Para Sa'yo ( 34 )
alam ko'y nakagagawa ako
ng mga pagkakamali
ng mga bagay na hindi mo ikinatutuwa
ng mga bagay na ikinaiinis mo at ikinagagalit
alam ko'y minsan
hindi nagtutugma o naaayon
ang mga gusto natin
ang mga kahilingan natin
ngunit alam ko rin na
anuman ang mangyari
basta't tanggap mo ko
at pipiliin kitang makasama
malalagpasan natin
ang bawat problema't pagsubok
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top