Chapter 08
Chapter 08:
I laughed as I opened my third beer before answering.
"Hindi, 'no."
Nakita kong gumalaw ang dalawang paa niya na parang bata na nakaupo sa swing. Ang cute talaga. Hindi naman talaga siya sobrang maliit pero ang cute kasing tingnan. Sa tingin ko, nasa 5'1" siya, or 5-flats.
"Bakit naman?!" tanong niya na para bang ang pangit ng naging sagot ko.
"Kung totoo, nasaan?"
She scoffed. "So, to see is to believe ka?" I nodded. "Naniniwala ka ba kay God?"
I laughed. "Oo naman!"
"Nakita mo na ba siya?"
Napaawang ako ng bibig sa naging tanong niya. "H-Hindi pa."
"Oh, eh bakit ka naniniwala, hindi mo pa pala nakikita?"
Hindi ako nakasagot. Grabe namang babae 'to, ang galing manghuli. Pero ang layo naman kasi ng pinagkaiba ng alien at kay God.
"Natural lang dahil... si God ang may gawa ng lahat ng nakikita natin ngayon."
"Weh? Nakita mong ginawa niya?" tanong niya gamit ang nanunuring mga mata.
I sighed. "No."
"Oh, ayun! Hindi mo nakikita si God pero naniniwala ka sa Kan'ya at naniniwala kang Siya ang naglikha ng lahat ng 'to!" she sighed. "Pero kapag alien, ayaw mong maniwala kasi hindi mo pa nakikita?"
I chuckled. "Kakaiba naman 'yung inabot ng kadaldalan mo, Robitussin. Kanina, nasa cheating lang tayo, ngayon nasa aliens at kay God na."
She laughed. "I'm just curious! Pero ano nga? Bakit ayaw mong maniwala sa alien?"
I shrugged. "Hindi pa naman napapatunayan na mayroon talaga."
"So bakit may iba't-ibang planeta? Hindi mo ba naisip na baka nakatira ang aliens sa iba't-ibang planeta?"
Napakunot ako ng noo sa lahat ng sinabi niya. Ngayon lang ako nakakita at nakatagpo ng babaeng may interes sa ganitong topic. I've always saw her as someone so cheerful and sweet at the same time but I never imagined her being interested with aliens.
"Hin...di ko alam?"
She laughed before crossing her legs on the hood of my car as she completely faced me. She drank from her beer in can.
"Ako, naniniwala sa aliens."
I smiled. "Okay... then? Bakit ka naniniwala sa aliens?"
"Kasi gusto ko! Duh?!" I laughed louder with the way she answered me. "Pero nakakita na kasi ako ng aliens."
Napalunok ako at nakaramdam ng kaba sa sinabi niyang 'yon. Nakakita? Grabe naman. Parang nakakatakot yata 'yon, ah?
"Anong... aliens?"
She smiled at me maliciously. "Alam mo ba 'yong itinuro sa akin ni George sa Taxation nila?"
Napakunot ako ng noo. Ano namang connect ng itinuro ni George sa kan'ya sa pinag-uusapan namin?
"Ano?"
"May resident alien at non-resident alien daw sa isang bansa. Example, sa US, resident alien ay 'yong mga taong hindi taga-US pero nakatira sa US na hindi nakapasa sa green card test. Kapag resident alien ka naman, it's either nakapasa ka sa green card test or substantial presence of the year. In short, dayuhan ka. Hindi ka local citizen."
I smirked. Parang napag-aralan namin 'yan, ah? Hindi ko nga lang gaanong tanda pero medyo may alam naman ako.
"Akala ko naman kung ano," I chuckled before drinking from my beer.
"Akala mo ba tapos na ako?" tumingin ako sa kan'ya at nakita ko ang pag-angat ng kaliwang kilay niya. "Hindi mo ba naitanong sa sarili mo, baka tayo talaga ang alien sa mundong 'to?"
Napalunok ako bago ibinaba mula sa pag-inom ko ang beer in can. "Mukha ba akong alien?"
She laughed. "Malay ko! Hindi pa naman ako nakakita ng alien na nasa isip mo," she rolled her eyes at me.
I chuckled. "Ang gwapo ko namang alien."
Umirap siya sa akin bago itinuloy ang sinasabi.
"Ito kasi, makinig ka. Hindi ba, mga tao ang gumagawa ng mga building dito, sumisira ng forest, pumapatay ng mga hayop. In short, mga tao ang sumisira sa kagandahan ng Inang Kalikasan. What if, tayo ang alien na sumisira sa mundo ng mga hayop at kalikasan? Hindi ba?"
Napaisip ako sa sinabi niya. Sa totoo lang, tama naman din siya. Totoo naman na mga tao ang mga kasalanan kung bakit nasisira ang kalikasan ng mundo dahil sa pagiging kapitalismo ng ibang bansa o tao.
"Ano? Pero kung tutuusin, kung tayo nga ang alien, animals and the nature itself must have hate the humans, 'no? After all, okay naman talaga sila. Noong dumating ang mga tao, nasira sira, naubos, nagkagulo," she sighed. "Pero ang ganda kong alien."
I chuckled because of what she said.
"Kung alien nga tayo, saang mundo talaga kaya tayo?"
"Hmmm..." she looked away as she sip from her beer. "Baka nga wala tayo?" she chuckled. "Baka wala naman talaga tayo in the first place."
Muli ay inubos na niya ang laman ng beer niya bago muling tuluyan na sumandal sa bintana ng sasakyan. She heaved a deep sigh as she stared at the sky again.
"Huwag mong isiping malalim akong tao. Mababaw lang talaga ako. I'm just like any other girls na mahilig mag-party at mag-boyfriend ng pogi," she laughed after saying that before looking at me. "Baka nagmumukha lang akong pa-deep, pero mababaw lang ako," she laughed.
Inubos ko na rin ang laman ng beer in can ko bago ako gumaya sa posisyon niya sa tabi niya. I heard her sigh like she sighed in relief.
"Hindi mo naman kailangang mag-explain sa akin. Just be yourself, Ruby."
"Really?" she asked.
"Oo naman."
"No, I mean, mauulit pa ba na ganito tayong dalawa?" she laughed. "I've never had this moment with my exes. It's either we date or cuddle. But don't get me wrong, ha? We never did it."
"It?"
She laughed. "Sex. I promised to myself that I won't do that hanggang sa maka-graduate na ako."
Ahh, virgin. Good thing, though it really didn't matter.
Pero sa sobrang kadaldalan niya, nasabi na niya yata 'yong ilan sa mga bagay na hindi naman proud sabihin ng ibang babae.
Ahh, Ruby.
"Oo naman. We will go out always."
She faced me. "Tuwing kailan?"
"Kahit kailan."
"May work ka."
I laughed. "Hanggang six lang ang work ko."
Tumango-tango siya bago muling bumalik sa pagkakahiga kanina. "Paano kapag nasa Manila ka na? Hindi na tayo madalas magkita."
I smiled as I looked at her, staring at the sky. Parang nag-aalangan pa siya na itanong sa akin ang huli base sa paggalaw ng mga mata niya.
I chuckled. "I'll come here every weekend." She looked at me with excitement in her eyes. "Do you want that?"
She smiled. "Pwede?" she asked like a child.
I chuckled. "Oo naman."
"Pero mapapagod ka!" she laughed. "Ang layo layo mo!"
Umiling ako. "Kaya ko, 'no. Are you underestimating me?"
She laughed before shaking her head. "No. I'm just wondering, why would you do that?"
I shrugged as I smiled at her. "I want to spend more days with you. I want to spend more moments with you. I want to spend my everyday with you."
After I said that, I saw her face turned red before looking away from me.
"Bakit nga?" she asked while she's avoiding my face.
"I want to get to know you better."
She laughed before looking at me. "Sa dami ng sinabi ko, hindi mo pa rin ba ako kilala?"
"I just know some things but I want to know more..."
She smiled as she looked away again. "G-Gan'yan ba talagang bumanat ang mga a-architect?"
I laughed with her question. "Hindi nga ako bumabanat."
"Parang ang bilis..." she chuckled nervously.
"Hindi naman. We spent some time before. We actually got to know each other that time. We laughed and shared some information about ourselves. This is just the continuation and I'm sorry that I got it delayed."
She laughed shyly. "Okay lang, 'no."
"Pero dahil nandito naman na, I won't delay anything anymore. I'll do everything I wanted to do with you and I'll spend all of my free time with you."
We spent another hours and minutes of talking and getting to know each other, while we're both under the million stars. Time went by so fast every time when I'm with her. The next thing I knew, I was driving her to her home.
Damn, if only I could stop this time, I would.
"Sige, dito na lang," she said as she pointed the big red gate near us.
I stopped the car in front of it. I was waiting for her to bid her good bye but she's still inside the car and her seatbelt is still on.
"Bitin," I said, laughing.
She laughed. "Almost 1:00 AM na. Lagot na ako kay Papa, wala pa naman akong kasamang pinsan."
Tumango-tango ako nang nakangiti sa kan'ya. "May... time ka naman bukas?" I asked, hesitant.
She laughed. "I have free time every 6:00 PM onwards. Hindi ako kumuha ng night class. Wala rin akong ginagawa every weekend maliban sa Saturday; nagsisimba ako."
Napatango ako ng ilang ulit matapos marinig ang mga sinabi niya. Hindi ko alam kung sa kadaldalan niya lang ba 'yon o baka gusto niya rin na magkita kami sa mga oras na free siya.
Sana ganoon nga.
"So... uuwi na ako?" she asked, hesitant.
Ngumiti ako at tumango. "I'll just text you when I'm home."
She chuckled. "Baka maghintay na naman ako."
"No, I swear, there's no delaying here anymore."
"Okay," she laughed as she took her seatbelt off. "Ingat sa pagdi-drive, Architect," she smiled genuinely before she opened the door. "Good night."
Tumango ako at ngumiti. "Good night, Ruby."
Itinuro niya ang labas ng sasakyan para sabihing lalabas na siya kaya naman natatawa akong tumango sa kan'ya. Nang tuluyan na siyang lumabas ay nakatingin pa rin siya sa loob ng sasakyan, kumakaway sa akin habang nakangiti, bago tuluyang pumasok na sa loob ng gate nila.
Paalis na sana ako nang makita ko na bumukas ulit ang gate. Ibinaba ko ang bintana ng sasakyan para makita ko siya nang mabuti.
"Oh? Bakit lumabas ka pa?"
She smiled before she leaned forward to me. "May nakalimutan ako."
"Ano?"
She let her head inside the window of the car before planting a soft kiss on my cheek.
That's when I realized, Ruby is something special that made me feel that I have been kissed the very first time in my life tonight.
That's when I realized, I've wasted so many time dwelling over someone from the past that was never mine in the first place.
That's when I realized... I can never escape from this attraction that I have for her anymore, and I am not even trying to, and will never even try to.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top