14
Roan Dela Mercid
Pabagsak na isinara ni Axel ang pintuan ng kanyang sasakyan at naunang naglakad pababa sa may sapa. Lakad-takbo naman ang ginawa ko para makaabot sa kanya.
Tahimik lang akong nakasunod sa kanya hanggang sa makarating kami ng bahay. Ramdam ko ang namumuong pawis sa aking palad at ang malakas na pagkabog ng puso ko.
Umupo ito sa sofa at tumingala habang nakapikit. Nanatili lang akong nakatayo at kagat-labing nakayuko sa harap niya, sapu-sapo ko rin ang aking tiyan.
"Ilang buwan na?" Narinig kong tanong niya. Hindi pa rin ito gumagalaw sa kanyang posisyon.
"L-limang buwan na." Sagot ko dito at huminga ng malalim.
"Five months...hah! May plano ka bang sabihin sa akin ang tungkol dito Roan?" Binuksan niya ang kanyang mga mata at magkasalubong ang kilay na tinitigan ako.
Mas lalong napadiin ang pagkagat kp sa aking labi dahil sa sobrang kaba na nararamdaman. "W-wala...I-I don't know.."
Malakas niyang pinalo ang maliit na coffee table at tumayo."WALA?! Roan, kung hindi pa ako pumunta dito hindi ko malalaman ang tungkol dito, ganun ba? I had a hunch that you're pregnant at kung hindi sinabi ng tauhan ko na hindi ka bumisita sa isang OB GYNE patuloy mo pa ring itatago ito sa akin? What the hell, Roan." Ang hindi makapaniwalang tanong nito sa akin.
Wala akong masabi. Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak sa kayang harapan. I know he has the right to get mad at me. Magulang din siya ng mga magiging anak ko and I am taking his right to be part of my children's life by not informing him. Pero masisi niyo ba ako? Masisi niyo ba ako kung natatakot na ako sa magiging hinaharap ng mga anak ko na kasali si Axel? I'm afraid of what he can do.
Paano kung hanapin ng mga anak ko ang ama nila? Ano ang sasabihin ko sa kanila? Na ayaw ng ama niyo sa inyo? Na isa kayong salot sa buhay niya at ayaw niya kayong makita. I don't have the courage to tell my children that their father rejected them.
I couldn't help but think like that lalo na at nanggaling si Axel sa pamilya na may masamang nakaraan sa mga katulad ko.
Paano rin kung kunin nila sa akin ang mga bata? Hindi ko kakayaning mawala ang mga anak ko. Sila na lang ang meron ako. Wala akong kalaban-laban sa pamilya nila. Wala sa kalingkingan nila ang kakayahan ko.
"Why? Bakit ayaw mong sabihin sa akin?" Malumanay at mahina na ang kanyang boses sa pagkakataong ito.
Pero hindi ko siya nagawang sagutin kaagad. I just keep on crying in front of him. Medyo nahihirapan na rin akong huminga dahil sa tindi ng pag-iyak ko.
Naglakad ito papalapit sa akin at sinubukan akong hawakan. I flinched when he tried to touch my arms. I would be lying if I say that I'm not afraid of him. Simula noong tagpo namin sa bahay ko sa Manila pakiramdam ko ay hindi ko na kilala si Axel.
He tried to hold me again and this time tuluyan na nga niya akong nahawakan sa aking balikat. He place his other hand below my chin and lift it up. His touches were light, para itong humahawak ng isang babasaging bagay.
"I'm sorry for shouting at you. Stop crying, hun. Makakasama sa mga baby natin 'yan." Aniya sa pabulong na paraan habang pinupudpud ng halik ang buong mukha ko.
Saglit akong nakipagtitigan sa kanya pero agad ko ring iniwas ang tingin ko. "Natakot ako. N-natakot ako, Axel. Natakot ako sa maraming posibilidad kapag sinabi ko sa iyo. Natakot ako na baka pandirihan mo kami ng mga anak ko and reject them. Bahala na kung hindi mo sila makilala basta hindi ko lang direktang marinig sayo na ayaw mo sa kanila. Natatakot rin ako na baka kunin mo sila sa akin, Axel."
Naramdaman ko na naman ang pagtulo ng mga luha ko. Pero mabilis ko iyong pinunasan.
"You know I won't do that, hun." He said helplessly. He was staring at me and I stared back. Saglit kong hinanap ang kasinungalingan sa kanyang mga mata but I couldn't.
"I don't know, Axel. Noong sinugod mo ako sa bahay ko sa Manila, I feel like I don't know you anymore. Axel, alam mong nag-iisa nalang ako. Iniwan na ako ng nanay ko. Ang mga anak ko nalang ang meron ako." Ang lumuluha kong sabi.
I don't know what a parental love is. Hindi ko alam ang pakiramdam na arugain ng mga magulang. But I want my children to experience my childhood dream. Gusto kong alagaan sila sa paraan kung paano ko gustong alagaan ako ng mga magulang ko.
Hindi ko na nakilala ang totoo kong ama at ang mama ko naman ay saglit ko lang nakasama sa mansyon ng mga Juariz. Noong namatay kasi sila lolo at lola na nag-alaga sa akin ay kinuha ako ni mama at pinatira kasama niya sa mansyon nila Axel. Ilang buwan ang nakalipas ay iniwan nalang niya ako doon. Sobrang natakot ako na baka palayasin ako sa bahay nila at maiwang palaboy-laboy sa daan.
"Roan, calm down. Listen to me. You have me, okay? Nandito ako para sa iyo at para sa mga anak natin. I'm sorry if I scared you. I was so blinded at that time pero pinagsisihan ko na lahat 'yon." Aniya at marahan akong hinatak papalapit sa kanya para ikulong sa kanyang mga bisig.
I miss this. I miss his hugs. I miss his kisses. I miss everything about him. Parang nabalewala lahat ng effort ko na makalimutan ang nararamdaman ko sa kanya. Everything that I tried to forget about him are coming back.
"Tahan ka na please." Pag-aalo niya habang hinalik-halikan ako sa toktok ng aking noo.
"Axel... Bitaw.. Ang baho-baho mo." bulong ko dito. Ang baho talaga! Medyo nahihilo na rin ako dahil sa mga nangyari.
"What the fuck?" Ang hindi makapaniwala niyang sabi at lumayo sa akin. Inamoy-amoy pa niya ang sarili niya.
"Babe, I don't smell bad." giit niya pero wala akong paki. Basta mabaho siya. Humalukipkip ako at umupo sa sofa.
"Basta mabaho ka. Wag ka munang lumapit sa akin please." Pakiusap ko dito.
"Seriously? You're really doing this to me." Aniya at tinuro pa talaga ang sarili.
"Pasalamat ka at msvshveshnsj.." Bulong niya pero hindi ko narinig ng maayos dahil sobrang hina ng boses nito.
"Ano?"
"Wala. Maliligo lang ako at magpapalit ng damit mahal kong prinsipe." Sabi niya at yumuko sa harapan ko.
Kinabukasan ay nadatnan ko si Axel na nakadamit panglakad habang nakaupo sa sofa at nakaharap na naman sa laptop niya. May hawak-hawak rin siyang mug na sigurado akong may lamang kape.
"Good morning." Bati ko sa kanya.
"Good morning, Ro. Aalis nga pala ako mamaya. I'm going to San Carlos City later may ime-meet akong client." Aniya habang nakatuon pa rin ang pansin sa laptop niya.
"Sige."
Gusto ko sanang sabihin na sasama sana ako para mag-grocery pero naalala kong nakapangako na ako kay Nana Luz na sasama ako sa kanila ni Rico ngayon.
Alas nuebe ng umaga umalis si Axel mula dito sa bahay. Pag alis niya ay doon na ako nagsimulang mag-ayos ng sarili 10:30 kasi ang usapan namin ni nana Luz. Sale daw ngayon kaya magandang i-grocery. Mabuti nalang at hindi ako natuloy kahapon.
"Tao po? Roan? Nandiyan ka ba?" Narinig kong tawag sa akin mula sa may pintuan. Sumilip muna ako sa bintana bago ito pinagbuksan.
"Good morning, Rico. Aalis na ba tayo?" Tanong ko dito. Ngumite naman ito sa akin at tumango.
"Oo, sana. Tapos ka na ba?"
"Hmm. Tapos na ako. Tayo na."
Ikinandado ko muna ang bahay bago ko siya inayang gumayak patungo sa may hover. Ito yung tawag namin sa lugar sa kabilang bahagi ng sapa. May isang tindahan na nakapwesto doon at maraming tanim na tubo. Doon rin pumaparada ang mga sasakyan.
"Magandang umaga po, Nana Luz." Bati ko kay Nana pagsakay ko sa jeep na pagmamay ari nila.
"Magandang umaga din, ijo. Aba tumataba ka na. Mas gwapo kang tingnan kapag may laman ka." Sabi niya dahilan para mapangiti ako. Hindi naman madali ang magpataba lalo na at payatin talaga ako. May mga pagkakataon rin na nakakawalang gana talagang kumain.
"Maraming salamat po, nana."
Hinintay muna namin saglit ang iba pa nilang kapitbahay na makikisakay rin papuntang bayan. Karamihan sa kanila ay mga magsasaka na ihahatid ang mga naani roon para ibenta.
Pagdating namin sa supermarket ay humiwalay na ako kina Nana.
"Roan, sa sasakyan nalang tayo magkita-kita ha." Paalala ni Nana. "Kung mabigat ang dala mo magpatulong ka nalang sa mga bagger."
"Opo."
"Roan, hahanapin nalang kita mamaya. Uunahin ko munang tulungan si mama." Sabi ni Rico sa akin tulak-tulak ang isang cart.
"Sige, Rico. Na, kita-kita na lang po."
Una kong pinuntahan ang mga sabon. Tambak na ang labahan ko sa bahay lalo na ang mga damit ni Axel. Kung hahayaan ko siyang labhan ang sarili niyang mga damit ay uubusin lang nito ang sabon na walang dumi na natatanggal sa mga damit niya. Mabuti nalang at may washing machine at dryer na binili si Kurt noong nakaraang buwan.
Bumili rin ako ng mga kailangan ni Axel katulad ng kape, shampoo at sabon na ginagamit niya. Alam ko kasing hindi komportable ang loko sa safeguard na ginagamit ko. Nakita kong may mga pula-pula ito sa balat. Matapos kung mabili ang iba pang mga kailangan dumaan ako papunta sa dairy sections. Mahilig kasi akong uminom ng gatas kaya bumibili ako ng isang gallon nito.
Nanlumo ako ng makitang nasa pinaka itaas na parte ito ng shelf. Hindi naman kasi ako kataasan para maabot iyon. Wala ring dumadaan na mga store clerk dito.
"Roan, kailangan mo ba ng tulong?" Napalingon ako sa likuran ko at nakita ang nakangiting Rico na papalapit sa akin.
"Oo, sana." Nahihiya kong sabi sa kanya.
"Ano ba ang kukunin mo dito?" Tanong niya at lumapit sa tabi ko.
"'Yong gatas sana, Ric."
Walang kahirap-hirap na kinuha nito ang dalawang gallon ng gatas sa pinakataas na bahagi ng shelf.
"Ito na." Aabotin ko na sana ito mula sa kamay niya ng may ibang kamay ang naunang kumuha nito.
"Thanks for helping him pero pwedi ka ng umalis. Kaya kong tulungan siya." Sabi ng isang boses na napaka pamilyar sa akin.
Kabute ba ang lalaking ito at pasulpot-sulpot na lang kung saan-saan.
"Pasensya ka na, Rico. Wag mo nalang 'yan pansinin may topak kasi 'yan. Thank you. Balik kana kay Nana Luz. Pasensya na talaga." Sabi ko dito at alanganing ngumite.
"Kilala mo ba 'yan, Roan? Hindi ka ba sinasaktan niyan o ano?" Kunot-noong tanong nito sa akin habang nakatingin pa rin siya kay Axel na ganun din ang ginawa. Nagsusukutan sila ng tingin.
"H-hindi naman. Kilala ko 'yan, Rico. K-kaibigan ko sa Manila." sagot ko dito.
"Sigurado ka? Kung kailangan mo ng tulong tawagan mo lang ako." Aniya at ginulo ang buhok ko.
"He doesn't need your help. Kaya ko siyang tulungan kaya umalis ka na." Sabat ni Axel at hinala ako papalayo kay Rico.
"Hindi ikaw ang kausap ko kaya 'wag kang sumabat." inis na balik dito ni Rico. Naramdaman ko na ang mabigat na tensyon sa pagitan nilang dalawa.
"Rico, please. Baka hinahanap ka na ni Nana. Magkita nalang tayo sa sasakyan mamaya." Pakiusap ko dito. Tumango at nagpakawal ito ng malalim na buntong hininga bago tumalikod at umalis. Hinarap ko si Axel at hinablot mula sa kamay niya ang gallon ng gatas.
"Hun anong magkikita kayo mamaya? You're going to ride with me. At sino ba 'yong asungot na 'yon ha?" Maktol niya at tinulak ang dala-dala kong cart.
"Tumahimik ka nga, Axel. Para kang bata." Inis kong sabi dito.
"I don't like that guy."
"Halos lahat naman ng tao ayaw mo." irap ko sa kanya habang kumukuha ng mga canned foods.
"I don't like seeing other guys hanging around you. Gusto ko ako lang." Aniya sa mababang boses pero tinawanan ko lang ito.
You can't always be around me, Axel. At some point maghihiwalay rin ulit ang buhay natin. You'll have your own life and I will have mine. Ang mga anak lang namin ang mananatiling ugnayan namin.
-----------------------------------------------------------
Pasensya na kayo sa update na ito guys hahahaha. Nakakawalang gana kasing tapusin ito. Nag hang kasi ang wattpad tas biglang nagrestart nawala ang original na tinype ko huehuehue.
Moving on—char! Sana oils naka move on.
Gusto ko lang ho sanang batiin ang sarili ko ng Happy Birthday hahaha. Kahit malungkot ang birthday kong 'to dahil sa kasalukuyang nangyayari sa world I'm still thankful sa mga ibinigay sa akin ngayong 2020. Isa na dito ang unexpected na pagkakaroon ko ng mga kyut na kyut na readers hahaha. Thank you so much po sa pagtya-tyaga ng mga kwento ko.
Ayon lang! God bless us ol po! Labyu ol mwua mwuah! Ciao!
If may mga typo, grammatical error at kung anu-ano pa pagpasensyahan niyo na po sana hahaha. Edit ko nalang pagkatapos ko kasi wala na akong load.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top