Wala Namang Masama
minsa'y paikot-ikot
hindi alam saan tutungo
o ano ba ang gustong patunguhan
minsa'y magulo
hindi alam anong tiyak
o ano ba talaga ang gusto
minsa'y mapapagod
hindi na gusto pang magpatuloy
ay gusto na lamang magpahinga
ngunit wala namang masama
ika'y tao lamang
tulad ko at tulad nila
wala namang masama
kung naliligaw ka
o kung kakailanganin mo magtanong
wala namang masama
kung kailangan mo ng tulong
o kailangan mo pang matuto
wag silang intindihan
wag pakabahin ang sarili
tao ka rin at pwedeng hindi alam ano ang gagawin
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top