05: False Alarm
J A D E
six years ago
Hinalikan ko si Sir Darwin.
Hinalikan ko si Sir Darwin.
HINALIKAN KO SI SIR DARWIN!
Habang nakaupo sa mesa ko ay pakiramdam ko maduduwal ako sa labis na kaba. Inakala niyang ako si Miss Belle at baka pagalitan niya ako kapag nalaman niyang ako yung tinabihan niyang natulog sa kama nila. Ano pa bang choice ko kung hindi halikan siya?
Hindi ko na napigilang kagatin ang ibabang labi ko dahil sigurado akong ito na rin ang magiging huling araw ko sa trabaho. Buong akala ko, maiaahon ko na ang pamilya ko sa hirap. Ayun pala, magdadala lang ako ng kahihiyan sa kanila.
Pinunasan ko ang namuong luha sa gilid ng mga mata ko. Wala akong ibang dapat sisihin kung hindi ang sarili ko. Bakit ba kasi natulog pa ako? Dapat ay naglakad-lakad na lang ako at hindi na nagpahinga! Ang malala pa ro'n, imbes na magpakatotoo kay Sir Darwin ay nagpanggap pa akong si Miss Belle!
Bumukas ang pinto ng opisina kasabay ng pagdoble ng bilis ng puso ko. Pumasok si Sir Darwin na seryoso ang mukha habang may kinakausap sa telepono.
"If you don't fire her right now, I will fire you in her place. Do you understand?"
Mahina lamang ang boses niya at wala ring bahid ng galit. Pero ang mga salitang binitawan niya ay sapat na para mag-iwan ng takot sa sino mang kausap niya sa kabilang linya.
Teka... hindi kaya... ako ang inuutos niyang ipasisante?
Hindi kaya... yung HR Manager ang kausap niya sa telepono, at ako ang inuutos niyang ipaalis sa puwesto?
Nagtapat ang mga mata namin at kita ko ang sandaling pagkunot ng noo niya. Pero wala siyang ano mang sinabi sa akin at sa halip ay dumiretso lang papunta sa mesa niya.
Tumayo ako at binati siya, "Good morning, Sir Darwin."
"Good morning," sagot niya habang nakatutok ang mga mata sa monitor na nasa harapan niya.
Ilang minuto rin akong nakatunganga lang sa kaniya na nagtatrabaho bago niya muling itinaas ang mga mata niya at saka tumingin sa akin.
Tumikhim ako.
"What, Miss Claveria?" malumanay at seryoso niyang tanong.
"Oh. Uhm—" Napalunok ako. "Ah. Do you need anything from me, Sir?" tanong ko. "Do you need me to do anything for you? I can—"
"What I need you to do..." putol niya sa akin, "...is to stay awake, keep your mouth shut, and observe," aniya. "I don't need you to do anything but to quietly listen and watch what I do. You'll soon figure out on your own when something is needed of you."
"Oh. Okay, Sir," magalang kong sagot kahit na sa totoo lang ay pinipigilan ko lang ang sarili kong ngumiti.
Base sa naging pahayag niya ay hindi pa ako tanggal sa trabaho. Ako pa rin ang sekretarya niya at wala akong ibang kailangang gawin buong araw kung hindi titigan siya.
Gusto kong magtatatalon sa tuwa, pero pinigilan ko ang sarili ko. Sinunod ko na lang ang sinabi niya at pinanood siya nang hindi nag-iingay.
Hindi ako sigurado, pero tingin ko ay may halong ibang lahi si Sir Darwin. Hindi siya sobrang kaputian, pero hindi ko rin masasabing kayumanggi siya. Kung itsura lamang ang pagbabasehan ay talagang mukha siyang galing Europa dahil sa tangos ng ilong at kulay ng mga mata niya.
Sobrang dami niyang ginagawa at kinakausap. Simula nang umupo siya sa mesa niya ay hindi ko na siya nakitang huminto at nagpahinga. Sa totoo lang ay wala akong ideya kung ano ang responsibilidad niya sa trabaho. Ang nasisiguro ko lang ay talagang nagagampanan niya 'yon nang walang kahirap-hirap.
Nang mag-lunch break na ay nagkita kami ni Bianca gaya ng pinag-usapan namin. Sinamahan niya ako sa Mall para pautangin at tulungang bumili ng mga panibagong damit na gagamitin ko sa trabaho.
"Uhm, Biancs?" tawag ko sa kaniya habang abala niyang iniisa-isa ang mga rack ng dress sa Department Store.
"Hmm?" Hindi niya man lang inalis ang tingin niya sa mga damit.
"Hinalikan ko kanina si Sir Darwin, pero—"
Nanlaki ang mga mata ni Bianca at saka agresibong ibinagsak sa sahig ang mga damit na bitbit niya. "Ano?!"
"Hindi naman sa lips. Sa pisngi lang!" mabilis kong depensa.
Hinila niya ako sa isang tabi at saka hinawakan ang magkabila kong braso.
"Tell me everything! Spare no detail!"
Ikinuwento ko sa kaniya ang lahat pati na rin kung paanong hinalikan ko sa pisngi ang nakapikit na si Sir Darwin bago madaling tumayo mula sa kama at tumakbo pabalik sa opisina.
"Kaya pala nagtatatakbo ka kanina kahit na tinatawag kita," bulong ni Bianca.
Tumango lang ako.
"Gosh. Nalaman niya kaya na ikaw 'yon?" tanong niya habang maingat na pinupulot sa sahig ang mga binitawang damit.
"Hmm. Hindi ko alam. Wala naman siyang nabanggit."
"Shit. May CCTV ro'n. What if may makakita?" aniya.
"May CCTV sa sleeping quarters?" kabado kong tanong.
"May CCTV sa lahat ng sulok, Jade! I told you that!"
"Oo, pero hindi ko inakalang pati sa sleeping quarters," nalulugmok na sagot ko.
"What if kaya wala siyang pinapagawa sa iyo kasi ikaw talaga 'yong pinapa-fire niya? Baka hinihintay niya lang bago matapos 'yong shift mo bago niya sabihin sa iyo?"
Imbes na mawala ang kaba ko ay nadoble pa 'yon dahil sa ginawa kong pagkuwento kay Bianca. Hindi niya raw sigurado kung ano ang puwedeng mangyari dahil receptionist lang siya. Pero may kaibigan daw siya sa HR na puwede niyang masagapan ng scoop kung sino nga 'yong ipinapatalsik na empleyado ni Sir Darwin.
Hanggang sa matapos ang lunch at makabalik kami sa opisina ay hindi na naalis ang pangamba ko. Buti na lang at maraming pinuntahang meeting si Sir Darwin hanggang sa matapos ang araw.
"Tara na! Tara na! Uwi na tayo!" mabilis na yaya ko kay Jade pagpatak ng ala-singko. Kung hindi ako maaabutan ni Sir Darwin ay baka makalimutan na niyang sisantehin ako.
"Wait lang. CR lang ako real quick. Hintayin mo ako sa lobby," ani Bianca.
Gaya ng sabi niya ay naghintay ako sa lobby at pumuwesto sa pinakasulok na upuan, malapit sa mga bintana.
Inilabas ko ang cellphone ko at saka lang nabasa ang text ni Sir Darwin na kanina pa niyang alas-dos pinadala.
From: Sir Darwin
Message: Let's talk after your shift.
Para akong maiiyak.
Ito na nga siguro 'yon.
Aalisin na niya ako sa trabaho dahil sa kalokohan ko. At hindi ko naman siya masisisi dahil alam kong ako ang may kasalanan sa nangyari.
Nang makabalik si Bianca sa CR ay sinabi ko kaagad sa kaniya ang tungkol sa text ni Sir Darwin. Kitang-kita ko ang panlulumo sa mga mata niya kahit na peke siyang ngumiti at sinabi sa akin na siguro ay wala lang 'yon at baka raw ay may ibibilin lang sa akin para bukas.
Hindi na ako sumagot pa. Tinanggap ko na lang ang katotohanan na ito na ang huling beses na makakatapak ako sa Romero.
05:10 PM nang makabalik si Sir Darwin. Agad niya akong nakita sa sulok ng lobby at tinawag sa loob ng opisina niya.
"Hintayin kita, sis," bulong naman sa akin ni Bianca bago ako tumayo.
Nanginginig ang mga tuhod ko habang naglalakad papasok sa opisina. Mas naramdaman ko rin ang lamig ng aircon, na hindi ko naman ininda kanina.
"How's your first day?" tanong ni Sir Darwin na nakaupo na sa likod ng mesa niya nang makapasok ako sa silid.
"Uhm. Good," mahina kong bulong.
"That's great to hear," sagot niya. "Listen—"
"Sir, I'm really, really sorry! I didn't mean to kiss you earlier. Hindi ko po alam na higaan niyo 'yon ni Miss Belle kaya do'n ako natulog. Sorry po talaga, Sir. Please, kailangan ko po 'tong trabaho na 'to. Kahit anong parusa po, tatanggapin ko. Huwag niyo lang po akong paalisin. Please, Sir! Sorry po talaga—"
"Jade." Walang bahid ng ano mang emosyon sa mukha ni Sir Darwin. "You're not getting fired. It's just mandatory for all new hires to answer our onboarding survey. It's a more proactive approach to welcoming new employees and setting the stage for a successful and mutually beneficial employment relationship. It's a new policy." Naglabas siya ng isang piraso ng bond paper na tila may exam questions na nakasulat. "We wanted to understand expectations and identify possible logical or administrative employee issues as early as day one. Ngayon lang naman 'tong form kasi first day mo. On the succeeding days, you can directly access our online platform to report any... incidents."
Oh.
Inabot niya sa akin ang form at binigyan na rin ako ng isang pirasong ballpen.
Para akong mahihimatay sa labis na hiya. Hindi ko alam kung anong mukha pa ang ihaharap ko kay Sir Darwin kaya nanatili na lang akong nakayuko at sinimulan nang sagutan 'yong papel.
Siguro ay inabot din ng limang minuto bago ko 'yon natapos masagutan lahat. Humina na nang kaunti ang tibok ng puso ko at nawala na rin ang kaninang panginginig ng mga kamay ko.
Tumayo ako mula sa mesa at binalik kay Sir Darwin 'yong form.
"T-Thank you po, Sir," nahihiya kong bulong.
"No worries," aniya, na mabilis na pinasadahan ng tingin 'yong papel.
"Puwede na po ba akong umuwi?" tanong ko.
Tumango lang siya, hindi pa rin inaalis ang tingin sa form.
Tumalikod ako at akmang bubuksan na ang pinto palabas nang marinig ko siyang magsalita sa likod ko.
"I figured you weren't Belle because we are way past just kissing cheeks,"
Humarap ako sa kaniya at tinitigan siya.
"I apologize for not realizing sooner that you were someone else. Rest assured, nothing of the same sort will ever happen again,"
Hindi ako makapaniwalang humihingi siya ng tawad sa akin.
"I know you only lied because you were afraid you'd lose your job if I found out you weren't Belle. I understand completely. But I don't want you to be afraid. I need you to be honest with me,"
"I don't want a secretary who walks on tiptoes around me, scared to offend me. I need you to be honest no matter how hard or embarrassing the truth is. Do you understand, Jade? I need you to be true to me at all times. Whether I have something stuck in my teeth or you overhear someone talking crap about my work, I want you to tell me."
Tumango ako.
"Integrity means a lot to me. I only want to be surrounded by people I can fully trust. And I can tell we will be working together a long time," dagdag niya pa. "Don't ruin my confidence, Jade."
"I won't, Sir." Binasa ko ang labi ko. "I won't ever."
Umuwi ako ng araw na 'yon na may panibagong respeto, paghanga, at pasasalamat kay Sir Darwin. Itinaga ko sa bato na ano man ang mangyari, dumating man ang araw na ipatanggal niya nga ako sa trabaho o kaya ay may hindi kami pagkasunduan... mananatili akong tapat at totoo sa kaniya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top