9
Roan Dela Mercid
Guadalupe, Negros Occidental
"The prominent Juariz family has once again prove that they are one of the most powerful and successful family not only in our country but globally as well. Just recently, forbes has released it's latest list of real time billionaires. Bill Gates topped the list with a net worth of 112 billion dollars and was followed by our very own Sir Alistain Juariz with a net worth of 109 billion dollars..."
Napatingin ako kay Kurt dahil biglaan nitong pinatay ang TV.
"Anong problema?" Nagtatakang tanong ko dito. Nakatitig lang kasi siya sa kawala.
Noong isang linggo pa ito dumating kasama ang sumundo kay Austine at kahapon pa rin ito balisa. Hindi ko naman alam kung bakit siya nagkakaganito dahil ayaw naman niyang sabihin sa akin.
"Roan.. Alam mo naman sigurong nagbitiw na sa tungkulin si Axel hindi ba?" Tanong niya sa akin habang nakatingin pa rin sa kawalan.
"Mmm. Anong meron?"
"Axel completely took over their security and detective agency. I think, he'll find you sooner than expected." Seryoso siyang nakatitig habang sinasabi iyon sa akin.
Napatawa nalang ako ng mahina sa narinig ko. It was full of bitterness.
"Bakit naman niya ako hahanapin? I almost ruined his relationship with Cheska, muntik ko na ring isugal ang pangalan ng pamilya niyo. I don't think he wants something to do with me anymore." Bakit naman gugustuhin ng iang taong makita pa ulit 'yong taong naging tinik sa buhay niya?
"Roro, I can't hide you forever." Aniya habang nakatingin sa malayo.
"Hindi naman ako nagtatago, Kurt, dahil hindi naman ako isang kriminal. Tanggap kong nagkamali ako pero hindi ako naging isang kriminal para magtago." Sabi ko dito at humilig sa kanyang balikat.
Ganito nalang sana palagi. Tahimik. Walang gulo, wala gaanong problema, simple at malayo sa sakit ng puso. Dito lang ako nakaramdam ng serinity sa buong buhay ko.
I have always been calculitative with my life. Everything should be in order. As much as possible, huwag akong magkamali dahil sa kaunting pagkakamali na 'yan pweding mawala ang lahat sa akin. My career, my studies, and everything that I own, natatakot akong sa isang iglap mawala iyon sa akin lahat. And here I am, nagkatotoo nga ang pangamba ko noon.
I lost everything but I found myself. I lost everything but I have two little angels coming to life and there's nothing more I could ask. That one single mistake changed my whole life and I'm glad. In God's plan, everything is set to happen.
I don't know what real love is. Hindi ko iyon natanggap sa pamilya ko so I tried to find it kay Axel because he was showing me my ideal love. Akala ko iyon na 'yon pero hindi pa pala. Maybe I truly love him pero hindi ko magawang mahalin siya ng buo at totoo dahil mismong sarili ko hindi ko mahal at tanggap. Kaya siguro okay lang sa akin na gawin akong kabit dahil ang liit ng tingin ko sa sarili ko. I didn't value myself.
"Tama ka. But I don't want to see you getting hurt, Roro. You are like my little brother at ayokong inaapi ka ng mundo. Hindi ko hahayaang saktan ka ni Axel ng ganun-ganun lang that's why I'm trying my best to keep you safe and away from Axel's world." Aniya at niyakap ako.
Nawalan man ako ng mga taong matatawag kong pamilya but I thank God for giving Kurt. At kung ito man ang kapalit sa pagsalo ng mga balang iyon then this is more than enough.
"Kirtkirt, mag promise ka nga na hindi mo pababayaan ang sarili mo. Maghanap ka na rin ng girlfriend." Pag-iiba ko sa topic. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng katawan niya na sinamahan ng mahihinang tawa.
"Anong girlfriend? It doesn't have to be a girl. It can be you, Roro." Sabi niya at hinalikan ako sa noo. Kung handa lang sana ako. Kung hindi ko lang sana mahal si Axel maybe...maybe I can learn how to love Kurt.
"Che! Bolero ka." Natatawang sabi ko dito at umalis na mula sa pagkakayakap sa kanya. Dahan-dahan lang akong tumayo dahil medyo mabigat-bigat na nga itong tiyan ko.
"Hey, be careful. Gusto mo bang mag gala? Gusto ko ng mamili ng mga damit ng kambal." Tanong niya sa akin at tumayo na rin mula sa pagkakaupo.
"Nakikita ko na sa future ikaw ang unang-unang mang i-ispoil nitong dalawa."
"Bakit hindi? Iyong moderate lang naman haha. Anyways, deal or no deal?"
Napaisip naman ako saglit kung may kailangan pa ba akong dapat gawin sa araw na 'to. Natapos na naman ako sa paglalaba dahil tinulungan ako ni Kurt. Nalinis ko na rin ang bahay, bakuran at harap ng bahay. I think it's time for me to reward myself. Hindi rin naman biro ang gumalaw-galaw habang buntis noh.
"Okay."
---------
Isang makapal na dark blue loose sweater ang isinuot ko na pinarisan ko ng itim na jogging pants. Sa isang hindi kalakihang mall lang naman kami pupunta at mostly naman sa mga nandoon ay halos naka pangbahay lang kaya hindi ako masyadong na conscious sa fashion sense ko ngayong araw.
Sa dala niyang ecosport kami sumakay dahil hindi ko talaga kakayanin ang init pati na rin ang matagalang pagtayo.
"Kailan ka pala babalik sa Manila?" Tanong ko habang binabaybay namin ang daan.
"The day after tomorrow, babe. Matagal-tagal rin bago ako makadalaw sa iyo dito. Nathan wants me to go to Italy para sa pagtayo ng office doon." Sagot niya habang nasa daan pa rin ang tingin. There was a hint of excitement in his voice.
Kurt is an adventurer. Gusto nitong nagagala at medyo nahihiya ako dahil nandito lang siya palagi sa tabi ko for a week almost every month.
"Ilang buwan ka rin doon?" Tanong ko. To be honest, I am very proud of Kurt. There was a little feud between their family and I know medyo na apektuhan ang relationship nilang magpi-pinsan dahil doon. I think sir Nathan is slowly trusting Kurt now.
"I'll be away for a maximum of three months but I'll try to be back earlier. I know mahirap na ang pag galaw-galaw mo by that time. Magpadala nalang kaya ako ng kasama mo dito?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.
"Ano ka ba. Kurt, hindi lang sa akin umiikot ang mundo mo. Isipin mo rin ang sarili mo and have fun there in Italy. Huwag kang mag-alala sa akin dahil kaya ko ang sarili ko. Isa pa, alam mo namang hindi ako komportable kapag may kasama akong hindi kakilala." Nakangiti kong sabi dito.
"Okay. I'll try to finish my business there earlier. We're here." Aniya at inihinto ang sasakyan sa harap ng mall.
Hindi ko na lang siya kinontra dahil alam kong wala akong laban sa katigasan ng ulo.
Pagkapasok namin sa mall, dumiretso kaagad kami sa department store. Dahil tanghali pa naman at weekdays pa, hindi gaanong matao ang mall ng dumating kami. Nasa trabaho at paaralan ang mga tao ngayon which I'm glad dahil hindi ako mako-conscious.
"Hey, babe. Look at this." Napatingin ako sa hawak-hawak nitong dalawang kulay blue na bear onesie. Ang cute naman!
"Ang ganda!" Magiliw kong tugon at hinawakan iyon. Nai-imagine ko na ang dalawa kapag sinuot nila ito.
"Yup, like you." Ang nakangisi niyang sabi na tinawanan ko lang.
"Bolero ka! Hahaha. Bibilhin mo ba 'yan?"
"Yup, but you'll have to treat me sa mang inasal." Aniya at bumalik sa pagpili ng mga damit.
Nakaramdam ako ng pagtawag ni mother nature kaya nagpaalam muna ako sa kanya na mag c-cr. Katabi lang naman nitong department store ang cr kaya hindi na siya gaanong nagdrama.
Pumasok ako sa cr na intended for the members of the LGBT community. Mabuti at hindi ko na kailangang makipagsiksikan sa mga mapangmatang nilalang.
Pagkatapos kung mag cr, lumabas na ako mula dito pero bago pa man ako makapasok ulit aa department store napatigil ako sa taong nakita kong lumapit kay Kurt at kumausap dito. Hindi ko gaanong nakita ang ekspresyon nito sa mukha dahil nakatigilid ito mula sa akin.
Axel Zein Juariz.
What the heck is he doing here?
-----------------------------------------------------------
Updated na!! Ahhhhhh!!!!! Excited na ako sa pagkikita nilang dalawa uwu. Ayon lang. Wala na akong ibang masabi pa. Hahaha! Anyways, gusto ko lang talaga magpasalamat sa inyong lahat. I have never been this motivated in writing. Marami po talagang salamat sa inyo dahil isa kayo sa dahilan kung bakit naiisusulat ko ang mga ideas ko. Thank you po! Ciao!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top