18
Roan Dela Mercid
Ganito naman lagi. She'd act pitiful in front of him, she'd ask forgiveness at patatawarin ko naman kahit na alam kong nagpapakitang tao lang ito. Ayaw ko na na kasi ng gulo. Isa pa, ampon man si Isabel isa pa rin siyang Juariz.
"I'll put you in your place, Roan, na dapat ay matagal ko ng ginawa." Aniya bago inilayo ang kanyang mukha sa akin.
"Roan, papasukin mo muna si Isabel at pakainin. I'll finish the laundry first then I'll join you after." Ang utos sa akin ni Axel bago niya ako hinalikan sa noo at tinalikuran para bumalik sa paglalaba.
Nginitian ko muna si Isabel bago ako tumayo at naglakad patungo sa loob ng bahay. Pagkapasok namin, mabilis kong isinara ang pinto at hinila siya papunta sa kusina.
"Anong kalokohan na naman ang nasa utak mo, Isabel? At ano na namang role ang nakuha mo para pagpraktisan kami ng ganun." Sobrang sira ang mukha ko habang tiningnan siyang printeng naka-upo sa harap ng hapag.
"Duh, you know na kung ano, Roro. As always, kontrabida na naman ako. Tsaka ano bang pinuputok ng butsi mo? You know naman me, 'di ba? You guys are the most effective people to practice with." Ang maarteng sabi nito. Napairap nalang ako sa hangin sa katwirang ibinigay niya sa akin.
Kung hindi ko lang kilala ang babaeng 'to baka naniwala na ako sa acting niya kanina. Mabuti nalang at nasanay na akong pagpraktisan niya o kung hindi ay ang kanyang mga pinsan o si Kurt.
"We're not your workshop, Isabel." ang naiiling kong sabi sa kanya.
"I don't care tsaka don't you feel proud ba, Ro? You have a great contribution kung bakit best actress ako." Anito na tinawanan ko lang.
"Whatever, Isabel." Ang nakangiti kong sabi dito bago siya tinalikuran para ihanda ang kanyang makakain.
Isabel Montelvan Juariz o mas kilala bilang si Bella Montelvan sa telebisyon. Isabel hates me. She hates me dahil mas close ako kay Axel at hindi sa kanya na girl bestfriend ko daw. Unang tapak ko pa lang sa mansyon nila noong mga bata kami inanunsyo na niyang mag-bestfriend daw kami whether I like it or not. Malaki ang naging kontribusyon niya kung bakit ako naging bakla.
She likes dressing me up at siya ang unang nagsabi sa akin na may crush daw ako kay Axel. Isabel is a brat at saksakan ito ng arte but she has a good heart. Siya lang ang pinagsabihan ko sa tunay na namamagitan sa amin ni Axel noon. Siya din ang gumagawa ng mga paraan para mas lalo pa akong mahulog kay Axel. Katulad kanina. Kaya nga minsan naiinis ako sa babaeng ito.
"You know what, Ro. If nandoon lang ako sa party ni Axel baka sinabunutan ko na ang babaeng 'yon. I always hate that bitch. Akala mo kung sinong santa eh puta naman." Napasinghap ako sa mga salitang ginamit ni Isabel. Kahit kailan talaga ang bibig ng babaeng 'to.
"Axel should have known na hindi lang si Gelo ang tumitira sa ex niya. Boyfriend ko nga pinatulan niya. God! Sideline niya yata ang pagiging pokpok." Ang nanggagalaiti nitong sabi bago nilantakan ang pagkaing inilagay ko sa hapag.
Umupo ako sa kanyang harapan at tiningnan siyang ganadong kumain. Kung naging straight ako ay baka isa na rin ako sa naghahabol sa babaeng 'to. Isabel is beautiful. Bagay na bagay sa kanya ang may pagka morenang balat. Maliit ang kanyang mukha at bagsak na bagsak ang kanyang itim na buhok.
"Sinong nagsabi sa iyo na nandito ako, Isabel? Si Kurt, nakausap mo na ba siya? Kamusta na sila sa Manila?" Ang sunod-sunod kong tanong sa kanya.
Saglit pa itong ngumuya at lumunok bago niya ako sinagot. "Kuya Nathan. I asked him about your location kasi hindi kita macontact at wala ka na rin sa dating bahay mo. Ayaw ring sabihin sa akin ni kuya Kurt kung nasaan ka. Nakakapag tampo ka ha! Bakit si kuya Kurt, Nathan at Austine alam kung nasaan ka tapos ako itong BESTFRIEND mo, ni hindi mo man lang mapadalhan ng text."
Her tone made me feel guilty. Gusto ko naman talaga siyang sabihan but I don't want to bother her. Alam kong sa oras na sinabi ko yon sa kanya, hindi siya mag-aatubling sundan ako dito.
"I'm sorry. Nahihiya kasi ako sa'yo. Ilang beses mo na akong pinagsabihan na putulin ang relasyon namin ni Axel pero hindi ako nakinig sa'yo. You warned me about this but I brushed it off. Sana pala nakinig na lang ako sa iyo." Ang buong pagsisisi kong sabi sa kanya. Ano kayang mangyayari kong maaga kong pinutol ang makasalanang relasyon namin ni Axel? Mabubuntis kaya ako? Matutuloy kaya ang kasal nila Cheska?
"Whatever, it's in the past na naman. About kay kuya naman, hindi ko pa rin siya macontact. Busy siguro ito doon. Manila is fine except Cheska. Kinukulit niya ako about kuya Axel's whereabout. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng 'yon." Ang inis nitong sabi.
Bigla akong natigilan sa sinabi ni Isabel. Muli na namang binalot ng takot at pangamba ang puso ko. Babawiin ba ni Axel ang pangako niya sa akin noong nagdaang gabi kapag nagkita sila ulit ni Cheska?
"Roan, I know kuya Axel is feeling something for you na. Stop your doubts. Isa sa kapalit ng pagbibigay ni kuya Nathan sa akin ng location mo ay ang pahirapan si kuya Axel. Let me guess, sinabi siguro niya sa'yo na hindi pa siya sure?" Ang taas kilay niyang tanong na ikinatango ko. Minsan talaga ay hindi ko maiwasang mamangha sa instinct ng mga babae. Girl's are scary.
"Ganyan naman talaga ang lalaking 'yan. He doesn't know how to handle his emotions well. Dati ko pa siyang napapansin. Just trust me, okay? I will leave him no choice but get his shits together."
"Hindi naman ako nagmamadali." Ang mahinahon kong sagot sa kanya.
"Hindi nagmamadali? Eh ang laki-laki na nga ng tiyan mo." Aniya at minatahan ang umbok ng aking tiyan. Wala sa sariling napayakap ako doon.
"This is not just for you and kuya Axel. This is also about my pamangkins, okay? I want them to have a complete fam. Paglabas ng baby ninyo, you won't have enough time to deal with his uncertain feelings. Do you understand?"
As always, napatango na lang ako sa kanya. What Isabel wants, Isabel gets pa naman ang motto niya sa buhay. Hindi man ito kadugo ng mga Juariz, katulad na katulad naman niya ang mga ugali nito.
"Oh! By the way, your mom is back."
Malakas na kumabog ang puso ko pagkarinig sa sinabi niya tungkol sa mama ko. Ang mama ko na matagal ko ng hindi nakikita. Ang babaeng inakala kong patay na.
"A-ano? Totoo ba 'yan? You're not lying, right?"
She rolled her eyes at me at maarteng tinuro ang kanyang sarili, "Why would I lie about your mom? I know your mom's appearance is a sensitive issue for you. Pero advice lang ha, wag kang magpapaniwala sa sasabihin ng mama mo, Roan. The last time you trusted her, muntik ka ng mamatay."
"H-hindi niya 'yon sinasadya, Bel. Alam mo namang may sakit sa pag-iisip si mama." Ang depensa ko dito.
"I don't want to argue with you about that. Alam ko namang dedepensahan mo pa rin ang mama mo." Ang tila pagod niyang sabi sa akin at nagpatuloy sa paglamon.
"Anong meron sa mama mo, sweety?" Napatingin ako kay Axel na papasok sa bahay dala-dala ang balde na may lamang mga damit.
"Sweety?" Hindi ko pinansin ang nanunuksong tingin ni Isabel at itinuon ang pansin sa katawan ni Axel na kumikinang sa pawis.
"B-bakit mo yan ipinasok?" Ang pag-iiba ko ng usapan dahil ayokong sagutin ang alin mang tanong nilang dalawa.
Yunuko ito at sinimangutan ang dala-dalang labahin. "Let's just use the washing machine, Ro. Hindi ko talaga kaya ang maglaba."
Sa laki ng katawan niya imposibleng hindi niya kaya pero dahil dakilang senyorito at tamad itong lalaking 'to hindi na lang ako aasa.
"Maiwan muna kita, Bel." pagpapaalam ko kay Isabel bago tumayo ako mula sa aking inuupuan. Naglakad papunta sa may cr kung saan nakalagay ang washing machine at nilagpasan si Axel.
Ramdam kong sumunod siya sa akin niligay sa gilid ko ang balde habang hinahayaan akong kalikotin ang machine. Nang mapaandar ko na ito kinuha ko na isa-isa ang mga damit at inilagay iyon sa loobg washing machine.
Habang abala ako sa ginagawa ko, naramdaman kong ipinatong ni Axel ang kanyang mga palad sa magkabilang bahagi ng bewang ko mula sa aking likuran at marahan itong hinagod.
"Are you mad at me?" Ang bulong niya sa tenga ko dahilan para manindig ang balahibo ko sa batok. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga doon.
"H-hindi. Bakit naman ako magagalit? Tsaka l-lumayo ka nga sa akin. Baka makita tayo ni Isabel at ano pang sabihin nun." Ang saway ko dito at sinubukang tanggalin ang kanyang mga kamay na nakakapit sa bewang ko.
Sinubukan ko. Sinubukan ko pero masyado siyang malakas kumpara sa akin. Ang kaninang nakakapit sa bewang kong mga kamay ay lumingkis sa buong bewang ko. Mas lalo pang idiniin ni Axel ang katawan niya sa likuran ko at hinalik-halikan ako sa leeg. Alam na alam ko ang galawan ng lalaking 'to. He's like this kapag gusto niyang maka-isa noong nasa Manila pa kami. Ang mga ganito niyang mga galawan ang dahilan kung bakit nahihirapan ako noong itigil ang kalokohan namin.
At ilang araw ko na ring napapansin na unti-unting nanumbalik ang mga ganitong galawan ni Axel. Ngunit iba na ang sitwasyon namin ngayon. We are no longer involved in such things at hindi rin ako sigurado kong handa na rin ako.
"Roan, stop looking at Isabel like you did before. You even gave her a smile. I don't like it." Bulong niya at hinalikan ako sa pisngi ko.
Napakunot ang noo ko sa una niyang sinabi. Anong meron sa tingin ko kay Isabel? Wala naman akong maisip na rason para masabi niya ito. As far as I could remember, hindi ko binigyan ng ano mang kakaibang tingin si Isabel maliban sa pagkamangha at pagkagulat.
"Anong pinagsasabi mo, Axel?" Ang naguguluhan kong tanong dito bago malakas na napaungol ng kagatin niya ang tenga ko at halikan. "Ahhhmm...w-what the heck are you doing?!" Ang nagpapanic kong tanong at mahigpit na napakapit sa mga braso niya.
"Stop looking at Isabel like she's the most amusing and amazing thing you've seen. Stop giving her that tender smiles, sweetheart. Ako lang dapat ang ngitian mo ng ganyan. Noon pa man, you two always had a mysterious relationship and it drives me crazy." Aniya sa mababang tono. Ipinatong niya ang kanyang ulo sa balikat ko at mahigpit akong niyakap mula sa aking likuran.
Gusto ko sanang sabihin sa kanya na baka namamalikmata lang siya't napaparanoid pero mas pinili ko nalang tapikin ang kanyang braso at ang kanyang noo.
"Hmmm...okay." Ang sagot ko sa mahinang boses na tama lang para marinig niya. "Umalis ka na sa pagkakayakap sa akin at baka palabhan ko ito ng mano-mano." Pagbabanta ko habang nakangiti.
Mabilis naman niyang inialis ang kamay mula sa bewang ko at lumayo.
"Sa kusina lang ako." Aniya at hinalikan ako sa pisnge bago umalis para daluhan si Isabel doon.
Isinasara ko na ang takip ng washing machine ng marinig ko ang papalapit na boses ni Isabel na tinatawag ang pangalan ko.
"Roan, May naghahanap sa'yo." Ang pagpapaalam niya sa akin pag dating sa harapan ko.
"Sino?"
"I don't know, SWEETY. I just got here like awhile ago." Aniya sa nang-aasar na tinig at ngumise.
Napailing ako dito at nilagpasan siya para pumunta sa may pintuan. Papalapit pa lang ako ay namumukhaan ko na ang matipunong katawan ni Rico. Kasalukuyan itong kinakausap ni Axel. Ngumite ito sa akin at kumaway ng mapansin niya ako.
"Hi, Rico. May maitutulong ba kami sa iyo?" Ang tanong ko dito pagkalapit kay Axel na agad akong inakbayan.
"Gusto lang sana kitang ayain na manuod ng liga namin sa baranggay bukas. Si Axel, inaya kong maglaro sa grupo namin." Mabilis kong nilingon ang katabi ko at tinaasan ng kilay.
"Marunong ka?"
"Naglalaro kami dati ng mga katrabaho ko. At palagi kaming panalo." Ang mahanging niyang sagot.
"Sige, susubukan ko. Anong oras ba?"
"Alas syete ng gabi. Punta ka ah?"
ang nasasabik nitong tanong sa akin. Pasikreto akong natawa dahil para itong bata na sabik bilhan ng laruan.
"Sure."
Hindi na rin siya nagtagal at tumanggi nang ayain ko itong kumain sa loob ng bahay. May trabaho pa raw kasi ito sa bayan.
"Sweety, pagnanalo kami....can I ask for a reward?" May pilyong ngiti na sumilay sa kanyang mga labi at hindi ko maiwasang kilabutan sa ngiting 'yon.
-----------------------------------------------------------
Hi guyses!!! Hahaha! Balik na naman tayo kina Roan at sa iba ko pang power bottom. Sana suportahan niyo rin sila katulad ng pagsuporta ninyo kay Austine. Thank you po! Labyuuu! Mwua! mwauh! Ciao! ❤❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top