Chapter 01
Chapter 01:
"Oh, anong sabi ko sa 'yo noon? Pagtatawanan kita kapag nahanap mo na ang babaeng katapat mo!"
Humagalpak ng tawa si Connor matapos kong sabihin 'yon. Napasinghap na lang ako bago ininom ang alak na nasa baso ko.
Nagkamali pa yata ako ng pag-imbita sa kanila dito sa condo ko para sa inumang 'to. Simula kasi nang magkaroon kami ng kani-kaniyang trabaho ay nagkaroon na kami ng sariling mga condo unit; si Terrence na lang ang natira sa dati naming condo dahil ayaw niyang iwan 'yon.
"Sabi sa 'yo, pare, huwag ka nang umasa do'n, eh," sabi ni Terrence nang tumatawa. "Tang ina, kung kailang nasa BGC na lang, 'no, tsaka ka pa literal na binasted."
Naghagalpakan sila ng tawa matapos marinig ang sinabi ni Terrence. Isinandal ko ang ulo ko sa head rest ng couch sa condo namin at ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko akalain na ganito ang magiging epekto sa akin ng pamba-basted sa akin ng isang babae. Totoo pala 'yong sakit na sinasabi ni Connor noon.
"Tigilan mo na 'yan, pare. Wala ka na talagang mapapala d'yan. Maghiwalay man 'yan o hindi, hindi ka papatulan niyan," natatawang sabi ni Aldrin bago uminom sa baso niya. "Tang ina, pinakagwapo sa atin, na-busted, naknamputa."
Tumayo na lang ako at umalis sa living room, iniwan silang nagtatawanan habang nag-iinuman. Hindi ako natutuwa na pinagtatawanan nila ako ngayong pakiramdam ko ay wala akong gana sa lahat.
Naligo na lang ko nang mawala ang amoy ng alak sa akin at ibinagsak ang katawan sa kama.
Hindi ko naman niligawan si Anna talaga, kasi nirerespeto ko ang relasiyon nila ni George. Wala naman akong balak na sirain sila. Pero noong sinabi niya sa akin ang mga salitang 'yon, parang tuluyan na talaga akong nawalan ng pag-asa.
I've been crushing on her for years since the seminar I went to where I met her. I can't believe I really fell in love with her.
Flashback of our conversation earlier came crashing through my mind as I closed my eyes.
"Jin, I know what you're doing..." Anna said after sipping in her coffee. She sighed. "I know that you're doing all these because you like me..."
Napalunok ako bago ikinuyom ang dalawang kamao ko tsaka pinatong sa magkabilang hita ko.
"A-Ano..." I looked away. I can't fucking think of anything to say to her.
She sighed as she held her coffee with both of her hands. "Sa totoo lang, ramdam ko naman. I tried to not notice the malice in every single message you sent to me. Sometimes, it was George who reads your texts first, then he'll pass me the phone and said that you texted. George is a good man. Despite all the jealousy he has because of you, he never stopped me from being friends with you."
Napayuko ako dahil nakaramdam ako ng kahihiyan para sa sarili ko. Alam ko naman 'yon. Ramdam ko rin naman na minsan nang nag-reply sa akin ang boyfriend niya kasi kilala ko ang text format ni Anna. It's just that, I can't stop myself. From the first time I saw her, I always feel like I miss her every day.
"George is having a hard time in his job. Ayaw kong dumagdag pa 'to sa isipin niya. I guess, we can still be friends but..." she sighed as she looked at me with her pleasing eyes. "Can you stop making me feel your affection? Noong hindi pa lumilipat si George sa BGC, you always ask me to go out and eat with you. It's hard to say no to you, Jin. You're a friend to me. You helped me a lot. Please know that you, asking me to go out every time, is making me feel uneasy."
Ilang beses akong tumango sa kan'ya tsaka ngumiti dahil totoo naman. Alam ko ang mga pagkakamali ko. Masiyado kong sinamantala ang pagkakataon na hindi niya pa kasama si George. Naiintindihan ko na ngayon lahat ng pagkakamali ko, at nahihiya ako.
"We can still be friends, Jin. I am not closing my doors to being friends with you. You're a great guy and I believe that someday, you'll find someone that you will love without any hindrance. I'm sorry that it wasn't me."
Ngumiti ako at tumango sa kan'ya nang ilang beses pa, bago nagbuntonghininga at kinuha ang baso sa harap ko gamit ang bahagyang nanginginig na mga kamay.
"Okay lang. Naiintindihan ko. Sorry," ininom ko ang Americano coffee ko bago dinugtungan ang sinabi. "Pasensiya na talaga, Anna, pero huwag kang mag-alala. Naiintindihan ko lahat," she smiled a little. "Kumain na lang din tayo."
Bahagya siyang tumango bago kinuha ang tinidor at sinimulan nang kainin ang cake na in-order namin.
I sighed as I remembered that. Pinatay ko na ang lamp shade at natulog na lang nang tuluyan.
Nang mga sumunod na linggo at buwan ay inabala ko na lang ang sarili ko sa trabaho. Malapit nang matapos sa apprenticeship si Anna, maging ang licensure exam niya, at ayaw ko man makita pa siya muna, hindi pa rin nawawala sa akin na hilingin na sana, maging katrabaho ko siya—na sana, mag-apply siya sa company kung saan ako nagta-trabaho.
Napakatanga lang. Masiyadong martyr.
"Architect Jin, can you handle this project?" Architect Perez asked me while we're on our meeting. "Hindi naman ito malaki. This client is a friend of mine and he's asking me if I can be the architect to the house he wants to build. Given with the project I received, I can't. This is an urgent project too because before August ends, he'll come back to New Jersey."
Napatango-tango ako habang nag-iisip kung kaya ko na bang magtrabaho sa mas malayong lugar. I went to Baguio often but I didn't really work there; namamasyal lang ako lalo na kapag kasama ko ang mga naging girlfriend ko noon at mga kaibigan ko.
"Ano po ba ang detalye ng mga kailangan niya, Architect?" tanong ko.
Inilatag niya ang tracing paper sa table at ipinakita sa akin at sa iba pang architect na nasa meeting room ang draft ng exterior ng bahay na gusto ng kaibigan niya. Marami pa siyang sinabi, tulad ng kailangan ay kasya ang dalawang sasakyan sa garahe, normal size ng gate dahil parang bahay-bakasyunan lang naman 'yon ng may-ari.
Nakakaisip na ako ng concept para doon, para maging simple at homey sa pakiramdam ang bahay, pero iniisip ko pa rin kung paano ko magagawa ang trabaho ko? Hindi naman sa Baguio naka-base ang opisina ko.
Pero okay lang naman siguro, tutal, hindi naman big project ito. Ginawan lang naman ng pabor ni Architect Perez ang kaibigan niya.
Matapos marinig ang mga kailangan kong detalye, itinanong ko na kung kailan ako magsisimula at kung saan ako mag-o-opisina pansamantala, dahil may branch naman ng company ang Herrera Architecture Firm doon.
"Kung saan ka kumportable, Architect," sumandal si Architect Perez sa sandalan ng swivel chair niya bago itinuloy ang sinasabi, "Hindi mo naman kailangang maging hands on sa project na 'yan. Pwede ka rin magsama ng isa o makipag-ugnayan sa isang architect na naka-base sa Baguio. You can just drive there for site visitations but you can also stay there. We can allot a housing budget for you, since this friend has been a loyal client to this company."
Napatango-tango ako bago muling nag-isip.
I still have an unfinished project in Makati but I think, it will continue its progress since Connor, the engineer, and I have agreed to the final details. Patapos na rin naman 'yon, so I think, accepting this project in Baguio and being hands on with it will never harm my Makati project?
"Okay, then, Architect. I'll temporarily stay there so that your friend will not have the slightest bad impression to this company."
Mabilis na ngumiti si Architect Perez matapos kong sabihin 'yon. Maraming naging suggestions sa akin sila Architect dela Paz para daw mas ma-impress ang client, at bilang isang taon pa lang ako rito ay magandang chance 'to na maipakita rin sa client na hindi lahat ng baguhan ay hindi magaling.
I've been very sensitive with the details—that's why I am always one of the chosen architects for the house projects, or for commercial building.
When the work for this day ends, I informed my friends that I'll be leaving Manila for a while because of a project I accept in Baguio.
Aldrin: Baka d'yan mo na makita ang ipapalit kay Architect Anna >:D
Terrence: Tama! Mag-move on ka na, pare! HAHAHA
Connor: Good luck, pare! Hindi na kita pagtatawanan basta matapos lang nang maganda 'yung project natin :D
Natatawa akong nag-reply sa kanila sa group chat namin at sinabing magkita-kita kami bukas sa condo ni Terrence dahil sa Monday na ang alis ko papuntang Baguio.
I packed some of the important things first since tomorrow is Friday already. I insist on drinking tomorrow with my friends after our office works. I'm really sure that we'll get wasted so I'm sparing my Saturday by dealing with my hang over. Sunday na ulit ang pag-e-empake ko.
When I was done, I checked my phone and opened my iMessage. Nakita ko ang pangalan doon ni Anna. I suddenly missed talking with her.
It's been a while. Kumusta ka na kaya? I'm sure she'll be successful someday. It's just a pity for me that I can't be the one she'll celebrate it with because she made it clear to me that there's no chance for me.
And even if she offered me friendship, I just can't accept that easily. Masakit din.
I just hope there's someone out there that I'll spend all of my time with. It feels gay but I envy George for having someone like Anna that he have for so many years.
Hiling ko na lang talaga sa kanila, ikasal na sila. Nang matigil na ako sa mga selfish thoughts ko. This is damn cruel, but I can't stop myself.
I heaved a sigh and stood up to take a shower before going to sleep.
___
Jamais vu is more commonly explained as when a person momentarily doesn't recognize a word, person, or place that he/she already knows. -- psychology.wikia.org
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top