Chapter 27

Chapter 27:

The following days, I focused myself on my work. Sa maikling pagkakataon, kinalimutan ko na muna ang problema ko at ang problema namin ni Ruby but I have a plan.

I know this is selfish but I just can't let this year go without seeing her.

Before the Christmas Eve, I drove away from the mansion. Sinabi ko kay Mom na pupuntahan ko si Ruby at babalik din para mag-celebrate kasama siya.

"Hmp," she rolled her eyes at me. "It would be better if you'd bring her here."

I smiled a little. Mom likes her a lot. Hindi ko naman siya masisisi dahil minsan niya lang nakilala talaga si Ruby, noong dinala ko siya for a day sa Manila para ipakilala sa kan'ya. Nagustuhan niya kaagad dahil napakanatural para sa kan'ya ni Ruby. Hindi katulad ng mga naunang girlfriend na ipinakilala ko sa kan'ya.

It was December 23, 02:32 a.m. when I arrived in Baguio.

I was few meters away from their compound. Ramdam ko ang lamig ng klima rito dahil sa nakabukas na bintana sa driver's seat at kitang-kita sa kinang ng mga Christmas lights na masayang magsi-celebrate ng pasko ang mga tao sa loob ng compound nila.

I was jealous. Ang dami nila palagi sa tuwing may celebration pero sa pamilya namin, madalang na marami kami. Madalas, dalawa lang kami ni Mom at ang mga katulong.

Sabi sa akin ni Anna, regular daw na nagsisimbang gabi si Ruby. Minsan kasama si Hennessey at ang iba pang pinsan, pero kahit mag-isa ay nagsisimbang gabi raw ito.

"You see, medical student si Ate Honey. Of course, 'yung pahinga niya, itutulog na lang niya kaya hindi ko rin masisisi si Ate Honey kung hindi niya masasamahan siyang magsimba. Henz is a party goer so madalas, may hangover. Vanessa and other cousins, walang tiyaga makinig sa sermon ng pari," paliwanag ni Anna sa akin noong patapos na ang nire-remodel na bahay sa Quezon City.

Ilang oras pa akong naghintay hanggang sa nakita ko ang pulang gate na bumukas. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Ruby na lumabas doon, suot ang putting sleeveless top, itim na jacket at dark blue pants. Naka-running shoes din siya. Magjojogging kaya siya matapos ng misa?

Nakita ko na itinapat niya ang dalawang kamay niya as bibig at hinipan 'yon, bago pinagkaskas ang dalawang palad, tsaka naglakad papunta sa sakayan ng tricycle o jeep. I secretly followed her using my car. Malayo ako palagi nang ilang metro sa kan'ya dahil natatakot ako nab aka makita niya ako.

Natatakot din akong makita ang reaksiyon niya kapag nakita niya ako.

Nang makasakay siya ng tricycle ay sinundan ko siya hanggang sa nakarating kami sa Diocese of Baguio. Nang makapagbayad ay pumasok na siya sa loob ng simbahan. Naghanap lang ako ng mapagpa-park-an bago ako sumunod sa kan'ya sa loob.

Sa dami ng taong nagsisimba at dahil hindi ko na nakita kung saan siya dumaan, hindi ko na nalaman kung saan siya lumugar. Narinig ko na ang pagsisimula ng misa, nag-focus na ang mga tao sa pagkanta ng pangunahing awitin sa simbahan, hindi ko pa rin siya nakikita.

I sighed as I turned my back to face the front of the church when I saw her, standing and staring at me.

She knew...

She knew I was there.

She knew that I followed her.

***

Nang matapos ang misa ay tahimik lang kaming lumabas ni Ruby ng simbahan. Nakatayo lang kami sa loob ng simbahan sa buong oras dahil sa dami ng nagsimba kaya naman alam kong ngayon pa lang ay nangangawit na siya.

I know she controlled herself that whole time when the mass is on-going. I know how much she wanted to shout at me for coming here for her. I know that she doesn't want to see me yet.

I must be selfish but even after knowing all that, I still went because I want to see her.

"Ruby—"

"Wala ka nang kailangang sabihin," simpleng sabi niya bago naupo sa bench pagkalabas ng simbahan. I stood in front of her, waiting for her to talk more. "Wala na akong dapat marinig."

Napalunok ako. The sky is still dark but why does the rejection is so vivid? Kitang-kita ko sa kabila ng madilim na kalangitan.

I sighed. "Ruby, I can't just give up on us just like that. I told you, it was never my intention—"

She looked at me. "It was never your intention pero nasaktan pa rin ako. Does that change anything? I felt betray, cheated... disgusted with myself at that exact moment," she gulped as she looked away. "You'll never know how it damaged me... how it ruined me."

I slowly sat in front of her, holding her little knees. I was losing my strength. After all the times I spent away from her, I thought that she would give a second thought for our relationship. Akala ko, bibigyan niya ng pagkakataon. Akala ko lang pala... kasi nakapag-desisyon na talaga siya.

"Ruby..."

"Layuan mo na muna ako, please... Jin. Hindi ko pa kayang harapin ka ngayon. Huwag muna ngayon. Hayaan mo muna ako, please."

Sa pagyuko niya, nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya. It was that sight that I don't want to see anymore. It was that sight that I just want to forget... kahit sandali lang. Kahit na mabilis na minuto lang, gusto kong kalimutan na lang, tutal, nangyayari naman sa akin 'yon, hindi ba?

Bakit may mga bagay na hindi natin pwedeng kalimutan?

Bakit may mga pangyayaring gusto nating makalimutan pero sa halip, mas lalo lang tumatatak sa isip natin?

"Mas maayos ako noong hindi tayo nagkikita, Jin. Mas okay ako. Seeing you reminds me of that moment I know I will never forget anymore. Kung makakalimutan ko lang naman 'yung naramdaman ko noon, mapapatawad naman kita, kasi naiintindihan ko 'yung rason mo... na hindi mo ginusto at hindi mo kontrolado. Pero hindi ko rin kasi kontrolado 'yung sarili ko. Nasasaktan pa rin ako at naaalala ko lalo kapag nakikita kita."

Bahagyang humigpit ang pagkakahawak ko sa tuhod niya.

Ano ba ang mas masakit? 'Yung hindi niya pa ako naiintindihan pero hindi niya ako mapatawad, o 'yung naiintindihan na niya ang lahat lahat... pero hindi niya pa rin ako matanggap?

"Gets na kita, pero sana ma-gets mo rin ako. Hindi ko pa kasi kaya."

She cried again but this time, she's looking down more, not wanting to see me anymore.

Sabi niya, naiintindihan niya na ako.

Sabi niya, naiintindihan na niya lahat... pero hindi pa niya kaya.

Ang gaan na ng dibdib ko. Hindi ko na kailangang mag-isip pa na iba ang nasa isip niya noong nangyari 'yon. Hindi ko na kailangang mag-isip pa nang mas malalim tungkol sa kung ano ang nasa isip niya, kasi naiintindihan niya na ako.

Ang gaan... pero kahit na gaano kagaan, nandoon pa rin 'yung bigat.

Kung anong bigat ng dibdib ko, siyang bigat ng sakit na nararamdaman ko... kasi gusto niyang pakawalan ko na siya. Gusto niyang... layuan ko na siya, kasi nilalayuan na niya ako.

I sighed as I stand in front of her before leaning down to hug her. I felt her stiffened and that was enough sign for me to feel the pain even more.

She's not used to my touch anymore. She does not want to be touched my hands anymore.

I gulped down the lumps on my throat as I sighed, before talking. "I will wait for you. I will wait until you overcome it. I will wait and I will never stop loving you."

I pursed my lips as my tears fell.

"But for now, I guess I must leave. I don't want to make things hard for you. I want the best for you. I want you to reach your dreams. And for the mean time, I will wait for you from afar and wait until you're already fine."

I heard her sobs as I told her the things that I know is the best for the both of us, especially for her.

"I'll leave, but I will always carry you in my heart. I will never stop loving you, my Robitussin."

Kung sa mga normal na araw lang, tinatawanan na naming dalawa ni Ruby ang pagtawag ko sa kan'ya ng pangalan na 'yon, pero ngayon, hindi.

Mas lalo siyang umiyak.

Naramdaman ko na rin ang paghawak niya nang mahigpit sa damit ko habang humihikbi.

"U-Umalis ka na."

Her voice was weak when she told me that because she's crying so hard, but it was clear. She wants me gone and I can't do anything about that.

I moved away from the hug. I have this urge to kiss her one last time but remembering the reactions I felt when I hugged her... I don't want to feel that anymore.

It's enough pain for now. I might not kiss her anymore but at least, I won't give her reasons to be scared of me anymore.

I completely moved away, then turned my back on her as I walked away. I heard her cry gets louder as I walked farther but I couldn't looked back.

Baka hindi na ako umalis kung sakaling lilingunin kita.

Baka hindi ko maibigay ang hinihingi mo kung lilingon ako sa 'yo.

Masakit umalis nang gan'yan ka, pero kung para naman sa ikabubuti mo 'to, kung para naman matupad ko ang kahilingan mo, sino ako para tumanggi? Sino ako para magmalaki?

As I entered my car, I couldn't start the engine. I stayed inside the car, crying, remembering how Ruby cried in front of me.

Ang sakit na naiintindihan niya pero ayaw na niya.

Mas masakit na naiintindihan na niya pero hindi nagbago ang desisyon niya.

Ang gaan na naiintindihan na niya, pero ang sakit na mas naiintindihan ko siya.

I sighed as I closed my eyes.

This is for the best... remember that, Jin.

This is what's the best for the both of you.

You will wait for her... and while you're waiting, make your life better and prove her that you deserve her once more.

Don't waste the time. Prove her that it is you, and only you, who deserves her.

Kahapon pa dapat itong update na 'to para sana saktong-sakto sa date ng update, kaso nakalimutan ko kasi nakatulog ako. (╥﹏╥)

Anyway, it’s December 24! It’s Christmas Eve!!!

Merry Christmas and hopefully a happy and better New Year! Enjoy the party with your family! Hahahaha. And I hope you liked this chapter. ❤

🌻

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top