Chapter 02

Chapter 02:



Linggo nang mapagpasyahan kong dumiretso na sa Baguio dahil pakiramdam ko naman ay wala na akong gagawin. Nagkausap na rin kami ni Connor na iti-turn over ko kay Architect dela Paz ang mga natitirang trabaho sa art gallery niya pero sabi niya ay kaya na raw niya at ang kailangan ko na lang ay dumalaw kahit isang beses sa isang linggo para sa natitira pang mga detalye.

10:32 p.m. nang makarating ako sa apartment na ibinigay sa akin ng company sa pansamantalang stay ko sa Baguio. Nang makapasok sa loob at makahiga sa kama ay hindi ko na ginawang bumangon pa dahil sa pagod sa pagmamaneho. Ibinigay ko na ang buong oras kong 'yon sa pagpapahinga.

Kinabukasan, maaga akong nagising at nagluto ng makakain. This is my first day at work in Baguio and I can't leave a bad remark for them. It can affect my job, kahit sabihin pa natin na hindi naman talaga ako sa Baguio naka-base.

Nang matapos kumain at gumayak ay nag-drive ako papunta sa company at ipinasa ang letter na ibinigay sa akin ng Head Architect bilang approval ng temporary work ko rito sa branch na 'to. They welcomed me like a known person already; pakiramdam ko tuloy, parte na rin ako ng pamilya na nabuo nila rito.

"We were actually informed about your temporary transfer here, Architect Jin. We already allotted a cubicle for you and your workplace."

Dinala ako ng Head Architect na si Architect Nuñez sa cubicle ko at sinabi ang mga kailangan at hindi, maging ang policy sa company na katulad lang din naman ng sa main office sa Ortigas.

"You've been working in HAF for over a year, right? So, I guess, you can suit yourself here?" he asks.

Tumango ako at ngumiti. "Yes, Architect. Thank you."

Iniwanan na niya ako matapos ipakilala ang ilang mga apprentice na nandoon. Ang mga babaeng apprentice ay ngiting-ngiti habang nagpapakilala sa akin, kaya naman ngumiti rin ako sa kanila at nakipag-kamay sa kanila.

Hay, hirap maging gwapo.

I opened the computer to check the e-mail and track the progress of my work. After that, I made an appointment with Mr. Pascual, the loyal client of Herrera Architectural Firm. Siya 'yung client na gagawan ko ng project.

"You know, there's a rumour about the daughter of that business tycoon Mr. Florencio Pascual," Architect Kyseiah said.

"Ano raw?"

"Libangan daw maging kabit?" she shrugged. "Nasabi ko lang, sikat ang anak niyan dito sa Baguio sa gan'yang impression. Sayang lang at sobrang gandang bata pa naman," she sighed.

Tumango-tango na lang ako. ng weird ng libangan niya, ha?

"Pero we can't really judge her agad. Baka rumours lang. At kung hindi naman, baka may malalim na pinagdaanan," she smiled. "Ingat ka, ah? Kung may girlfriend ka, layo ka sa gan'yang babae kung totoo man ang rumour na 'yon."

After Architect Kyseiah told me a rumour, she shrugged again and went back to making her scale model on her working table. Napapailing na natatawa na lang ako. This is really one of the woman's thing—the gossiping. Hindi naman sa ayaw ko sa ganoon kasi parang normal na rin; napansin ko rin 'yon sa mga naging girlfriend ko no'n. Bigla na lang silang nagku-kwento ng mga tungkol sa ibang tao na minsan ay wala naman akong alam sa pagkatao.

It's actually cute; minsan ginagawa rin naman naming magkakaibigan 'yon pero hindi naman masiyado. Normal lang naman.

Napailing ako at itinuloy na ang trabaho.

An hour and few minutes before lunch break when I received a reply with Mr. Pascual. He's asking me if we can meet in a restaurant near him because he has a matter to attend to at Session Road. I agreed and asked him where and what time.

I read his reply.

Mr. Pascual:

I am with my daughter, Sarah as of now but can we meet by lunch break? Para sabay na rin ang lunch at meeting. It's really impossible for me to leave right now. I have to go back to Manila by 5:00 p.m.

I typed a reply.

Me:

Anything will do, Sir.

After that, he sends me his location and the address of the restaurant.

Nang makumpirma na ang oras at lugar ng meeting ay tinapos ko na ang pagsagot sa mga e-mail ko, at ang pakikipag-usap kay Connor tungkol sa project naming dalawa. Pagkatapos no'n ay nagpaalam akong hindi na ako makakapag-time out ng lunch dahil may lunch meeting ako kasama ang client.

"Okay, then, Architect."

"Thank you, Architect."

Ngumiti si Architec Nuñez at tumango, bago ako umalis ng opisina niya. Kinuha ko ang cellphone, notebook at susi ng kotse ko, bago lumabas ng opisina, tsaka sumakay ng elevator papunta sa underground parking lot. Nang makasakay na sa sasakyan ko ay nag-drive na ako papunta sa address ng restaurant.

15 minutes lang ng pagdi-drive, nakarating na ako sa restaurant. Wala pa rin ang client kaya mas nakaramdam ako ng ginhawa. Naniniwala kasi akong mas okay na ikaw ang maghintay ng kliyente, kaysa ikaw ang hintayin. Kaya kahit kailan, hindi ako nagkaroon ng late sa mga meeting at site visitation ko.

Ilang sandali lang din at dumating na ang isang lalaking sa tingin ko ay nasa 45 years old na, kasama ang isang babae na sa tingin ko ay kasing-edad ko lang, o mas bata pa.

The woman he's with looks very sophisticated and mysterious. With the way she looks at me gives me goose bumps. Her messy hair suited her so well. Her skin is not very fair, but not very tan. Saktong-sakto lang. Hindi ko rin masabing morena dahil maputi siya kumpara sa mga morenang babae.

She's wearing a white FILA disruptor, a black short and white spaghetti strap blouse as her top. She's damn sexy.

"I'm sorry that you waited," Mr. Pascual said as he asked for a handshake. "I'm Florencio Pascual."

"It's okay, Sir. Halos kadarating ko lang din," magalang na sabi ko tsaka nakipag-kamay sa kaniya. "Architect Jin Ocampo, Sir."

Ngumiti at tumango si Sir Pascual sa akin bago lumingon sa anak. "This is my daughter, Sarah Marie."

Naglahad ako ng kamay pero tiningnan niya lang 'yon bago tumingin sa akin nang nakaangat ang isang kilay. "May girlfriend ka?"

"Sarah!"

She chuckled before taking my hand. "Sarah Marie. Nice to meet you."

It was just a two-second handshake. Hindi pa rin ako makapaniwala sa unang linya niya sa akin.

"Pagpasensiyahan mo na at gan'yan lang talaga 'yan," Mr. Pascual said before taking our own seats. "Um-order n tayo."

As I scanned the menu, I couldn't stop myself from glancing at her. Maganda naman talaga siya, katulad ng sinabi ni Architect Kyseiah kanina, pero sa ganda niyang 'to, bakit naman niya gagawing libangan ang pagiging kabit?

Nang lumapit na ang waiter ay ibinigay na namin ang sari-sarili naming order. Habang naghihintay sa pagkain ay nag-usap na kami ni Mr. Pascual ng mga tungkol sa trabaho namin at kung ano ang mga dapat kong gawin para sa rest house niya.

"I told you I don't need that," Sarah said as she unlocked her phone.

Mr. Pascual scoffed. "This is for you, since you don't want to live in the mansion and don't want to come with me in New Jersey."

Umirap si Sarah dito. "Papa, I have my condo. Besides, CK has a big house, too. I can live there. Sayang lang ang gagastusin."

CK? It must be her boyfriend. I knew it; all the rumours about her are not true.

Mr. Pascual sighed in disbelief. "If only I can arrange your marriage with him so that you'll stop playing."

Sarah smirked. "I don't like him."

Hindi na ako nakinig pa sa usapan nila dahil pakiramdam ko, hindi ko na dapat pang pakinggan ang mga susunod niyang pag-uusapan. Itinuloy ko na lang ang pagsulat ng mga mail details tungkol sa lote na tatayuan, ang size, address, maging sa kung ano ang mga katabi no'n, nang sa gano'n, alam ko na kaagad ang gagawin ko bago pa man ako dumating doon.

Nang dumating ang pagkain ay nagtuluy-tuloy ang usapan tungkol sa bahay na gusto niyang ipatayo. Dinala ko ang tracing paper na ibinigay sa akin ni Architect Perez kung saan nakalagay ang draft ng exterior ng bahay na gusto niyang gawin kaya naman mas humaba pa ang usapan tungkol doon.

On the other hand, Sarah looks so board while she's eating her steak and replying to someone in her phone.

"If there are some things you want to know, ask Sarah as well. That house is for her, actually," Mr. Pascual chuckled. "Baka may gusto siya sa interior at exterior. You can ask her."

"I don't want. Wala na akong gustong idagdag. Just do as planned," simpleng sagot niya.

Tumango ako at ngumiti bilang tugon. Ngumiti rin siya sa akin matapos isubo ang bagong slice niyang karne.

Nang matapos ang lunch, itinuloy namin ang meeting sa mismong site kung saan itatayo ang bahay. Malaki ang lote. Kung tutuusin, napakalaking bahay ang pwedeng magawa doon, pero ni-request sa akin ni Mr. Pascual na lakihan ang garden dahil mahilig sa gardening ang anak niya.

Kinuhanan ko ng picture ang paligid habang nakikinig sa mga sinasabi ni Mr. Pascual. Nang matapos ang meeting ay nagpaalam na si Mr. Pascual sa akin na aalis na sila dahil babalik pa silang dalawa sa Manila.

"Thank you, Sir. I'll just stay for a while for observation and gathering of information," magalang na sabi ko habang nakikipag-kamay sa kanila.

"Oh, sige. Mag-iingat ka na lang pabalik, ha?"

Tumango ako at nagpasalamat, tsaka sila pinanood na sumakay sa sasakyan. I was about to turn my back on them when I saw Sarah opened the shotgun seat and walk towards me. Nag-abot siya sa akin ng maliit na papel.

"I don't want to disappoint Papa. Just in case you need to ask me some things, call me there. Good luck."

She winked at me before tapping my shoulders and turning her back as she walked away from me. Sumakay na ulit siya sa sasakyan ng Papa niya. Tuluyan na nga silang umalis sa lugar. Ngumiti ako kay Mr. Florencio bago ito tuluyang lumampas sa akin.

Napatingin ako sa hawak kong papel. It really is her name and number. It was a flower shop business that she owns. She really likes flowers, huh?

Ibinulsa ko ang papel na iyon tsaka itinuloy na ang trabaho.

___

"Compared with déjà vu, jamais vu is less common in normal populations and much more prevalent in some neuropsychiatric conditions; this difference in prevalence suggests that novelty and familiarity may be signaled by different brain pathways." -- ncbi.nlm.nih.gov


This chapter is dedicated to Katharina_2022! Thank you so much for reading Unlabeled. Here's your dedication ♥ Sorry, after PS pa kasi babalik ang Baguio Series, so, ito na muna for now. Bawi ako. Hahaha. Thank you!!!


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top