ITS TOO LATE
"Love pinaghanda na nga pala kita ng makakain halika na sabay na tayo." sabi sakin ni Lovely. Ang Asawa ko SA PAPEL.
Yes sa papel lang kami kasal after all Arrange Marraige lang naman kaming dalawa. Di ko talaga gustong matali sa kanya.
Ang Manang manang kaya nyang babaeng yan kaya nga walang may gusto dyan.
"Pwede ba lumayo layo ka sakin! Naalibadbaran ako sa mukha mo!" Bulyaw ko dito.
Nakita kong lumungkot ang mukha nya. Ang panget talaga.
"Makaalis na nga lang badtrip." Inis na sabi ko. Padabog na umalis ako doon. Peste!
Sumakay na ako sa kotse ko at nagmaneho na paalis sa impiyernong bahay na yun.
Nag drive na ako papunta sa bahay ni Kylie. Amg babaeng pinakamamahal ko.
Sya talaga ang totoong mahal ko. 1 year narin kami. Alam nyang may asawa ako pero alam din nyang Arrange Marraige lang kami. Gusto na nga nyang mahiwalay na ako sa manang na yun pero syempre gusto ko na kusang sumuko saakin si Lovely. Gusto ko sya yung makipahiwalay saakin.
Susunduin ko nga pala si Kylie at ihahatid ko sya sa trabaho nya.
Nang makarating ako sa bahay nila Kylie nakita kong naghihintay na ito saakin mukhang naiinip na nga eh.
Huminto ako sa harap nya. Binuksan naman nya ang pinto ng sasakyan ko at pumasok ng nakabusangot ang mukha.
"Bakit ang tagal mo?" Inis na tanong nya.
"Sorry na Babe sadyang makulit lang talaga si Lovely eh." Sabi ko sakanya. Lie.
Late lang talaga ako nagising.
"Letche! Alam mo bang 2 minutes late na ako sa trabaho?! Kanina pa ako naghihintay sayo dito sa labas! God! Ang init init kaya!" Sigaw nya.
Shit! Galit na yan.
"Sorry na Babe. Promise di na mauulit." Lambing ko dito.
"Siguraduhin mo lang! Bakit ba kasi hindi mo pa hiwalayan yang Letcheng babaeng yan eh!" Inis na turan nito.
"Wag nalang natin syang pag usapan at baka lalo ka lang mainis Babe. Ihahatid na kita. And one more thing doon ka narin mag Dinner sa bahay." Aya ko.
Sa ayaw kasi akong hiwalayan ni Lovely eh edi bibigyan natin sya ng dahilan para gawin nya na ang bagay nayun.
¤¤¤¤¤¤
"Oh my god! Ito naba ang bahay nyo? Ang laki ah bagay talaga akong maging Queene ng bahay na to tapos ikaw ang King." Sabi ni Kylie saakin habang nag niningning ang mata.
Masaya akong makitang masaya sya.
"Halika na sa loob." Aya ko.
Pumunta na kami sa tapat ng pinto at kinatok nya ito.
"Love andyan kana paㅡ" Naputol ang dapat na sasabihin nya saakin ng makitang may kasama ako.
"Babe halika na sa loob." Aya ko kay Kylie at hinawakan ang bewang nya.
Yumakap naman sa braso ko si Kylie. Nakita kong napatingin sa kamay kong hawak ang bewang ni Kylie si Lovely.
Hindi din nakatakas sa paningin ko ang simpleng pagpunas nya sa mata nya. Sige ganyan nga masaktan ka lang para magkaroon ka na ng dahilan para iwan ako.
"Hoy ikaw. Katulong ka dito diba? Ipaghanda mo na nga kami ng makakain gutom na ako." Bulyaw ni Kylie kay Lovely.
Hindi ata alam ni Kylie na asawa ko si Lovely dahil sa suot ni Lovely na pang manang.
"Narinig mo naman siguro ang sinabi nya? Sundin mo na dalian mo." Sabi ko dito. Tsk ang bagal kumilos.
Tumango na lang sya at naghanda na ng makakain. Umupo kaming dalawa ni Kylie sa upuan dito sa kusina. Naglalandian kami sa harap nya.
Kung minsan nakikita ko syang napapasulyap dito at halata mong malungkot ang mga mata nya pero wala akong paki.
Nang maihanda na nya ay kumain na kami at sya nandoon sa gilid at pinapanood lang kami. Nagsusubuan pa nga kaming dalawa ni Kylie eh.
¤¤¤¤¤¤
Kinabukasan. Akala ko pag gising ko wala na akong maabutan na Lovely pero ang tigas nga naman ulo nandito parin? Hahaha ang tibay ah.
"Love Birthday mo ngayon diba? Anong gustong regalo?" Masayang bati saakin ni Lovely.
Regalo? Isa lang naman ang gusto ko eh.
"Isa lang naman ang gusto kong regalo para sa Birthday ko. At iyon ay ang mawala kana sa buhay ko." Cold na sabi ko.
Yun talaga ang gusto kong regalo ang mawala na sya sa buhay ko.
¤¤¤¤¤¤
Pag uwi ko sa bahay ay kumatok agad ako. Bumukas ito at nagulat ako ng makita si Kylie ang bumungad sakin.
"Hi Babe. Happy Birthday." Bati nya saakin at hinalikan pa ang pisnge ko.
"Thank you Babe. Bakit nga pala nandito ka?" Tanong ko.
Nakakapanibago kasi sanay kasi akong ang nakakairitang mukha ni Lovely ang bubungad sakin eh. Asan kaya yun? Eh ano namang paki ko kung wala na sya dito? Dapat nga maging masaya pa ako eh.
"Well pinapunta nya ako dito. Nakita ko nga ring nag iimpake eh. Buti nga umalis na sya dito at nang magsama na tayong dalawa Babe." Masayang sabi nya.
Sana nga di na bumalik yung babaeng yun. Sana nga.
¤¤¤¤¤¤
Its been a month since ng umalis si Lovely. And one month narin ng maghiwalay kami ni Kylie. Kusa syang umalis dahil araw araw kaming nag aaway.
Napakali ng pagkakaiba ng ugali nila ni Lovely. Nakapamainitin din ng ulo ni Kylie na labis ko ikinainis sakanya.
Ngayon ko lang na realize na Mahal ko talaga si Lovely kaysa kay Kylie.
Mahal na mahal. Kaya ngayon nakapagdesisyon na akong puntahan sya sakanila at kausapin sya na bumalik sakin.
Nandito na ako ngayon sa harap ng pinto nila. Kumatok ako at bumungad ang mukha ni Tita Lorraine.
"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong nya saakin. Bakit ganyan si Tita sakin? Di naman sya ganyan noon ah.
"Nㅡnandyan po ba si Lovely?" Tanong ko.
Nakita kong may dumaan na lungkot at pangungulila sa mata nya. Mabilis din itong nawala at napalitan ng galit.
"At ang kapal nga naman ng mukha mong pumunta pa dito para hanapin sya! Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa anak ko hahanapin mo pa sya!" Sigaw nya saakin.
"Bㅡbakit po? Bㅡbawal ko na po bang hanapin ang asawa ko?" Nauutal at kinakabahan kong tanong.
"Wala na sya dito." Malamig na sabi ni Tito Lawrence na kakadating lang para aluin ang asawa nya.
"Pㅡpo? Bㅡbakit nasaan po ba?" Tanong ko dito.
"Huh! Huli kana ba sa balita?! Sabagay wala ka nga palang pakialam sa anak ko! Demonyo ka kasi!" Sigaw pa sakin ni Tita.
"Nㅡnasaan po ba sya?" Kinakabahang tanong ko.
"Patay na ang anak ko! Patay na sya ng dahil sayong demonyo ka! Wala namang ginawa sayo ang anak ko pero bakit nagawa mo sakanya yun?! Bakit mo hiniling na mawala sya sa buhay mo?! May ginawa ba ang anak ko sayo?! Wala naman syang ibang ginawa kundi mahalin ka ah?! Pero bakit mo nagawa yun?! Sana sinabi mo nalang sakanya na hiwalayan ka o dikaya ikaw na mismo ang magsoli saamin ng anak hindi yung hiniling mo pa yun sakanya! Patay na ang ko at ikaw ang may kagagawan ng lahat ng yun! Ikaw!" Sigaw ni Tita habang dinuduro ako at paulit ulit na sinasabi ang salitang 'Ikaw'.
Pero wala dun ang focus ko kung hindi ang sinabi ni Titang patay na ang babaeng tunay na mahal ko at ako ang may kagagawan ng lahat yun.
"Kung ako sayo umalis kana dito at baka di ko mapigil ang sarili ko mapatay pa kita." May bahid na pagbabantang sabi ni Tito sakin.
Umalis nalang ako doon. Nang makita kong nakalayo layo na ako ay hininto ko ang sasakyan ko sa gilid at bumuhos na ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
Sorry Love kung nagawa ko sayo ang mga bagay na yun. Sorry mahal naman talaga kita eh pero huli na ng marealize ko yun. I'm really really sorry Love. Patawarin mo sana ako. Sorry....
Its too late for me to realize that i really love her. Its too late.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top