Para Sa'yo ( 24 )
ipinikit ko ang aking mga mata
tuwing nakadilat naman ako'y
wala akong napapala
napapagod lang ako
at nasasaktan tuwing wala ka
ipinikit ko ang aking mga mata
pinagpapahinga ito
mula sa pagluha
napapagod din kasi ito tulad ko
lalo na kung puro iyak at tulala
ipinikit ko ang aking mga mata
nagbabakasakaling
matapos ang ilang segundo
ay matapos na rin ang lahat
umaasang manatiling nakapikit na lang
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top