's good."
"and d-dad...thank you for saving us." mahinang sabi ni Jaiden pero sapat na para marinig namin.
"Dada! Dumudugo ang tiyan ni daddy!" Ang umiiyak na sigaw ni Janisse habang turo-turo ang tiyan ni Jonas.
"Jonas!" Sigaw ko at mabilis na lumapit dito. Napalabas rin sila Nathan at Francis mula sa kwarto. "Oh my God! Jonas are you okay?!"
Kinuha ni Nathan si Janisse mula sa pagkakaupo sa mga hita ni Jonas.
"Dude, are you fine? I told you not to sit for too long. Alam mong may tama ka sa tiyan." Pinahiga muna nito si Jonas at itinaas ang suot nitong pajama shirt.
"Yeah, I'm fine. I just put too much pressure on my tummy." Ang humihingal niyang sabi. "Just change the bandage."
"Francis? Dumating na ba ang doctor?" Tanong ni Nathan kay Francis na nakaabang sa may pinto.
"Yes. He's here."
Pumasok ang isang lalaking doctor na nasa mga sixties niya. May kasama rin itong isang nurse. Umupo kami nila Jaiden at Janisse sa isang sofa doon dahil nahilo ako sa nakita kong dugo. Hindi pa ako nakaka recover sa nakita kong dugo kay Janisse. Yumuko ako at tiningnan si Janisse kung okay lang ba ito. Nakita ko ang panginginig ng kamay niya at ang pamumuo ng maraming pawis. Hinawakan ko ang kanyang maliit na kamay para sana pakalmahin. Paghawak ko dito ay sobrang ginaw ng kamay niya.
"Anak? Okay ka lang. Deep breath, Janisse. Exhale and inhale." Ang kalmado kong sabi dito kahit sa loob-loob ko ay kinakabahin na rin.
Baka kasi maapektuhan na naman ang pagtibok ng puso niya.
"Janisse, follow me oh." pinaharap ni Jaiden si Janisse sa kanya at ipinakita ang ginagawang paghinga.
Hawak-hawak nito ang kamay ng kapatid at mariing tinitigan sa mata.
Nakita ko ang dahan-dahang pagkalma ni Janisse and I never felt so proud before. Jaiden is such a responsible and mature kid.
Halos tatlong minuto rin silang dalawa sa ganoong posisyon bago humarap si Janisse sa akin at yumakap. Nakatingin lang siya sa kama ni Jonas habanh pinapalitan ang bandage nito.
"Dada, let's go home with daddy. Let's take care of him po until he's okay tapos pwede na tayong bumalik kay tito Miggy." Sabi niya habang nakamasid sa kakatapos lang gamutin na ama.
"H-hindi ko kasi alam kung gusto ng daddy mo. Baka wala na siya sa dating house natin tsaka baka rin dito lang siya hanggang sa gumaling na siya at makapag work. Dito kasi may doctors at nurse. Mas maalagaan nila ang daddy mo." Paliwanag ko sa kanya.
Lumabas na ang doctor at nurse sa kwarto ni Jonas. Tumayo na rin ako para ayain ang dalawa na bumalik na sa kwarto namin. Mukhang magpapahinga na kasi si Jonas.
"Aalis na kam—" magpapaalam na sana ako sa kanila ng putulin ni Jonas ang sasabihin.
"No. Let's go home. Go home with me."
Natuod ako sa kinatatayuan ko pagkarinig sa sinabi niya.
-----------------------------------------------------------
Halllooo guyssss! Sorry kung hindi ako nakapag-update kahapon super hina kasi ng signal at nagkaroon pa ng kaunting kasiyahan ang pamilya ko kahapon. Hindi ho ako makapag concentrate kasi ang ingay nila.
Isa rin sa dahilan kung bakit natagalan ako sa update ko dahil inaral ko pa ang pisteng arrythmia na yan hahahaha, ginogel ko rin kung paano palakasin ang weak heart muscle, if iba ba talaga ang weak hearr sa arrythmia or related lang siya, ilan ang maximum floor ng hospital, kung may presidential suite nga ba talaga sa hospital, kung kailangan ba ang arm sling, kung nagkakaroon ba ng mga bleeding after surgery ganun-ganun. Masaya naman siyang gawin hahaha may mga natututunan rin ako. Kahit hindi ako ganun kabihasa sa pagsusulat sinisikap ko talaga na maging as realistic as possible.
Ang chapter rin na ito ay may 2500+ word count hahahahaha oh em gee. Goal unlocked. Anyways, thank you po sa paghihintay ng mga updates hehe. Love you all mwuah mwuah! Ciao!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top