Introduction

Phenomena Series #2

Jamais Vu

(Never Seen)


"Marami pang mga kababalaghan sa mundo ang hindi pa napapatunayan ng siyensiya..."

Itinayo ko ang General Psychology book ko sa lamesa nang sa ganoon ay hindi makita ni Tanda na natutulog na naman ako sa klase niya. Sigurado akong uulitin na naman namin ang Theory ni Pavlov tungkol sa stimulus at cognitive response.

"There are different kinds of phenomena..."

Idinukmo ko ang ulo ko sa table at ipinikit ang mga mata ko dahil magsisimula na akong matulog sa klase niya. Hindi naman siya nag-iikot sa loob minsan kaya okay lang siguro. Masiyado rin akong inaantok dahil sa sobrang puyat sa plates ko. Kainis.

"Déjà Vu, a French word meaning already seen, Jamais Vu is never seen and Presque Vu means almost seen. These are the top three phenomena that are happening in someone's life..."

Habang nakapikit ako at unti-unti nang nahuhulog sa mundo ng panaginip ay narinig ko pa ang pagtikhim nito. Hindi ko na ito pinansin pa at tuluyan nang natulog. Sinabihan ko naman ang katabi ko na gisingin ako kung sakaling may ipagawa si tanda.

Sa kalagitnaan ng mahimbing na pagtulog ko ay naramdaman ko ang sunud-sunod na pagtapik sa akin ng kung sino, dahilan para imulat ko ang mga mata ko.

"What?!" iritang sabi ko.

"May activity, gago!" mariing bulong niya sa akin.

Napasinghap na lang ako bago iniangat ang ulo. Malabo-labo pa ang paningin ko dahil nga kagigising ko lang, pero kahit malabo, nakita ko 'yung nakasulat sa white board na malalaking letter na D O O R. Napaawang ang bibig ko sa paghikab, kasabay ng pagtawag sa pangalan ko.

"Good morning, Mr. Ocampo."

Napalingon ako kay Professor Campos na nakaupo sa mismong desk niya, tinitingnan ang kabuuan ng klase. Mabilis kong isinarado ang bibig ko at ngumiti sa kan'ya.

"Sorry po."

Tumango ito bilang tugon. "Magsimula ka na."

Napaawang ulit ang bibig ko bago lumingon sa katabi kong si Kyle na nagsusulat pa lang ng pangalan niya ngayon, halatang kagigising lang din.

"Po?"

"Sa back to back ng yellow paper, isulat mo nang paulit-ulit ang salitang door," nagbuntonghininga ito bago inayos ang suot na salamin. "Masarap bang ma-hele sa boses ko, Mr. Ocampo?"

Napalunok ako bago humingi ng paumanhin, tsaka humingi ng yellow paper sa nasa harap ko. Mabilis niya naman akong binigyan bago itinuloy ang ginagawa.

Tiningnan ko ang mga kaklase ko na ngayon ay lahat nakayuko, abalang-abala sa paggawa ng pinagagawa ni Professor. Ang iba naman ay nagtatawanan dahil habang tumatagal, papangit nang papangit ang mga sulat nila, at ang iba naman ay napapatitig sa papel na para bang may kung ano silang hindi maintindihan.

Nagbuntonghininga ako bago sinimulang isulat ang pangalan.

"After submitting your paper, you can leave the class. You can ask me personally kung sakaling may gusto kayong itanong matapos ng pinagagawa ko," marahan na sabi ng Prof.

"Yes po," sabay-sabay na sagot ng mga kaklase ko.

Itinuloy ko na ang pagsusulat sa papel ko. Sa simula ay malinis at maganda ang pagkakasulat ko sa papel, hanggang sa, tulad ng iba, papangit na nga nang papangit dahil nakakangawit sa kamay.

Nag-aalisan na rin ang mga kaklase kong natapos na sa pagsusulat sa papel, at walang kahit na isa akong nakita na nagtanong kay Professor Campos. Paubos na ang laman ng classroom, at pakiramdam ko ay mag-isa akong matitira sa classroom na ito dahil sa haba ng itinulog ko.

Tang ina, hindi kaagad ako ginising.

Ibinaliktad ko na ang papel at isinulat nang paulit-ulit ang salitang door.

DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR DOOR

Napatitig ako sa papel ko at bahagyang nakaramdam ng hilo.

Bakit pakiramdam ko, wala namang sense ang mga salitang ito? Ano ba 'to? Anong door? Saang salita naman ba nagmula 'to?

Ipinilig ko ang ulo ko para mawala ang hilo na nararamdaman bago itinuloy ang pagsusulat sa ibang font ko naman. Baka sakaling magkaroon ng sense itong salita na paulit-ulit na ito.

Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door Door

Muli akong napailing. Wala pa rin akong maisip sa kung ano ang ibig sabihin nito. Parang walang kwenta. Ano ba 'tong pinagagawa ni Prof? Nahihilo ako, hindi ko alam kung bakit; dahil ba kulang ako sa tulog?

door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door door

Nang matapos ako sa pagsulat ay napag-alaman kong ako na lang pala ang tao sa loob ng room, maliban kay Prof. Napatitig ako sa papel ko. Natulala na lang ako sa harap no'n dahil hindi ko talaga alam kung ano ba ito.

Totoong salita ba ang door?

"Pare, ano bang ginagawa mo? Tara na!"

Napalingon ako sa nagsalita sa bintana malapit sa akin at nakita ko si Kyle na hinihintay ako. Nagbuntonghininga ako bago kinuha ang gamit at ipinasa ang papel kay Prof. Tumingin siya sa akin at bahagyang ngumisi, bago tinanggap ang ipinapasa ko.

Paalis na ako ng room nang may maalala ako. Sabi nga pala niya ay pwede kaming magtanong. Bumalik ako at nakita kong inaayos na niya ang mga papel na pinagsama-sama.

"Ah, Prof..."

Lumingon siya sa akin na para bang alam na niyang magtatanong ako.

"Yes, Mr. Ocampo?"

Napakamot ako ng ulo bago nagtanong. "Ano po ba ang door? Totoong salita po ba 'yon? Bakit pinasulat niyo sa amin nang paulit-ulit?"

Ngumisi siya lalo bago ko nakitang itinali niya ang mga papel na ipinasa namin sa kan'ya at itinapon sa pinakamalapit na trash bin. Napakunot ako ng noo nang dahil doon.

"Ano ba 'yang sinasandalan mo?" tanong niya pabalik.

Tumingin ako sa likod ko at nakita ang sinasandalan kong pinto. "Ahh, pinto."

"Ano ang English ng pinto?"

"Door."

Tumawa siya sa mabilis kong sagot. "I guess you already answered what you're asking me, Mr. Ocampo. I'll go ahead."

Tuluyan nang umalis si Professor Ocampo dala ang ilang mga gamit niya. Napatulala na lang ako sa kinatatayuan ko dahil sa mabilis na oras na 'yon, para pala akong tanga? Tangina. Oo nga naman, ang ibig sabihin ng door ay pinto! Bakit ko naman tatanungin 'yon?

Napalingon ako sa basurahan kung saan niya itinapon ang mga papel. Grabe talaga 'yung Professor na 'yon. Pinagsulat kami nang pinagsulat, tapos itatapon lang din pala.

"Bilis na! Jin, pare, gutom na ako!"

Lumingon ako kay Kyle bago tuluyan nang lumabas ng room at isinarado iyon, tsaka pumunta sa kan'ya.

"Ano bang nangyari sa 'yo? Para kang naengkanto," tumawa siya bago tumapat sa elevator.

Natatawa akong napapailing. "Wala. Natanga lang," I laughed.

Nakakahiya! Sa lahat naman ng itatanong ko, bakit 'yon pa? Para tuloy akong tanga. Sigurado akong pinagtatawanan ako ngayon ni Professor dahil sa itinanong ko. Argh! Nakakahiya talaga, pota.

Nang matapos ang lahat ng klase para sa araw na 'yon ay umuwi na ako sa condo naming apat na magkakaibigan. Halos gabi na rin dahil mas malayo ako kaysa sa kanila. Ako lang naman ang nag-aral sa UST dahil 'yong tatlo ay nasa iisang university, magkakasama kahit magkakaiba ng course.

Engineering ang kinuha ni Connor, habang si Terrence ay Business Management. Political Science naman ang kay Aldrin.

Magkakaiba talaga kami ng gustong pag-aralan pero kahit ganoon, hindi naman din naging hadlang 'yon para maging magkakaibigan kami. Mainam na rin dahil hindi kami nagkaroon ng lamangan.

Sabagay, kahit naman noon ay hindi naging parte ng pagkakaibigan namin 'yon.

"Oh, para kang sabog," natatawang sabi ni Terrence nang makita akong pumasok sa loob.

Nagbuntonghininga ako bago ibinagsak ang katawan sa long couch. Naamoy ko ang niluluto sa kusina. Nagluluto na yata ng hapunan si Aldrin.

"Nakakahiya," bulong ko.

Tumawa si Terrence sa sinabi ko. "Bakit? Ano na namang nangyari sa 'yo?"

Umiling ako bago ipinikit ang mga mata ko at ipinatong ang braso doon.

"Natanga lang ako ng ilang minuto," sagot ko.

"Bakit nga? Tang ina," tumawa ulit si Terrence bago ko narinig na binuksan niya ang TV. "Manood ka na lang ng porn, baka sakaling makalimutan mo pa."

Napabuntonghininga na lang ako. "Normal bang tanungin mo kung ano 'yong salitang door?"

Muli akong nagbuntonghininga dahil nahihiya talaga ako sa tuwing naaalala ko. Mabuti na lang at ako na lang ang natira sa room noong itinanong ko 'yon kay Prof kaya kahit papaano ay nabawasan ang kahihiyan sa katawan ko.

"Tang ina, bobo!" malakas na sabi ni Terrence bago humagalpak ng tawa. "Ikaw 'yang madalas mangibang bansa, hindi mo alam ibig sabihin ng door? Architect ka pa, ah?" muli siyang humagalpak ng tawa.

Inialis ko ang brasong nagtatakip sa mata ko bago kinuha ang throw pillow at inihampas sa kan'ya.

"Bobo, hindi mo pa nga alam kung anong nangyari, eh."

Humupa na ang tawa niya. Ilang sandali pa ay naupo na sa paanan ko si Aldrin. Inikot ko ang paningin ko para hanapin si Connor pero wala.

"Saan si Connor?" tanong ko.

Nagkibit-balikat si Aldrin. "Nandito kanina si Riza, eh. Lumabas yata. Alam mo na," he grinned.

Natawa na lang din ako.

"Ano ba kasing nangyari, bakit hindi mo na alam ibig sabihin ng door?" natatawang tanong ni Terrence.

Bumangon ako at tinanggal ang pagkaka-butones ng polo ko. "Pinagsulat kasi kami ng prof namin sa General Psychology ng salitang door nang paulit-ulit sa yellow paper, magkabilaan. Noong patapos na ako, parang unti-unting nawalan ng meaning 'yung word. Parang nawalan ba ng sense. Kaya itinanong ko kay Prof kung ano ba ibig sabihin no'n."

Tumawa silang dalawa pero this time, mukhang naiintindihan na nila.

"Tangina, baka naman naumay ka!" bulyaw ni Aldrin sa akin bago ako hinampas ng throw pillow.

"'Yon nga sasabihin ko pare, eh. Inunahan mo naman ako, eh. Pakyu ka talaga," tumawa si Terrence bago dinugtungan 'yon. "Kumbaga sa I love you, baka naging normal na salita na lang 'yan at nawala 'yung meaning, 'yung emosiyon, kasi paulit-ulit na sinasabi ng isang tao. Ganoon lang 'yon. Huwag kang mag-alala; minsan nga hindi ko alam English ng lamesa, eh."

Nagtawanan kaming tatlo bago napagpasyahan na mag-inuman pagkatapos namin kumain ng hapunan.

___

A study by of Leeds University asked 92 volunteers to write out "door" 30 times in 60 seconds. In July 2006 at the 4th International Conference on Memory in Sydney he reported that 68 percent of volunteers showed symptoms of jamais vu, such as beginning to doubt that "door" was a real word. Dr Moulin believes that a similar brain fatigue underlies a phenomenon observed in some schizophrenia patients: that a familiar person has been replaced by an impostor. Dr Moulin suggests they could be suffering from chronic jamais vu. – Wikipedia.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top