Sa Paglubog
Bagong araw
Pero hindi bagong katauhan
Ito lang ang alam niya
Magpapanggap
Ngingiti at babati
Na parang walang nangyayari
Nagpapanggap
Na parang walang nangyayari
Bagong araw
Pero hindi bago ang nadarama
Mapapagod
Nanaising may makapansin
Nanaising may malalapitan
Nanaiising may makakapitan
Patuloy sa pagpapanggap
Na parang walang nangyayari
Bagong araw
Pero hinang-hina na
Ang kalooban
Pagod na pagod na ang mga matang
Nawawalan na ng buhay
Palubog na ang araw
Makakalaya nang muli ang mga luha
Sa paglubog ng araw hinihiling niyang sana huli na
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top