12
Axel Zein Juariz
"I can't go back. We can never be friends again.I'm sorry." Naramdaman ko ang panginginig ng kanyang katawan na sinundan ng ingay ng kanyang hagulgol.
Para ring pinupunit ang puso ko habang pinapakinggan ang iyak niya. Nothing can break my heart but seeing him hurt. I will always be vurnerable to a crying Roan. Wala akong ibang masisi kung hindi ang sarili. I was the one who pushed our unusualy friendship to it's end. All I can do right now is to fix everything between us. No matter how long it will take, I'm going to have Roan once again.
"Shhh...I'm sorry. It's okay, sweety. It's okay." Bulong ko sa kanya at pinudpod ng halik ang kanyang mukha.
It's okay if you don't want to rekindle our friendship. It's not the only relationship we can have. We can have more than that.
I let him cry till he fell asleep. Inayos ko muna ang kumot sa kanyang katawan bago ko siya hinalikan sa noo. Tinitigan ko lang ang mukha nito habang mahimbing na natutulog. Namumula pa ang matangos nitong ilong. He looks so ethereal while sleeping.
I scan his whole body. Akala ko ay papayat ng husto si Roan. May tendency kasi itong makalimutan ang kumain dahil mas inuuna nitong tapusin ang kanyang mga school works at trabaho. Kung hindi ko pa ito tatawagan ay hindi ito kakain. The Roan I saw earlier and the Roan sleeping in front of me looks very healthy. Mas may laman nga ito kumpara noong nasa Manila siya. His complexions looks very healthy as well.
Nadako ang paningin ko sa bandang tiyan niya. Kanina ko pa ito napapansin. It looks abnormally big kumpara sa kasalukuyan niyang katawan. Hindi naman siya mukhang may sakit...o baka meron at hindi ko lang alam? May tumor ba ito? Bloated?
"Axel, pwedi bang makipag-usap sa'yo?" Narinig kong sabi ni Kurt mula sa pintuan ng kwarto. Huminga ako ng malalim dahil baka mawalan ako ng kontrol sa sarili at bigla na lang itong masuntok.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa higaan ni Roan at naglakad patungo sa pintuan. Nilagpasan ko ito at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad palabas ng bahay. I stood in front of their garden na kaharap sa sapa.
Sobrang tahimik na ng paligid kahit ala-siete pa lang naman ng gabi. It's very different from Manila's loud and busy streets and I think I kinda understand why Roan chose to live here.
I pulled out a pack of cigarrete from my pocket and pulled out a stick. Kinuha ko rin ang lighter mula sa bulsa ng pantalon ko at sinindihan ang sigarilyo na naka-ipit sa bibig ko. Humithit ako at pinausok 'yon
Hindi ako naninigarilyo dati pero simula ng mawala si Roan my lips felt so empty. I tried to kiss and fuck other people to fill in the emptiness that I felt from losing Roan pero hindi ko magawa. It's still the same. The same feeling of emptiness and loneliness.
"You know Roan is trying to get away from you. Bakit sinundan mo pa rin siya dito? How much do you want him to suffer because of you?" Galit na tanong nito sa akin.
"I'm here because Roan ran away from me. Nandito ako dahil gusto kong bumawi kay Roan. I'm going to get him back.I'm going to get back what's mine." Seryoso kong tugon dito.
"Hindi mo siya pag-aari, Juariz." Magkasalubong na ang kilay nito at halatang-halata na nagsisimula na itong mainis sa akin.
I smirked at him.
"Hahaha! Montelvan, are you threatened?" Pang-aasar ko dito. Nakita ko naman ang pagtagis ng kanyang bagang.
Yes. That's right Kurt Montelvan-Juariz. Mainis ka sakin hanggang sa hindi mo na makayanan at mailabas mo ang tunay mong kulay. I'm going to make you regret touching what's mine with your filthy hands.
Lumapit ako dito at itinapat ang bibig ko sa tenga niya.
"Thanks for taking care of my baby, Kurt. I'll be taking over from now on. Kung ako rin sayo maghahanap na ako ng pwedi kung pagtaguan." Bulong ko dito bago mahinang tumawa. Yes, I'm an asshole and I won't even deny that.
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at naglakad paalis sa lugar na 'yon. I'm gonna win back Roan slowly. I don't want to be aggressive at baka tumakbo lang ito ulit palayo sa akin.
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng aking jacket at tinawagan ang isa sa mga tauhan ko.
"Palibutan niyo ang bahay na pinanggalingan ko. Protecting and guarding Roan will be your top priority, Flores. This will be your job until I say when." Utos ko dito.
Walang ilaw at sobrang dilim ng dinaraanan ko kaya kinakailangan ko pang gumamit ng flashlight mula sa aking cellphone.
"Nga pala, Flores, gusto kong bukas na bukas rin ay malagyan ng ilaw dito sa may hagdanan papunta sa sapa. Baka madisgrasya pa si Roan dito. Maglagay rin kayo ng maliit na tawiran sa sapa. I don't want Roan slipping in the water." Dagdag kong utos.
Hindi na kasi ito naaabot ng ilaw na nanggagaling sa buwan, natatabunan rin ito ng mga naglalakihang puno ng Narra.
"Copy, boss." Sagot nito bago ko pinatay ang tawag.
Pagkatapos kong matawid ang sapa dumiretso na ako sa sasakyan kong nakaparada malapit sa malaking taniman ng tubo. If you have a faint heart ay hindi mo kakayaning maglakad mag-isa sa lugar na ito. Matataas na rin kasi ang mga tubo at wala pang ilaw.
Pagkapasok ko sa sasakyan, agad ko itong pinaandar at tinungo ang bungalow house na minadali kong pinatayo dito. Isang kilometro ang layo nito mula sa bahay ni Roan. I know he's not comfortable with me yet. He's guarding himself against me and I totally understand that. I'll have to start from scratch but I don't mind. Pahirapan man niya ako handa akong harapin 'yon. If that's the only way to get him back then I'll gladly do it. .
Pagdating ko sa bahay dumiretso ako sa kwarto at binuksan ang skype sa computer ko. Isa sa kondisyon ng gagong si Nathaniel ay ang pagtawag kila mama gabi-gabi.
"Axel, how's Roan?" Bungad agad na tanong ni mama sa akin.
"He's fine, mom. He's healthier than he was in Manila." Sagot ko dito. Nakita ko pa si Dad na dumaan sa likuran ni mama karga-karga ang pamangkin ko.
"That's good. Kamusta naman ang environment? Is it clean? How about the house that he's staying is it comfortable there? Napaka sakitin pa naman ng batang 'yon. Baka anong mangyari sa apo ko." Sunod-sunod nitong tanong sa nag-aalalang boses. Napakunot naman ang noo ko sa huling sinabi.
"Apo? What are you talking about mom?"
"Ha? A-ano w-what I m-mean is si Noah. Tama, si Noah nga. Nakikipag wrestling na naman kasi sa dad niya. Napaka-isip bata niyo talaga. Answer my question na nga, Axel. Nag-aalala ako sa batang 'yon napakalaki pa naman ng kasalan ko sa kanya noong party." Malungkot na sabi ni mama.
"It's okay, ma. You can talk to him properly kapag naayos ko na ang problema namin. To answer your questions, Roan is living in a decent house. Ang problema ay ang kasama niya sa bahay at ang paligid nito. Napakalayo ng mga kapit-bahay niya, mom. Wala ring malapit na tindahan dito. Ang mga daanan ay wala ring mga ilaw. The roads are steep and rocky. Kailangan rin nitong tumawid sa sapa before he can reach a small sari-sari store." Pagkwe-kwento ko dito at hindi ko maiwasang mapaisip ng masama habang inaalala ang lugar na 'yon. Kung umaga siguro ay baka matolerate ko pa ito pero sa gabi ay hindi. Uso pa naman ang patayan sa mga probinsya.
"Oh my god...ginawan mo ba ng paraan? Pinabantayan mo na ba siya?"
Tumango ako, "I did, mom. There are five of my men there. I personally trained them kaya mapagkakatiwalaan mo sila. Inutusan ko na rin silang maglagay ng maliit na tawiran at ilaw doon."
"That's good. Here's Nathan, may sasabihin daw siya sayo." Umalis si mama sa harap ng screen. Pinalitan ito ni Nathan na parang binagyo ang buhok.
"Saang gyera ka nanggaling?" Ang natatawa kong tanong dito. Nakasimangot pa ito.
"Shut up, asshole. Anong ginawa mo sa grand entrance mo at napatawag sa akin si Kurt? He asked me kung pwede daw bang iba nalang ang mag-handle ng project namin sa Italy." Anito at napapailing pa sa bandang huli.
"At pumayag ka naman?"
"Of course not. That guy need some serious help kaya nga ipapadala ko siya sa Italy. Kahit papaano'y pinsan ko pa rin ang gagong 'yon." Sagot nito na tinanguan ko lang.
"Paano kung mag-resign ito?"
"He won't. Si Dad na ang nakipag-usap dito tungkol doon. Dad made sure na hindi siya magdududa. While he's outside the country, make use of your time. Tama na ang pagiging bobo, Axel. Napagaalaman na sampid ka lang." Nakangisi niyang sabi at kung nandito lang siya sa tabi ko ay baka matagal ko na itong sinakal.
"Tangina mo gago. Baka gusto mong ipakain ko sayo ang mga uno ko sa UP." inis kong balik dito na tinawanan lang ng gago.
"Kakain muna ako. Ikamusta mo nalang ako sa iba diyan." Paalam ko dito matapos marinig ang malakas na pagkalam ng tiyan ko.
"Sure. Hope you can sleep properly tonight. Huwag mo sana ipahalata na masyado kang excited sa pag-alis ng karibal mo." Tuko ni Nathan bago pinatay ang tawag.
Roan Dela Mercid
"Kurt, mag ingat ka 'don ha? Kapag may oras ka tawagan mo ako. Kumain ka ng tama at wag magpapa-stress baka sumpungin ka na naman ng sakit mo." Paalala ko dito habang umiiyak. Hindi ko alam kong bakit sobrang gusto kong umiyak. Eh kani-kanina lang naman ay sobrang lakas ko pang tumawa dahil sa pag-utot nito. Isa siguro to sa epekto ng pagbubuntis ko.
Tinutulungan ko kasi itong mag-impake dahil hindi na ako makakahatid sa kanya papunta sa sa sakayan ng barko. Doon daw kasi sa Cebu makikipag-kita si sir Nathan sa kanya.
"Babe, calm down. I'll be okay. Hindi ko kakalimutang tumawag sa'yo, I'll eat properly and take my meds. Stop crying at baka hindi na talaga ako pupunta sa Italy." Pabirong banta niya. Kinalma ko ang sarili ko at pinahiran ang luha gamit ang t-shirt niya.
"Promise mo 'yan ah? Mamimiss kita ng sobra-sobra."
Ngumite siya sa akin at niyakap ako.
"I promise. Take care of yourself and the babies too. Don't forget your check-ups and exercise. I'll do my best and finish my work early para makabalik kaagad ako." Aniya habang nakayakap pa rin sa akin.
Ilang minuto rin kami sa ganoong posisyon ng may tumikhim sa likuran ko.
"That's enough. Nandito na ang sundo ni Kurt tumawag na rin si Nathan. He's now in Cebu."
Nilingon ko ang taong 'yon at tiningnan siya ng masama. Bakit nandito siya? Wala ba siyang trabaho? Matalim ang binibigay nitong tingin kay Kurt kaya hindi ko maiwasang mainis dito. Wala namang ginagawa si Kurt sa kanya pero kung maka-asta ay parang naagawan ng laruan.
Hindi ko siya pinansin at tinulungan si Kurt na isara ang maleta niya. Lumabas na kami ng kwarto na hindi pinapansin si Axel. Hanggang sa may pintuan ko lang hinatid si Kurt.
"Mamimiss kita, Kirtkirt." Gusto ko na naman tuloy maiyak. Ano bang problema ko?
"Ang drama mo! Hahaha! But I'm gonna miss you too, Roro." Nakangiti niyang sabi sa akin at ginulo ang buhok ko.
Pag-alis ni Kurt, hinarap ko naman si Axel na prenting-prenting nakaupo sa harap ng TV. Nakapatung pa ang paa niya sa maliit na lamesa.
"Wala ka bang trabaho? Bakit ka nandito?" Mahinahong tanong ko dito. Hindi ko alam pero simula ng makita ko ito kaninang umaga ay ibayong inis na ang nararamdaman ko. Alam mo 'yong gusto mo siyang tirisin ng pinong-pino. Sobrang sarap niyang sigawan pero natatakot akong gawin. Sino ba ako para sigaw-sigawan ang anak ng pinakamakapangyarihang tao sa buong mundo?
"I have. I'm just waiting for their reports. Pinakiusapan ako ni Nathan na samahan ka dito. I hope we could get along."
Hindi ko alam pero sa mga oras na 'yon parang gusto ko nalang sumama kay Kurt. God, why are you doing this to me?
-----------------------------------------------------------
Ahhhhh!!!!!! Nasurvive nga ang 2kwords update hahahaha! Ayan na guys. May pagbabago sa character development ng isang character diyan. Sana mag make sense pa rin ang kwento kahit may pagbabago. Enjoy! Antok much na si me. Love you ol mwuah! Ciao.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top