19
Roan Dela Mercid
Habang hinihintay namin ni Isabel na magconnect ang video call kay Austine, hindi ko maiwasang pansinin ang nakasimangot na mukha ni Axel habang may nakatuon ang buo nitong pansin sa kanyang laptop.
Kagabi pa ito ganito hanggang sa paggising namin kaninang umaga. Hindi rin niya ako kinikibo, para siyang batang nagtatampo. Hindi ko pinansin ang ginagawa niyang pag-iinarte dahil napakawalang kwenta ng pinagtatampuhan niya.
"Psst, Roan. Closer ka nga." Ang tawag ni Isabel na sinunod ko naman. Umusog ako kaunti papalapit sa kanya hanggang sa magkadikit ba ang mga balat namin sa braso.
"Anong problem ni kuya?" Ang bulong niya sa tenga ko. Hindi muna ako sumagot at muling binalingan ng tingin si Axel na nakatingin rin pala sa amin. Nakatingin ng masama.
Binawi ko ang paningin ko sa kanya at pabulong na sumagot kay Isabel. "Ewan ko. Hayaan mo na 'yan, ganyan talaga yan pag tinotopak."
"Okay. Ah! Nandito na si bakla!" Ang masayang tili ni Isabel at kumaway sa kanyang laptop.
Napangiti ako ng makita ko doon ang isang taong gulang na anak nitong si Nigel Christian. Tumutulo pa ang laway nito habang pilit inaabot ang keyboard ng laptop ni Austine.
"Wazzup mga bakla!" Ang bati nito sa sa amin matapos magtipa sa hawak-hawak nitong cellphone. Inayos niya ang pagkakakandong kay Nigel at binigyan iyon ng laruan.
"Hi, Tine! Hi, baby!" Ang nakangiti naming bati ni Isabel sa dalawa na mukhang mag-aaway dahil kinagat ni Nigel ang dibdib ni Austine.
"Paking tape..ang sakit!" Ang daing ni Austine at naiiyak na inilayo ang tumatawang bata sa kanya. Pati kami ay napatawa na rin. Manang-mana talaga ang bulilit na 'to kay sir Nathan. "Gusto mo bang ibalik kita sa pwet ko ha, bata? Gusto mo 'yon? Gusto mo 'yon? Gusto mong ipaampon kita? No, no bite mama okay? No. No." Ang galit-galitan nitong sermon sa bata na tinawanan lang ulit siya.
"Myghad! Mukha ba akong clown, Isabelat at Roan? " Ang tanong nito sa amin at itinuro ang sariling mukha. Lumaki ang butas ng ilong nito at nakakunot ang noong nakaturo sa sarili. Muling tumawa si Nigel dahilan para lumagapak din kami sa pagtawa. Loko-loko talaga ang isang 'to.
"Walang duda, bakla!" Ang nang-aasar na sagot ni Isabel na ikinasimangot lalo ni Austine.
"Hoy! Isabelat na bahog belat, sinasabi ko sa'yong bakla ka, magre-resign na talaga ako bilang presidente ng fanclub mo." Ang pananakot nito kay Isabel ba tinawanan lang ng gaga. Tuwang-tuwa talaga siya kay Austine simula noong ipakilala siya dito sa mansion.
"Che! Nabasa ko pa nga comment mo sa youtube kagabi sa isang interview ko. Sinabi mong mabuhok ang kili-kili ko. Ganun ba trabaho ng club president?"
Mahina akong napatawa sa gulat na mukha ni Austine. Nakilala kasi ni Isabel si Austine dahil admin daw ito dati ng isang page na inis kay Isabel. Ibig sabihin, dating basher ito ni Isabel.
"H-hoy! Judger ka masyado belat ha. Hindi ako 'yon no. Nag bagong buhay na ako. Tsaka wala na akong rason para maging basher kasi hindi ko na crush si Cerso. Iyong-iyo na! May jumbo hotdog na ako 'no." Ang depensa nito na tinawanan lang namin.
"Kamusta na kayo diyan, Austine?" Ang tanong ko dito dahil baka mapikon pa ito kapag nagpatuloy pa silang mag-usap ni Isabel.
"Ako? Ito maganda, sexy, masarap at makipot pa rin. Sila mommy at dahdie naman ay tinatrabaho ang divorce paper nila. Nandiyan ba si bhosxz Axel?" Humina ang boses niya noong tinanong niya ang huling bahagi. Saglit kong sinulyapan ang tahimik at seryosong lalaki sa tabi bago tumango. Hindi naman yata ito nakikinig kasi nakasalampak sa tenga niya ang pares ng earphones.
"Nakita namin kahapon ang ex niya, 'yong si Cheskati? Naku dae! Sinasabi ko sa inyo, makati pa rin hanggang ngayon. Nakita ko siyang nakipaglaplapan sa isang matabang gangster sa parking lot sa mall. Hindi niya yata alam na nakita ko sila kasi may gana pa talaga siyang habulin ako at tanungin ang number ni bhosx Axel." sumbong niya sa nanunudyong tono. Bakas sa mukha niya ang dismaya at pandidiri.
"See? I told you! Sideline niya talaga ang pagiging pokpok." Ang taas noo at nakangiting tagumpay na sabi ni Isabel sa akin.
"Advice ko lang sa'yo, bakla, gapangin mo na 'yang si bhosxz Axel dahil marami-rami na ang babaeng nagpabalik-balik dito sa mansion. Ilang pakete na ng chaa at juice ang naubos ko para painuman ang mga hitad. Bilis-bilisan mo na ang galaw mo at ipakita mo na 'yong lingerie na briefs na binili ko." Ang pabulong niyang sabi sa amin.
Bigla akong nasamid sa sariling laway dahil sa kabaliwang narinig ko. Kaya pala nawala lahat ng boxers ko at napalitan ng malalaswang briefs. Simula ng mawala si Austine iyon na ang palagi kong isinusuot dahil iyon lang ang meron sa drawer ko. Noong una ay hindi ako mapakali habang suot-suot 'yon pero kalaunan ay nakasanayan ko na rin. Patago ko lang nilalabhan at pinapatayo ang mga 'yon dahil nahihiya ako.
"W-walang hiya ka talaga, Austine." Ramdam ko ang pagtipon ng dugo ko sa aking mukha dahil sa sinabi ni Austine. Minsan talaga hindi ko maiwasang hilingin na sana may lakas ako ng loob na sakalin ito.
"Aysus! Hiya-hiya! Nakakambal nga kayong dalawa eh. Hindi ka makakatikim ng hotdog sa hiya." Mas lalong uminit ang mukha ko sa sinabi niya. Wala talagang preno ang kahalayan ng bibig nitong baklitang 'to.
"Tama! Pareho kasing mga pabebe." Ang pagsang-ayon ni Isabela dito. Napailing nalang ako sa dalawa at hinayaan silang mag-usap. Nakakapagod makipag-usap kay Austine, maiinis ka na matatawa.
Hindi naman sa nagpapapabebe si Axel, naiintindihan ko naman kung bakit niya ako pinapahintay. Hindi naman kasi minamadali ang pagmamahal pero hindi rin ibig sabihin nun habang buhay akong maghihintay sa kanya. Tama si Isabel. Hindi lang kay Axel iikot ang buhay ko pagkatapos kong manganak.
Umabot pa ng oras ang usapan nilang dalawa bago nagpaalam si Austine dahil nakatulog na si Nigel at kailangan pa raw niyang makipag skype sa koreano niyang estudyante.
"Ro, I'm just going to do a script analysis sa kwarto ni kuya Axel. Pakitawag nalang ako mamayang hapon kapag kakain na tayo." Aniya at humihikab na umalis dala-dala ang kanyang laptop.
Pumunta rin ako sa kusina para ipaghanda ng lunch si Axel. Hindi kasi siya kumain kanina. Inilagay ko sa isang tray ang mangkok na may lamang menudo, plato na may kanin, juice at kutsara't tinidor. Tahimik kong inilapag sa coffee table ang tray at tinabihan siya sa sofa.
"Xel, kumain ka muna at magpahinga. Kanina ka pa nakatutok diyan sa laptop mo." Pag-aaya ko dito pero hindi pa rin niya ako pinansin. Patuloy pa rin itong nagtitipa sa kanyang laptop.
"Galit ka ba sa akin?" An mahinang tanong ko dito at marahang hinagod ang kanyang braso.
Napatigil ito saglit bago inayos ang suot-suot niyang salamin at muling nagtrabaho.
Ang hirap talagang suyuin ng lalaking ito. Hindi ko maintindihan kung bakit ko to ginagawa eh di ba dapat ay ako ang sinusuyo nito? Hays. Bahala na nga.
Mas lumapit ako sa kanya at tahimik na inihilig ang ulo ko sa balikat niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ang kanyang mga daliri na tumitipa sa keyboard.
Pumikit ako at ikinalma ang sarili ko sa kanyang balikat. Pinakiramdaman kung itutulak niya ba ako palayo. Pero ilang minuto na ang lumipas ganun pa rin ang posisyon namin. Minulat ko ang mga mata ko at tiningnan ang screen ng laptop.
Lullien Melendez Communications.
"'Wag mo silang tatanggapin." Wala sa sariling sabi ko.
"Why?"
Hindi ako sumagot. Paano ko naman masasabi na hinarass at binastos ako ng CEO ng kompanyang 'yan? He even forced me to sleep with him, mabuti nalang at naabutan ako ni Kurt sa parking lot.
"Wala. Kalimutan mo nalang 'yon." Ang sagot ko at nilanghap ang kanyang amoy. Iniba niya ang ginagamat na pabango at deodorant kasi hindi ko talaga masikmura ang baho ng dati niyang pabango.
"Should I ask dad to close them hmm? I know what they did to you, Roan. Alam rin ito ni Nathan. We bought all of their stocks secretly. It's for you to decide kung anong gusto mong gawin sa kanila." Aniya at muling bumalik sa pagbabasa ng isang report.
Kinalma ko nalang ang sarili ko sa kabaliwang narinig ko kay Axel. Bakit ko ba nakalimutan na anak to ng isang makapangyarihang tao?
"Wala. Wala akong gustong gawin sa kanila. Pero galit ka pa rin ba sa akin?"
Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin ito sumagot sa akin. Bumuntong hininga ako at bahagyang tumingala para tumapat ang bibig ko sa tenga niya. Just enough for my lips to lightly touch his lobule.
"Sweety..sweetheart?" I tried my best to sound pleasing and inviting. Tingnan natin kung hindi mo pa rin ako kikibuin.
I can feel how his body tensed after he heard me. Lihim akong napangiti dito. Sunod-sunod ang ginawa nitong paglunok at dahan-dahang isinara ang kanyang laptop bago inilagay sa maliit na lamesa.
Hindi ako nakapagprotesta kaagad ng bigla niya akong itulak pahiga sa sofa. His strong arms secured my baby bump. Itinukod niya ang kanyang mga kamay sa gilid ko and lightly press his body on me.
"I told you, ako ang tatabi sa iyo pero kumampi ka sa bubwit na 'yon." aniya sa pagitan ng malalalim na hininga.
"Magkaibigan lang kami." Ang paliwanag ko.
"Magkaibigan lang din tayo noon." Ang bulong niya at hinalikan ako sa pisnge ko.
"Magkaibigan tayo pero I don't see them they way I see you, Axel. Ikaw lang naman ang nag-iisip na magkaibigan tayo. I see you more than my friend, Axel. Bakit ka magseselos kay Isabel?" hindi ko mapigilang mapangiti.
Nakakatakot ang ganitong pakiramdam. Iyong abot na abot mo na 'yong kasiyahan pero aware ka naman sa sakit na kapalit nito. Natatakot ka kasi minsan mo ng naranasan ang sakit na 'yon at ayaw mo na itong maulit pa pero gusto mong pagbigyan ang sarili mong sumaya. Gusto kong sumaya sa piling ni Axel na walang kahati at walang inililihim. I want love him freely and proudly. Iyong totoong akin siya.
"I don't know, sweety. Naalala mo si Carla? Iyong babaeng niligawan mo nung first year highschool ka pa lang? You told me you're gay but you got attracted to that girl. Hindi malabong magkagusto ka rin kay Isabel. She's pretty, smart and witty. She can make anyone fall head over heels for her. Even you, Roan. Even you." Ang bulong niya at isiniksik ang ulo sa leeg ko.
Bigla kong naalala si Carla. Ang kaisa-isang babaeng naging karelasyon ko. Carla is an amazing person kaso hiniwalayan niya ako dahil naka arrange marriage na pala ito sa moroccan din naming kaklase. Sa kanya ko lang naisip na baka may pag-asa pa akong tumuwid pero mukhang hindi talaga para sa akin ang pagiging tunay na lalaki.
"That won't happen." Ang pagpapanatag ko dito.
"Really? Then can I ask you what I wanted for my reward later, sweety?" Napalunok ako ng kagatin niya ang kanyang labi at dinilaan ito. Malalim ang ginawang niyang pagtitig sa mga mata ko, para akong hinihipnotismo ng kanyang mga maiitim na mata.
Damn this sexy beast!
"P-para ka namang mananalo. M-masyado ka yatang b-bilib sa sarili mo, X-Xel." I tried to joke around kahit ang totoo'y gusto ng kumawala ang puso ko sa tadyang ko.
"Let me hold you again, Roan Dela Mercid. Ipapanalo ko mamaya. Sisiguraduhin ko." Ang determinado niyang banggit. Natameme ako sa request niya. Hindi ako makasagot, hindi ko alam ang isasagot.
Roan, akala ko ba ayaw mo na? Akala ko ba hindi ka pa handa? Bakit ka naguguluhan ngayon?
"B-buntis ako." Ang tangi ko lang naisagot.
"Sabi ni doc okay lang daw. I called her yesterday." Bulong niya sa tila paos na boses. Mababa at malamig, para ako nitong iniinganyo ulit na sumuko sa kanya.
-----------------------------------------------------------
Hi guyses! Survived kina Roan at Axel na ako. Halu na kina Gov at Den. Yieeeksss! Labyu ol! Mwua mwua! Chup chup! Ciao!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top