Chapter 32

Chapter 32:



Nang makabalik ako ng Pilipinas, inubos ko ang oras sa pagta-trabaho. Gusto kong bumilis ang takbo ng oras nang sa ganoon, magkita na ulit kami ni Ruby.

I'm damn whipped, I know. At least, sa isang babae lang magmula noon hanggang ngayon.

The relationship between Ruby and I is still not clear. That was the only time we kissed and hugged like that, that's why I am not really confident if we're back together. Wala rin namang sinasabi si Ruby.

Bahala na. Saka na lang siguro namin pag-usapan nang masinsinan ang tungkol sa amin kapag nandito na siya. Kung nasa Qatar pa rin siya at nilinaw niyang girlfriend ko na ulit siya, baka doon na ako tumira.

I know that my feelings for her has no different if she's my girlfriend or not. It's just that, when she's my boyfriend, she's not giving me limits to everything I want to do with her, like going to her whenever I want. Noong hindi ko pa kasi siya girlfriend, lagi niyang nililimitahan ang pwede at gusto kong gawin sa kan'ya dahil lang sa hindi ko pa siya girlfriend.

Argh.

I want to see her now, though. I missed her already.

It's been a month since I went to Qatar to visit Ruby. Isang buwan na kaming magkaayos. Three months na kaming magkausap sa tuwing nagtatagpo ang mga oras namin. Ang sarap sa pakiramdam na matapos ng ilang taon na puro takot, pangamba at lungkot ang naramdaman ko, heto ulit kami, sumasaya sa isa't-isa.

"You should really find a girlfriend now, Jin," Anna said while we're on our way to our site visitation.

I laughed. "Bakit na naman?"

She scoffed. "Naiinis na ako, ha! Lagi na lang tayong pinagkakamalan!"

Natawa ako dahil sa inis na inis niyang mukha. "Bakit ba ako ang pinipilit mong mag-girlfriend? Inaantay ko nga si Ruby, eh. Ikaw ang mag-boyfriend. Ayaw mo naman nang bumalik kay George, 'di ba?"

I looked at her and I saw her glaring at me. Ilang sandali pa, pinagsusuntok niya ako habang nagdi-drive, dahilan para magkaliko-liko kami sa highway. Natatawa akong sinaway siya at pinabalik sa upuan niya.

"Pumirmi ka nga!"

She scoffed. "Ayaw ko na talagang bumalik doon. Hindi na ako babalik sa taong 'yon."

I smirked. "Wala namang nagsasabi ngayong bumalik ka, ah?"

Hindi na niya ako pinansin pa. Pinanatili niya ang masama niyang titig sa daan habang nagdi-drive ako.

Ruby told me not to tell Anna about us. Well, wala pa namang malinaw sa us namin pero sabi niya, huwag ko na munang sabihin kahit kanino na okay na kami, kahit kay Vanessa na tumulong sa akin, kasi knowing the Zamora's clan daw, mape-pressure siyang umuwi at baka madaliin pa ang pagpapakasal naming dalawa.

Well... wala naman akong reklamo sa bagay na 'yon. I chuckled at my thought. Pero dahil siya ang reyna, siya ang masusunod.

No'ng sumunod pang buwan, mas nagiging malapit na ulit kami ni Ruby sa isa't-isa. Nagagawa ko na nga siyang landiin ulit, eh. Siyempre, hindi naman 'yan magpapatalo.

"Miss you," I said on our video call.

Madaling-araw na sa Pilipinas pero si Ruby, pauwi pa lang sa trabaho niya.

"Miss mo lang ako halikan, eh."

I laughed at her rebut. "Miss ko rin naman kiss mo pero mas miss kita."

She tried to conceal her smile but she failed. "Miss ko lahat."

I laughed and felt the tension on my manhood. Damn, this woman. Okay na nga talaga siya.

"W-Wala ka nang mami-miss... pagkauwi mo."

She smiled. "Excited na ako," she laughed. "Pero s'yempre mas excited ka."

I chuckled. She's really back. My Ruby is back.

Another month has passed.

"Ano bang nginingiti-ngiti mo d'yan?" kunot-noong tanong ni Anna habang nagdi-drive ako papunta sa site. She laughed. "Para kang tanga, Harold!"

I looked at her. "Don't mind me, Architect Ria."

She scoffed. "Putek, bakit ba 'yan ang naisip ko?! Kadiring pangalan!"

I laughed. "That's how desperate you are to run away from your problems," I shrugged. Hindi na niya ako pinansin pa kaya nanahimik na lang din ako.

In three months, uuwi na si Ruby.

In three months... malilinawan na ako kung anon a ba talaga kami.

In three months... malalaman ko na kung ano ang dapat gawin kung sakali man na hindi pa talaga kami nagkakabalikan para sa kan'ya. Gagawin ko lahat. Liligawan ko ulit siya pagbalik niya rito. At kapag sinagot na niya ako, hinding-hindi ko na siya pakakawalan pa.

Napangiti na naman ako sa naisip ko.

Nang matapos ang trabaho para sa araw na 'yon, umuwi ako sa apartment at nilibang ang sarili sa paglinis ng bahay. Nagluto ako ng hapunan ko bago nilibang ang sarili ko sa take home paper works.

11:21 p.m. nang maka-receive ako ng tawag kay Ruby. Mabilis ko 'yong sinagot.

"Hi!" masayang sagot ko.

"Hello," she answered in her faint voice. "Uhm, pauwi ako ng Pilipinas mamaya," mahina at malungkot ang boses na sabi niya.

"T-Talaga?!"

Gusto kong sumaya pero feeling ko, may mali. Masiyadong mahina at malungkot ang boses niya. Pakiramdam ko, may nangyaring hindi maganda.

"A-Anong nangyari?"

Ilang sandali pa matapos kong itanong 'yun sa kan'ya, kumabog ang dibdib ko. Narinig ko ang mga hikbi at iyak niya sa kabilang linya. I can imagine her sitting on the edge of her bed, crying, while she's talking to me.

"Ruby, what happened?"

She sobbed. "Lola Theresa's dying. And she wanted to see me."

Nasaktan ako nang marinig ang boses niyang sabihin 'yon. It was like... she's going home to finally say goodbye.

"Can you... tell Ate Anna? Lola's looking for her too," she sniffed.

Napalunok ako. "Uhm, s-sige."

"Thank you. Bukas nang madaling-araw ang alis ko rito. I'll be in the Philippines mga lunch time the day after tomorrow since ahead ang Pilipinas ng limang oras."

I sighed. "Susunduin kita."

"Hindi na. Susunduin ako ni Hennessey."

I remembered that her contract will end on March next year. Buti pinayagan siyang umalis? Sabi sa akin ni Vanessa, nakapag-VL na siya for a month, three months ago, bago niya ako tinulungan kay Ruby, ah?

"Paano 'yung... kontrata mo?"

She sighed. "Nagbayad ako, s'yempre. Pero okay lang. Marami naman na akong ipon. 75 thousand is nothing when someone who wanted to see you is already dying," she heaved a deep sigh again. "I'll stay in the Philippines now for good. See you soon, Architect."

After she said that, she ended the call.

Hindi ko tuloy alam kung ano ang una kong mararamdaman. Dapat ba akong maging masaya dahil sa wakas, uuwi na si Ruby at hindi na aalis pa? O malungkot dahil kay Lola Theresa?

I became close with Lola Theresa for quite some time. Iniisip ko pa lang na wala na siya at umiiyak ang mga apo niya, pati ako naiiyak na. Paano pa kaya si Anna na sinasabing paborito ni Lola sa lahat?

Napabuntonghininga na lang ako bago tinawagan ang number ni Anna. Ilang beses ko siyang tinawagan pero nakapatay ang cellphone. Lumabas ako ng apartment ko at naglakad papunta sa apartment niya dahil malapit lang naman, pero nakapatay na ang ilaw. Tulog na yata siya.

Bukas, nandito naman siguro siya dahil walang pasok. Wala namang ibang pupuntahan 'yon dito at takot niya lang na may makakita sa kan'ya.

Kinabukasan, maghapon kong hindi nakita si Anna. Wala siya sa apartment niya. Nasaan kaya 'yon nagpunta? Nag-text ako kay Ruby at sinabing wala si Anna sa apartment. Hindi ko rin ma-contact. Oras na para matulog pero hindi ko pa rin nakikita o naco-contact si Anna.

Sinabi na kasing huwag dine-deactivate mga account, eh.

Robitussin:

Hayaan mo na. Baka busy. Bukas na lang ulit para nand'yan na ako. Sige na, gagayak na ako. See you tomorrow, Architect!

I smiled as I read her reply. Magkikita na kami bukas. Nakakalungkot lang 'yung dahilan pero pinagdarasal ko na sana maging okay pa rin si Lola. I know she's old but... I don't think that it's time for her to go.

Me:

Okay. Have a safe trip. I love you.

Robitussin:

:>

I replied with a heart emoji. Natulog na lang ako nang hindi na siya nag-reply pa.

Kinabukasan, araw ng Linggo. Sinubukan kong tawagan si Anna at puntahan ulit sa apartment niya pero wala pa rin. Hindi ko pa rin siya ma-contact. Saan na naman kaya naglagi 'yon?

Maaga akong gumayak para pumunta ng Manila. Alam kong sinabi ni Ruby na huwag ko na siyang sunduin pero hindi ko yata kayang tiisin na alam kong pauwi na siya rito pero mananatili lang ako.

Sabi niya kagabi, 10:30 p.m. sa Qatar ang alis niya. Kung nine hours ang byahe, darating siya sa Pilipinas ng 7:30 a.m. using Qatar timezone. Ibig sabihin, around 12:30 p.m. ang dating niya sa NAIA.

I checked my wrist watch. Maaga pa naman. Aabot naman siguro ako.

Bago ako umalis ng Baguio, dumaan muna ako sa flower shop ni Sara. Ang tagal ko nang hindi nakakarating dito. Simula noong umalis ako ng Baguio at maghiwalay kami ni Ruby, nawalan na rin kami ng communication ni Sara. Basta noong pinatigil ni Ruby 'yung pagde-deliver ko ng bulaklak sa kan'ya at um-okay naman si Sara, months after that, nawala na ang communication namin.

Nang makarating ako sa flower shop, napakunot ako ng noo nang makitang sarado 'yon at may nakalagay na karatulang for sale. Ano na kayang nangyari? Imposible namang malugi ang flower shop para isarado.

I dialled Sara's number. Mukhang nagpalit na siya, ah? I checked her Instagram. Wala na rin sa following ko at kahit i-search ko manually, wala na rin. Ano kayang nangyari?

Napabuntonghininga na lang ako bago tuluyan nang umalis doon. Sa Manila na lang ako bibili ng bulaklak para kay Ruby. Sigurado namang may mga flower shop akong madadaanan doon.

Makalipas ang mahigit apat na oras ng pagbyahe, nakarating na ako sa NAIA. Dala ang isang bouquet ng red tulips, nagmamadali akong pumasok sa loob ng airport matapos ang security checkpoint hanggang sa makarating ako sa arrival gate. Almost 12:30 p.m. na nang makarating ako kaya ang dami nang tao. Sumingit ako sa mga taong naghihintay ro'n. Nakita ko pa si Hennessey na may dala rin na bulaklak at placard na may pangalan ni Ruby doon.

Ayaw pa nga pala ni Ruby na ipaalam sa kanila.

Nag-iba ako ng p'westo, malayo-layo kay Hennessey. Ilang sandali lang, dumarami na ang mga taong nagpupunta sa arrival gate dala ang mga luggage nila.

Hindi ko alam kung makikita ako ni Ruby sa p'westo ko ngayon dahil dumami bigla ang tao. Ilang sandali pa, nakita ko siya na naglalakad papalapit sa arrival gate, nakangiti habang nakatingin sa pinsan. Nakasuot siya ng pulang spaghetti strap top at white pants, habang ang jacket ay nakasablay sa isang braso, hila-hila ang malaki niyang luggage. Mabilis kong iniangat ang bouquet ng bulaklak ko.

"Robitussin!"

Mabilis siyang napahinto sa paglalakad at inikot ang paningit sa napakaraming tao sa harap niya.

"Robutissin!"

Muli kong iwinagayway ang hawak kong bouquet hanggang sa makita niya na ito. Nakahinga ako nang maluwag nang manlaki ang mga mata niya bago lumapit kay Hennessey at may sinabi rito. Ilang sandali pa, tumakbo siya papalapit sa p'westo ko. Sumingit siya sa mga taong nasa harap ko hanggang sa tuluyan na siyang nakarating sa harap ko.

"Jin!"

Mabilis ko siyang niyakap; ganoon din siya sa akin.

"Halika nga sandali!"

Hinila niya ako palayo sa kinalulugaran namin kanina hanggang sa makarating kami sa entrance ng CR, kung saan hindi masiyadong maraming tao.

"Sabi ko sa 'yo, 'wag mo na akong sunduin," she sighed.

I smiled before I handed her the flower. "I want to see you."

"Tss," she chuckled as she look at the flower. Inamoy niya ito sandali bago tumingin sa akin at ngumiti. "Thank you. I missed this."

I cupped her face and kissed her temple. "Sabi ko naman sa 'yo, wala ka nang mami-miss sa akin."

She laughed. "Gusto mo ng kiss fresh from Qatar?"

I chuckled before nodding. Ilang sandali lang din, yumakap siya sa akin habang hawak ang bulaklak, tsaka ako hinalikan. I kissed her back as I pulled her closer, and closer because I missed being this close with her.

After few seconds, she broke the kiss. "Sige na, hinihintay ako ni Henz. Let's see each other again in Baguio."

I nodded before I planted a kiss on her lips again. She waved her empty hand before walking away from me with her most genuine smile. I waved back as I smiled at her.

We'll never be apart again.

We'll never let distance become wider between us ever again.

This time, I'm going to make it right.

This time... I'll make her mine again... forever.

_____

HAPPY HAPPY NEW YEAR!

This is the first day of year 2021. Hopefully, this is a better year than 2020 because we all know how the latter fucks us all and all our plans. Please, no more 2020, Lord. :<

Anyway, here's an update! Kanina pa dapat 'to kaso 5pm na ako nagising! Hindi tuloy ako nakagawa ng update agad D: Sana magustuhan niyo!

Last three chapters plus epilogue! Please stay tuned! Thank you for the support! <3


-mari

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top