13
Roan Dela Mercid
Lagpas isang linggo nang nandito si Axel sa bahay ni Kurt. Wala ring araw na hindi niya ako kinukulit kaya minsan ay hindi ko maiwasang mapalo siya ng kung anu-ano. Noong una ay hindi ko pa siya pinapansin pero palagi niya akong kinukulit kaya wala akong nagawa kung hindi ang pansinin siya.
"Hun, ako na ang magbibitbit niyan. Maliligo ka ba?" Tanong niya sa akin at inagaw ang dala-dala kong balde na may lamang tubig.
"May CR sa loob bakit ang maliligo dito sa labas?" Taas kilay kong tanong dito pabalik.
"Okay, okay. I'm sorry." Aniya habang tumatawa. Nagulat ako ng bigla akong nakawan nito ng halik sa aking pisngi.
"AXEL!" Gulat kong sigaw at akmang papaluin siya gamit ang dala-dala kong tabo.
Hindi ko na naabutan ang lalaking 'yon dahil mabilis itong tumakbo papalayo sa akin. Parang walang dala-dalang balde ng tubig ang mokong. Inilagay nito ang balde sa harap ng kulungan ng baboy.
"Salamat dito pwede ka ng umalis. 'Di ba may trabaho ka pa?" Pagtataboy ko dito at akmang papasok na sa kulungan ng pigilan niya ako.
"Wait, wait, wait a minute, hun. Papasok ka diyan?! Inside that dirty..." Nandidiri niyang minatahan ang kulungan bago ibinalik sa akin ang kanyang paningin. Inirapan ko lang siya at pinagpatuloy ang pagpasok sa loob.
Nagsilapitan sa akin ang mga baboy at nagsisigawan nakita ko namang parang nataranta si Axel kaya palihim akong tumawa.
"Ro, labas ka na diyan please. Ako na lang ang maglilinis. I'll sacrifice myself." Aniya at inabot ang kamay braso ko.
Anong sacrifice myself ang pinagsasabi ng lalaking 'to? Hindi naman ito kulto o ano.
Binigyan ko naman siya ng isang nagdududang tingin. "Sigurado ka, Axel?"
Alam kong napaka arte ng lalaking ito. He hated dirt the most dahil may pagka germaphobe kasi ito. Kaya nga naglilinis ako ng maigi sa bahay ko noon dahil ayokong mandiri siya sa paligid ko. Iniisip ko pa nga noon na baka magustuhan niya ako kapag nakita niyang sobrang linis ng bahay ko. Baka dahil doon sa akin na siya uuwi.
But of course, kay Cheska pa rin ang bagsak niya. And I...I will always be the bestfriend.
"Come on, Ro. Lumabas ka na diyan, please. Look at that fucking pig he's already chewing your slippers." Aniya at pilit akong pinapalabas sa kulungan. He had a horrified expression on his face.
"Ano ka ba, Axel. Hindi naman 'yan nangngain ng tao. Ikaw ang kakain diyan." Ang nakangiti kong sabi dito at lumabas na ng kulungan. I'll sacrifice myseld daw eh. Edi pagbigyan.
Ewan ko ba, sa loob ng isang linggo na na nandito siya ay walang araw na hindi ako naiinis kapag nakikita siya. Hindi ko rin maiwasang matuwa kapag nakikita siyang nahihirapan. Minsan rin ay nabubulyawan ko ito at natitiris sa tagiliran niya.
"FXCK! THIS IS SO DISGUSTING!" Malakas niyang sigaw ng makatapak siya ng dumi ng baboy. Pinalibutan kaagad siya ng limang baboy sa kulangan at todo hiyaw naman ang ginawa niya.
"Heto ang walis at tabo. Linisin mo na yan para makapananghalian tayo." Inabot ko sa kanya ang walis at tabo na hawak-hawak ko.
Tatawa-tawa lang ako habang tinitingnan siyang naglilinis. Sinong mag-aakala na nagawa kong palinisin ng kulungan ng baboy ang pinaka maarte sa magkakapatid na Juariz. Palagi kasi nitong inaasa sa mga maid at sa akin ang paglilinis ng mga gamit niya. Ang arte-arte pero di magawang maglinis ng sariling kalat.
"Stop chewing my shirt! Hindi yan pagkain." Inis niyang sabi sa baboy at tinampal ito. Pero hindi tumigil ang baboy sa pagnguya ng tshirt niya. Para itong batang nakikipaghilahan ng laruan.
Dahil yata sa inis ay hinubad na lang ni Axel ang t-shirt niya. Tumigil na rin sa pagnguya ang baboy. Iniinis lang yata si Axel haha.
"You stupid pig. Humanda ka sa akin at ipapaihaw kita." banta niya dito bago bumalik sa paglilinis.
Habang naglilinis siya ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang kanyang likuran na nakaharap sa akin. His body glistined from the sweat and water. Sikreto akong napalunok ng laway habang binabaybay ng tingin ang kanyang katawan. Napatigil ako sa tattoo na nakaukit sa gilid ng kanyang tiyan na umabot hanggang sa likuran. Isa itong tigre na niyayapos ng puting ahas.
I just can't deny the fact that Axel Zein Juariz is hot. That guy is one hell of a sexy beast.
"Hun, ang laway mo tumutulo. Pakipunasan." Narinig kong sabi niya sa akin. Nakaharap na pala ito sa akin at nahuli pa talaga akong nakatitig sa kanya.
Wala sa sariling hinawakan ko ang gilid ng aking labi para icheck kung may tumulo nga ba talagang laway.
Pinamulahan ako ng mapagtantong niloloko lang pala ako nito.
"If you want to taste me, you can just eat me directly, hon. Promise, hindi ako magagalit sa'yo." Aniya habang nakangiti ng nakakaakit. If things didn't change between us ay baka matagal na ako bumigay sa kanya.
"S-sinong gustong t-tumikim sa'yo? Eh mas mabaho ka pa nga ngayon sa baboy." Ang nauutal kong sabi dito habang hindi pa rin tumitingin sa kanya.
"That's because I just cleaned this shitty pig pen. Pulubi na ba ang Montelvan na 'yon at hindi niya magawang mag-hire ng taga linis dito?" himutok niya habang palabas ng kulungan ng baboy.
"Montelvan ka ng Montelvan eh Juariz naman talaga si Kurt." Inabot ko sa kanya ang isang towel na nakasampay malapit sa may kahoy ng sampalok na kaharap lang sa kulungan ng baboy.
"I don't care. I don't like him." Magkasalubong ang kanyang kilay habang pinupunasan ang kanyang katawan.
"Para kang bata." Ang sabi ko dito habang nilalagyan ng pagkain ang mga baboy.
"I can make babies now, hun."
Hindi ako nakapagsalita dahil naalala ko na naman ang problema ko. As much as possible ayokong malaman ni Axel ang tungkol sa magiging mga anak namin. There's a possibility that he might see me as a freak and reject my children pero hindi rin mawawala ang posibilidad na maaari niya ring kunin sa akin ang mga bata. Wala akong laban sa kaniya o sa pamilya nila.
Tuwing tinatanong niya ako tungkol sa medyo obvious ko ng tiyan ay iniiba ko ang usapan. Bahala na kung ano ang isipin niya.
"Hey, you okay? Maliligo lang ako sa loob." paalam niya.
"Sige, susunod ako pagkatapos ko dito."
Pagkatapos kong pakainin ang mga alagang baboy ni Kurt, sunod kong pinakain ang mga manok at bebe na nandito. Sila nana Luz naman ang nag-aalaga sa mga baka ni Kurt. Pagpasok ko sa bahay ay tapos ng maligo si Axel, kasalukuyan itong nakaharap sa kanyang laptop.
Naglinis muna ako ng kamay pagkatapos ay inihanda ko na ang pagkain namin. Ayoko siyang patapakin dito sa kusina dahil last time na pinatulong ko siya dito natapos lahat ng kanin namin.
"Axel, kakain na." Tawag ko dito.
"Btw, hun, I'm going out tomorrow. I'm gonna meet someone for work." Sabi niya pagkaupo sa harap ng lamesa.
"Hindi mo naman kailangan magpaalam sa akin." Ang mahina kong sagot.
Axel is free to do whatever he wanted kahit na casual na ang pag-uusap naming dalawa there's still a barrier between us. My guard is still up around him. Ayoko ng umasa, pagod na akong umasa at bigyan ng ibang kahulugan ang mga pinapakita niya sa akin na kabutihan.
"But I wanted you to know."
Kinabukasan, alas sais palang ng umaga umalis na si Axel para magtungo daw sa Bacolod. Mabuti nalang din at ngayong araw rin ang check up ko.
Habang naghahanda ako ay nakatanggap ako ng tawag mula sa sekretary ni Doc Helen.
"Good morning. This is Paula Quijano Dr.Helena Uy's secretary, can I talk to Mr. Roan Dela Mercid?" Tanong nito sa kabilang linya.
"Ah yes. This is Roan Dela Mercid. Bakit po?"
"Doc Helen have some changes in her schedule. Your appointment at 1 pm was moved to 12 pm. Are you okay with this, sir?"
Tiningnan ko ang wall clock na nakalagay sa ibabaw ng TV. It's already 11:30 mabuti nalang at nakapag palit na ako. Dadaan pa sana kasi ako sa grocery bago pumunta sa clinic.
"Yes, it's okay. Thank you."
Sinigurado ko munang nakalock ng mabuti ang mga pinto bago ako umalis ng bahay. Habang naglalakad ako patawid sa kabilang bahagi ng sapa ay hindi ko maiwasang hindi mapakali. Para kasing may sumusunod at nakamasid sa akin. Nagpalinga-linga ako sa paligid pero wala naman akong makita.
"Guni-guni ko lang siguro 'yon." bulong ko sa sarili at nagpatuloy na sa paglalakad.
Mabilis akong nakasakay ng tricycle papuntang bayan dahil may inihatid itong isang pamilya sa may kambyahan.
"Ikaw ba 'yong bagong may-ari diyan sa may malaking kamansilis, ijo?" biglang tanong sa akin ng driver habang binabaybay namin ang daan.
"Kaibigan po ako ng may-ari. Nakikituloy lang ako sa kanya."
"Ahh..akala ko ikaw. Sabi-sabi kasi eh papatigilin na ang pagtatanim diyan. Malaking lupa kasi nabili ng kaibigan mo, pati iyong katabing buhol ay nabili rin niya kahapon. Isa kasi ang anak ko sa nangungupahan ng lupa diyan para magtanim ng mga gulay." pagkwe-kwento niya.
Akala ko ay simula sa may kahoy ng sampalok hanggang sa may kahoy ng kamansilis lang ang lupang nabili ni Kurt. Pati rin pala iyong buhol at ang ibaba nito na taniman ng gulay.
"Naku, hindi niya po iyon gagawin. Huwag kayong mag-aalala kung sakaling gawin niya man 'yun ay pakikiusapan ko po ito."
"Aba'y maraming salamat, ijo."
Pagdating ko sa loob ng clinic ay saktong tinawag ang pangalan ko para pumasok.
"Good morning po, Doc."
"Roan, ijo! You're glowing ha at super healthy na rin ng body mo." Ang sabi sa akin ni Doc pagpasok ko sa loob.
"Thank you po."
"Wala ka bang kasama? How about that Kurt——"
Hindi natapos ang sasabihin ni Doc dahil biglang tumunog ang pintuan at bumukas. Halos maubusan ako ng dugo sa katawan ng makita kung sino.
"Good afternoon, Doc. I'm Axel, I'm the baby's father."
He looked at me seriously. Hindi ko alam kung galit siya sa akin o ano. Tahimik itong umupo sa tabi ko.
"It's nice to finally meet you but you look very familiar, ijo. Are you perhaps General Axel Juariz? You really look like him." tanong ni Doc habang nakatitig kay Axel.
"Yes, doc. That's me." Sagot niya at bahagyan ngumite.
"Oh. I see. Anyways, let's get to the point na."
Habang chine-check up ako mi doc ay tahimik lang na nakamasid sa amin si Axel. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang chine-check ni doc ang heartbeat ko. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Axel ngayon. Iniisip ko rin kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
"Your twins are very healthy, ijo. But, expect na you're still going to experience vomitting and neausea. Sometimes you may experience leg cramps rin. As much as possible do some light exercise na din para hindi ka mahirapan sa panganganak. Bawal mastress, bawal madepress bawal ang mag skip ng meals." Ang mahabang paalala ni Doc sa akin. Puro tango at opo lang ang naisagot ko.
"That's all. See you next month mga ijo."
Tumayo ako at kinamayan si doc. "Thank you, doc. See you next month po."
Tumayo rin si Axel katabi ko at kinamayan si Doc. Naramdaman ko pa ang paglapat ng katawan niya sa likuran ko. I could feel that familiar buzzing sensation running through my spine.
"Thank you for taking care of him, doc. Let's see each other again next month."
Tahimik lang kaming dalawa habang binabaybay ang daan patungo sa kanyang sasakyan.
"A-axel..."
"Save your words for later, Roan. We're going home at doon natin ito pag-uusapan." He said blantly at sumakay na papasok sa kanyang sasakyan.
-----------------------------------------------------------
Sorry guys sa matagal na update. Hehe. Hindi ko po kasi alam kung ano ang isusulat ko hahahaha. Sinubukan ko kasing ayusin ulit ang flow ng kwento kasi hindi ako satisfied sa original flow nito. After making the whole flow of the story again napagtanto ko na baka this will become lighter compared to Austine and Den's story. I'm not yet sure baka magbago pa ho ang isipan ko hahaha. Alam niyo na pabago-bago ang mga desisyon ko sa buhay. Anyways, maraming salamat po sa patuloy na paghihintay at pagsubaybay sa mga kwento ko.
Medyo sabaw ho ang chapter na ito pero at least, na isulat ko naman ang agenda para sa chapter na ito hahahaha. Thank you so much po. Labyu ol. Mwuah! Ciao!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top