Chapter 3: Tita Cristy




After Kate and I broke up, I deleted my social media accounts.

Brenda reminded me of that when I asked kung ano ang nangyayari.

She tapped her phone screen and then showed me the post from Kate's mom.

"Is this a joke?" Binalik ko sa kanya ang phone.

"Hindi lang iyan. Scroll down." Tinulak niya ang kamay ko at sinunod ko ang utos niya.

When I saw the other posts, I leaned on the back of the car for support.

"Engaged na pala siya." Inabot ko sa kanya ang phone and this time, she took it.

"Hindi ko sana sasabihin sa'yo pero Kate contacted Covid. The whole weekend, hindi ako makatulog. I didn't know how to tell you." Sumandal din siya sa likod nang kotse.

"Is that why you were smoking again?"
"Na-stressed ako when I found out. It's a matter of life and death. Hindi man kami masyadong close ng pinsan ko pero kamag-anak ko pa din siya. Isa pa, nag-aalala ako para kay Tita Cristy. Alam mo na. Biyuda na iyon tsaka baby niya si Kate."

"Ano na ang balita sa kanya?"

"Nagtext si Tita kagabi. Nasa ICU na. Nakaventilator."

"Oh my god." Nanlumo ako.

"Sabihin mo ng salbahe ako pero wala namang nakakapagtaka di ba? Hindi siya naniniwala sa sa COVID-19, sa paggamit nang mask at saka sa vaccine. Hoax lang daw ang lahat. Pati iyong gago niyang fiancé, ganoon din ang paniwala. No wonder sila ang nagkatuluyan. Pareho silang tanga."

"Bren, don't say that. Kate is fighting for her life."

"Naiinis kasi ako. Tanga-tangahan lang. Ang daming nang namatay dahil sa virus. Hanggang ngayon, hindi pa din nakakabangon ang maraming tao at ang ekonomiya. Kung hindi niya sana binigyan nang importansiya ang personal freedom niya, eh di sana hindi ito nangyari sa kanya. Ang tigas kasi ng ulo. Pinagtatawanan pa kami kasi sunod lang daw kami ng sunod sa propaganda. Gaga ba siya? May mga anak ako. Paano kung may mangyari sa akin?"

Namula ang pisngi ni Brenda dahil sa galit.

"Kumusta ang fiancé niya?"

"Si Andrew? Hayun, problemado. Hinihintay pa niya ang result ng test."

"Paano ang wedding nila?"

"Cancelled muna. Di namin alam kung anong mangyayari. Kinausap ni Tita si Andrew at pumayag naman. Tsaka kung may isip siya, dapat alam niya na di na muna niya bigyan nang importansiya ang kasal nila. Paano kung matuluyan si Kate? O di kaya si Andrew naman ang magkasakit? Eh di obvious na walang kasalang mangyayari."

"Huwag kang magsalita ng ganyan. Kilala natin si Kate, fighter iyon. Di siya basta papatalo."

"Paano kung hindi niya matalo ang virus? There's nothing to protect her. Kung nagpabakuna siya di sana kahit papaano may panlaban ang katawan niya di ba?"

"Ang lungkot naman nang nangyari." Napabuntong-hininga ako.

Kahit may punto si Brenda at totoo ang mga sinabi niya tungkol kay Kate, mas gusto ko pa ding isipin na kaya niyang labanan ang lahat nang ito.

"Okay ka lang ba? Lunes na Lunes eh bad news ang hatid ko." Pinisil niya ang balikat ko.

"Kung hindi nagkacovid si Kate, will you tell me about the wedding?"

Umiling siya.

"Talaga? Ililihim mo sa akin ang tungkol dito?" Hindi ako makapaniwala sa sagot niya.

"Jack, hindi mo lang alam kung gaano kahirap sa akin na gawin iyon. Pero ikaw na din ang nagsabi sa akin di ba?"

I thought of the conversation we had when Brenda came over to my place.

This was a few days after the break up.

Hindi ako nakapasok.

I called in sick.

My boss thought I had symptoms.

Ang alibi ko was I threw my back while moving the couch.

Nagtext agad sa akin si Brenda para mangumusta.

She asked about my back.

Sinabi ko sa kanya ang totoo.

Dumating siya ng hapon na iyon.

May dala siyang Chinese food at six-pack nang beer.

Nag-inuman kami.

Isa lang sa kanya dahil kailangan niyang magdrive pauwi.

Inubos ko ang limang bote.

Nang gabing iyon, sinabi ko sa kanya na wala na akong pakialam kay Kate.

I don't want to hear anything about her.

She left.

She took Ralph.

Bahala na siya sa buhay niya.

Sinabihan ko din si Brenda na hangga't maaari, huwag na siyang magkukuwento tungkol sa pinsan niya.

She kept her word pala.

"Kumusta si Ralph?"

"Hayun, malungkot. Nafefeel niya siguro ang nangyayari. Two days na daw hindi kumakain. Nag-aalala si Tita. Baka pati daw iyong pusa eh matigok."

Natahimik ako.

Brenda raised her arm to check the time.

Umakyat na daw kami.

Five minutes na lang at alas-otso na.

It was hard to concentrate after that.

My mind was not at work but on what happened to Kate.

I'm ashamed to admit it pero mas nashock ako sa news na ikakasal na pala siya.

I know her stance on COVID-19 and the vaccine.

When news about the virus came out, fake daw lahat.

Nang i-declare na isa itong pandemya, hindi pa din siya convinced.

Just like Brenda, hindi ako nasurprise when she contacted the virus.

It was not something I would wish on her or on anyone.

Pero isa si Kate sa mga tao na hindi pa din naniniwala na Covid-19 is happening.

Kahit may mga records of deaths all over the world she didn't believe it.

It really annoyed me na ito ang paniwala niya about the situation.

We see it on the news everyday pero nililipat niya ang channel o di kaya ay pinapalitan niya ang radio station to listen to music.

Did I consider it a blessing in disguise na naghiwalay kami in the middle of this crisis?

Yes and no.

Minahal ko siya.

But the pandemic revealed a side of her personality na hindi ko kilala.

Two hours after work started, I took a break.

I kept making mistakes sa ginagawa ko so I got up and went to the kitchen to get coffee.

After namin maghiwalay, it would have easier if I deleted all the contacts na related kay Kate.

Pero hindi ko magawang burahin ang number nang mommy niya.

She texted a few days after Kate went back home.

Kinumusta niya ako.

I said I'm okay then hindi ko na dinugtungan.

Nahalata siguro ni Tita na ayokong pag-usapan ang nangyari.

Kung may kailangan daw ako, magsabi lang sa kanya.

Para na din daw niya akong anak.

Mabait sa akin si Tita Cristy.

I think mabait talaga siya by nature.

When she learned that Kate and I were dating, she invited me sa bahay nila.

Gusto niya daw ako makilala.

Pinagluto pa ako ng seafood paella.

Nasabi siguro ni Kate na isa ito sa paborito kong kainin.

Accepted nila si Kate.

Pati ng yumao niyang asawa.

Mahalaga daw ang kaligayahan nang mga anak nila.

Kung ang magpapasaya daw kay Kate ay ang kapwa niya babae, walang problema sa kanila.

I was thankful na accepting si Tita.

Ang kabaitan niya ang isa pang dahilan why the breakup was so hard.

I took the phone out of my pocket and search for her number.

Hindi siya agad sumagot.

Maybe it was a bad idea na tumawag.

Baka mas maigi kong magtext na lang ako.

I never answered any of her messages during the beginning of my separation from Kate.

I needed space at alam niya naman siguro iyon.

I was about to hang up when she picked up the phone.

Buti daw at napatawag ako. I heard her voice break.

Naantig ang puso ko.

Before Kate moved back in, mag-isa lang si Tita sa bahay.

Ang eldest nila na si Carlo ay nakatira sa Grande Prairie kasama ang asawa at mga anak nito.

Kinumusta ko siya.

Tinanong kung meron siyang kailangan.

"Prayers, anak."

"Ginawa ko na po, Tita. I will keep praying hanggang gumaling siya."

"May isa pa sana akong hihilingin sa'yo kung okay lang."
"Ano po iyon?"

"Nag-aalala ako kay Ralph. Matamlay siya at ayaw kumain. Baka kung ano ang mangyari sa kanya."

"Paano po si Kate? Baka magalit siya pag nalaman niya na kinuha ko si Ralph."
"Anak, alam kong matigas ang ulo ni Kate. Pero kesa may mangyari kay Ralph, mas mabuti pa na sa'yo na muna siya. Baka sakaling manumbalik ang sigla niya."

"Hindi niyo po ba siya puwedeng ihabilin kay Andrew?"

"Alam mo na pala ang tungkol sa kanila."
"Opo."

"Sinabi ni Brenda?"

"Hindi po." Pagsisinungaling ko. "Sa iba ko po nalaman."

"Allergic sa pusa si Andrew kaya hindi ko maihabilin sa kanya si Ralph. Isa pa, allergic din si Ralph sa kanya. Kinakalmot niya."

"Ganoon po ba?" Pinigil ko ang matawa.

"Oo. Ang balak nga nila, iwanan dito si Ralph kapag kinasal na sila. Hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko kasi lagi din akong wala sa bahay. Baka madepress lang iyan dito."

Mukhang wala akong choice.

"Sige po. Sunduin ko siya mamaya after work."

"Salamat, Jack. Ihanda ko ang mga gamit niya. Tamang-tama at namili si Kate ng cat food pati kitty litter. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya."

"Kapag okay na po siya, puwede ko namang ihatid ulit si Ralph."

"Sige. Salamat anak ha?"
"Wala pong anuman. Kung may kailangan po kayo, Tita, tawag lang po kayo o text."

"Baka di ka naman sumagot?"

Nakonsensiya ako sa tanong niya.

"Sasagot po ako."

"Okay. Thank you talaga. Text mo na lang ako kung nandito ka na?"

"Opo. Bye, Tita."

"Bye."

Pagbalik ko sa office, kahit hindi ko sigurado kung tama ang ginawa ko na pumayag na bantayan muna pansamantala si Ralph, excited pa din ako.

Miss ko na din naman kasi siya.

Kung magalit man si Kate, I will deal with it later.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top