Chapter 31
Chapter 31:
Despite Ruby and I being in good terms now, hindi ko naman nakalimutan 'yung takot niya noong huling beses na magkita kami bago kami tuluyang maghiwalay. I am being careful with my actions towards her. I couldn't even touch her whenever we're together.
It's my fourth day here in Doha, Qatar.
Ruby spends most of her time with me by touring me around the city. Nag-relieve lang daw siya noon sa isang night shifter pero tuwing umaga raw talaga siya. Kaya naman tuwing matatapos ang trabaho niya, palagi na kaming magkasama hanggang gabi.
"Hanggang kailan ka ba naka-check in do'n?" kunot-noong tanong niya habang naglalakad kami sa Souq Waqif.
Maraming tao sa lugar na ito na katulad ni Ruby ay nakasuot rin ng hijab. Sabi sa akin bago ako pumunta ng Qatar, hindi naman daw kailangan 'yun lalo na sa mga turista. Ang importante lang ay manamit nang disente, lalo na raw ang kababaihan, pero dahil sa tagal na ni Ruby rito, natutunan na niya ang masanay sa kultura at tradisyon rito.
Now I understand why she didn't have a boyfriend on those three years. Ayaw kong umasa masiyado na baka mahal niya pa ako, pero hindi rin kasi p'wede ang PDA dito.
Sabagay... kung anu-ano iniisip ko. Kung magbo-boyfriend naman si Ruby, p'wede namang noon pang hindi pa siya nagpupunta ng Qatar. Bigla na naman akong napangiti sa naisip ko.
"Anong nginingiti ngiti mo r'yan?" tanong niya, dahilan para mapalingon ako sa kan'ya. "Hanggang kailan ka sa hotel?"
Nagkibit-balikat lang ako. "Habang nandito ako."
Umirap siya sa akin bago tumingin sa mga taong namimili ng traditional garments na nadaanan namin. "Ang mahal mahal do'n, eh. Bakit ba do'n ka nag-check in?"
I chuckled as I shrugged. "Siyempre, sino bang pinunta ko rito?"
Bahagya siyang tumawa bago tumingin sa akin. "Ano? Ang dami-daming murang hotel dito, Architect."
Hindi ko alam kung bakit kapag tinatawag niya akong Architect, hindi na ako sumasaya, 'di tulad noon. P'wede bang alisin ko na lang 'yung title ko na 'yun at tawagin na lang niya ulit ako sa pangalan ko?
Nang makakita siya ng bench ay naupo siya ro'n. Sumunod ako sa kan'ya at naupo sa tabi niya. Naglagay ako ng sapat na space sa aming dalawa dahil hanggang ngayon, hindi pa rin naman ako sigurado kung okay na ba talaga siya sa akin.
Sapat na sa akin na nakikita ko siya... na okay kami at nakakausap ko pa siya nang ganito.
"Hanggang kailan ka sa Baguio?" tanong niya bago lumingon sa akin.
"Well... I think I have less than a year," she smiled at me as I said that. "Malaki kasi ang project at may iba pang project na kinuha ro'n na ibinigay sa akin bukod sa condominium building."
"Ohhh... okay," she smiled. "So, kasama mo si Ate Anna?"
Nanlaki ang mga mata ko sa naging tanong niya. Hindi ko alam kung bakit niya itinatanong 'yon ngayon. May issue ba siya kay Anna ulit? Bigla akong kinabahan, ah?
She chuckled. "Kung anu-ano na naman yata ang iniisip mo. Wala akong issue sa kan'ya. Hinahanap siya ni George. Isang taon na," sabi niya bago tumingin sa harap at pinanood ang mga taong nagdaraan.
Napalunok ako.
Pwede ko naman sigurong pakiusapan si Ruby na huwag niyang sasabihin kahit kanino na alam niya kung nasaan si Anna, hindi ba? Alam ko na ang selfish pero ayaw ko namang magkaroon kami ng alitan ni Anna. Malaki ang naging tulong niya sa akin para malaman kung kumusta na si Ruby at kung ano na ang balita tungkol sa kan'ya. I can't just let all her efforts of hiding to go to waste.
"Uhm..." I looked at her and she's staring at me, waiting for my answer. "Okay lang ba na maging secret natin 'yung... s-sasabihin ko sa 'yo?" kumunot ang noo niya. "Y-Yes, kasama ko siya sa Baguio. More than a year na kami ro'n, pero maingat siya sa lahat ng kilos niya at hindi niya pinupuntahan 'yung mga lugar na p'wede siyang makita ni George at ng relatives niyo."
Lalong nagsalubong ang kilay ni Ruby sa narinig mula sa akin. "What good does hiding do? Bakit hindi na lang sila mag-usap? Kung ayaw na niya kay George, sabihin na lang niya, hindi 'yung gan'yan, tago siya nang tago."
Napalunok ako nang marinig ang inis sa boses niya. "Anna has always been like that. Kapag ayaw na niyang makausap... ayaw na niya talaga. Tinapos naman na raw niya ang lahat sa kanila ni George pero, alam mo na."
She scoffed. "Hindi tapos ang lahat sa kanila kung siya lang ang magdedesisyon. Dalawa sila sa relasiyon kaya kung totoong gusto na niyang tapusin ang lahat-lahat sa kanila, makipag-usap siya," ngumuso siya nang bahagya bago ibinaling ang tingin sa harapan niya. "I want her for George. I don't know what the hell George did. Basta ang alam ko, kasalanan niya kaya nagkaganoon si Anna. Mukhang malaki ang kasalanan ng pinsan ko para i-ghost niya 'to, pero..." she looked at me. "Hindi pa ba sapat ang isang taon?"
I want to tell her everything I know. Lahat ng struggle ni Anna, mga rason niya sa kung bakit siya ganoon ito at kung anong nangyari kay Anna sa loob ng mahigit isang taon. Pero problema na nila 'yun.
At isa pa, hindi ako nagpunta rito para pag-usapan ang tungkol kay Anna at George. I'm here for her.
"Hangang kailan ka rito?" I asked, not minding the last topic we are talking about.
She shrugged. "I still have... few months here. Basta March next year ang end of contract ko."
I sighed. Ang tagal pa. That's 8 months from now. Nakakainip naman.
"Okay, then... I will wait for you."
She smiled at me sweetly. "Tara sa apartment ko. I'll cook us dinner."
Tumayo siya bago tumingin sa akin. Ako naman, hindi makatayo dahil sa kaba. Is she seriously asking me to go to her apartment? Is she really okay? Gusto ko kasing malaman kung okay na ba talaga siya at wala na lahat ng takot niya sa tuwing hinahawakan ko siya.
I don't want to admit this but I'm dying to hold her hand again. I missed her small hands. I miss the hands that are holding my heart for so many years. I miss her.
"Hey..." she laughed. "Okay lang naman kung ayaw mo—"
"Sasama ako!" mabilis na sagot ko sabay tayo.
Nanlaki ang mga mata niya sa malakas na pagsagot ko sa kan'ya. Tumingin siya sa paligid kaya pati tuloy ako, ganoon na rin ang ginawa. Nakita ko ang ilang mga tao sa paligid na nakatingin sa akin. Nahiya ako nang dahil do'n.
Argh.
"T-Tara na," sabi ko bago nauna nang maglakad sa kan'ya papunta sa subway station.
Nang makasakay kami sa subway, malaki ang space sa pagitan naming dalawa. Nauna siyang naupo sa bandang dulo ng upuan. Tumabi ako sa kan'ya pero hindi ko kinalimutan 'yung pangamba ko, na baka hindi pa talaga siya okay na mahawakan ko dahil sa nakaraan.
I know that she's already fine but I still couldn't forget that.
Nang makarating kami sa station kung saan siya bumababa ay lumabas na rin kami. Tahimik naming nilakad ang daan palabas ng subway station, hanggang sa makarating na kami sa apartment niya. Binuksan niya ang pintuan at ang ilaw.
"Halika," she said as she entered her apartment.
Tahimik akong sumunod sa kan'ya. Isinabit niya sa bag rack ang bag niya bago isinuot ang indoor slippers. Ganoon na rin ang ginawa ko. Nang maisuot ang indoor slippers, dumiretso siya sa kusina habang ako naman ay nakasunod lang sa kan'ya.
"Anong gusto mong kainin?" she asked as she scanned the things inside her refrigerator.
"Kahit na ano."
Inikot ko ang paningin sa loob ng apartment niya. Maliit iyon kung tutuusin pero dahil mag-isa lang naman siya rito, okay na rin. Maganda rin ang mga materyales na ginamit at mukhang matibay. 'Yung pintura, parang napapalitan yearly kasi glossy pa rin siya ngayon.
'Yung mga gamit niya ay kaonti lang pero sapat para sa sarili niyang gamit, tulad ng maliit na ref, TV, long couch at coffee table, maliit na lamesa sa kusina, at ilan pang mga gamit na makikita sa pangkaraniwang apartment. Hindi naman masikip tingnan kahit na maliit lang at may mga gamit.
"Ang liit ba?"
Napalingon ako nang magsalita siya. Tumingin siya sa akin bago tumawa.
"Kasya lang sa akin 'to," she glared at me. "Maliit ako, 'di ba?" Napalunok ako nang makita ang titig niyang 'yon. Ilang sandali pa, tumawa siya bago sinimulang hugasan ang mga manok. "Jin, why do you look so scared? Tumangkad na ba ako sa paningin mo kaya ka nagkaka-gan'yan?" she laughed.
Bahagya akong ngumiti. "Baka kasi... h-hindi ka pa okay," sagot ko nang kinakabahan.
Napatigil siya sa paghugas ng manok matapos kong sabihin 'yon. Mahabang katahimikan ang nanaig sa aming dalawa. Tanging paglabas lang ng tubig mula sa faucet ang maririnig... pati na rin siguro ang tibok ng puso ko, sa sobrang kaba.
She looked at me with a more serious face. "Okay na ako. Ikaw ang hindi okay, Jin."
Itinuloy na niya ang paghugas sa manok, tsaka pinatay ang faucet. Nilagyan niya ito ng mga sangkap na nakahanda sa lamesa na pang-adobong manok.
"Okay ako. Ikaw ang iniisip ko, Ruby. Paano kung m-matakot ka ulit?"
Lumingon siya bago nagsalita. "Matakot saan?"
"Sa... a-akin..." kinakabahan kong sagot.
She sighed. "Kung takot ako sa 'yo, hindi kita sasamahan dito at hindi kita papapasukin sa apartment ko," there's pain in her eyes after she said that. "Natakot ako no'n kasi hindi ko pa naiintindihan at nasasaktan pa ako. Ngayon hindi na ako natatakot kasi naiintindihan ko na ang lahat... at hindi na ako nasasaktan," she gulped as she looked at the chicken again. Itinuloy na niya ang ginagawa niya.
"Hindi ka na... n-nasasaktan?" she nodded without looking at me. "Hindi ka na rin takot?" she looked at me with her pissed expression. I sighed before chuckling. "Baka ako 'yung natatakot?"
Ilang segundo siyang napatigil sa pagsasangkap sa manok, pero mabilis din na tinapos, tsaka isinalang sa kalan. Nang matapos, naghugas siya ng kamay bago pumunta sa harap ko.
"Bakit ka matatakot? Natatakot ka sa akin?"
Umiling ako kasabay ng pagbara ng kung anong masakit sa lalamunan ko. "Natatakot ako sa... sarili ko," her mouth parted slightly. "Natatakot ako na... maulit 'yun. Natatakot ako sa sarili ko kasi hindi ko pa rin alam kung bakit nangyayari pa rin 'yun, lalo na kapag pagod ako. Natatakot ako sa sarili ko kasi..." I sighed. I saw her eyes watered but still staring at me. "Mahal na mahal pa rin kita. Gustong-gusto kong hawakan ang kamay mo sa bawat oras na kasama kita, pero natatakot ako sa sarili ko dahil baka bitawan ko 'yan kapag dumating na naman 'yung minutong wala akong alam at hindi kita kilala."
She sighed as her tears fell after hearing what I said. "Jin..."
I sighed before smiling at her. "Mahal na mahal pa rin kita, pero natatakot ako sa magiging reaksiyon mo kapag... hinawakan kita; kapag nagdampi ulit 'yung balat natin. Natatakot ako."
Mas maraming luha ang lumabas mula sa mga mata niya, dahilan para maramdaman ko ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. Ilang sandali pa, napatigil ako at nakaramdam ng kaba, nang humakbang siya papalapit sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko.
Kumakabog ang dibdib ko sa kaba nang dahil doon. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kan'ya dahil baka mamaya... makita ko ulit 'yung takot sa kan'ya. Ayoko nang balikan 'yung bangungot na 'yun.
Ayoko na...
"Look at me..."
Napalunok ako nang marinig ko ang boses niya.
"Jin, look at me."
Dahan-dahan at takot na takot akong lumingon sa kan'ya. Nakita ko ang parehong expression ng mukha niya, katulad ng kanina. May mga luha pa rin pero wala akong makitang kahit kaonting takot sa kan'ya.
"Mukha ba akong natatakot?" she asked. I didn't answer. "Hindi ako natakot sa 'yo. Natakot lang ako sa naramdaman ko noong mga oras na nangyari 'yon sa atin, pero hinding-hindi ako natakot sa 'yo... kailanman."
Napayuko ako at hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko nang dahil doon. Nanatili ang mga kamay niyang nakahawak sa kamay ko at wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak nang umiyak sa harap niya, gaano man ako nahihiya.
I've never felt this relieved in my whole life. For those three years apart, I believed that I caused Ruby a trauma. Buong akala ko, hinding-hindi ko na ulit siya mahahawakan, tulad nito, kasi akala ko, natakot na siya sa akin.
Ako pala 'yung na-trauma sa sarili ko.
Ako pala 'yung na-trauma sa lahat ng nangyari dahil sa aming dalawa, ako 'yung palaging may takot.
Ako pala 'yung hindi nakalimot ng sakir at takot.
Ako pala... hindi siya.
"Jin..."
Bahagya akong nag-angat ng tingin sa kan'ya. Bakas ang pag-aalala sa kan'ya ngunit hindi tulad ko, hindi na siya umiiyak. Ngumiti siya bago pinunasan ang mga luha ko gamit ang kanang kamay niya habang ang kaliwa ay nananatili sa kamay ko.
"Jin, hindi ako natakot sa 'yo."
I sighed as I nodded. She smiled as her hand rested on my arms.
"Hindi ka pa rin ba naniniwala?" she asked.
Gusto kong sabihin na naniniwala ako, pero nahihirapan akong magsalita. Para akong naubusan ng lakas magsalita dahil sa wakas, pwede na akong magpahinga sa pag-iisip kung binigyan ko nga ba siya ng trauma sa buhay.
I sighed. I was about to talk after few seconds when I felt her lips crashed on mine, making my heart skipped a beat. She broke the kiss to look at me and check my expression, then she kissed me again. Then she broke the kiss again. She laughed before she finally closed her eyes to kiss me once again.
The last kiss she gave me was longer and passionate. I couldn't not kiss her back. I wrapped my arms around her waist and kissed her back. I felt her smile in between.
Few seconds later, the kiss broke and she smiled at me.
"You will wait for me in the Philippines."
I chuckled. "That's the plan."
"I'll be back in few months and I will never leave anymore, so you really have to wait for me."
Tumango ako bilang tugon. "What's eight months of waiting when I've been waiting for you for three years already?"
She chuckled before she hugged me. She sighed as I hugged her back.
"I missed your warm hug."
Napangiti ako nang dahil doon. I hugged her tighter as I kissed her temple. "You won't miss anything from me anymore."
And then she laughed, as she buried her face on my chest.
This... this is what I will want to have even though I have to bargain everything I have in life. Without this moment, without her, what's the damn point?
It's Ruby or no one else.
It's Ruby or nothing else anymore.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top