Para Sa'yo ( 29 )
kakalimutan lahat
mula sa sakit na idinulot
hanggang sa mga
pangakong napako
kakalimutan lahat
bawat luhang tumulo
pati mga umagang mata'y nagmumugto
at mga gabing sobrang hirap mairaos
kakalimutan lahat
magbibingi-bingihan
at magbubulag-bulagan
bumalik ka lamang
kakalimutan lahat
ang dignidad at kalayaan
ang katotohanan at nararapat
ako'y mahalin mo lamang
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top