jar

Noong unang panahon ay mayroong lalaki na nagngangalang"Assay" siya ay may anak na nagngangalang Chris . Isang araw ay inutusan nya si chris na lagyan ng tubig ang jar nila katulad ng palaging ginagawa ni Chris dahil sya naman ang laging nagawa ng trabahong iyon. Tapos nya ng lagyan ng tubig ang jar at nilagay ito sa dati nitong pwesto. Maya maya pa ay pinakuha sa kanya ng kanyang amang si assay ang jar at pagkabigay nya nito ay tinanong sya ni assay.

"Chris bakit hindi mo pinuno ang ating jar?"

"Ama dahil hindi ko nakikita kung hanggang saan na ang tubig na nailalagay ko dito tinantya ko lang tubig na inilagay ko dyan?"

"At bakit hindi mo naman pinuno?"

Mahinahon ang tanong ni assay sa kanyang anak. Napaisip naman ang anak nya ng dahilan kung bakit nga ba hindi nya iyon pinuno bukod sa hindi nya nakikita kung hanggang saan na.

"Kasi ama pag pinuno ko yan ay baka masobrahan at tumapon pa sakin ang sobrang tubig at mabasa pa ako"

Napangiti ang ama nya sa anak nya at sinabihan ang anak nya na tumabi sa kanya at saka nya sinabing..

"Anak ang paglagay mo ng tubig sa jar natin ay lagi mong ginagawa ibig sabihin ay laging hindi puno ang jar natin. Kung makukuntento ka sa ganyan at hindi mo susubukang punuin ang jar natin ay mas madalas kitang uutusan para kumuha ulit ng tubig na ating maiinom kaya mas mabuti ay punuin mo iyon."

"Pero ama pag pinuno ko yun ay maaaring mabasa ako ng tubig dahil hindi ko naman nakikita kung hanggang saan na ang tubig na nailalagay ko."

"Anak mas mabuti ng mabasa ka kesa paulit ulit kitang utusan. Mas mabuting itry mo na punuin ito kesa makuntento ka nalang na laging kalahati ang tubig ng jar natin."

"Opo ama"

Minsan sa buhay natin ay nakukuntento na tayo sa kung anong meron tayo ,kung minsan naman ay natatakot tayong mag try ng mga bagay para mas mapadali ang ating pamumuhay nakukuntento tayo na gawin ang isang bagay ng paulit ulit hindi natin alam na mas giginhawa ang buhay pag nag try tayo ng iba pang bagay. Natatakot tayo sa magiging resulta nito. Ang pagiging successful ay malayong byahe, maaaring sa byaheng yun ay may makasabay kang mga tao na bababa din pagkalipas ng ilang oras dahil nasa destination na nila sila o kaya naman ay maabutan ka ng bagyo na maaaring magbigay sayo ng ideya para huminto nalang at bumalik sa pinanggalingan mo o kaya naman ay masiraan ka ng sasakyan. Pag nangyari sayo yun ay makukuntento ka nalang sa kung anong meron ka minsan mawawalan ka ng pag asa at hindi mo na ipupursue ang gusto mo. Challenge lang yan sayo . Kung hindi ka magtatry ay hindi mo madidiskubre ang totoong kakayahan mo. Mabubulag ka sa kung anong tingin mo ang limit mo. Sa totoo nyan ay ang isang tao ay walang limit ang kaylangan nya lang gawin ay magtiwala sa sarili na kayang gawin ang lahat at magsumikap para maabot ang gusto nyang abutin. YOU ARE LIMITLESS!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top