Chapter 35

Chapter 35:



Tulad ng mga napag-usapan namin ni Ruby, hindi ako nag-stay sa Baguio. I waited for her hanggang sa makaipon siya ng sapat na pera para itayo ang restaurant na gusto niya at napili niyang itayo 'yon sa Taguig, malapit sa dating tinitirhan ni Anna at George.

It was a nice move, actually. Mayayaman ang mga taong nakatira sa lugar na napili niyang tayuan kaya naman madaling humanap ng customer na nag-e-explore sa iba't-ibang restaurant at inilalagay sa vlog. Business-minded talaga siya, bukod sa mahal niya at passion niya ang pagluluto.

Ruby is actually a very good cook. Sobrang sarap niyang magluto. Isang beses niya lang panoorin kung paano iluto 'yun, alam na niya ang lahat. Siya pa mismo ang nag-a-adjust sa mga ingredients ayon sa gusto niyang lasa at sa tingin niyang makakabuti sa pagkain. Once, we ate in a restaurant while we're in a Bicol trip. She liked the food there. Nang makauwi kami, nagluto siya ng sarili niyang version no'n. Hindi sa pagiging bias pero mas masarap ang niluto niya kaysa sa natikman namin sa Bicol.

"Malapit ko nang makuha ang ROI," masayang sabi niya habang nakatingin sa computer.

Mahigit isang taon pa lang ang business niyang Scarlett Cuisine pero sa maikling panahon na 'yon, nagawa niyang maipakilala ang restaurant niya sa iba't-ibang tao. Malapit na rin niyang makuha ang ROI niya.

She hugged my arm as she leaned her head on my shoulder. "Thank you for the beautiful restaurant."

Her restaurant was vintage style with a little touch of red. I was the architect for that but everything here were her ideas. Ginawaan ko lang ng floor plan and layout. Itinayo lang ni Connor. In the end, it was all Ruby's hardwork that we came up with this beautiful restaurant. Hindi naman namin magagawa ang lahat ng 'yon kung hindi dahil sa idea niya.

Mabilis lang 'yon nasimulan dahil matagal na niyang plano ang ganitong business. Nang umuwi ako sa Manila, sumama siya sa akin dahil gusto niyang maghanap ng location para sa business na itatayo niya. At dahil maraming lugar na p'wedeng tayuan dito, kahit mahal, mabilis lang din siyang nakahanap.

We immediately planned for the restaurant ayon sa gusto niya. Endless meeting with Engineer Connor para itayo ito, hanggang sa ma-approve and plan at layout at ilagay ni Connor ang restaurant ni Ruby sa priority project niya. Habang nagwo-work siya sa Baguio bilang pandagdag sa ipon niya para sa business, itinatayo namin ang restaurant niya. And after her one year contract sa trabaho niya sa Baguio, she didn't renew it anymore and started with the business.

I smiled as I watched her so happy with how her dream business is going right now. I kissed her temple as I pulled her closer. "It's all because of you. Kami lang ang nag-layout at nagtayo pero idea mo lahat 'yan."

She smiled. "Basta salamat. Ang mura pa ng bayad, ha?" she laughed.

"Sabi ko naman sa 'yo, pwede namang free na lang 'yong sa akin pagdating sa 'yo."

Kinurot niya ako sa tagiliran bago tiningnan nang masama. "Sabi ko rin naman sa 'yo, kung ibibigay mo ng free ang serbisyo mo, maghihiwalay tayo!"

I laughed before I cupped her face to claim her lips. She chuckled before she held my hand as she kissed me back.

And then we ended on the bed again, moaning each other's name.

It's been more than two years since we became in a relationship again. Ilang beses ko na siyang inaayang magpakasal nang sa ganoon, legal na legal na talaga itong mga ginagawa namin, pero ang dami niyang kondisiyon bago pumayag.

Sabi niya noong una, kailangan niya munang maitayo business niya bago pumayag makasal sa akin. Nang naitayo naman na, biglang naging,

"For now, titira muna ako kasama ka pero kapag nakilala na ang business ko, p'wede na tayong magpakasal. Promise."

Until few months after the opening of her business, nakikilala na ang restaurant niya at nafi-feature sa mga vlog ng social media influencers at iba pa dahil sa vintage themed restaurant na may touch of red, nagbago na naman ang isip niya.

"Kapag nag-ROI na, baby. Please? Promise, kapag nag-ROI na, magpapakasal na ako sa 'yo."

I smiled as I stared at her sleeping, tired face beside me. Kahit ano pang kondisyon 'yan, Ruby. Kahit gaano pa katagal 'yan at kahit ilang beses pang magbago ang isip mo, hinding-hindi ako susuko sa pagtatanong sa 'yo.

Bukod pa ro'n, pinipilit ako ni Daddy na i-take over ang business niya sa London. Of course, I will not accept that. May mga kapatid naman siyang p'wedeng mag-handle no'n. 'Yung business nga ni Mommy, hindi ko inasikaso, eh. Hindi ko pinangarap maging CEO.

This is what I want. Architecture is everything to me. Tama na 'yung isa ako sa investor at shareholder ng mga business nila Mom at Dad. Kung kailangan kong asikasuhin 'yon, hindi na lang.

Few months later, tuluyan na ngang nakuha ni Ruby ang ROI ng business niya. Nagkaroon ng maliit na celebration doon sa restaurant niya nang mag-close na kasama ang staff and crews. Imbitado pa ang mga pinsan niya, maging sila Anna at ang mga kaibigan nito.

Halos lahat, nagkakasiyahan at nagsasayawan. My baby's tired. She's just sitting beside me, smiling, while watching her friends and cousins dance at her closed restaurant. I smiled before I held her left hand that's holding a wine glass.

Tumingin siya sa akin. "Why don't you dance?" she asked.

Umiling ako. "I'm happy sitting here."

Inialis ko sa kamay niya ang wine glass at pinagsalikop ang mga daliri namin. She chuckled before she leaned her head on my shoulder as we both watched the people inside the restaurant.

I sighed in relief as I took the velvet box inside my pocket. I took the ring inside and slid it to her finger. Mabilis niyang iniangat ang ulo niya mula sa pagkakapatong sa balikat ko, bago tinitigan ang kamay niyang may singsing.

"Jin..."

"You can't say no anymore. This is the nth time. You promised to marry me when you get your ROI. Nakuha mo na. Can I have your promise now?"

She bit her lower finger as her eyes watered. She smiled before she looked away.

'Yun lang... wala siyang sinabi.

'Yun lang... pagkatapos, hindi na ulit siya tumingin sa akin.

Nang matapos ang party, nagsiuwi na kami sa kani-kaniya naming bahay. I was driving on our way to my condo and she's quiet. The silence is stressing me and making it hard for me to breathe. Wala pa man din akong tulog simula kahapon.

And then it happened again.

I gulped as I slowed down my drive. Ruby looked at me with creased forehead. I gulped again before I started talking.

"Can you tell me the way to our home?"

She scoffed before she started talking the way to the condo unit. In a minute, nawala rin naman kaagad 'yung pakiramdam na wala na naman akong alam... but it always makes me feel awful.

Nang makarating kami sa parking lot, nauna nang lumabas si Ruby at hindi na ako hinintay pa na bumaba. Nagmadali akong bumaba bago tumakbo para maabutan siya sa elevator. Pasarado na ang pintuan nang makarating ako. Kitang-kita ko sa kunot ng noo niya ang galit at inis sa akin.

I sighed before I pressed the floor number of our unit. I looked at her before I started talking. "What the hell is wrong with you again?"

Again, she scoffed before looking at me. "Ako pa ang may problema, Jin? Ako pa?"

"Kung may problem aka sa akin, sabihin mo, hindi 'yung nakatahimik ka d'yan!"

Hindi niya ako pinansin. Bahagya siyang lumayo sa akin matapos kong sabihin 'yon. Ilang sandali lang din ay nakarating na kami sa floor namin. Nauna na ulit siyang lumabas sa akin habang ako ay nakasunod lang sa kan'ya. Binuksan niya ang pintuan ng unit gamit ang sariling susi bago siya naunang pumasok sa akin.

"Ruby, tell me, anong problema?" I asked calmly.

Tumingin siya nang masama sa akin bago ibinagsak ang bag sa couch. "Anong problema ko? Nagdedesisyon ka na namang mag-isa nang hindi ako kinakausap!"

Napakunot ako ng noo. "Anong desisyon?!" I saw her fingers playing with the ring. I sighed. "Ikaw ang nagsabi na magpapakasal ka na sa akin if you reach this goal. Nakuha mo na, hindi ba p'wedeng ako naman?"

"Eh 'di sana nagtanong ka na muna!" sigaw niya na nakapag-patahimik sa akin. "Sana nagtanong ka muna kasi hindi pa rin, Jin! Ayaw ko pa rin! Hindi pa rin ako magpapakasal sa 'yo hanggang—"

I sighed in frustration as I heard her explanations. "Hanggang ano?! Hanggang hindi ka pa yumayaman at hindi pa nagkakaroon ng napakaraming branch 'yang lintik na restaurant na 'yan?! Ruby, you've been so ambitious with this business that you just started and I supported you all the way! I am very happy with all the achievements that you're getting but... can you please stop being greedy with your career? Nasaan ba ako sa mga plano mo? Nasaan ba ako sa mga pangarap mo? Kasi hindi ko makita! Lagi mo na lang akong tinatanggihan! Putang ina kasi, pakiramdam ko, ako lang ang may gusto ng lahat ng ito!"

Umawang ang bibig niya kasabay ang mabilis na pagpatak ng mga luha niya. Humakbang siya papalapit sa akin bago ako pinagsasampal nang paulit-ulit habang umiiyak sa harap ko.

I don't understand why she's angry at me. Ako dapat ang magalit dito kasi lagi na lang... lagi na lang niya akong pinagpapalit sa pangarap niya. Hindi ba pwedeng isama niya naman ako sa mga plano niya?

"Ang kapal ng mukha mo! Ano? Greedy?!" she scoffed. "Tang ina, Jin! Hindi mo alam ang sinasabi mo!"

"Eh 'di ipaalam mo!"

"Paano ako magpapakasal sa taong ayaw i-improve ang sarili niya?! Hindi naman para sa akin 'to kaya paulit-ulit kitang tinatanggihan! Akala mo ba hindi ko alam na dumadalas ulit 'yang lintik na pagkalimot sa mga bagay na 'yan? Akala mo ba, laging okay lang sa akin na itinuturo ko sa 'yo ang daan pauwi sa tuwing umaatake 'yang jamais vu na 'yan na ayaw mong ipatingin sa Psychiatrist nang maagapan?!"

More tears started streaming down her face as she sighed in frustration.

"Jin, alalang-alala ako! Alalang-alala ako sa 'yo kasi bakit lagi kang gan'yan? Isang taon na tayong nagsasama pero sa tuwing napupuyat ka o walang tulog, lagi kang nagkakagano'n! Hindi ko masabi nang diretso sa 'yo na magpatingin ka kasi baka iba na 'yan; kasi baka lumala na 'yan... kasi alam ko na nasasaktan ka kapag sina-suggest ko 'yon! Hindi ako umalis sa tabi mo sa mga oras na 'yon tulad ng ipinangako ko, pero why can't you make yourself better? Hindi naman para sa akin 'to, Jin! Para sa 'yo!"

I looked away as I felt the lumps in my throat. I sighed to stop the tears that are on the verge of falling. "Kung ituring mo ako, para akong nababaliw—"

"Kaya nga lagi kong dine-delay 'yung kasal natin! Kasi gusto kong ma-realize mo sa sarili mo na kailangan mong gawin 'to! Hindi ko masabi sa 'yo na dapat kang magpatingin sa doctor kasi lagi mong iniisip na... iniisip kong... n-nababaliw ka. Jin, hindi gano'n 'yon! Please naman, makinig ka naman sa akin! Hindi dahil sa mga pangarap at ambisiyon ko sa buhay kaya ayaw kong magpakasal sa 'yo! Ayaw kong magpakasal kasi ayaw mong subukang ayusin ang sarili mo!"

I chuckled slightly.

Ganoon pala. Hindi pala ako pakakasalan dahil doon. Eh 'di sana sinabi niya kaagad, hindi 'yung nagmumukha akong tanga kahihintay sa kan'ya kung kailan niya ako pakakasalan.

Tang ina naman.

"So... wala kang planong magpakasal sa akin?" I said as I looked at her. She closed her eyes tightly as she cried more. "Hindi mo ako pakakasalan dahil do'n?"

"H-Hindi naman gano'n..." she said in her broken voice.

I sighed. "Eh, ano pala?"

She looked at me with her bloodshot eyes. "Gusto ko lang ma-realize mo... na kailangan mo 'yun... na kailangan mo ng tulong ng iba. Hindi sa lahat ng oras, ako ang kailangan mo, Jin. At hindi lang ikaw ang nangangailangan dito. Kailangan rin kita... at hindi kita magagawang kailanganin kung dumating 'yung oras na... hindi mo na ako maalala. Natatakot lang naman ako para sa 'yo, bakit ba hindi mo maintindihan 'yon?"

She sobbed continuously after she told me all of that. Naupo ako sa couch at napahilamos na lang dahil hindi ko na alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Nasasaktan ako... nadi-disappoint ako. Nagagalit ako sa mga naririnig ko.

Pero gusto ko pa ring yakapin si Ruby at punasan ang mga luha niya. Gusto ko pa rin siyang patahanin sa kabila ng lahat lahat ng nararamdaman kong hindi maganda ngayon.

Naramdaman ko ang paggalaw niya sa harap ko, dahilan para mapalingon ako sa kan'ya. Nakita ko na ibinaba niya sac enter table ang singsing na isinuot ko sa kan'ya kanina. Napatingin ako sa kan'ya at nakita ko siyang diretsong nakatingin sa akin, na para bang desidido na siya.

"R-Ruby..."

She pursed her lips. "Aalis na muna ako sa unit mo. Baka hindi tama na nandito ako habang nagdedesisyon ka. Maghiwalay na muna tayo. Babalik muna ako ng Baguio, tutal kaya naman mag-function ng restau habang wala ako."

Tumalikod siya at naglakad na papasok sa k'warto namin. Napalunok ako bago tumayo at sumunod sa kan'ya. Nakita ko siya sa loob na kinukuha ang luggage niya sa ilalim ng kama namin. Mabilis akong lumapit sa kan'ya bago siya hinila palayo ro'n.

"Hindi ka aalis."

She smiled at me. "Walang point 'yung relasiyon, Jin, kung hindi mo susubukang ayusin ang sarili mo. Inayos ko ang sarili ko noong naghiwalay tayo noon at tinupad ang pangarap ko... para hindi lang ikaw ang may maipagmamalaking profession; para ako rin. Ginawa ko 'yun habang wala ka. Ngayon, this is your time to make yourself better. Kung hindi mo gagawin 'yan para sa sarili mo... baka dapat na talaga tayong maghiwalay."

I gulped as I felt the tears pooling at the corner of my eyes. I pulled her to hug her. That's when the tears started falling, no matter how much I tried to stop it.

"No. Please, huwag kang umalis... please..." I said in my broken voice. "Please, Ruby. Huwag kang umalis..." I begged.

She sighed before she pushed me away and started getting her clothes from the closet. Ilang beses ko siyang pinigilan pero ilang beses niya rin akong sinigawan at itinulak.

"Isang pigil pa, wala ka nang babalikan, Architect."

That's when I stopped myself from stopping her. I watched her pack her things, getting ready to live this condo for the second time.

Damn, should I just burn this condo and buy another one? Tangina, lagi na lang akong iniiwan ni Ruby dito. Lagi na lang niya akong nilalayasan. Lagi na lang umaalis at sa iisang dahilan lang.

After she packed her things, she pulled the handle of her luggage up before she talked.

"Ingat, Architect. Please, take care of yourself."

After that, she left me alone in this condo unit... making this whole place feeling like an empty house, while a man is living, feeling empty and cold without her.

I opened the drawer and took the rectangular box. The London Skyline necklace with three Ruby stones on it flashed on my eyes and it broke my heart ten times more.

I cried... and I cried. I cried like a lost kid now that I realized, Ruby's not here to make my nights and days warm.

She's not here anymore.

And she won't be here anymore.

__

This is the last chapter! Next part will be the Finale so stay tuned!

And- unedited ito. Sorry sa mga error. Katatapos ko lang i-type, eh. Hehe. 'Yun lang, maraming salamat! <3


-mari

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top