Chapter 29
Chapter 29:
"Wala pa rin?" tanong ko sa isang manager na nag-aayos ng schedule para sa leave namin.
She laughed. "Architect Jin, I promise to tell you kaagad kapag mayroon nang bakante for a whole week ng leave. You see, dumarami na kayong architect dito sa firm at siyempre, unahan sa schedule. Pero 'wag kang mag-alala. Ipa-priority na talaga kita."
Nagpasalamat ako sa kan'ya bago lumabas ng department nila. Fuck, three months na. Three months na simula noong nagkita kami ni Vanessa at ibinigay niya sa akin ang address ni Ruby sa Qatar, pero hanggang ngayon, nandito pa rin ako sa Pilipinas.
Tangina, ang hirap maghanap ng bakanteng leave.
I sighed as I sat on my swivel chair. Nag-text ako kay Vanessa.
Me:
Hindi naman siya lumilipat ng bahay, 'di ba? :(
Vanessa:
HAHAHAH pacute amputa. Hindi nag-iiba ng address 'yon. Doon lang siya sa apartment na 'yon simula nang nag-work siya sa Qatar.
Vanessa:
Pero babalitaan kita once mabalitaan kong hindi na siya sa dating apartment niya nakatira. :)
Me:
Thank you!
"Bakit mo ka-text si Vanessa?"
Napatayo ako sa gulat nang may biglang magsalita sa tainga ko. Fuck, Anna! Lagi na lang! Nakayuko pa at nakatutok ang bibig sa tainga ko! Bwisit, akala ko kung ano 'yung bumulong sa akin!
I sighed as I sat again on my swivel chair. Umayos na siya ng tayo, dala ang naka-roll na mga papel.
"Wala. Nakikibalita lang."
She smirked. "Wala akong pakialam sa mga gagawin mo pero 'wag na 'wag mong ipapaalam sa pamilyang 'yon na nandito rin ako, huh?"
I rolled my eyes at her. "Oo na, oo na."
She smiled before looking away. "Kumusta na sila?"
I shrugged. "Ate Honey's a doctor already and Vanessa is working in BDO. Mas mataas na yata ang posisyon niya at hindi na Bank Teller. Wala akong balita kay Hennessey at sa iba niyang pinsan," I looked at her and saw that she wants to ask something. "Wala rin akong balita kay George."
Mabilis siyang tumingin nang masama sa akin oras na marinig ang pangalan ng taong pakaiwas-iwas niyang banggitin at marinig. "Pwede ba?" irita niyang sabi.
I laughed. "May ilong at may buhok naman 'yang ex mo. Anong kinakatakot mo na mabanggit at marinig ang pangalan niya?" kumunot ang noo niya na parang hindi niya gets ang sinabi ko. I laughed. "Hindi siya si Voldemort."
Muli siyang umirap bago ibinaba ang mga papel na naka-roll sa table ko. "Manahimik ka na nga lang d'yan, Jin. Iniinis mo lang ako!"
Matapos niyang sabihin 'yon ay nakasimangot siyang naupo sa swivel chair niya bago nagsimula sa trabaho. Napapailing na lang ako.
If she wants to know how George is right now, bakit hindi siya mangumusta? It's not like George is not reaching out. Ang alam ko ay hinahanap siya nito hanggang ngayon. Hindi ko lang alam kung totoo.
Hindi naman kami close ni George.
Nang mag-lunch break ay inaya ko si Anna na kumain sa labas since na-badtrip ko yata. Hindi naman siya umangal—hindi nga lang sumagot.
Parang mas okay kung tatanggi siya. Hindi ko alam anong nasa isip niya ngayon.
Nang nasa loob na kami ng restaurant ay tahimik pa rin siyang nagsusulat sa notebook niya kung saan inilalagay namin ang mga details para sa project namin. Wala naman siyang sinusulat na mahalaga; ayaw niya lang yata akong kausapin.
"Sorry."
Tumingin siya sa akin nang hindi ginagalaw ang ibang parte ng katawan kung hindi ang mata lang, parang nagtatanong kung para saan ang sorry ko.
"Gusto ko lang naman masanay ka. Kasi kung ayaw mo na talagang bumalik sa kan'ya, dapat masanay ka sa bawat pagbanggit ng pangalan niya."
Nakita ko kung paano mangilid ang mga luha niya. Mabilis kong pinagsisihan ang sinabi ko. Bago pa man ako makapag-sorry ulit ay dumating na ang order naming dalawa.
"Salamat," sabi niya habang hinihiwa ang steak niya. "Pero hindi gano'n kadali 'yon."
I smiled at her when she looked at me with her sad eyes. "Mas hindi magiging madali kung hindi mo sisimulan."
Nakita kong lumunok siya bago itinuon ang buong atensiyon sa pagkain. Hindi na ulit siya nagsalita pa hanggang sa matapos kaming kumain.
20 minutes bago matapos ang lunchbreak ay inaya ko siyang magpahangin sa rooftop ng company. The fact na mataas nang lugar ang Baguio at ngayon ay nasa pinakatuktok kami ng building na 'to, sobrang lakas at sobrang lamig ng hangin.
Para akong mabibingi pero ang sarap din sa pakiramdam.
"Anong naramdaman mo noong nakipag-hiwalay sa 'yo si Ruby?" tanong niya matapos sumandal sa railings.
I sighed. Muntik ko nang hindi marinig ang boses niya sa sobrang lakas ng hangin dito.
"Siyempre, masakit. Pero naiintindihan naman na niya ako."
She looked at me. "I mean, noong unang beses na naghiwalay kayo. Noong hindi niya pa alam ang tungkol sa nararanasan mo. Noong hindi mo pa naipapaliwanag ang sarili mo."
Napalunok ako nang muli kong maalala ang itsura ni Ruby noong umagang 'yon. With the way she looks at me, I can feel how much she hates me that time... na para bang hindi na niya ako gugustuhin pa ulit na makita noong mga oras na 'yon.
I chuckled. "Walang kasing-sakit. Para akong nawalan ng pag-asa noong mga oras na 'yon. Hindi ko alam kung paano ko aayusin kasi 'yung mga tingin niyang 'yon, 'yun 'yung mga matang hinding-hindi ka na tatanggapin ulit," I sighed. "Pero siyempre, hindi ako susuko. Kung sinong nakapanakit, siyang dapat gumawa ng paraan hanggang sa makuha ulit siya pabalik."
Narinig ko ang bahagyang pagtawa niya. "Nasaktan ka rin. Kung nasaktan mo siya, nasaktan ka rin naman. So, sinong dapat manuyo?"
"Ako pa rin. Sa akin naman nagmula 'yung problema."
Tumingin siya sa akin, parang may gustong sabihin.
"Sige na, magtanong ka na."
She looked away as she sighed. "Wala naman akong gustong itanong. May naisip lang ako."
"Ano?"
She shrugged as she looked at me. "Kung anong gagawin ni George kapag nalaman niyang nandito lang naman ako," she smirked. "Though I don't really care anymore, naisip ko lang."
I laughed as I brushed her now short hair. "Of course he'd do everything to get you back again. Based lang naman sa kwento sa akin ni Ruby, patay na patay sa 'yo 'yung tao—"
"But he cheated. That makes that thing invalid. Patay na patay pero nagloko? Anong kagaguhan 'yon?"
Hindi na ako nakaimik pa. Buo na talaga ang loob ni Anna na nagloko si George, intensiyon man o hindi. I don't know about George but if he really did cheat intentionally, he doesn't stand a chance for Anna anymore. And if he didn't really cheat, but a kiss is a form of cheating too, George must be weak.
I am not in the situation to say this but why would I stay in a company that makes my girl anxious and the relationship shaky? I would never do that. For years, the woman and other employees provoked him to cheat. I don't see any reason to stay working in that firm.
"Okay, sabi mo eh," I laughed. "Kung bumalik at gawin ang lahat para bumalik ka ulit sa kan'ya, will he have a chance?"
I stared at her face for few seconds. I saw how her right lip twitched as her eyes watered a little. She gave me a death glare as she answered me.
"Hinding-hindi na ako babalik sa taong 'yon, kahit na ano pang gawin niya."
She looked away as she wiped the corner of her eyes with her index fingers. Hindi na ulit siya nagsalita pa. Nanatili na lang siyang nakatingin sa ibaba.
"But you know, I won't judge you if you for whatever decision you made. All I want is for my ex-crush to be happy. Tama na pagiging seryoso, hindi gan'yan 'yung Anna na nagustuhan ko at nakatrabaho ko sa Ortigas."
She gulped as she looked at me with her eyes filled with tears. Sinuntok niya ako sa tiyan, dahilan para mapadaing ako.
"Tigilan mo ako. Balikan mo lahat ng babalikan mo pero huwag mo akong sabihin na balikan si George para lang maging masaya ulit."
Wala naman akong sinasabi!
"I know what you mean so shut up, okay?"
I just laughed at her before brushing her hair. "Sorry. Tara na nga."
Inaya ko na lang siyang bumalik sa office at makapag-trabaho na ulit nang sa ganoon ay mawala na sa isip niya ang pagka-badtrip niya sa akin. Anna seems to focus more on her work than before. Ginawa talagang diversity from breakup ang trabaho, eh. Naging workaholic.
Sabagay... gano'n din pala ako.
Nang mga sumunod na linggo ay nag-focus ako sa site visitation dahil mas bumibilis na ang pagta-trabaho ng mga tao. Nakikita ko na rin ang resulta ng pagpa-plano naming nang sama-sama.
I know that this project can be done by one architect alone but the client wanted the joint and collaboration of ideas, since he's a loyal client of the firm. Gusto niyang pagsama-samahin sa isang proyekto ang magkakaibang idea ng mga architect kaya naman heto kami ngayon.
Ito ang pinakamalaking project ko, sa totoo lang. They must think that condominium building is just a normal project but it was a 65-storey building. Ang dami ring parte ng trabaho na ito na hindi rin naman na-master ng ibang architect. I'm just so happy that I am one of the architects assigned in this project.
Nang makabalik ako sa opisina ay ipinahinga ko ang katawan ko sa swivel chair. I know that architect's job is to check on the site but, since I liked engineering too, hindi ko maiwasang tumulong sa mga tao na nandoon at nagtatayo ng mga pinaplano ko.
"Architect Jin, pinatatawag ka ni Manager Fe."
Tumango ako kay Architect Kyseiah bago tumayo at naglakad palabas ng department namin. Kumatok ako sa pintuan ng opisina ng manager bago pumasok.
Ngumiti siya nang makita ako. "Good afternoon. Having a rough day?" she asked.
I shrugged before sitting. "Galing lang po sa site visitation, Ma'am."
Tumawa siya nang bahagya. "May nag-cancel ng leave starting on Monday. Wanna take that?"
And as if it was the announcement that I was awarded the Architect of the Year, my heart beats faster than it was. Bigla kong na-imagine si Ruby, kung ano nang itsura niya ngayon at kung kumusta na siya.
Kung tatanggapin na ba niya ako o hindi pa rin... at kung anong magiging reaksiyon ko.
"T-That was five days to go..." sagot ko bago ngumiti nang malawak. "I will surely take it, Ma'am. Maraming maraming salamat po!"
Tumawa si Manager Fe bago nagtipa sa computer niya. "Okay, then. You can finally go to Qatar to get your love back. Don't waste this chance, okay?"
Napangiti ako bago muling nagpasalamat nang paulit-ulit sa kan'ya, bago niya ako pinabalik sa trabaho ko.
Buong araw akong hyper sa trabaho at masayang-masaya dahil sa balitang natanggap. Pansin na pansin din 'yon ng mga katrabaho ko dahil nga hindi naman daw ganoon ang usual na personality ko.
"Eh 'di congrats sa leave," sabi ni Anna bago umirap sa akin.
Pinagtawanan ko na lang siya bago inasar. "Ahh, inggit."
She scoffed before she threw me the plan. "Magtrabaho ka nga r'yan."
Hindi na niya ulit pinansin ang mga pang-aasar ko at binasa ang plano na ibinigay sa akin.
Nang mga sumunod na araw ay hindi na ako makatulog sa sobrang excited. Sabado nang madaling-araw ako nakapag-book ng flight papuntang Qatar. Nabalitaan ko na rin si Vanessa at tuwang-tuwa siya para sa akin. Gusto niya rin sumama pero nagamit na raw niya ang vacation leave niya.
Friday night came, I couldn't sleep. Ni hindi ko maalis sa paningin ko ang kwintas na ibinigay ko sa kan'ya noong galing akong London.
Damn, that little woman. Kung galit ka, galit ka lang. Huwag mo namang sirain itong kwintas na pina-customize ko pa para sa 'yo. I even have the copy of the keys I gave her before, na ibinalik niya rin sa akin.
Isang linggo niya lang nagamit.
Hindi bale.
Kapag nakuha kita pabalik... habang-buhay mo nang gagamitin ang mga susi ng bahay na ipatatayo ko... para sa atin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top