Chapter 03
Chapter 03:
When I finished my architectural layout and the whole plan for the project weeks later, it was easily approved by the client and eventually, the construction started. Naging madali ang trabaho dahil magaling din ang engineer at tulad ko, sensitive din sa detalye.
I messaged Sarah to ask for details about the garden she wants while I was making the concept and the plan, and she answered willingly to everything I asked. Mas naging madali ang trabaho, para sa akin, dahil mabait ang kliyente at hindi pabago-bago ang isip. Paminsan-minsan, masungit si Sarah pero sa tingin ko, personality na niya talaga 'yon. Tsaka pakiramdam ko lang na ang lungkot niya ring tao.
"I really won't believe that you don't have a girlfriend," Sarah said while I was carrying the bricks to the garden place.
Paminsan-minsan kasi ay dumadalaw siya sa site para bisitahin at pakainin ang mga construction workers, maging ang engineer at architect. Minsan na rin siyang dumalaw rito nang may kasamang lalaki. She called him CK.
"I really don't have," I chuckled. "Single and available."
She chuckled. "Mga linya ng mga manlolokong gagawing kabit ang mga babae."
Napalingon ako sa kan'ya pero nakatingin lang siya sa bricks na ibinababa ko at nakangiti.
"Stop staring at me. Hindi ko sinasabing manloloko ka," she chuckled before looking at me. "I'm just saying," she shrugged before answering the call from her phone. "Oo, kanina pa ako nandito."
Hindi ko na pinansin pa 'yon at dumiretso na lang sa pagtulong sa mga construction worker.
Sa kalagitnaan ng pagkuha ko ng sukat ay dumating ang isang sasakyan sa harap ng bahay na itinatayo namin. Nakita ko si Sarah na nasa harap, naghihintay sa taong lalabas ng sasakyan. I don't really want to watch them but they are really an eye catcher. Ang sarap lang nilang panoorin.
Lumabas ang lalaki sa sasakyan at lumapit kay Sarah. It was CK. I don't really know if he's her boyfriend and I don't really care. They just look good together and I think they really suits well.
I watched CK gave the shawarma to Sarah and brushed her hair as they both went inside. I quickly focused my attention to the place I am measuring and pretended that I didn't know they're here.
Nang matapos ang site visitation ko sa project na iyon ay nagpaalam na akong babalik na sa opisina. Magalang na nagpaalam sa akin ang mga construction worker. Sinabihan naman ako ni Engineer Azarcon na mag-e-e-mail na lang o tatawag kung sakaling kailangan ako.
Matapos kong magpaalam sa lahat ay dumiretso naman ako sa dalawang nasa harap ng ginagawang bahay, mukhang nagku-kwentuhan. Nakahalukipkip ang lalaki habang si Sarah naman ay may hawak na cellphone.
"Tori will be really, really happy about this," I heard Sarah said.
CK scoffed. "Bakit? Okay na ba kayo para masabi mo 'yan?" he laughed.
"I understand her wrath for me, though. Lalong-lalo na sa 'yo. I still don't understand why you're—"
Napatigil siya sa pagsasalita nang makita akong nasa gilid nila. I don't know why but when it comes to Sarah, I am always intimidated. Hirap na hirap akong magsalita kapag nand'yan siya. Having her beside me removes the comfort that is left in me.
"Babalik na ako sa opisina, Ms. Sarah. You can call me if the site needs me," I said.
Tumango siya at ngumiti. "Okay. Be safe on your way back to the office!"
Tumango ako sa kan'ya at kay CK, tsaka sumakay na sa sasakyan.
"He's gwapo, 'no?" I heard Sarah said as CK chucked in response before I could even enter the car.
I chuckled inside with what I heard. The guy likes her a lot—I can see myself liking Anna. Liking someone who's in a relationship with someone else is really damn depressing. Naawa ako bigla kay CK.
I started the engine and drove away.
Nang makabalik sa opisina, gumawa ako ng report para sa progress ng project ko. Nakipag-usap din ako kay Architect Perez dahil nanghihingi siya sa akin ng update regarding sa project ko rito.
I think I only have two months, or more, left here in Baguio. Nakaramdam ako ng excitement sa pag-uwi.
"Sama ka, Architect?"
Napatingin ako sa nagsalita sa harap ko. Nakatayo si Architect Corpuz sa harap ng cubicle ko habang nakatingin sa akin. Sa sobrang abala ko kanina ay ngayon ko lang napagtanto na dumami na kami at nakabalik na ang ibang may mga site visitation kanina.
"Saan?" tanong ko.
"Ampersand bar. Weekend naman bukas. Tara?"
I checked my paper works and it's almost done. I think that partying is not too much to ask, huh?
Tumango ako at ngumiti. "Sige, sama ako."
"Kaya sa 'yo ako, eh," tumawa siya bago nakipag-high five pa sa akin.
Masaya niyang ibinalita na nadagdagan nga silang mg magba-bar mamaya. Narinig ko na hindi sasama si Architect Kyseiah dahil may family matters daw. Sa dalawang buwan ko rito, unti-unti ko nang nakikilala ang mga katrabaho ko, at naging malapit na rin sila sa akin. I realized that Architect Kyseiah is a family–oriented woman, and some of us here, guys and girls, are always up for parties.
It's actually not the first night out I went with them. Almost every week, lagi silang lumalabas. Nasanay na rin ako sa kanila. Minsan iniisip kong mag-stay na lang dito pero hindi ko rin kasi magawa dahil nasa Manila ang buhay ko. My family's there too. My condo, my workmates, my friends, everything.
Even my girls...
And then Anna successfully breaks inside my mind just like that. At least it doesn't hurt me too much now, huh?
Nang matapos ang mga trabaho para sa araw na ito ay sabay-sabay kaming sumakay ng elevator pababa sa underground parking lot. Sinabi na rin nila ang mga plano nila para sa paglabas mamaya.
"Uwi muna tayo tapos bihis," sabi ni Architect Divine. "Baka sa bahay na rin ako kumain," she looked at me. "Ikaw, Architect Jin?"
I shrugged. "Ganoon na rin ako."
Nagkaroon ng ingay dahil inasar ng mga kasama namin sa elevator si Architect Divine sa akin dahil ako lang ang tinanong. Halata rin naman sa kung paano siya nag-blush kanina noong sumagot ako na may gusto nga siya sa akin.
I smirked inside. If my friends saw this, they'll really feel so envy of me. Para saan pa't ako ang pinakagwapo sa aming apat, huh?
Nang makarating kami sa parking lot, tinungo namin ang kani-kaniya naming sasakyan. Lumapit sa akin si Architect Ton.
"Hatid mo na si Divine, tapos sabay na rin kayo pumunta sa venue," nakangisi niyang sabi sa akin bago lumingon kay Architect Divine. "Ayos ba, Architect?" mapanuksong sabi pa niya.
Tinawanan ko lang 'yon habang pinaghahampas naman ni Architect Divine si Architect Ton. "Bwisit talaga!"
Sa huli ay wala rin siyang nagawa kung hindi ang sumakay sa sasakyan ko. Kitang-kita ko kung paano siya kabahan nang maupo ako sa driver's seat dahil sa pagkutkot ng mga kuko niya sa kamay. Tumikhim ako bago nagsimulang mag-drive.
"Huwag ka nang kabahan sa akin, Architect."
Nakita ko na lumingon siya sa akin. "H-Hindi naman! Pasensiya ka na talaga. Ganoon lang talaga sila."
Lumingon ako sa kan'ya at ngumiti. "Okay lang, Architect."
Tumango siya at ngumiti, bago tumingin sa daan. "Ilang buwan ka pang mag-i-stay sa Baguio?"
I shrugged. "Two months, I think? That project is the only reason that I am here."
She nodded. "Okay, then. But, won't you stay? Pwede naman daw."
I chuckled. "I can't leave my life in Manila."
I saw in my peripheral vision how she sighed like a disappointed person. I ignored it and just focus on driving while answering some of her questions.
Nang maihatid ko na siya sa bahay nila ay dumiretso na ako sa apartment ko. Nagpahinga lang ako sandali bago nagluto ng pagkain ko at tsaka kumain ng hapunan, bago gumayak na. I wore my usual get up when I am partying here. White V-neck shirt and dark blue pants, and then shoes.
When I'm done fixing my hair, I sprayed my Lacoste perfume and then I'm ready to go. I was assigned to pick up Architect Divine, and so I went there first before driving to the venue. She's wearing black dress and shoes and it looks good on her.
Few minutes later, we arrived at the venue. Nakita namin na nasa reserved place na sila at nagsisimula na silang mag-inuman. There is a band playing music at the stage when we arrived. Nang oras na makaupo kami sa couch, binigyan na kami kaagad ng mga shot namin habang nakikinig sa kanta na ipine-perform sa stage.
Isa sa mga napansin ko sa tuwing lalabas ako kasama sila, hindi nila pinag-uusapan kahit na isang minuto lang ang trabaho. Kahit nga minsan, hindi ko narinig sa kanila ang salitang project at site visitation. Hindi nga rin nila tinatawag ng Architect at Engineer ang isa't-isa. I think that's healthy because people go to party to relieve the stress they are getting from work.
Ilang oras na ang nagdaan, mabuti na lang nakontrol ko ang sarili ko na huwag magpakalasing dahil karamihan sa mga kasama namin ngayon, nagsasayaw na sa dance floor. Ang ilan nga ay may mga kahalikan na.
Even Architect Divine.
"Good evening! We are Baguio's Voice. I hope you're enjoying your stay here in Ampersand!" sabi ng bokalista ng panibagong banda na nasa stage.
"Boo! Ang pangit pangit ng bokalistang 'yan!" sigaw ng babae na nakaupo sa high chair habang may hawak na shot glass. Rinig sa mic ang pagtawa ng bokalista dahil sa sinabing 'yon ng babae. "Joke! Siyempre support niyo 'yan! Pinsan ko 'yan! Whoooo!"
Nagtawanan kaming mga naiwan sa couch dahil sa ka-cute-an ng babae. Maging ang bokalista, tawa na rin nang tawa at namumula ang mukha, siguro, dahil sa hiya. Ininom ko ang Whiskey na laman ng baso ko habang pinanonood ang babae na uminom sa baso niya.
Nagsimula nang tumugtog ang banda ng isang rock song na pamilyar sa aming lahat.
Hey girl, I'm waitin' on ya, I'm waitin' on ya
Come on and let me sneak you out
And have a celebration, a celebration
The music up, the windows down...
Tumayo na ang mga kasama kong natira sa couch at pumunta na sa dance floor. Hinila na rin nila ako papunta doon at doon kami nagsayawan, kasabay ng sigawan, tawanan at pagsabay sa vocalist na kumakanta sa stage.
Yeah, we'll be doing what we do
Just pretending that we're cool and we know it, too
Yeah, we'll keep doing what we do
Just pretending that we're cool, so tonight...
Napalingon ako sa babaeng nakaupo sa high chair at nakita ko na nanonood siya sa mga nagsasayaw sa dance floor, sa gawi namin. Ilang sandali pa ay napalingon siya sa akin, dahilan para mapahinto ako sa pagsayaw. Ngumiti siya at iniangat sa akin ang baso niya na parang inaaya ako ng toast, bago niya 'yon ininom.
Let's go crazy, crazy, crazy 'til we see the sun
I know we only met but let's pretend it's love
And never, never, never stop for anyone
Tonight let's get some and live while we're young
Whoa oh oh oh oh oh oh oh
Whoa oh oh oh oh oh oh oh and live while we're young
Whoa oh oh oh oh oh oh oh
Tonight let's get some and live while we're young...
"Type mo?"
Napalingon ako sa nagsalita sa gilid ko na sumasayaw pa rin at nakita ko si Architect Corpuz na sumasayaw pa rin habang tinitingnan ang babaeng tinitingnan ko ngayon.
Umiling ako bilang sagot. "No."
He chuckled. "Dude, kanina mo pa tinitingnan 'yan! Lapitan mo nga kung hindi mo type?"
I laughed before shaking my head and continued dancing along with them.
_
"Although we replicated known patterns of correlations with déjà vu (age and dissociative experiences), the same pattern was not found for our experimental analogue of jamais vu, suggesting some differences between the two phenomena. However, in daily life, those people who had déjà vu more frequently also had jamais vu more frequently." -- tandfonline.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top