Para Sa'yo ( 52 )
sasapit nanaman ang bagong araw
sumisilip-silip na ang araw
bakit liwanag ay hindi pa rin matanaw?
-
paglabas ng bahay may kung anong dalangin
nararamdaman hampas ng hangin
kailan muling mabibiyayaan ng iyong pagtingin?
-
lulubog na ang araw at magpapakita na ang buwan
sobrang sakit pa rin kahit hindi paniwalaan
tanong sa sarili'y bakit mo ako iniwan?
-
ipipikit ang mga mata
pipigilan ang pagpatak ng luha
hihilingin sana'y wala munang iba, pwede ba?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top