EPILOGUE
Life is a gamble. It'a a win or lose. Hindi mo malalaman kung kailan ka matatalo o kailan ka mananalo.We get happy, excited, joyful and confident when we win. We get angry, sad, doubtful, regretful and shameful when we lose. Some people lose more and some people win more.
That's the unfair reality of life.
Pero hindi lahat ng nanalo tunay na nagiging masaya. Hindi lahat ng natatalo ay nawawalan ng pag-asa. Sometimes, losing pushes you to gamble more. You become more eager to gamble and see what happiness awaits you after your many lost.
Some people will lose theirselves the more they gamble. They lose theirselves because they could no longer handle the pressure. They could no longer handle the pain of losing the game.
"Roro, ang sakit-sakit pa rin pala." Ang malakas na iyak ni Isabel habang tinatanaw ang kawalan kung saan niya sinaboy ang mga labi ni Kurt dati. "Wala na ang kuya ko. Wala na si mama at papa. Wala na akong pamilya, Roan."
Hindi ako nagsalita at napayuko na lang habang impit na napa-iyak. I wasn't supposed to be here. Pero binabagabag ako ng konsensya ko. Maraming di kaaya-ayang bagay ang nagawa si Kurt ngunit hindi ko rin maikakaila na minsan ko rin siyang naging kaibigan. Kaibigan man ako sa paningin niya o hindi but I did consider him as my friend. Naging takbuhan ko rin si Kurt dati kung may mga problema ako kay Axel o kung hindi ko makausap si Axel.
Whether Kurt is faking those moments or not, I find still find him genuine and sincere that time. Iyon ang Kurt na naging kaibigan ko.
"You still have us, Isabelle. Kami nila Roan, ng mga kapatid ko, nila dad at mama." Ang sinserong sabi ni Axel dito habang mahigpit itong niyayakap.
"T-Thank you, kuya." Anito habang pinupunasan ang kanyang luha.
Tatlong buwan na ang lumipas nang mangyari ang isang masalimuot na paksa ng aming buhay. It was a scary, tragic and painful history of our lives. It was a nightmare. For months ay araw-araw akong binabangungot ng araw na 'yon. I dreamed of losing Axel. I dreamed of losing my kids. I dreamed of losing my life.
Those dreams could have become a reality kung hindi nabaril ng mga tauhan ni Axel si Kurt. He was shot multiple times.
Ngayon lang ako nakadalaw dito dahil kinailangan ko pang magpagaling ng ilang buwan. Na-busy rin kami sa pag-aalaga ng kambal nakalagay sa NICU ng hospital ng pamilya nila Axel.
I wanted to visit Kurt and let him know that I have forgiven him. For me forgiveness is letting go and acceptance. Wala akong mapapala kung magtatanim ako ng galit dito sa puso ko. Patuloy akong babangungutin ng nakaraan kung patuloy ko itong kikimkimin sa puso ko.
----------
"Damn, I think I'm going to cry." Ang buntong hininga ni Axel habang hinihintay namin ang pagdating ng kambal.
Ngayong araw na raw namin pwedeng iuwi ang kambal. The twins are born prematurely kaya kinailangan nitong manatili ng ilang buwan sa ospital. Matapos nga ang ilang buwang paghihintay at paghahanda, finally makakasama na namin ang dalawa.
And as expected, umiyak nga si Axel noong una niya itong mahawakan. Buong pag-iingat pa niyang kinarga ang dalawa habang binubigyan niya ito ng magagaang halik sa mundo. Iyon na siguro ang pinakamalambot na ekspresyon na nakita ko kay Axel.
"Ang liit nila. I think I'd crush them kapag namali ako ng galaw." Ang mangha niyang sabi habang nakatitig sa isa sa kambal.
Alexandro Rain Juariz
Alexander Raze Juariz
My boys are identical twins and I wouldn't be surprised kung magiging kamukha ni Axel ang dalawa. Sana lang ay hindi nila mamana ang pagiging suplado ng ama.
When we brought them back home labis ang tuwa ng lahat. Nigel's reaction seeing the babies is epic. Noong una ay mukha itong nagseselos dahil nakita nito si Austine na masayang kinakarga ang isa but he became a protective kuya after. Bago sila matulog ni Noah, dumadaan muna sila sa kwarto namin.
We decided to postpone the wedding first. Napag-usapan naming mag-focus muna sa kambal dahil kailangan nila ng dobleng pag-aalaga. They have greater risks of complications dahil mga premie babies sila. Lahat kami ay tutok na tutok sa pag-aalaga sa kanila.
"Kami na ni Christian ang magpapa-araw sa kambal. Sige na, magpahinga ka muna." Ang pagtataboy ni mama sa akin. Nakaupo silang dalawa ni tito Christian sa garden habang karga-karga sa bawat bisig ng isa ang kambal.
"Sige na, ijo. Kaming dalawa na Nathalie dito." dagdag ni tito habang nakangiti ng malaki sa kambal.
Mabuti na lang at nandito sila mama at paminsan-minsan ay si tito Christian na tumutulong sa amin sa pag-aalaga ng kambal. Tinuturuan din nila ako pati paminsan-minsan. Pati si Austine ay tumutulong din sa akin.
"Thank you po. Iidlip lang ho ako saglit." Ang pasasalamat ko sa kanila bago pumasok sa loob ng bahay.
Umalis kasi si Axel kahapon para sa isang business conference kaya ako lang mag-isa ang nag-alaga kagabi sa kambal. Isang buwan matapos naming maiuwi ang kambal, unti-unti na ring bumabawi si Axel sa business niya.
Bago pa man ako tuluyang makaakyat sa itaas napansin ko si Kirby na tahimik na nakaupo sa hagdan habang nakamasid kay Ethan na nakikipaglaro kay Noah at Nigel. Si Ethan ang anak ni tito Christian. Palagi itong sumasama kay tito kapag gumagala dito.
"Kuya, hindi ka po mag bre-breakfast?" tawag ni Kirby sa akin nang mapansin
"Mamaya na pagkagising ko. Ikaw? Tapos ka na bang kumain, Kirby?"
"Tapos na po ako."
Tahimik at masunuring bata si Kirby. Kapag iniiwan siya dito mag-isa ng mama niya para magtrabaho, tumutulong ito sa mga maids kahit pinipigilan namin siya. Sanay daw kasi siya sa mga gawaing dahil siya ang naglilinis ng bahay nila dati. Nathalie had him when she was still sixteen.
Pagkatapos kong magpaalam sa kanya dumiretso na ako sa kwarto ni Axel at natulog. Kailangan ko ng sapat na lakas para sa kambal.
----------
"Sa tingin ko mas maganda ang pink tas gray." Ang suhestyon ni Isabel.
"Ah basta, mas maganda ang peach at white!" Ang pagkontra naman ni Austine. Napakamot na lang ako sa noo dahil kanina pa sila nagtatalo sa kung ano ang color scheme ng magiging kasal ko.
"Hep! hep! Tumahimik nga muna kayong dalawa. Bakit hindi na lang kaya kayo ang magpakasal?" Ang pagpapatigil ni Lovely sa dalawa. Isang ngiting pasasalamat ang ibinigay ko sa kanya nang magkasalubong ang mga mata namin.
"Ready na akong magpakasal, okay? Ang groom ko na lang ang kulang." Nakangusong saad ni Isabel habang binubuklat ang isang magazine.
"Choosy mo kasi! Di ba nililigawan ka n'ong direktor. Tuwad na agad, gurl! Daks kaya yon." Ang kinikilig na sabi ni Austine habang hinahampas si Isabel.
Sa di kalayuan ay nakita ko ang papalapit na Nathan, Axel at Arvy. Isang masamang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Nathan habang naglalakad papunta sa likuran ni Austine.
"Yes, baby? Saan mo nalaman na daks ang Rigor na 'yon?"
Sa halip na sagutin si Nathan walang pasabing sinapo ni Austine ang pagkalalaki nito at ngumite ng pagkalaki-laki sa amin.
"Syempre mas daks pa rin itong asawa ko. 10 inches to mga bakla! Payt me." Ang taas noo nitong pagmamalaki sa amin.
Lahat kami ay napaubo at napatawa sa malaki nitong bibig. Hindi na ako magtataka kong masusundan kaagad si Nigel.
Hinalikan muna ako sa noo at labi ni Axel bago siya umupo sa tabi ko. "Nakapili na ba kayo, sweety?"
"Hmmm..hindi pa eh. Kanina pa nagtatalo si Isabel at Austine tungkol sa kulay." Ang sagot ko dito habang nakasandal sa balikat niya.
"Ikaw? Ano bang kulay gusto mo?"
"Black at gray. Ayoko namang magmukhang halloween ang kasal natin kaya sila ang pinapili ko ng kulay."
Wala naman kasi akong talent pagdating sa mga ganitong bagay. I'm not an artistic person. Saka I'm too afraid to plan my own wedding. I don't want to mess this up.
"Ikaw, Kirby? Anong kulay ba ang gusto mo?" Tanong ko sa binatang dumaan sa likuran namin karga-karga ang limang buwan kong anak na si Alexandro.
Isa sa napansin ko sa batang ito ay ang pagkahilig niya sa mga bata at pagiging malapit dito. Kahit pa palaging walang emosyon ang mukha nito, madali nitong nakakasundo ang mga bata sa bahay.
Nagmano muna ito sa lahat bago niya iniabot si Alexandro kay Axel at sumagot. "Dirty blue at white po."
Dahil sa sagot niya, nagpatuloy ang pagpla-plano ng kasal. Sinunod namin ang suhestyon nitong kulay dahil pareho namin itong nagustuhan ni Axel. Preparing a wedding is an exhausting thing to do. Kailangan itong pagplanuhan ng maigi hanggang sa maliliit na detalye. But nothing could beat that feeling kapag nakita mo na ang resulta ng ilang linggo mong pinaghirapang buuhin.
"Tito...kinakabahan po ako." Ang bulong ko kay tito Christian habang naglalakad kami sa pasilyo papunta kay Axel.
"You're doing great, ijo. Just enjoy your wedding." He squeezed my hand and gave me a warm smile.
Wala man akong mga magulang but tito Christian made me feel like I have one. Kaya siguro in love na in love pa rin si Dad sa kanya. He has a heart of gold and tito deserves every good things in the world.
"Tito, thank you for everything. Thank you for being here with me." buong sinseridad kong pasasalamat dito.
"Walang ano man, anak. I'm happy to be a part of your life."
Sa isang resort nila Axel namin napiling magpakasal. Isang beach wedding na matagal ko ng pinangarap. Parang kailan lang noong palihim akong umiiyak tuwing nagpapatulong si Axel sa akin para surpresahin si Cheska. Everything used to be a dream back then. Having kids with him, kissing him, creating a family with him and marrying him.
Axel used to be the man of my dreams but he is my man now. It's no longer a dream. It's real. He's real and I can't ask for more. Sapat na sa akin ang lalaking to at ang mga anak namin.
"You look so beautiful, sweety." Bulong niya nang salubungin niya kami ni tito. "Thank you po, tito." Niyakap niya muna si tito bago hinawakan ang kamay ko.
"You're welcome, anak."
Labis na kaba at saya ang nararamdaman ko habang sinisimulan ng wedding officiant ang kasal. Kung anu-anong mga scenario na lang ang pumapasok dito sa isipan ko habang nagsasalita ito sa harapan. Paano kung may tumutol? Paano kung may magtangkang sirain itong kasal namin? Paano kung may kabit si Axel a—
"Sweety, wala akong kabit. Walang masamang mangyayari." Ang natatawa niyang bulong sa akin. Napansin niya siguro ang pagkabalisa ko.
"Malay ko ba." irap ko dito para pagtakpan ang kabaliwan ko. Tumawa lang
"Ladies and gentleman, let us listen to Roan and Axel as they pledge their vows to each other before us today." Ang anunsyo ng wedding officiant. Lumapit sa amin si Noah at Anisto bitbit ang mga singsing namin.
"Thank you, kiddos." Ang pasasalamat ni Axel bago nito kinuha ang singsing kay Noah.
"Thank you po." Nginitian ko silang dalawa bago kinuha mula kay Aniston ang singsing ko.
"Ho!" Sigaw ni Axel bago niya ako binigyan ng isang kabadong ngiti. "First of all, sweety, thank you for giving me two wonderful angels. Thank you for giving me another chance to prove myself to you. To prove that I can be a good father to our children, to prove that I can become your husband and to prove that I can love you forever. Thank you for keeping up with my problematic self for a long time. Alam kong marami akong naging kasalanan sa iyo. Alam kong nasaktan kita ng maraming beses and yet you still chose to be with me. Kaya habang buhay kong papatunayan sa'yo na karapat-dapat ako sa pagmamahal mo. Roan, today I give myself to you and ask for your tomorrows. I promise to love you above all others, to give you my strength and ask yours in return, to stand by you in good times and in bad. I give you all my trust and unconditional love. May this ring be a token of my undying love for you." Matapos niya iyong banggitin, isinuot niya sa kamay ko ang wedding ring namin. Habang sinusuot niya ito sa akin, hindi ko maiwasang mapaiyak. Damn, he's officially mine.
Pinunasan muna nito ang aking luha bago ako nagpatuloy sa pagsasalita. "Axel, you were always the man of my dreams. Having you here with me, exchanging vows and exchanging rings, it was always my dream. At lahat ng pangarap ko lagi mong tinutupad. From my first kiss to having my own family, tinupad mo lahat iyon at wala na akong iba pang mahihiling. Maraming salamat kasi pinili mong mahalin ako. Maraming salamat kasi ibinigay mo rin sa akin ang kambal. Ipapangako kong gagawin ko ang lahat upang maging mabuting katuwang mo sa buhay. Mamahalin ka, iintindihin ka at pagsisilbihan kita hanggang kamatayan. Kayo ng mga anak natin, kayo na ang buhay ko ngayon. Axel, I love you. Mahal kita at hindi ako magsasawang sabihin iyan sa iyo araw-araw. I give you this ring as a token and a pledge of my abundant love, and I promise from this day forward, to love, to honor, to cherish and respect you, in sickness and in health, wealth and poverty, for all the days of our lives." Hindi ko maiwasang mapaiyak sa saya habang isinusuot ko sa kamay ang singsing niya. The ring that will bind us till death.
"Roan and Axel, you have expressed your love to one another through the commitment and promises you have just made. It is with these in mind that I pronounce you husband and husband.
You have kissed a thousand times, maybe more. But today the feeling is new. No longer simply partners and best friends, you have become husbands and can now seal the agreement with a kiss." Ang deklara ng officiant bago nagpalakpakan ang lahat.
Habang palubog ang araw, sinakop ni Axel ang labi ko. Kagaya ng pagsakop niya sa buong buhay ko. Ito na yata ang pinakamatamis at pinakamasarap ba halik na natanggap ko mula sa kanya.
Ramdam kong akin siya ng buong-buo. Walang kahati at hindi sekreto.
"I love y——"
"UWAAAAHHHH!! UWAAAHHH!!"
Hindi natapos ang sasabihin ni Axel dahil biglang pumalahaw ng iyak ang kambal. Mukha postpone muna ang honeymoon namin.
-----------------------------------------------------------
The End.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top