15
-----------------------------------------------------------
Roan Dela Mercid
"Ro, galit ka pa rin ba sa akin?" Tanong nito sa akin habang palabas na kami ng supermarket. Hindi ko siya pinansin at nagpalinga-linga sa paligid.
Bitbit nito sa magkabilang kamay ang dalawang carton na may lamang mga supply.
Hinahanap ko sila nana Luz at Rico para sana magpaalam. Kahit naman sumakay ako kina Rico, pipilitin lang naman ako ng lalaking 'to. May tendency pa naman itong maghamon kaagad ng away kapag hindi nasusunod ang gusto niya.
"Hindi ako galit." Sagot ko sa kanya na hindi pa rin tumitingin sa kanyang direksyon. Hinahanap pa rin ng paningin ko sila Rico.
"Rico!" Sigaw ko pagkakita kina nana at Rico na tulak-tulak ang isang shopping cart na may lamang dalawang carton at eco bags palabas ng supermarket.
Iniwan ko muna si Axel at lumapit kina Nana.
"Na, Rico, hindi na ho ako makakasabay sa inyo eh. Dumating ho kasi 'yong kaibigan ko." Paalam ko sa kanila, nilingon ko si Axel na nakabusangot ang pagmumukha habang nakatingin kay Rico.
"Kaibigan?" Napatingin rin ito kay Axel na ngayon ay nakangiti na. Ibinaba nito ang dala-dalang mga carton at nagmano kay Nana.
"Good afternoon po. Ako po si Axel, pinsan po ako ni Kurt galing Manila." Ang magalang niya pakilala dito.
"Aba eh kigwapong bata nito! Isa nga pala ako sa tagapangalaga ng lugar na tinitirhan ninyo ngayon. Pwede mo akong tawaging, Nana Luz. Ito naman ang anak ko si Rico." Ang pagpapakilala ni Nana at kinuha ang kamay ni Rico para ilahad sa harap ni Axel.
"It's nice meeting you, Rico." Parehong seryoso ang kanilang mukha. Parehong nagsusukatan ng tingin. Sobrang higpit rin ng pagkakahawak nila sa kamay ng isa't-isa.
"It's nice meeting you too, Axel." Kulang nalang magka balian sila ng buto sa kamay dahil sa mahigpit na pagkakahawak.
Hinawakan ko ang braso ni Axel at mahinang hinila para hindi mahalata ni nana na may mali. Ayoko namang magka bad image si Axel dito. Mabuti naman at nakuha nito ang ibig kong sabihin. Ito na ang kusang bumitaw sa kamay ni Rico.
"A-ah..m-mauuna na po kami, N-na, Rico. Maraming salamat po sa pagpapasakay kanina." Hinging pasalamat ko at hinila si Axel paalis doon. Sinulyapan ko muna si Rico and gave him an apologetic smile noong magtagpo ang mga mata namin.
"Roan!" Ang inis na tawag ni Axel sa akin. Pero hindi ko ito pinansin at sa halip ay hinarap muli sila Nana Luz na sabay ring tinawag ang pangalan ko.
"Bakit po, Na?" Tanong ko dito.
"Doon na kayo sa bahay maghapunan mamaya. May kaunting handaan kasi. Birthday ng pinsan nitong si Rico na nasa Dubai. Aasahan ko kayo doon, mga anak." Ang pagpapaalam ni Nana sa amin.
"Opo, Na. Pupunta po kami. Sige po, magkita-kita nalang po tayo mamayang hapon. Maraming salamat po ulit." Pagpapaalam ko sa kanila at tuluyan ng tumalikod.
"Nasaan ang sasakyan mo?" Tanong ko sa kasama ko na sobrang sira ng ekspresyon sa mukha.
"Nasa parking lot, just wait here. Kukunin ko lang." Aniya at binitbit kasama niya paalis ang dalawang carton.Sumang ayon naman ako dahil medyo sumasakit na rin ang paa ko kakalakad kanina sa loob at malayo-layo pa ang parking lot. Pumwesto na lamang ako tabi ni manong guard.
Habang hinihintay si Axel ay may lumapit sa aking batang lalaki. Tantya ko ay nasa dalawa o tatlong gulang ito. Maumbok at pisngi nito at malalaki ang mga mata habang nakatingala sa akin. May pagka chubby at kaputian rin ito.
"Hello, baby." bahagya akong umupo para mapantayan ko ang taas nito. Mas lalo itong naging cute sa malapitan. Para itong manika.
"Hi!" Ngumite ito sa akin ng pagkalaki-laki at kumaway. "Pwetty!" Aniya at ikinulong ang mukha ko sa maliliit nitong mga kamay.
Pakiramdam ko ay natunaw ang puso ko sa kakyutan nito. Hindi ako ganoon ka lapitin ng mga bata dahil sa aura ko. May pagka malamig kasi ako at seryoso lalo na sa trabaho. Taliwas sa iniisip nila, mahilig ako sa malalambot at cute na bagay. Hindi ko alam kung alam ba 'yon ni Axel o ano. Ayaw ko kasing ipagsabi kasi baka tuksuhin lang ako.
"Thank you! Nasaan si mama at papa mo, baby?" Tanong ko dito pero umiling ito at nagpalinga-linga sa paligid.
"Papa there!" Tinuro niya ang isang lalaki sa di kalayuan na hapong-hapo habang inilibot ang paningin sa buon lugar. Tumigil ang pangin nito sa pwesto namin at patakbong tinungo.
"Frank! Ano ka ba namang bata ka? Halos mamatay na ako sa nerbyos at takot. Diyos ko naman." Sabi nito at lumuhod para mayakap ang bata.
"Papa, advwenchu ako. Look pwetty, like papa." Ngumite ang bata dito at itinuro ako. Wala sa sariling napakaway ako dito. Pinunasan muna nito ang luha bago lumapit sa akin.
"Maraming salamat po sa pag entertain sa anak ko at baka kung saan pa ito napunta." Aniya at sensirong ngumite sa akin.
"Wala iyon. Kusa namang lumapit sa akin ang bata, nagtataka lang ako kung bakit wala siyang kasamang nakakatanda." Sagot ko dito. Nakangiti ito para halata namang hindi pa rin humuhupa ang kaba.
"Papa, dede ako." Napayuko kaming dalawa sa bata na nakahilig sa mga paa ng papa nito. Namumungay na rin ang mga mata nito. Hindi ko tuloy maiwasang mapamulahan dahil sa kakyutan nito.
"Roan? Who is he?" Nilingo ko si Axel na naglakad papalapit sa amin. Kinabig ako nito sa aking bewang at idinikit ang likuran ko sa kanya.
"Ah..kakilala lang namin. Nawala kasi itong anak niya na nakausap ko habang wala ka." Sagot ko sa kanya at pilit na kumakawala sa kanyang braso na nakapulopot sa bewang ko.
"Hi, I'm Tyga Xerxes Jua-Mondejar at ito naman ang anak kong si Frank." Pagpapakilala niya at inilahad ang kamay sa amin.
"I'm Roan Dela Mercid. It's nice to meet you Tyga." Inabot ko ang kanyang kamay at nakipag kamay dito.
"I'm Axel. It's nice to meet you too." Malamig at may bahid ng pagdududa ang boses nito habang nakikipag kamay dito.
"It's nice to meet you guys pero kailangan ko na talagang umalis. Mukhang napagod kasi itong chikiting ko sa adventure niya. Marami talagang salamat." Aniya at kinarga ang chikiting. Nakita ko pang medyo nahirapan ito dahil sa lusog ng bata.
"Mag bye ka na sa kanila, anak. Say thank you rin." Utos niya dito.
"Bye-bye. Eynk you vewy much, pwetty." Ang pagsunod ng bata habang humihikab. Sumiksik kaagad ito sa leeg ng kanyang ama.
"Bye, baby. Take care."
Pagkaalis nila ay nilingon ko si Axel para ayain na itong umuwi. Medyo nakakaramdam na kasi ako ng pagod.
"Are you tired? Let's go home, shall we?" Nasa bewang ko pa rin ang kamay niya na gusto-gusto ko ng tanggalin.
"Axel, can you please take your hands off from me?" Inis kong pakiusap dito. Heto at sinusumpong na naman ako ng pagiging iritable ko pagdating kay Axel.
"What's wrong?" Ang nag-aalalang tanong niya pero inirapan ko lang ito.
"Pakitanggal ng kamay mo please. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao. Baka may makakilala sa iyo dito." Ang mahinahon kong paliwanag dito habang naglalakad kami patungo sa isang maserati levante.
"Ro, I've been doing this to you since forever. Ngayon ka pa ba mag-iisip ng ganyan?" Buntong hininga niya.
"Noon 'yon, Axel. Noong kaibigan mo lang ako sa paningin ng ibang tao at hindi kabit. Hindi sila mag-iisip ng iba noon pero iba na ngayon. Nagawa pa nga tayong mahuli sa loob ng condo mo. Paano nalang kaya dito?" Ang mahabang sabi ko dito. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ko nasabi ang lahat ng ito.
Tahimik akong pumasok sa loob ng sasakyan. Sa likuran ako umupo at hindi sa tabi ng driver's seat.
"Ro...move beside me." Utos niya sa akin pagkaupo sa may driver's seat. Grabe! Insensitive ba ang lalaking ito? Hindi ba siya nakakaramdam na hindi ako komportable sa kanya ngayon?
"Please." I really should learn how to handle my feelings. Ang bilis kong rumupok sa taong ito. Kulang pa. Kulang na kulang pa ang panahon na ginugol ko para paalisin ang pesteng pag-ibig na 'to.
Pabagsak kong isinara ang pintuan malapit sa may shotgun seat at diretsong tumingin sa harap.
"I can't handle another humiliation, Axel, kaya nga nagpaka layo-layo na ako sa iyo..sa inyo. I acknowledge you as the father of my children...pero hanggang doon lang 'yon." Ang sabi ko dito sa gitna ng byahe namin pauwi.
"You know I won't allow that. I'll do anything to have your trust again, Roan. Gagawin ko ang lahat maibalik lang tayo sa dati." Nakita ko ang paghigpit ng kapit niya sa manibela habang seryosong nakatuon ang tingin sa daan.
Malungkot akong napangiti habang pinagmasdan ang nga nadadaanan naming tanim ng tubo.
"Anong dati, Axel? Iyong kabit mo pa ako?" Ang natatawa kong tanong.
"Roan, hindi ka kabit! We..we just had some special relationship." Hindi ko alam kung matatawa o maiiyak ako sa special relationship niya.
"Axel, you just sugar coated the word kabit. Bali-baliktarin man ang mundo alam natin na we're fucking behind Cheska's back! Si Cheska na girlfriend mo. Si Cheska na mahal mo. Si Cheska na tunay na nag ma-may ari sayo. Eh ako? Parausan mo lang ako kapag binibitin ka ni Cheska. Hindi ba? Feeling ko nga personal pokpok mo ako." Pagbibiro ko at mahinang tunawa.
"Roan..please. 'Wag mong sabihin 'yan. You're my bestfriend and I want my bestfriend back. I want to see your smiles again, iyong mga panahong halos lahat ng sikreto ay alam natin sa isa't-isa. Noong komportable ka pa sa akin. Back when there was still no wall between us." Ang sabi niya dahilan para mapangiti ako ng mapakla. Nakakarinding friendship yan.
"Axel, alam mong kahit kailan hindi na 'yan maibabalik. I don't want you as my friend. I hate being your friend! I want to be with you. I want you to be my boyfriend. I want you to be my husband. I want a fucking romantic relationship with you! So don't give me hope kung pagkakaibigan lang ang maibibigay mo sa akin. Give me some time to get over you!" I finally bursted. Napamura pa ako dahil sa tindi ng frustamration na nararamdaman ko. Hindi ko na kaya pang itago ang katotohanan. I'm still in love with him and I don't think friendship can mend my broken heart.
Wala na siyang sinabi pa pagkatapos ng mahabang sinabi ko. And I'm so frustrated dahil hindi ko mabasa ang mukha niya. Hindi ko mahulaan ang iniisi niya. He remained silent all through out our ride.
Nauna akong bumaba ng sasakyan at naglakad papuntang bahay. Dumiretso ako sa kwarto ko at naglock. Tinanggal ko isa-isa ang mga saplot ko sa katawan hanggang sa boxers shorts ko na lang ang natira. Humarap ako sa malaking salamin at tiningnan ang kabuuan ko.
I look and feel better. Better than ever, actually. Kahit ganoon ang response ni Axel hindi ito ganoon kasakit kumpara noong una.Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko hindi ko maiwasang mapaiyak. Niyakap ko ang lumalaki kong tiyan at umiyak. I cried thinking na kahit halos wala na ako lahat may dumating namang mga blessings sa akin. Heaven is so good to me.
Sila ang naging bunga ng kamalian ko. Despite the fact that they're made out of sin, they're my angels sent from heaven. My babies made me realize my worth. My babies made me better.
"I love you mga anak. Sorry kung ang demanding ko sa daddy niyo. I may not give you a complete family but I'll do my best to be the best papa para sa inyo."
-----------------------------------------------------------
Alam niyo kung ano ang pinaka ayaw kong i-update? Hahaha! Ito po. Hindi ko alam pero parang ang flat ng kwento, wala pa akong maisip na maayos na twist haha palaging nagbabago.
Ayon nga po, may isang spoiler diyaan. Hahaha!
Ganito po dapat kayo sumagot:
1.___
2.___
3.___
Ilagay lang po sila sa iisang comment box sa panghuling question (3). Dito ho mismo sa comment box ng the general's affair.
Para sa ipinangako kong regular 50 na load, ito na po ang mga tanong:
1. Ano ang tunay na pangalan ni Lovely sa the Cold Hearted Father?
2. Sino ang nag kidnap sa magkakapatid na Juariz at pumatay sa lola nila?
3.Ano ang full name ng asawa ni Don Allistain?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top