Chapter 28
Chapter 28:
The years went by so fast.
Hindi ko na kinuha 'yung in-offer sa akin ng Architect Perez na leave after ng holiday break dahil gusto kong patunayan na hindi ko kailangan ng special treatment kahit na gaano man kagaling ang tingin nila sa akin.
It was my mess so I am the one who should clean that.
I went back on my track.
Kitang-kita ko ang gulat kay Anna nang maging enthusiastic ulit ako sa trabaho at maging excited sa bawat project na tinatanggap, site visitation at pakikipag-meeting sa clients.
"Nagkabalikan ba kayo ni Ruby?" natatawang tanong ni Anna nang makitang tutok na tutok ako sa computer para sa pagli-layout ng bagong project na tinanggap ko.
Umiling ako. "Hindi na niya ulit ako tinanggap," I chuckled before looking at her. "Gusto ko lang patunayan sa sarili ko na walang ibang para sa kan'ya kung hindi ako lang."
Humagalpak siya ng tawa bago sinundot ako sa kili-kili, dahilan para magulat ako. Talaga naman itong babaeng 'to.
"Malandi talaga mga graduate ng UST, eh," sabi niya bago naupo sa swivel chair niya.
Hindi ko na pinansin pa ang mga pang-aasar niya at itinuloy na lang ang mga trabaho.
Lumipas pa ang mga buwan, nagkaroon kami ng project sa Baguio. Anna had a big problem with George, making her leave him without a word.
Nawalan tuloy ako ng source sa kung kumusta na si Ruby. Basta ang alam ko lang, nasa Qatar siya ngayon at nagta-trabaho sa isang five star hotel as a receptionist.
Three years daw siya ro'n, 'yun lang ang huli kong nabalitaan kay Ruby.
Kung three years siya ro'n, isang taon pa ang hihintayin ko bago siya umuwi. Kung kailan nasa Baguio ako tsaka siya wala. I sighed as I stare at their compound. Wala naman halos pinagbago; bagong pintura lang ang gate at mas marami nang halaman ngayon.
Pinagbago lang ay wala si Ruby ngayon dito at tinutupad niya ang pangarap niya ngayon sa ibang bansa.
Ilang buwan na kami rito ng team sa Baguio. Gusto kong makita si Ruby. Gusto kong puntahan siya kung nasaan man siya ngayon, tutal kaya ko naman. Pero natatakot ako sa magiging reaksiyo niya kapag nakita ako.
Hindi ko nga alam kung okay na ba siya. Wala na akong balita simula noong naghiwalay si Anna at George dahil pinutol na ni Anna ang lahat ng koneksiyon niya kay George.
Naputol ang mahabang pagtitig ko sa malaking gate nila nang may kumatok sa bintana. Paglingon ko ay nakita ko si Vanessa, ang pinsan ni Ruby. Mabilis akong lumabas ng sasakyan dahil bigla akong nahiya. Baka mamaya, akalain kung sino ako.
"Hi, Architect!" nakangiting bati niya.
Naka-uniform pa siya mula sa trabaho niya sa BDO. Buti, nakilala niya pa ako?
"Ahh, h-hello..."
Ngumiti siya. "Wala na kasi si Ruby dito, eh."
"A-Ano, okay lang!" naiilang na sabi ko. "Alam ko naman."
Bahagyang umawang ang bibig niya bago tumango. Ilang sandali pa, nakaisip ako ng paraan para makumusta ko si Ruby ngayon kahit na hindi si Anna ang gumawa no'n.
"Uhm, a-are you busy?" I asked her.
She shrugged. "Hindi naman pero may lakad kami ng boyfriend ko mamaya."
Napatango ako. "May... free time ka? Can we have a coffee?"
She chuckled. "Miss mo na ba siya?" natatawang tanong niya. "Okay, then. Magbibihis lang ako."
Tumango ako bago pinanood siya na pumasok sa loob ng bahay nila. Ilang sandali pa, nakita ko si Honey na papasok ng subdivision. Mukhang nag-jeep lang dahil medyo sabog ang buhok niya. Nang makita niya ako ay nanlaki ang mga mata niya bago tumakbo papunta sa akin.
"Architect! Kumusta?!"
I wonder why they are all still kind to me after my breakup with their cousin.
"Ahh, o-okay lang. Kayo, kumusta?"
She shrugged. "Okay lang din pero," pinakita niya ang ID niya galing sa loob ng bag. "Call me Doc Rivera."
Napaawang ang bibig ko. Wow! Parang ang bilis ng panahon!
"C-Congrats... D-Doc..."
Tumawa siya. "Joke lang! Just be usual! Hindi pa rin naman ako sanay nang tinatawag akong Doc ng mga kilala ko. Anyway, bakit nandito ka?"
I smiled. "May big project kami rito sa Baguio. Almost one year na ako rito."
Nagulat siya sa sinabi ko. "What?! Bakit ngayon ka lang nagpunta rito?"
I shrugged, unable to come up with the words to explain everything.
"Anyway, wala rito si Ruby, eh. Sino bang ipinunta mo?"
"Ate, nand'yan ka na pala!"
Pareho kaming lumingon ni Honey kay Vanessa na ngayon ay nakasuot ng maong short at t-shirt.
"Oh, Vani? Lalabas ka?"
Tumango ito sa kan'ya. "Oo, magkakape raw kami ni Architect. Miss na yata si tanga."
Nagtawanan ang dalawa bago lumingon sa akin. Ilang sandali pa ay tinapik ni Ate Honey ang balikat ko.
"Busy sa trabaho 'yon, hindi nagkaroon ng boyfriend simula nang maghiwalay kayo. Sobrang nasaktan lang 'yon, pero normal namang masaktan kapag nagmamahal. At dahil hindi mo naman daw intensiyon na saktan ang pinsan namin, sabi niya mismo, hindi kami nagtanim ng galit sa 'yo."
Hindi ako nakapag-salita. Nakapag-paalam na sa akin si Honey na papasok na at magpapahinga pero hindi na ulit ako nakasagot pa. Hindi ko akalain na sa kabila ng sakit na naidulot ko kay Ruby, pinili niyang sabihin na hindi ko intensiyon na saktan siya.
Pero nasaktan ko pa rin siya... intensiyon ko man o hindi, 'di ba? Parang wala nang pinagkaiba.
"Uhm, tara na ba?"
Napalingon ako kay Vanessa na ngayon ay ibinubulsa ang cellphone. Tumango ako bago siya pinagbuksan ng pintuan sa shotgun seat, tsaka ako umikot para makasakay sa driver's seat.
Hindi na ako lumayo pa ng coffee shop dahil naalala kong may lakad sila ng boyfriend niya maya-maya. Tutal, mag-uusap lang naman kami tungkol sa pinsan niya. Baka gusto niya rin nang sa malapit lang.
Nang makapag-park, hindi na niya ako hinintay na pagbuksan siya dahil siya na rin mismo ang nagbukas ng pintuan. Ngumiti siya sa akin bago kami pumasok sa loob ng coffee shop. Nang maka-order ay saka pa lang kami nakapag-usap nang maayos.
"Kumusta?" panimulang tanong ko.
She shrugged. "Okay lang naman. Tulad pa rin ng dati. Puro gala. Nga lang ngayon, may work nang mas priority," she chuckled. "Ikaw?"
I smiled. "Well, I became more focus on my job. One reason bakit isa ako sa napili para makuha ang big project namin dito sa Baguio."
She laughed. "Congrats! So, bakit ngayon ka lang nagpakita?"
Hindi ako nakasagot, kasabay ng pag-deliver ng order namin. She thanked the waiter before sipping on the coffee, then she talked to me again.
"Hindi mo alam na nasa Qatar si Ruby kaya umiiwas ka?"
Napaawang ang bibig ko. "A-Alam..." nag-iwas ako ng tingin. "Alam ko... na t-three years siya ro'n."
"Nag-uusap pa kayo?" umiling ako. "Paano mo nalaman?"
"Sinabi—" oh, shit. Bawal nga palang sabihin na kilala ko si Anna. "N-Nabailitaan ko lang."
Ngumuso siya na parang may hindi maintindihan. Ilang sandali pa ay pinagkrus niya ang dalawang braso tsaka ipinatong sa table.
"Kung ganoon, bakit hindi ka nagpupunta sa amin? Hinahanap ka ni Lola."
I really missed the families inside that big compound. For few months na nakilala ko si Ruby at naging girlfriend, sobrang welcoming nila sa lahat. Hindi ko man lang naramdaman na hindi ako parte ng pamilya nila.
"I-I just thought that you're all hating me because we broke up," I sighed as I looked down.
Vanessa laughed. I almost heard the same laugh as Ruby but Ruby's got louder and more intense laugh than Vani.
"Ganoon kami ka-immature sa paningin mo?" muling tumawa si Vanessa. "Hindi kami nagalit sa 'yo. Naiintindihan namin. Hindi man namin alam kung ano ang totoong nangyari, pero the fact that Ruby, herself, told us that we should not be angry with you nor hate you, that means what happened between the two of you was something uncontrollable or unpredictable."
Nagsimula na siyang kainin ang red velvet cake na in-order niya bago muling uminom ng kape.
"Ruby may seem immature or childish but when she says that she understand you, she really did. Though she may decide on something that will hurt you, please do understand her kasi kung naiintindihan ka niya, mas maiintindihan niya ang sarili niya."
Napalunok ako. Hindi sinabi ni Ruby kung ano 'yung totoong nangyari. Ang sinabi niya lang ay wala silang dapat ikagalit sa akin. Hindi ko alam kung bakit mas lalo kong gustong makita si Ruby ngayon.
Miss ko na siya.
"Sana naintindihan mo ang desisyon niya, kasi kung sakali man na hindi kayo naghiwalay, I don't think na tatagal din kayo kasi mapagtanim ng sama ng loob 'yon. She needs time for that. And tingnan mo, noong naghiwalay kayo, Ruby started striving harder in her studies and pinush niya talaga ang Qatar work immersion niya. Doon na rin siya nagtrabaho after ng graduation."
She smiled at me. "Ruby became the better version of herself and she became mature when you two broke up. Baka kailangan niyo nga na maghiwalay talaga. Tulad niyan, sabi mo, mas naging focus ka sa trabaho mo simula nang maghiwalay kayo. Hindi ba parang nag-benefit din kayo sa isa't-isa?"
I sighed before drinking my coffee. I have mixed feelings. Aanhin ko ang trabaho ko kung wala siya, hindi ba? Ang ikinakatakot ko lang naman ay 'yung tuluyan na siyang mawala sa akin kung bibitawan ko nga siya.
Pero hindi naman ako papayag na mapunta siya sa iba. Magmahal man siya ng iba, hindi ako titigil lang doon. Ipapakita ko na ako dapat... na ako lang... na ako pa rin ang dapat para sa kan'ya.
"Anong iniisip mo?" tanong niya.
I sighed before looking at her. May hawig talaga siya kay Ruby. Kung hindi ko lang sila kilala ay baka isipin kong magkapatid sila. Mas matangkad nga lang si Vanessa at maputi naman si Ruby.
"W-Wala pa naman siyang boyfriend, 'di ba?" nag-aalangang tanong ko.
Muli siyang tumawa. "Hindi mob a narinig sinabi ni Ate Honey kanina? Wala. Walang naging boyfriend si Ruby. Kahit fling, wala," sumandal siya sa upuan bago ngumisi, tsaka humawak sa baba na parang nag-iisip. "Kung may boyfriend ba siya ngayon, hindi ka na lalaban?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Siyempre, lalaban ako! Simula nang maghiwalay kami, lagi na akong nakikibalita sa kung kumusta na ba siya, ano nang ginagawa niya at kung may boyfriend na ba siya. Hindi por que may boyfriend na siya, susuko ako. Hindi ako papayag na hindi ako ang makakatuluyan niya, Vanessa. Hindi ko siya binigyan ng space para hayaan at tuluyan siyang mawala sa akin. Ginawa ko 'yon dahil sobrang mahal ko siya at ayaw kong tuluyan na siyang mawala sa akin."
Nakita ko na bahagyang nakaawang ang bibig ni Vanessa matapos kong magsalita. Nakaramdam ako ng hiya at kaba dahil sa mahabang paliwanag ko.
Ano bang pinagsasabi mo? Tangina, gusto kong sapakin ang sarili ko ngayong mga oras na 'to.
Muling ipinatong ni Vanessa ang dalawang braso niya sa lamesa, bago nangalumbaba. "Hindi rin ako papayag na hindi ikaw ang makakatuluyan niya."
Napangiti ako at kahit papaano ay gumaan ang dinadala kong takot, kasi alam ko na sa mga oras na 'to, hindi na ako nag-iisa.
"P-P'wede ko bang malaman ang saktong address ni Ruby sa Qatar at kung saan siya nagta-trabaho?"
Ang tagal.
Ang tagal niya akong tinitigan na parang hindi siya makapaniwala sa itinanong ko sa kan'ya.
Nagulat pa ako nang napahampas siya sa lamesa gamit ang dalawang kamay niya bago muling nagtanong.
"Anong pina-plano mo?"
Napalunok ako. "Kukuha ako ng one week leave tapos pupuntahan ko siya," and then I remembered her reactions towards me. "P-Pero okay naman na siya hindi ba?"
She pursed her lips before she sipped from her coffee. "Oo. Okay naman na siya. She's back with her usual self; matured nga lang ngayon kasi puro trabaho. Oh, umuwi nga pala siya dito three months ago! One month siya rito at nakikipag-utuan kay Lola," she laughed.
What? Umuwi siya? Three months ago?
Damn, hindi ko man lang siya nakita samantala nandito na ako sa Baguio no'n! Argh, bakit ba kasi nag-break pa si Anna at George?! Sayang 'yung pagkakataon!
"A-Ano ginawa niya rito?"
She shrugged. "Naghanap ng tatayuan ng business niya."
Itinuon na niya ang pansin niya sa pagkain sa harap niya bago tumingin sa akin.
"Seryoso ka bang pupuntahan mo siya?" she asked. I nodded in response. "Kailan?"
Humigop ako sa kape bago sumagot. "Maghahanap pa ako ng bakanteng leave."
Tumango siya. "Do you want me to talk to her first?"
Mabilis akong umiling. "H-Hindi! 'Wag mo munang sabihin," I sighed. "Baka hindi pa siya handa. Gusto ko lang naman siyang makita kasi ang tagal na. Kahit na malayo, gusto ko lang siyang makita talaga."
Tumango-tango siya bago inubos ang cake na nasa harap.
"Okay, then! Sasabihin ko sa 'yo once I got the exact address of her workplace."
Napangiti ako at nakahinga ako nang maluwag.
Zamora's got the best bloodline ever. Hindi ko man nakasama talaga si George o naka-bonding, the fact that almost all the people living in the Zamora compound treated me like I'm part of their family.
I now know why Anna couldn't move on from him even after almost a year of breaking up with him. I understand now.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top