Special Chapter

Roan Dela Mercid

"Hello, Axel? Where are you? Papunta ka na ba?" Ang tanong ko sa kabilang linya.

I peeked outside the tinted window of my car para tingnan kung nasaan na kami ngayon. I heaved out a frustrated sigh nang matantong malayo pa kami sa aming patutunguhan.

"I'm on my way. Calm down. Don't stress yourself too much, sweetheart. Buntis ka." Ang paalala ng asawa ko sa akin. His voice is enough to calm me down.

Kahit hindi niya ako nakikita ay tumango pa rin ako. Hinimas ko ang aking tiyan nang maramdaman ko ang pagkirot nito. "Okay, mag-ingat ka. Love you."

"Love you too. See you later."

Ako na ang nagkusang putulin ang tawag naming dalawa. He might be driving his own car right now at sigurado akong hindi niya iyon ibaba kung hindi ko pa siya uunahan. As much as I want to talk to him, I want to meet him in whole later. Baka mapaanak ako ng maaga dahil sa inis mamaya.

Before I could place my phone inside my bag, muli na naman itong tumunog. I looked at the caller and saw that it was the same person who have called me a couple of times today.

"Hello, teacher Yeh?"

"Mr. Juariz, may I know if you're still coming today?" Her soft voice that I admired back then sounded so bad in my head right now.

"Teacher Yeh, malapit na po ako."

"Sige, sir, thank you."

Napahilot ako ng aking sintido matapos niyang ibaba ang tawag. Muli akong tumingin sa labas ng sasakyan habang hinihimas ang malaking umbok ng aking tiyan para ikalma ang sarili ko.

Papunta kami ngayon sa school ng panganay naming kambal dahil sa ikasampung pagkakataon sa school year na ito, nasangkot na naman sa gulo si Raze. Ika limang buwan palang ito ng pasukan pero ang bubwit na 'yon todo-todong sakit ng ulo na ang ibinibigay sa amin.

Raze and Rain are already in third grade. Ayaw silang ipasok ni Axel sa advance program ng school dahil gusto daw niyang maranasan ng mga 'to ang hindi niya naranasan dati. Hindi rin naman umalma ang dalawa.

"Sir, nandito na po tayo," anunsyo ni Rolan na driver at bodyguard ko.

Bubuksan ko na dapat ang pintuan sa side ko nang may magbukas nito para sa akin. Hindi ko kaagad nakita ang mukha nito, sa halip ay ang puti nitong dress shirt at itim na pantalon ang sumalubong sa aking paningin.

Bahagya itong yumukod dahilan para makita ko ang kanyang mukha. "Axel,"

Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin at tinulungan akong makababa sa sasakyan. Kinuha niya rin ang bag ko at isinukbit iyon sa kanyang balikat. He kissed my temple as he wrap his arms around my waist.

"I miss you," ang sabi niya sa malambing na boses.

"Miss you too. Pero may problema pa tayo. Kanina pa tayo hinihintay ni Miss Yeh,"  ang sagot ko sa kanya. There's already a smile on my lips.

Siya naman ngayon ang nagpakawala ng malakas na buntong hininga. "Ano na naman kaya ang ginawa ng kutong lupa na 'yon. Malilintikan talaga siya sa akin pag-uwi."

Hinampas ko ang mabato niyang tiyan nang sabihin niya 'yon. "Wag mong hahampasin ng sinturon. Sinasabi ko sa'yo, Axel."

Last month kasi ay tinodo niya ang pag-sinturon sa makulit na Raze ayon hindi siya pinansin ng ilang linggo.  Ilag ang bata sa kanya dahil natakot yata. Nasugatan kasi niya ito habang hinahampas ng sinturon.

Alam ko namang hindi niya sinasadyang masugatan ang bata. Saka hindi rin naman siya nanghahampas ng basta-basta na lamang. Dalawang beses niya lang nahampas ang dalawa. Napuno lang talaga siguro siya noong araw na 'yon.

Pinagtripan kasi ni Raze ang isa sa mga maid namin. Itinulak niya sa pool at sinampahan. Eh hindi marunong lumangoy iyong si Tere, ayon, kamuntikan ng malunod. Mabuti nalang at kaagad siyang nakita at natulungan ng asawa ko. Saktong bad trip rin sa trabaho si Axel sa araw na 'yon, kaya ayon. Nahampas niya ng todo-todo.

"Mr. and Mr. Juariz," ang tawag sa amin ng guidance counsilor pagkapasok namin sa guidance office.

"Mrs. Jennings," Pilit akong ngumite sa kanya nang salubungin niya kami at nakipag-kamay.

Saglit pa akong nagpalinga-linga sa loob ng malawak na opisina nang hindi ko makita ang anak ko.
Kadalasan ay sinasalubong kami nito nang yakap at isang matamis na ngite na akala mo walang masamang ginawa. Muli akong tumingin kay Mrs. Jennings na nakatayo pa rin ngayon sa aming harapan.

"Ang...Ang anak po namin?"

Ngumite siya matapos niyang ayusin ang kanyang salamin. Sinenyasan niya kaming sumunod sa kanya papasok sa isa pang pinto.

Pagpasok namin doon, agad kong nakita ang bubwit na si Raze na nakahiga sa tiled floor habang nanonood ng TV. Nakade-kwatro ito habang nakahiga at ang isang kamay ay naka-unan sa kanyang ulo. Iyong isa naman niyang kamay ay ang ginagamit niya para isubo ang chichirya sa kanyang tabi.

Pumikit ako at humugot ng hangin. Kumapit ako ng mariin sa braso ni Axel para kumalma.

"Relax. Don't stress yourself too much. Makakasama sa bata 'yan," ang paalala ng asawa ko sa akon habang hinahagod ang likuran ko.

"Alexander Raze," ang pagtawag ko sa atensyon ng anak ko.

Agad itong lumingon sa direksyon namin at ngumise. "Mama! Dad! Why are you here?"

Gumulong pa ito ng isang beses bago tumayo at pinagpagan ang puti niyang dress shirt at itim na slacks. Napahilot ako sa ulo ko nang mapansin kung gaano kadumi ang damit niya.

"Hindi ba't kami ang dapat na magtanong sa iyo niyan, Raze? What did you do this time!?"

Umasim ang mukha nito saka umastang nililinisan ang tenga gamit ang hinliliit niya. "I did not do anything, mama. Naging good boy po ako ngayon but they're making me a bad guy again."

And there goes his infamous puppy eyes and pout again. Palaging lumalambot ang puso ko kapag nagiging ganito siya sa akin but not this time.

"Mr. Juariz, please take a sit. Nandito na rin ang mga magulang ng isa pang student."

Lumingon ako sa likuran ko at nakita ang medyo may kalakihang ginang na sobrang sama ng tingin sa akin. Katabi niya ang isang chubby na baby boy na kumakain ng burger. Naka-ipit pa sa kili-kili nito ang plastic cup na sa tingin ko ay may lamang juice.   Tumabi ako nang maglakad ito papunta sa direksyon ko. Nilagpasan niya ako at naunang naupo sa sofa.

Pinaupo ako ni Axel sa isang one sitter sofa at saka naupo sa arm rest ng upuan. Ang anak naman namin ay tumabi pa talaga sa batang sa tingin ko ay ang batang inaway niya.

"Hoy, tabachoy, di ba friends na tayo? Bakit mo pinatawag mama ko ah?" Ang maangas na tanong ng anak ko sa katabi niya saka nito kinurot ang pisnge ng bata.

"Alexander!" Pinanlakihan ko ito mata.

Tumikhim ang principal para kunin ang atensyon naming lahat. Hindi na ito nagpaligoy-ligoy pa at agad na sinabi ang kawalangyaang ginawa ng anak ko sa kaklase nito. Palagi daw nitong tinatawag na tabachoy ang transferee. Sinusundan nito ang bata kung saan-saan para tawagin lang na tabachoy.

Nong kinausap daw ito ng teacher niya, sinabihan niya ito na itapat muna ang ulo sa aircon para lumamig. Tapos ito daw ang naglead sa buong klase na maglaro sila ng mannequin dance sa classroom, masyadong daw nitong nilakasan ang pagtapon ng sapatos kaya ayon, sapul ang TV.

"Sir, wala po talagang problema sa kanya kung sa academic ang pag-uusapan natin. Siya at ang kapatid niya ang nangunguna sa klase. Pero, sir, ngayon lang ako naka-encounter ng ganito kakulit na bata sir. I tried to give him a lot of activities dahil akala ko bored lang siya pero mabilis niya iyong tinatapos saka pagtri-tripan na naman ang mga kaklase."

Ramdam ko ang labis na frustration ni Teacher habang kini-kwento iyon. I feel bad. Pati rin naman ako ay nafru-frustrate din sa inaasal ng anak ko.

Matapos ang discussion namin sa loob ng principal's office. Maayos kaming nag-paalam sa kaklase niya at ina nito. Mabuti nalang at humingi siya dito ng patawad. Nagmano rin siya sa nanay ng bata bago ito nagpaalam.

Dinaanan muna namin ang kapatid niya na natutulog sa clinic at saka kami umuwi. Tahimik kaming lahat habang binabaybay namin ang daan pauwi.

Ako ang naunang bumaba sa sasakyan pagdating namin. Inabangan ko ang bubwit na si Raze at saka ito piningot sa tenga. Nakahawak lang ako sa tenga niya hanggang makapasok kami sa loob ng bahay.

"A-Aray! Aray, ma! ARAAAAYYYY, MAMAAAA!!"

"Aray-Aray!? Ha!? Papatayin mo ba talaga ako sa galit Alexander?! Saan ba ako nagkamali sa pagpapalaki sa iyo ha?! Did I do anything bad to you at ganito ang naging behaviour mo!?" Ang bulyaw ko dito matapos kong bitawan ang tenga niya.

"Gusto ko lang naman makipag-friends sa tabachoy na 'yon. Is that bad, mama?"

Namaywang ako sa harapan niya at huminga ng malalim.

"Raze, wanting to be friends with that kid isn't bad. Ang mali ay ang pagtawag mo ng tabachoy sa kanya." Pareho kaming lumingon kay Axel na nakaupo sa sofa at seryoso ring nakamasid sa amin.

"Tabachoy naman talaga siya, dad. You told me to be honest all the time."

"Raze, may pangalan ang kaklase mo. Bakit nagawa ni Rain na pumirmi sa upuan niya at rumespeto sa ibang tao at ikaw hindi?" Ang inis kong tanong sa kanya. "Simula noong grade one ka ilang beses na kaming pabalik-balik ng dad mo sa guidance at principal's office. Suking-suki na kami doon, Raze."

"Then don't! You don't have to come again, mama. You hate me right?! You hate me because I'm not like Rain! You hate me because I'm like this. You hate me because I always take up your time kahit may importante kayong trabaho ni dad. Galit kayo sa akin kasi papansin ako. You hate me! You hate me! You hate me! Fuck!" Ang sigaw niya bago tumakbo paakyat sa hagdanan.

Gulat na gulat akong napasapo ng bibig ko habang sinusundan ng tingin ang kanyang dinaanan. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong ire-react. Hindi ko alam kung saan ako unang magre-react sa sinabi niya.

"ALEXANDER RAZE! COME BACK HERE YOU BRAT!"

Tumingin ako sa asawa kong nakapameywang na nakatayo ngayon sa aking tabi. His labored breathing,  his clenched jaw, the bulging veins in his neck, it was a sign that he's truly mad right now. But his eyes looks confused, shocked, at katulad ko ay mukhang hindi rin siya makapaniwala sa nasabi ng anak namin.

Nanghihina akong napakapit sa braso ni Axel nang maramdaman ko ang panlalambot ng mga binti ko. "Axel..." I called him with a shaky breath before closing my eyes, pushing my tears out from it.

"Sweetheart, stop crying. I'll talk to him, hm?" He cupped my face with his big, rough hands before carefully placing a kiss on my forehead.

He left me there para sundan ang anak namin habang ako naman ay dumiretso sa kusina para gawan siya ng paborito niyang cheesecake. Hindi ko inaasahan na ganoon na pala ang iniisip niya. Hindi ko tuloy maiwasang magalit sa aking sarili. I feel like I failed as a parent. Habang busy ako sa pagaasikaso ng resto, hindi ko na namalayang nane-neglect ko na pala ang mga anak ko.

May pagdududang umusbong dito sa puso ko. What if gan'on din ang maramdaman ng anak ko dito sa aking sinapupunan? Paano kong mamali ako sa pagpapalaki sa kanila? I don't want them to resent me. Ayokong malayo ang loob sa akin ng mga anak ko. Mahal na mahal ko sila. Hindi ko kakayanin.

Habang naghahapunan kaming lahat, wala kaming imikan. Pasulyap-sulyap lang ako sa pwesto ng anak ko na tahimik na kumamain. Usually ay si Raze ang palaging nag-iingay habang kumakain kami. Palagi niyang nilalaglag ang kapatid tuwing hapunan minsan naman ay ang ama niya ang binibiro pero ngayon ay sobrang tahimik nito.  Tanging ang kalampag ng mga kubyertos lang ang naririnig sa buong dining area.

"Tapos na po ako."

"But mom made blueberry cheesecake," ang sabi ni Rain sa kapatid.

"I'm already full. You can have my share," ang malamig na tugon ni Raze sa kapatid bago nagsimulang maglakad.

Nakasunod ang paningin naming tatlo sa kanya habang naglalakad siya papalayo sa amin. Napabuntong hininga ako at napahilamos sa aking mukha. I need to talk to him. Hindi pwedeng ipagbukas ang bagay na 'to.

Kinagabihan, habang bitbit ang blueberry cheese cake na ginawa ko sa isang kamay, sunod-sunod ang ginawa kong pagkatok sa kangang pintuan. I knocked on his door many times pero walang Raze ang sumagot o nagbukas.

Mariin akong pumikit bago pinihit ang knob ng pintuan niya. Madilim na ang kanyang kwarto pagpasok ko doon. Maingat akong naglakad papunta sa kama niya at naupo doon. Inilagay ko naman sa kanyang bedside table ang blueberry cheese cake na bitbit ko.

Pinagmasdan ko lang siyang natutulog. Raze will surely grow up as a handsome young man kagaya ng daddy niya. Kuhang-kuha nila ng kanyang kapatid ang halos lahat ng features ni Axel. Hindi naman ako nagre-reklamo. Masaya akong magkaroon ng mga mga bulilit version ni Axel. Ika nga nila, the more the merrier.

Umayos ako ng higa sa tabi ng anak ko at niyakap siya mula sa kanyang likuran. "Nak, sorry if mama made you feel that way. I will never hate you, baby. Mahal na mahal kita. I brought you here in this world because I love you a lot. I'm sorry kung naco-compare kita kay Rain. Hindi naman kasi perfect mama si mama. I make mistakes din, anak, kasi tao lang din si mama. I'm going to try my hardest from now on, okay? I'm sorry."

Hindi ko na mapigilan ang sarili na muling maiyak. Gusto kong maging perpektong magulang sa mga anak ko pero wala naman kasing tutorial sa youtube kung paano maging gan'on. Walang guide book kung paano maging isang perpektong magulang sa kambal ko.

Napatigil ako sa pag-iyak ng pumihit paharap sa akin ang aking anak at yumakap. Rinig na rinig ko ang mahina niyang paghikbi sa aking dibdib. "I'm sorry, mama. Hindi ko na po uulitin 'yon. Okay lang po kung papaluin ako ni dad. Nagkamali po ako. I'm sorry for making you feel that way po. I'm sorry for making you cry."

"Oh Raze..." Mahigpit akong napayakap sa kanya at saka hinalikan siya sa kanyang noo.

"I'm sorry too, anak. Marami akong naging pagkakamali at pagkukulang sa inyo. Hindi mo kailangang ikompara ang sarili kay Rain kasi magkaiba kayo ng kapatid mo. You are you and Rain is Rain. You guys are unique in your own ways and whatever your differences are, I love you still. I love you guys more than your dad."

Nag-angat siya ng tingin mula sa pagkakasubsob sa aking dibdib at ngumise. "Really, ma?"

Mahina akong natawa at tumango. "Really."

"Pst! Hoy! Narinig ko 'yon." Sabay kaming dalawa ng anak kong napatingin sa pintuan kung saan nakatayo si Axel habang naka-akbay kay Rain na halatang ginising ng ama niya.

Muli akong tumingin kay Raze at saka siya hinalikan sa noo. It didn't take long nang makalapit sa amin sila Axel at Rain na sumampa na rin sa kama.

Hindi man ako nagkaroon ng kompletong pamilya habang lumalaki, pero bawing-bawi naman ngayon sa pamilyang meron ako. I will protect this family at all cost until I die.

-----------------------------------------------------------

Matagal na po siyang naka-imbak sa drafts ko kaya ito na po siya. HAHAHAHA. Stay healthy, keep safe and God bless you always powxszx.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top