25
Roan Dela Mercid
"Ma!? Mama?!" Sigaw ko ng magising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko at mahigpit ang yakap ko sa aking tiyan.
Walang masyadong kagamitan sa loob nito bukod sa mga kahone, isang upuan at mahabang bakal na lamesa. Ang buwan lang ang nagsilbing ilaw nitong kwarto. Napakagat ako ng labi nang makaramdam ng kirot sa tiyan ko.
"U-ugh.." Napalingon-lingon ako sa paligid nang marinig ang isang mahinang daing.
"S-sino 'yan?" Ang buong tapang kong tanong sa kawalan habang nakapikit ng mariin.
"R-Roan? Ha..a-anak? I-Ikaw ba 'yan?" Mabilis akong napadilat ulit nang marinig ang isang pamilyar na boses.
Si Tito Christian!
"T-Tito! Tito! Tito, Diyos ko po!" Ang tili ko nang makita itong papalapit sa akin. Kahit nanghihina ay buong lakas akong tumayo at tinulungan itong makaupo sa pwesto ko kanina at makasandal.
Naliligo na sa sariling dugo si tito at halata ang panghihina. Pero kahit nasa ganoon siyang kalagayan ay hindi pa rin nito nakalimutang ngumite sa kanya.
"R-Roan, n-natakot ka s-siguro, anak." Hinawi pa nito ang ilang hibla ng buhok sa aking mukha at mas ngumite. "I'm sorry y-you have to go through all of that, anak."
"T-tito..." Hindi ko maiwasang mapahikbi ng makita ang saksak sa kamay nito. "A-ano pong ginawa nila sa inyo?" Ang umiiyak kong tanong habang sinusuri ang kabuuan niya.
Kahit na mas mahirap pa ang kalagayan nito kumpara sa akin nagawa pa rin niya akong aluin.
"I..I d-don't know. H-Hindi ko rin alam k-kung ano ang a-atraso ko sa k-kanila." Ang naiiyak nitong sumbong sa akin habang marahang umiiling. "B-Bigla nalang nila a-akong hinampas ng kung ano. T-They stabbed my hands, b-binitay nila ako p-patiwarak at g-ginawang punching bag." His voice cracked towards the end before crying loudly.
"S-Sabi ng isang b-babae na in—" Hindi natapos ni tito ang sasabihin niya nang pabagsak na bumukas ang pintuang gawa sa bakal.
Pumasok doon ang isang babae na sigurado akong mama ko at dalawang lalaki na pamilya na pamilyar ako. Mabilis akong tumabi kay tito at sumiksik sa gilid niya dahil sa takot.
"A-Anong g-gagawin ninyo?!" Ang sigaw narinig kong sigaw ni tito sa dalawa habang yakap-yakap ako.
"Tumahimik ka matandang bakla! Kulang pa yata 'yang mga bogbog mo sa katawan eh. Ano?! Sagot?!" Dumagundong sa buong kwarto ang malaking boses ni Rico. Pareho kaming napa-urong ni tito sa takot.
"Bilis na! Mamaya na kayo mangbugbug. Naghihintay na si bossing! Kunin niyo na 'yang abnormal na bakla!" Ang sigaw ni mama gamit ang kanyang matinis na boses.
Habang nakikinig ako sa boses niya hindi maiwasang manginig ng aking katawan sa labis na galit at takot na nararamdaman. Kung ako lang mag-isa at hindi buntis ay baka sumubok pa akong manlaban pero buntis ako. Ayokong mapahamak ang mga anak ko.
"Roan, kahit papaano'y naging magkaibigan rin tayo dati. Ayaw kitang saktan kaya ayus-ayosin mo iyang mga desisyon mo. Tatayo ka ba diyan at susunod sa amin ng maayos o kakaladkarin ka namin?"
Ang maangas na tanong ni Rico sa akin habang hinihila nito ang kamay ko patayo.
Marahas ko itong nilingon at binigyan ng isang masamang tingin."Kaibigan?! Pwede ba, Rico? Wala akong kaibigang kagaya mo!"
Pak!
Isang malutong na sampal ang natanggap ko pagkatapos kong isigaw iyon sa pagmimukha niya. Nalasahan ko pa ang mabakal na lasa ng dugo sa bibig ko.
"Wala rin akong kaibigang abnormal! Bobo!" Sigaw niya sa mukha ko habang buong lakas na hila-hila ang buhok ko palabas ng kwarto.
"R-Roan! M-maawa kayo b-buntis ang batang 'yan." Ang narinig kong pakiusap ni tito Christian pero tinadyakan lang siya ni Esmero bago ito sumunod sa amin.
"Ayan! Sumagot ka pa. Masyado kasing pabibo." Tiningnan ko ng masama si mama noong madaanan namin ito sa pintuan.
Pumasok kaming tatlo sa loob ng isang magarang kwarto. Hindi ko rin maiwasang mapansin ang mga pinatong-patong na transparent glass box laman ang puso, dila at mata ng tao. Sobrang dami ring kandila sa paligid at umaalingasaw ang nakakasukang amoy ng patay na daga.
"Boss, andito na ho siya." Ang anunsyo ni Rico sa lalaking nakatalikod sa amin at nakatanaw sa labas.
Dahan-dahan itong lumingon sa direksyon namin at ngumite. Parang bumagsak ang puso ko ng makilala kung sino ito. Pauli-ulit ko pang kinusot-kusot ang mata ko para masiguradong hindi ako namamalikmata.
"K-Kurt..a-anong ibig sabihin nito?" Ang nauutal kong tanong dito nang lumapit ito sa akin. "Mali ang iniisip ko hindi b-ba?" Ang umaasa kong dagdag.
Hindi ito nagsalita at sa halip ay tumitig lamang sa mukha ko habang nakangiti. Sinubukan pa niyang haplusin ang pisnge ko but I flinch away from him. Sobrang sama na ng pakiramdam ko.
"No, baby. You are right. Ang ganda-ganda mo talaga. Prettier than women. Tastier. Sweeter. You are better than anyone else, Roan. Axel doesn't deserve you, baby. He doesn't deserve you." Ang naiiling nitong sabi sa akin. Sinubukan niya ulit akong hawakan sa mukha pero mabilis ko iyong tinampal.
"At sino ang deserving sa akin? Ikaw?! Pinagkatiwalaan kita, Kurt! Akala ko tunay kitang kaibigan. Baliw ka palang hayop ka! Mamamatay tao!" Sa ikalawang pagkakataon ay muli na naman akong nasampal. Hilong-hilo na ako at pakiramdam ko ay muli na naman akong babagsak. Wala na akong lakas pero matatag pa rin itong puso. Sa kabila ng takot, galit at pagod na nararamdaman ko pinipilit ko pa ring kumalma para sa mga batang dinadala ko.
Mariin nitong ikinulong ang panga ko sa kanyang kamay at inilapit sa kanyang mukha. "Hindi ako baliw! Hindi ako baliw! Mahal lang kita! Mahal na mahal kita, Roan! Gagawin ko ang lahat para sa iyo."
"Hindi ganito ang pagmamahal, Kurt." Ang mahina kong sabi sa kanya habang lumuluha.
"Hindi niyo naiintindihan. Ganito ako magmahal, Roan.Ito ako. Hindi ko alam kung bakit iyong si Axel pa ang pinili mo! Ako ang nauna sa kanya! Ako! Ako!" Sigaw niya sa mukha ko bago ito malakas na binitiwan."Kung hindi lang sana nakialam sila Axel dati magkasama sana tayong namatay. Wala na sanang makakapaghiwalay sa atin, Roan! Sinira nila ang pagmamahalan nating dalawa." Magkasalubong ang kilay at nanlilisik ang kanyang mga mata habang binibigkas iyon.
"Wala kang puso, Kurt! You don't love me! You're obssessed with me at hindi normal iyon! Kung mahal mo ako hahayaan mo akong maging masaya!"
"Ha..HAHAHA! Hahayaan kang maging masaya? Paano naman ako ha?! Habang buhay akong magiging miserable kung wala ka, Roan! At kung kamatayan lang ang paraan para hindi ka mapunta sa iba then so be it!" Nanlaki ang mata ko ng ibalibag niya ako sa kama at dinaganan.
"Kurt!...K-Kur—AHCK!" Mahigpit niyang sinakal ang leeg ko habang nakaupo sa umbok ng aking tiyan.
Pinalo-palo ko pa ang kamay niya pero ayaw pa rin niyang bumitaw sa pagkakasakal sa akin. Mas tumaas ang lebel ng takot ko nang maramdaman ko ang kumirot ng aking tiyan.
Ang mga anak ko... God, please keep them safe. Kahit ang mga anak ko nalang. Kahit hindi na ako.
I prayed so damn hard bago ako muling mawalan ng malay. I just hope Axel will find us in time. Sana hindi pa huli ang lahat kapag nahanap na niya ako.
Third Person POV
Nagmamadaling tinungo ng magkakapatid na Juariz ang mansyon nila nang tawagan ng umiiyak na Isabel si Axel. Lakad-takbo ang ginawal nilang lima papasok sa loob ng mansyon patungo sa sala.
"K-kuya...si Roan..si Roan!" Ang iyak ng babae habang nakayakap ng mahigpit kay Axel.
Hindi alam ni Axel kung ano ang iisipin. Gusto niyang magsisi, gusto niyang magwala, gusto niyang umiyak but he can't. The situation didn't allow him to do so. He needs to be strong right now para sa mag-ama niya. There's no time to cry or to regret. He needs to calm down and think clearly.
"Calm down, Isabelle. We got you." Pagpapakalma ni Nathan sa pinsan. Tinulungan nila itong maka-upo ulit at pinainom ng tubig. They waited for her to calm down bago ito pinakwento.
"Pagdating ko dito, the maid told me nasa likuran daw si Roan kasama ang mga bodyguard niya at naglalakad. When I get there nagtaka ako kasi kaunti lang ang guards doon and I didn't see Roan. I thought sa loob ng maze ito naglalakad but I was horrified when I saw the dead bodies lying on the floor. Tapos...tapos.." Muling tumulo ang mga luha ng dalaga nang bumalik sa alaala niya ang walang malay na katawan ng kaibigan. "I..I saw Esmero, kuya, at si Rica. I saw them and I heard them. Nandoon na raw ang van."
"FUCK!" Malakas na sinipa ni Axel ang katabing lamesang may nakapatong na vase at lumapit sa leader ng security team. Walang sali-salitang pinadapo niya ang kamao sa mukha nito.
"Paano nangyari 'yon?! How the fuck did that happened?! Gusto niyo ba talagang mamatay?! I told you to tighten the security around the house!" Ang galit niyang sigaw sa nakahigang lalaki.
"D-dumating ho kasi si sir Esmero kasama ang sampung lalaki. Pinadadagdag niyo raw ho sa likuran bahagi ng mansyon. Ang totoo nga po niyan ay tinawagan pa po niya kayo sa harapan namin kaya hindi ho kami nagduda."
Hindi siya makapaniwalang ilang taon siyang nag-aalaga ng ahas. He trusted Esmero like a fucking brother pero ginago lang siya nito.
"Kuya, sa control room tayo." Napalingon siya kay Francis na nakatayo sa kanyang likuran. Binigyan pa niya ng isang masamang tingin ang leader ng security team bago tumalikod.
"Bakit tayo nasa study ni, Dad. Francis? Nasa thirdfloor ang control room." Ang nagtatakang tanong ni Ian sa kapatid nang dumiretso sila sa pribadong kwarto ng ama.
"May ibang control room si dad. Decoy niya lang ang kwartong iyon. Sigurado rin akong walang nakuha ang monitor d'on." Ang sagot nito at dumiretso sa isang bookshelf ng kwarto.
Hinintay nila ang susunod nitong gagawin. They thought he'd pull some books or push the shelf like what they usually see in movies. But Francis didn't do any of those. Kumuha ito ng hagdan at ipwenisto iyon sa dingding. He climbed on it and pushed the ceiling open.
Isa-isa silang umakyat doon at napanganga sa napakaraming monitor ng kwarto.
"What the fuck. This is insane..." Ang manghang bulong ni Nathan habang inililibot ang paningin sa buong kwarto. "When did you learn about this?" Nilingon niya ang kapatid na busy kakatipa sa harap ng isang computer.
"Noong nag-away si Dyna at Austine. When Dyna messed up the monitors in our control room." Sagot ni Francis dito.
Habang nanonood si Axel sa monitor hindi niya maiwasang manggalaiti sa pagmumukha ng isa sa mga peste ng buhay niya. Halos mag-iisang oras din silang nakababad sa lugar na 'yon habang nire-review ang mga CCTV footages nang makatanggap siya ng videocall request mula kay Derick.
"What is it?"
"I think I found him." Ang sagot nito.
Halatang walang maayos na tulog ang huli dahil sa ayos nito. Magulo ang buhok nito at namumula ang mata. Nangngitim na rin ang ilalim ng mga mata nito.
"Sino?"
"Si Kurt. Nasa kanya si sir Moore at siya rin ang nagpapadala ng mga mensahe kay Roan. He attached some strange chip on Roan's old phone kaya hindi ko matukoy ang lugar niya. Mabuti na lang at ibinigay mo sa akin ang bagong cellphone ni Roan. Unlike his old phone, walang chip na nakaattach dito. He can delete the message cleanly but his trails are visible in my computer. Ganun din iyong mga mensaheng natanggap natin. Muli kong sinubukang i-locate iyon and both lead to one place." Saglit silang natahimik lahat ng tumigil ito.
"Rozal ancestral house. Your grandmother's home."
Rozal ancestral house. Simula noong mangyari ang muntikang massacre ng kanilang pamilya, inabandona na ito ng kanilang ama. Another tragedy is about to happen again but Axel won't make it happen. Kung may dugo mang muling dadanak sa lugar na 'yon sisiguraduhin niyang kay Rica, Esmero at Kurt iyon.
Just wait a little bit, sweety.
-----------------------------------------------------------
Hallu! Hallu! Dalawang update na lang ang natitira sa kwento ni Roan at Axel. Hindi po muna ako mag-uupdate sa Governor's Secret. Yieeekssss! Excited na akong matapos 'to HAHAHAHAHA! SHET. Ayon lang po. Tenkyu powxzxzx. Labyu ol! Mwuah mwuah! Ciao!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top