YEAR 2020
YEAR 2020
- this is a short story that I made for a contest during Covid-19 Pandemic, this contest is for a cause (for those who are unable to afford food and other necessities during lockdown)
- this piece took the 5th place and had a chance to be part of the anthology published book under Wesaph Official.
TITLE: YEAR 2020
GENRE: Adventure
AUTHOR: Jhela Mae Alvez
START OF YEAR 2020
"January 1 2020, another earthquake detected in the Philippines."
"The government of New South Wales, Australia, declares a state of emergency whilst the government of Victoria, Australia declareskok a state of disaster amid large bushfires that have killed as many as 500 million animals."
"January 12, Taal Volcano of Batangas erupted again, its last eruption happened back on 1977."
"WHO or the World Health Organization, declares the outbreak of a disease."
"February 11, NCoV is now named COVID-19 by WHO."
"March 11, WHO declares the COVID-19 outbreak a pandemic."
"Stay inside your house, wear face masks, disinfect and wash your hands!"
"Trust your government."
"Ang curfew ay magsisimula ng alas otso. Pumasok na kayo sa inyong mga pamamahay, at maghugas ng mga kamay!" Maririnig na sabi ng isang tanod mula sa kanyang megaphone.
Nagmadali ang mga tao sa pagpasok sa kanilang mga bahay, takot lang nila na mahuli mamaya.
Dito kasi sadyang matitigas ang ulo ng mga tao at kapag walang mga tanod. Hindi na nasusunod ang social distancing at pati na rin ang quarantine.
Si Lheanne ay nakatanaw sa mga taong nagimbala sa kanilang mga ginagawa labas ng kanilang tahanan. Sadness almost filled her and she can't accept the fact that people can never go outside just how they did before.
Dahil daw sa virus na kumakalat ngayon, halfly, nawalan ng kalayaan ang mga tao.
Wala naman talaga may kasalanan. Lheanne can't blame China either, dahil hindi nila ginusto na kumalat ang virus na ito. And she can't blame the government.
Sino nga ba dapat ang sisihin?
Then she sighed.
As the days pass by the numbers of infected people increases, dapat hindi mabahala dahil sa hindi rin biro ang uri ng sakit na ito. Ang malala wala pang naiimbentong lunas para dito.
She was standing in the front porch of her house when her phone rang from her pocket. She took it and answered the phone.
"Hello?" Sinilip pa niya ang caller's I.D para malaman kung sino ang tumawag. And it was the director from her work.
"Ms. Alvez? Good evening. How's your arm? Have you recovered now?" The doctor-director directly asked.
Tumingin siya sa kaniyang braso na may gauze bandage. Nakaraan kasi nagkagitgitan sa may EDSA at nadamay ang bus na sinasakyan niya. Naipit ang braso niya sa bintana nito.
"I think I can go back to work now, sir. Time is ticking." Sagot niya dito.
"Well, that's a relief. We need more health-workers and Personal Protective Equipments, you have spares at your locker right? You can use it." Anito sa kanya.
"My shift starts when, doc?" Tanong niya.
"Immediately. Quezon city has increasing numbers of infected. Thank you for giving us your time instead of staying at home." Pag-papasalamat nito.
"Welcome doctor. Bye. Take care!" Paalam nito.
"Take care nurse Alvez." Then the call ended.
"Do you really have to? I mean, kahit 'di ka na magtrabaho. We have savings and..." tumigil sa pagsasalita ang ina ni Lheanne nang makita ang seryoso nitong ekspresyon sa mukha.
"'Ma, nangangailangan ng mga health workers ang Pilipinas. Okay naman na po ako. Mag-iisang buwan na akong nakakulong dito sa bahay, hindi rin 'yon healthy." Paliwanag nito dito pero mukhang hindi parin kumbinsido ang kanyang ina doon.
"Mas delikado kung mananatiling maliit na porsyento lang ang mga nagtatrabaho para sa kalusugan 'ma. Kailangan ako doon, at isa pa, okay na ang braso ko." Sabay pakita nito sa kanyang braso na may gauze bandage parin pero hindi na maramdaman ang sakit nito.
"Sigurado ka na ba d'yan? Hindi naman ako naghahadlang sa ganitong trabaho mo kasi alam ko kailangan ka doon pero... Paano pag ikaw naman ang matamaan ng virus? Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag ganoon..." Sabi ng kanyang ina.
"Sigurado na ako 'ma. Noong pinili ko ang medisina alam ko sa sarili ko na may mangyayari at mangyayaring mga gan'to." Desididong aniya.
Malumanay na ngumiti ang kanyang ina at tinignan siya na may animo'y bahid ng adorasyon at sinseridad sa ngiti na pinapakita.
"Nasabi ko na ba na hanga ako sa ugali mong taglay anak? Hindi kami nagkakamali ng tatay mo. Una palang alam naming magiging mabuting anak ka." Maluluhang sabi ng kanyang ina.
"Si mama naman! Papaiyakin mo pa ako. Hindi naman po ako ang dahilan bakit naging mabuti ako, kayo po, kayo ang nagpalaki sa'kin, kayo ang nagturo sa'kin at nagpakita ng mga dapat kong gawin." Nakangiti rin na sabi nito. Habang pinipigilan ang luha na aagos sa mga mata.
"Pero 'ma, 'wag po kayong mag-alala ni papa. Babalik ako na tapos na ang lahat. Babalik ako na malusog parin at babalik ako na buong-buo parin. Ipapasyal ko pa kayo sa France. 'Di ba 'yun ang dream destination niyo ng papa? Pangako ko po, makakapunta rin tayo doon, s'yempre kapag virus free na ang buong mundo." Dagdag niya at nagtawanan sila, sabay pumasok sa k'warto ang ama at nakisama narin.
Lumipas ang ilang oras at oras na para matulog. Natulog siya na kampante ang pakiramdam. Maayos na niyang nakausap ang kanyang ina. Alam niyang oras na para gampanan ang kaniyang tungkulin.
"Ate, balik ka kaagad. Ma-mimiss kita!" Parang maiiyak na sabi ng bunso niyang kapatid na si Jewel.
"S'yempre naman. Mag-iingat kayo, okay? 'Wag na 'wag kang lalabas ng bahay. Kung kailangan naman, magsuot ng face mask at dapat i-handa niyo ang sanitizer o alcohol niyo." Bilin nito sa kapatid.
"Ate naman! S'yempre alam ko na 'yan. Ikaw nga inaalala namin, haharap ka sa mga infected. Mas delikado." Sabi ng kaniyang kapatid at yumakap sa kaniya.
"Ingat ka, anak!" Paalam ng tatay nito.
Pagkatapos ng mga bilin at pagpapaalam. Umalis na rin si Lheanne.
Habang nakasakay sa bus na provided ng gobyerno para sa mga health workers. Hindi maiwasang mapatingin sa daan na tinatahak ng bus. Ang dating EDSA na walang patid ang mga sasakyang dumadaan ay unti-unting nawawalan ng buhay.
Wala ng makikitang public vehicles. Hindi niya lubos maisip na dadating sa punto na ang traffic dito ay mapapatigil.
At tila ang katapusan ng mga nangyayaring ito ay hindi pa tiyak na mangyayari nga. Ito ay malabo pang mangyari sa kasalukuyan.
With daily increasing of people infected with this deadly virus. Mukhang kung matatapos nga ang krisis. Wala ng kasiguraduhan ang kaligtasan ng lahat. Ang pagsusuot ng face mask ay magiging parte na ng buhay ng mga tao, habang buhay.
"Don't go outside if it's not necessary, okay baby?" Hindi sinasadyang marinig nito ang pakikipag-usap sa telepono ng kapwa health-worker sa kanyang likuran.
"Yes, mommy is working so that we can help our country. You already heard what's happening right now from the news, right?" Sabi pa ng babae.
Napa-isip si Lheanne. Kung nagka-anak at asawa siya agad, katulad rin ba siya ng kapwa manggagawa na nasa likuran niya ngayon?
Obviously, sa magulang pa nga lang at mga kapatid ay kulang nalang huwag na sila palabasin. Sa mga magiging anak ko kaya niya.
Inilabas nito ang kaniyang cellphone. Dala na rin ng kabagutan sa mahabang biyahe. Kinapa muna niya ang bag na dala at nang makampante ay inilibang na niya ang sarili.
"Hello? Ma, kumusta sila tita? Nakarating na ba sila?" Sa pangalawang pagkakataon hindi nanaman sinasadyang marinig ang pakikipag-usap sa telepono ng kapwa health-worker na ngayon sa harap naman niya.
"Paano sila ate? Salamat kung ganoon nga. Grabe rin, sunod-sunod ang nangyayari. Tuluyan na bang tumigil ang pag-aalburuto ng bulkan?" Dahil doon napa-isip nanaman siya.
Sunod-sunod ang nangyayari. Mula sa mga lindol na naitala, ang banta ng Bulkang Taal sa Batangas, ngayon naman ang pagkalat ng COVID-19 sa buong mundo.
Pagkadating sa pinapasukang ospital ay tinanaw muna niya ang mataas na gusali na ilang linggo rin niyang hindi nakita at napasukan.
Pag-kapasok naman ay makikita na walang tao ang makikita sa mga waiting area. Kaya umikot siya sa papunta sa sanitizing area. At pagkatapos ay dumiretso narin siya sa locker area para suotin ang kaniyang PPE o Personal Protective Equipment bago harapin ang presidente at COO ng ospital.
"Lheanne! Kumusta ka na? Ngayon na pala ang balik mo? Mahigit dalawang linggo ka ata nawala!" Naabutan niya sa front desk ang kaniyang mga kasamahan na nagulat sa kanyang presensya.
"Ah oo eh, kailangan ng bansa ngayon." Sabi niya at ginawaran sila ng malamyang ngiti.
Hindi parin nawawala sa isip ang mga napag-isipan habang nakasakay sa bus.
Kinuha niya ang kaniyang ballpen sa bag at nagcheck-in sa papel sa desk
Napabaling rin siya sa mga kasamahan na pagpatuloy parin sa pagsasalita. Ngunti tila siya'y nabingi at napatitig sa kinalalagyan nila.
Balot na balot at may medyo makapal na plastik na bumabakod sa kanila sa harap.
Pansamantala lang ito. Matatapos rin ito...
"Gusto sana kita yakapin pero, sige wave nalang!" Sabay wave nito at nagtawanan sila.
Mayayakap ko rin kayo pag tapos na ito.
"Oo nga pala. Nasa opisina ba ang presidente?" Tanong nito sa front woman.
"Oo! Baka ikaw ang inaabangan nila director. Kanina pa sila bilin ng bilin na papasukin agad ang darating pagkatapos ma-sanitize ang sarili at makasuot ng PPE." Sabi nito kaya nagpasalamat siya at umakyat na agad sa opisina ng director.
Ngayon ay nasa harapan na siya ng opisina, nagbigay siya ng tatlong mabibigat na katok.
"Come in!" Sigaw ng tao sa loob.
Hindi siya nag-aksaya ng oras at pinihit agad niya ang seradura at pumasok agad.
"Sir?"
"Ms. Alvez. I've been expecting you. Thank you that you for assuring us that you can join the labaratories. As you know, we are lacking of great doctors and nurses right now." Sabi agad ng director-doctor.
Halata ang pagod sa kaniya, humahaba ang buhok at nangingitim ang ilalim ng mata.
"Yes sir. I again assure that I will do my best. So, where am I assigned to?" Tanong niya dito.
"You'll help with the isolated PUMs. You'll be part of the red zone, where we try to help a person infected get well again." The he nodded and looked at me.
"That will be a big responsibility. But once again, i'm assuring you that I will do my job." She smiled. She didn't liked the idea being near to people with their insides circulating the virus. But this is her job.
"Thank you. Very well then. There are more PPEs at your lockers near the red zone. I'm sure that will do for atleast 2 weeks approximately." Then he gave more orders until it was time for duty.
Weeks passed and everything was going smoothly. Not to mention many patients dying.
Noong unang beses pa nga ng may maitala siyang namatay. Bumigat ang kaniyang loob. Hindi lang siya naawa sa namatay, para rin doon sa mga namatayan. They have no idea what's happening to their love ones.
"Kumusta po kayo?" Bati niya sa isang pasyente na nakahiga at nakatulala sa kawalan.
Ito ay isang senior citizen na nasa edad na 78. Ang pagkakaalam niya na may travel history ito kaya nahawaan ng virus.
Habang dala-dala ang tray na may naglalaman na gamot para sa ubo at iba pa ay napatitig siya sa babaeng pasyente.
"Ganoon parin. Umaasa na gagaling ako, ngunit tanggap ko na ang magiging kahinatnan ko. Ang problema lang ay ang aking mga anak at apo." Sabay hingang malalim.
"Kakayanin mo po. Tiwala lang sa Diyos. Magdasal ka lang po at kami na ang bahala sa ikakabuti mo. Cooperation mo lang po, kaya ito po inumin mo na po ang mga ito." Sabi niya at inabot ang mga gamot na tinanggap nito agad.
Pagkatapos ay inabot naman niya ang tubig.
"Alam mo ineng. Dapat binibigyan rin kayo ng pansin. Marami kayong ginagawa para sa iba, paano naman kapag kayo na nahawaan? Paano nalang ang mga naiwan niyong kamag-anakan?" Sabi nito kaya napa-isip nanaman siya.
Halos hindi na maalis sa isip ang naiwang magulang at kapatid. Sumunod kaya sila sa mga bilin ko? Sana naman oo.
"Ganito po kasi 'yun, naiintindihan naman nila. Responsibilidad namin ito. Naninirahan rin naman kami sa Pilipinas kaya ibibigay nalang namin ang aming serbisyo. At may s'weldo naman kaming natatanggap para sa aming mga naiwan na kamag-anakan." Sinubukang niyang ngumiti ay paniwalaan ang sariling mga salita.
"Ineng, iba parin ang alam mo na ligtas sila, at alam nila na ligtas ka. 'Yung mag-kakalapit kayo at sigurado na, hindi na sila mag-aalala sa iyong kalagayan."
"Lolo, kagaya ng sinabi ko, tungkulin ko po ito. Bago ko po kunin ang kursong pinasukan ko, naitanim ko na sa utak ko ang mga posibleng mangyayari. Inihanda ko narin po ang emosyonal na parte ko sa lahat." Paliwanag niya.
Nagpatuloy ang mga pag-uusap hanggang sa ibang pasyente naman ang kailangan ng kaniyang serbisyo.
Simula noong tinawagan siya ng boss mula sa kanyang leave, lagi nalang siyang napapaisip sa mga nangyayari. She knows that this is bad for her emotional health but she can't restrain herself from thinking.
Sa sobrang daming nangyayari sa buong Pilipinas sa taong 2020, parang sobrang ipit na ipit siya sa nangyayari kahit hindi lang siya biktima sa lahat ng ito.
Stop Overthinking!
Pero kahit anong pilit na iparating niya sa kanyang sarili ang bagay na iyon ay alam niyang walang kwenta ito.
"P-Pangako... Susubukan k-kong gumaling para sa inyo..." Then she heard quiet sobs from a patient.
She didn't want to hear it. Naaawa lamang siya at ayaw niyang maawa. She knows that her pity won't do anything, but that's what she feel. Walang magagawa ang awa lang. Alam niyang may dapat siyang gawin, pero ano iyon?
"M-Magkikita tayo ulit... mga anak ko." Huling narinig niya tapos wala na siyang ibang narinig.
Pagkasilip niya sa pasyenteng iyon, nagulat siyang nakapikit na at... walang buhay.
Another patient from the virus died today. The most painful part is that the patient is a mother. Naiwan niya ang mga anak niya, at hindi niya ito ginusto.
"As of May 30, Philippines counts 590 confirmed COVID-19 cases, taking the nationwide total to 17,224, as the government looks to soften quarantine restrictions next week." Basa niya sa balitang nabasa mula sa kanyang cellphone.
"In its latest bulletin, the Department of Health (DOH) reported 8 new fatalities, bringing the death toll to 950." Basa pa niya.
Lumipas ang tatlong araw at wala paring pagbabago. Hindi pa siya nakakauwi sa kanilang tahanan, pero tinatawagan naman niya ang kaniyang magulang at kapatid pa-minsan-minsan ngunit hindi sapat iyon.
She feels homesick. But she can't do anything. Nasimulan na niya, kailangan nalang niya tapusin ang lahat.
Habang tumagal parang mas gugustuhin nalang niya na sumunod nalang sa mama niya. Kaysa naman masaksihan ang mga tao na namamatay dahil hindi kinakaya ng katawan nila ang virus.
"Nurse Lheanne, 2 new patients here." Sabi ng kapwa niya nurse.
Kaya inasikaso nila agad ang dalawang bagong pasiyente. Isang senior citizen na may deperensya sa baga, at isang mga mukhang nasa edad thirty na babae.
Walang pagbabago. Dumadami lagi ang bilang na natatamaan ng virus.
Sa tingin nga ni Lheanne, ang nag-iisang good news nalang na naririnig niya ay ang mga paggaling ng ibang pasiyente. And the saddest one is death.
"Lheanne! 'Di ba may'ron kang kapatid na nag-aaral pa?" Tanong sa kaniya ng kapwa nurse.
Naglilinis sila ng kanilang kalat sa working space habang nagkwekwentuhan.
"Oo..." Sabi niya at tumango-tango.
"Agree ka sa pinag-uusapang online class? Delikado daw kasi ang face to face classes." Sabi nito.
Dahil doon muli siyang napa-isip.
"Ay oo nga pala, sa mga araw na dumaan. Napapansin ko na mas'yado kang nag-iisip. Alam mo naman na masama ang overthinking 'di ba? 'Wag mong problemahin ang hindi na dapat problemahin. At itong krisis na ito..." Tumigil ito at binigyan at binigyan siya mg malahulugang ngiti.
"... this would end eventually. Not now but soon. Mangyayari 'yun." Sabay lagay nito ng kaniyang tumbler sa kaniyang bag.
"Kailan kaya matatapos ito? Unti nalang at mawawalan na ako ng bait." Pag-amin niya.
It's true. Tuwing may naitatalang namatay sa virus. Pakiramdam niya na parang siya ang namatayan. Maybe because the patients they tried to treat became more than just a patient to them. Sila ang mga nakakasama nila, at nakakausap tapos mawawala sila ng ganoon lamang?
Kung hindi lang niya kontrolado ang sariling isip at nawala na siya sa tamang huwisyo at baka nga nabaliw na siya.
"Let's just trust God with all of these, and let's try to do our part. Hindi naman mamamatay ang mga taong 'yon na walang dahilan. Everything has reasons and we just have to do our thing and let faith take over." Sabi nito at ningitian siya.
Her co-nurse was right. Let faith take over and we will do our part.
Over the past few weeks. She was starting to be positive during her work. After that talk with her co-nurse. Pakiramdam niya bagong salta palang siya sa trabaho.
The talk of faith made her realize some things.
She felt that she has a new perspective of positive outlook on things, kahit na paulit-ulit lang ang mga nangyayari. She won't lose faith and interest that's for sure now.
"Napapagod na ako. Miss ko na ang anak ko." Nanghihina na sabi ng elder doctor sa kanila.
Nag-uusap sila ngayon, they sanitize themselves earlier. Ngayon ay nag-uusap silang walang suot na equipments.
She stared at the doctor. She is doctor Sanchez, one of the long-term doctors there.
"We feel the same doc. I miss my parents and sister. Let's change your mind. Kaysa isipin mo ang kalagayan nila at mag-alala ka. Think that you are doing this for them, for their safety and for all. Kapag natapos natin ang deadly war na ito, magiging maayos ang lahat." Makahulugang sabi niya.
"I'm not sure. This past days i've been so stressed out. Like what you've felt before, i'm homesick. Parang patay na ako." Sabi nito na nanghihina.
"You're not dead. You're just tired, and if you're tired, take a rest. Doc, i've been in that situation. Alam mo ang ginawa ko?" She asked after.
"What?"
"I trusted God. He knows what he is doing of course. Magulat nalang tayo na tapos na ang lahat." Sabi niya at ngumiti.
"INC ako, Nurse Lheanne." She wasn't surprised on what she heard.
"Whether you are INC, christian, muslim or catholic. We don't have the same beliefs but I know we have the same God with different names. Magdasal ka, trust your God, trust our God." Sabi parin niya.
The doctor looked surprised on what she said.
"I don't understand. Most people after finding out my religion they will make fun of me and start bullying me, i'm surprised that you..." She stopped her before she can complete her sentence.
"That I didn't do what the did? Of course. Nasa sitwasyon tayo na seryoso at ang sandata natin ay mga medisina at ang pananampalataya. Don't feel humiliated by your religion." Sabi nito.
Sa mga sandali na iyon ay pakiramdam niya na siya ang mas nakakatanda na nakakaunawa sa mga bagay-bagay. And that's normal. Hindi siya puwedeng sumabay sa pag-hihinaing ng iba. Magiging malala ang sitwasyon hanggang sa susuko nalang silang lahat.
"I hid it. 'Di ko pinagsabi na INC ako, dahil oo, nahiya ako. Pakiramdam ko naiiba ako lagi. I don't know your beliefs, I can't relate. I'm old to overthink like this but I grew up thinking this way." Sabi nito at tumungo, she even coughed a little.
"Then stop it. Ikaw lang ang makakapigil no'n. Ikaw lang ang may kakayahan na makapigil d'yan." Maiksing pahayag ko nalang.
We talked more until it was time to do our work again.
And I noticed that she changed too, I think she had a new positive view too. And that's good. I did one thing, and I learned that I don't need to cope with this things. I need to get a hand of it.
"Two of the doctors here are under isolation and tests. We want to ask if anyone of you had contact with them without wearing any equipments?" The president asked.
Napuno ang kwartong iyon ng mga bulungan at mukhang pinag-iisipan ang nangyayari.
"Please be honest. Hindi lang ito para sa inyo, para sa iba rin. Para maiwasan natin na mahawaan niyo ang iba. Please cooperate." Sabi nito na nagmamakaawa na.
"Sino po ang dalawang iyon?" One of the nurses asked, kaya sinagot iyon. Doon na mas lalo nagbulungan ang lahat.
She stared to think, did she ever go near them? Wala siyang maalala or maybe she really did. Kaso nga dahil puno ang utak niya ay hindi na niya maalala.
"Sir, I think we did." Taas kamay ng dalawang nurse at isang doctor.
"Very well then." Sabi nito at agarang nagbigay aksyon.
They were isolated and asked few questions and they run tests.
After many days they were all proven positive and asymptomatic.
Kabadong tumingin siya sa kaniyang maliit na salamin. She had dry coughs earlier.
Kaya ang ginawa niya, kinausap niya ang presidente para magtanong tungkol sa naramdaman.
"What else do you feel?" One person asked. They will have her tested.
"My throat feels dry and I feel my heartbeat quickening." She answered honestly.
Marami pang tinanong sa kaniya bago mapag-desisyunang dumiretso siya sa mismong test.
Pina-swab test siya at kinakabahan siya sa magiging resulta.
She feels weird and stressed out. Hanggang ngayon kinakabahan siya. Mamaya malalaman na ang resulta ng test, ganoon kabilis. Nagdadasal siya na sana mali, mali ang iniisip niya. Sana ay walang kahulugan ang nararamdaman niya ngayon.
Ngayon mag-isa siyang nakahiga sa isa sa mga isolation bed. Parang noon isa lang siya sa mga nagmomonitor sa mga pasiyente. Ngayon nakahiga na siya sa isa sa mga higaan na ito.
She's wishing that this is not happening. Nangako siyang babalik ng maayos sa magulang at kapatid. Ligtas at walang nangyari. She wants to keep that promise hanggang sa matapos ang nangyayaring ito sa bansa.
"You are tested positive for the virus." And she felt that she was stabbed several times.
"T-This can't be true! No. No. Hindi." Doon nagkarambulan ang mga isipin sa utak niya.
I'm positive. Positibo ako sa virus. This is not happening!
"Sorry, Nurse Lheanne. But you are." The nurse smiled sadly at her and guided her to the tent.
That whole day she spent crying and grieving. She still can't believe that this is happening.
Ginawa naman niya ang lahat para hindi siya mahawaan. But, she remembered something.
Si Doctor Sanchez! Siya lang ang nakausap ko na walang equipments sa katawan!
That time she was already infected with the virus, kaya siya nahawaan nito. She didn't even think why she coughed!
That was stupid of me. Nasayang ang pagiging cautious niya. Mangyayari parin pala ang kinakatakutan niya.
"Your parents already knew, Lheanne." Said the doctor.
She was starring hopelessly at one corner while lying in the cold mini bed.
"How?" Halos makakapusan ng hiningang aniya.
"We contacted them. Of course, they deserve to know."
"C-Can I... Can I talk to them?" Then the hope came back to her.
The doctor tried to give her a smile.
"You can, but you will have to talk to them virtually. The hospital will provide a device. Just rest and we will wake you up later." Sabi ng doctor at nagpaalam na.
"Anak." Mukha ng magulang niya ang naabutan niya sa laptop na nakabalot ng manipis na plastic covering.
"'Ma... 'Pa..." Halos maiiyak na sambit nito.
Kapansin-pansin ang mga namumugtong mata at nanghihinang boses na nagpaiyak sa kanya.
"Kumusta ka na anak? Kumakain ka ba ng maayos? Magpagaling ka ah." Sabi agad ng kanyang ina.
Tumango-tango siya. "Opo."
"Ano ba ang nangyari anak?" Doon na tuluyang napaluha ang kaniyang ina.
"Ma... Ang tanga ko. Kasalanan ko kung bakit. Hindi ko agad naisip na infected na pala ang nakakausap ko. Naagahan ko sana. Kasalanan ko." Sabi niya habang umiiyak.
She looked down in shame. She was sure in blaming herself, but the truth is it was no one's fault. Walang may gusto sa nangyari.
"Please anak... Don't blame yourself. Wala kang kasalanan. Just make sure that you will get well. Lumaban ka. Uuwi ka pa dito." Sabi ng ama niya. Kaya mas lalong bumilis ang pagtulo ng luha niya.
"Stop crying, wala kami d'yan para patuyuin ang luha mo." Sabi pa ng ama niya.
She dried her eyes and cheeks, hoping it will but it didn't. Lahat ng emosyon na sinubukan niyang ikimkim ay ngayon umaagos na.
Lahat ng pagod at hinaing niya sa mga lumipas na linggo ay ngayon nalalabas na.
"Pagod ka na?" Tanong ng kaniyang ina.
"Opo. Pero magpapahinga lang ako. Gagaling ako." Ngayon ay determinadong sabi niya.
"Matatapos rin ito, Lheanne. Kakayanin mo. Malakas ka."
That words... Nakaraan lang siya ang nagsasabi. Ngayon nasasarapan siya pakinggan ang mga ito mula sa ibang tao.
"We love you Lheanne. Kaya mo 'yan, ikaw pa ba? Palaban ka kaya." Sabi ng mama niya kaya napangiti siya.
Day 12 of being isolated. She feels terrible. She feel like a total disaster, but she's still hoping that she will get better.
Sana kayanin niya hanggang sa araw na iyon. Ang araw na gagaling siya. Nangako siya sa magulang niya. Nangako siya na ibibigay ang serbisyo sa bansa. May itutulong pa siya.
Her thoughts were everywhere, nang may marinig siyang kumakalabog sa kabilang cubicle ng mga isolation tents.
Hinayaan niya lang ito dahil alam niyang may re-responde dito pero lumipas ang ilang minuto ay nagpatuloy parin ang pag-kalabog.
Dala narin ng kuryusidad ay sumilip siya. Nakita niya ang kapwa niyang infected sa virus na nag-seseizure.
Sumigaw siya ng tulong pero wala talagang nagpapakitang tao kaya naglakas loob siya at sinubukang tulungan ang taong iyon. Kahit na infected rin siya.
Ang katawan nito ay parang na-estatwa at hindi na maigalaw.
Tumingin sa kaniya ang babaeng hindi katandaan ang pinipilit na magsalita, pero dahil nawawalan ito ng hininga, wala ni isang salita ang lumabas sa bibig nito.
Alam na niya agad ang nangyayari kaya hinanap niya ang tangke ng oxygen at nagmamadaling kinaladkad ito palapit sa babaeng nagkakaroon ng atake.
Inilapit niya agad sa mukha niya ang oxygen mask habang ang dibdib nito ay kumakabog sa kaba.
Napapikit ang babae na naninigas at hindi maigalaw ang katawan. Habang ginagawa iyon ay nakaramdam siya ng bigat sa dibdib. Hanggang sa bumilis ng bumilis at halos nawawalan siya ng hininga.
Sa masamang kapalaran nangyayari rin sa kaniya ang nangyayari sa babaeng tinutulungan niya sa kasalukuyan.
Pero imbes na ilipat naman sa kaniya ang oxygen mask ay hinayaan lang niya ito doon sa babaeng naghihingalo parin. Hinayaan niya ang sarili niya na mawalan ng hininga.
Lord. Ikaw na po ang bahala sa akin.
Bahala na. Basta ligtas ang babae!
Maya-maya ay nanigas siya at napuno ng pressure ang katawan, bumagsak siya sa sahig habang pinipilit na suminghap ng hangin.
Nasa isip niya na kaya niya kaya nagsumikap siyang gumapang para maghanap pa ng isang oxygen tank. Hanggang sa hindi na niya talaga ma-igalaw ang kaniyang buong katawan dahil nawawalan narin siya ng hininga.
Her parents' and sister's face popped in her mind before she gave up on trying to move.
"A-Ate!" Narinig niyang sigaw bago siya mapapikit at hindi niya alam iyon na pala ang huli ng lahat.
"One of the nurses from a very known hospital died because of Pneumonia. But before she died, she saved one of the patients during seizure." Ani sa balita.
"Na-blanko ako sa nangyayari no'n. I can't move my whole body, it wasn't functioning well. I lost breathe and couldn't even speak up. Dahil doon sinikap ko na may galawin sa may lamesa sa tabi ko, nagbagsakan iyon, siguradong narinig niya 'yon kaya pumunta siya sa tent ko. When I saw her, akala ko isa siya sa mga responders, 'yun pala isa rin siyang infected sa virus." Kuwento ng babaeng iniligtas ni Lheanne
"She saved me. Nilagyan niya ako ng oxygen mask at hinayaan sa akin 'yon hanggang sa himala naging steady ang paghinga ko. I was about to cry and thank her when I saw her lying on the floor, namumutla at nagtataas-baba parin ang dibdib. I didn't thought twice. Bahala na. Lumabas ako para sumigaw ng tulong."
"Instead of... Instead of saving her own life, she... she saved mine. I was so thankful. My family is so thankful for her. She won't be forgotten. But i'm sorry for her family's lost." Then the girl cried.
"Hindi ako... Hindi ako makapaniwala... That during this event in this year 2020, may tao parin na uunahin ikaw bago ang sarili niya. Dapat ako ang mamamatay no'n. She was my hero. A hero, she was selfless at that time."
"Lheanne! Anak!" Nagkukumahog na nilapitan nila ang anak na nakalagay na ang abo sa isang garapon.
The sight was so heartbreaking. Lheanne's whole family were crying their eyes out.
"Ate! Ate! Sabi mo... Sabi mo uuwi ka rin agad! Ate!" Sabi ng kapatid nitong nakakabata habang yakap-yakap ang cremation jar kung nasaan ang abo ni Lheanne.
"Anak!" Iyak na sigaw ng ina nito, habang ang ama niya ay tahimik na lumuluha sa tabi nila.
They didn't expected this to happen. Nakausap pa nila si Lheanne. Nang makausap nila, siguradong gagaling siya no'n, but she didn't made it.
"Mr. And Mrs. Alvez. Your daughter was a real hero." The president said, expressing his fair grattitude.
"She is..." She is but they still wished that she's alive and breathing of course.
They tried to sink everything. Bakit nga ba hindi ni Lheanne niligtas ang sarili? Bakit hindi naman niya inilagay ang Oxygen Mask sa kaniya para makahinga siya.
It's because she kept her promise. Her promise to serve the Filipino people until she dies. Bago siya mamatay, she thought of how to serve the Philippines even she's infected already.
"A nurse from the Philippines, saved a woman from dypsnea. Both infected with virus. She died from Pneumonia while helping the woman." From the USA.
"A real hero from the Philippines, saved a woman from shortness of breathing. Died while helping the woman." From UK.
"A tragedy, heroic move of a nurse from the Philippines. Died while helping a woman having dypsnea." From Germany.
"Bayaning Pilipino! Iniligtas ang kapwa-nahawaan ng COVID 19, namatay habang inililigtas ito. Ayon sa DOH, namatay ito dahil sa Pheumonia.
Ayon rin dito, hindi agad nakapagresponde ang mga manggawa sa sinasabing isolation area, kaya si Lheanne Alvez na naka-isolate ang kumilos para iligtas ang kapwa nito." From the Philippines.
Hindi naging maganda ang takbo ng YEAR 2020. Ngunit sa panahon ng mga krisis ngayon, importante na mag-tulungan lahat ng tao.
Magkaibang relihiyon, kulay, bansa o lahi. Ang importante ay manalig at maging isa para maging maayos ang lagay ng bawat isa.
Hindi lang ito ang magiging kaganapan sa taong 2020. Ngunit, sana naman ay lahat ay magtulungan para lahat ng dinadanas ay masugpo.
-WAKAS-
But... YEAR 2020 is just starting.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top