Valentine Stranger

VALENTINE STRANGER

—written for the project gems anthology, here in Wattpad.

Genre: Romance
January 15, 2021





Growing up in a poor family is not that I would wish for.

But growing up, I, little by little understand what happened to us.

My parents were poor and work for a family. Ang mama ko ay isang katulong at ang ama ko naman ay isang family driver. Me and my two older brothers strive for education and our allowance.

Ngayong araw ako aalis sa amin para maghanap ng trabaho. Hindi ko kayang tumambay lang sa bahay habang hinihintay silang lahat umuwi. They are all working hard while I was just almost a burden. I also need a job. Since it's summer and school starts in a couple of months.

"Tatawag ka sa amin kapag nakarating ka na, ah? Tatawag ka palagi kapag wala kang ginagawa. Pwede naman ipag-hinga mo nalang ang oras na 'yon," walang katapusang bilin ng aking ina.

"Ma, hindi naman mabigat ang trabaho ko doon, wala ka dapat i-pag-alala," pilit na ngiti ko sa kaniya.

Isa 'yan sa ma-mimiss ko sa mama ko. Napaka-OA niya.

"Aba! Kahit na. Kailangang mgpahinga ka parin, hindi tira lang ng tira kahit pagod na!"

"Ma... 'wag kang OA! Magtatrabaho lang si Hailey, hindi mag-aasawa," awat ni Kuya Gael kay mama.

Lumapit naman si Kuya Rem sa likuran ni mama at hinimas ang sintido nito.

"Anong OA? Palibhasa ay wala kayong pakialam sa kapatid niyo, lagi niyo s'yang inaaway, ngayon magiging mag-isa nalang siya sa Maynila!" saway ni mama sa kanila at hinampas ang kamay ni Kuya Rem.

Napahawak si Kuya sa kamay niya at hinimas.

"Bayolente si mama! Ikaw nagsasabi sa amin na 'wag magtataas ng kamay kahit kanino pero ikaw po nangunguna!" Reklamo ni Kuya Rem habang patuloy hinihimas ang napalong kamay na akala mo naman ay napakalakas.

"'Yan ang OA! Hindi katulad ng ina niyo na nag-aalala lang sa bunso n'yang babae," Iling ni papa sa kanila kuya.

"Nag-aalala rin naman po kami, hindi lang nga kami OA," Ngisi ni Kuya Gael at tinignan naman siya ng masama ni tatay kaya ayon baluktot ang buntot!

"Tatawag po ako gabi-gabi, 'wag po kayong mag-aalala. Mag-iingat ako doon," muling paalala ko naman sa kanila.

"Kasi naman... Bakit kasi kailangan mo pang umalis, sakto naman ang mga sahod namin ng mga kuya mo," nguso ni mama.

"Ma..." mahinang sambit ko na parang nang-babanta na 'wag na ituloy ang sasabihin niya.

"Basta ang sinasabi ko! Naku, sumasakit nanaman ang ulo ko— Remrill Francisco, tanggalin mo nga 'yang kamay mo sa sintido ko!" Iritadong bulyaw ni mama, umatras naman agad si Kuya at nakipag-tawanan kay Kuya Gael.

Napa-iling nalang ako. Mga baliw talaga sila, buti pa ako. Ako nalang ata matino sa amin.


The city ambiance and smell of smoke all around made me feel homesick. It was hours that has passed since I got here.

Naninirahan ako sa isang boarding house kasama ang iilang mga probinsyanang tulad ko rin na sumubok sa kapalaran na dala ng Maynila.

Kahit na mukhang masaya dito ay namimiss ko ang bukid, ang usok— hindi dahil sa mga sasakyan kung hindi ay dahil sa mga pang-gatong na gingamit sa pagluluto.

Nakaupo lang ako sa ibaba ng double deck na higaan, ang isa sa kasamahan ko ay nasa taas. Hawak ko ang isang calling card na natanggap ko kanina.

Nakasulat dito ang numero ng babaeng nagbigay nito pati narin ang pangalan ng flower shop na pag-aari nito.

Kakarating ko palang sa Maynila, swerte na agad ang sumalubong sa akin. How hard can it be?

ValleyBrink Flower Shop. 'yan ang name ng flower shop na 'yon.

Kapag maganda rin ang trabaho ko doon ay hindi na muna ako babalik sa amin at dito na ako magpapatuloy ng aking pag-aaral. Kahit sa isang pang-publikong paaralan ay sapat na, basta't makapagtapos lang.

"Typically, we open the shop at 6 AM and close at 9 PM, depends on the amount of customers and service they might need," panimula ng may-ari ng flower shop na pagtatrabahuhan ko.

I was expecting a small flower shop, 'yung mga nasa tabi-tabi lang. I was shocked to see that they have a part on the biggest mall in Asia and their store is popular on different parts of the Philippines.

I guess... This is good? Paniguradong hindi maliit ang sweldo kasi bigatin rin ang may-ari kasi asawa nito ang may-ari naman ng mall.

"It was so nice meeting you, Hailey. You can start today, if that's okay with you? We are running out of manpower since Valentines day is near. Don't worry, I'll pay you extra," nakangiti at may pag-aalangan na sabi ni Mrs. Reyes.

Umiling naman ako at ngumiti.

"Magsisimula po ako ngayon, kahit 'wag mo na po akong bayaran ng extra. Lahat naman kami dito ay pareho lang mapapagod, kaya hindi na necessary and extra payment," nakangiting sabi ko sa kaniya.

"You're right, sorry about that. So, you can look for Abby in the staff area and ask for your uniform. Hindi kita maasikaso ngayon kasi kailangan kong i-monitor ang iba pang shops sa iba't ibang lugar," sabi nito at nagpaalam na.

Geez, I can only imagine the stress that she have to cope up with with all the responsibility.

Pumihit na ako patalikod at pumunta sa staff area para makausap na si Abby.

VALENTINES DAY

It was sure busy right now. Kaliwa't kanan ang mga customer ngayon at mga nangangailangan ng magdedeliever ng flowers. Halos lahat ay mga kalalakihan.

I was in charge with listing down orders of tons of bouquets of flowers and show them to some other staffs who gather the orders.

I hadn't eaten anything since I got here, kasi kahit isang walay ko lang sa order counter ay halos magwala na ang mga customer kasi urgent ang flowers.

Look what love can make you do.

Kaya hindi ako naniniwala sa love na 'yan eh. But I have a secret. Sa amin ay isa akong match maker. I make single people happy with others that are single too. Sikat ako sa university namin dahil sa kakayahan ko pero mukhang hindi naman kailangan ang ganoon dito sa Maynila.

"Miss, stop daydreaming and take my order!" someone snapped and shouted at me.

Nakakuha ito ng atensyon kaya napapahiyang tinanong ko ito ng kaniyang order.

Was I that focused on thinking that I stilled in my position?



It was a long, long day. Sobrang pagod na pagod ako a kapag nakaramdam ng malambot na sheets ang katawan ko ay paniguradong bagsak agad ako.

"Another Valentine success!" Masayang sabi ni Marian at napahalakhak nalang ang lahat.

"Mukhang sanay na sanay na kayo ah," medyo nahihiya ko pang turan.

Matagal na kasi sila dito at magkakakilala noon pa man, kaya nakakahiyang makitawa or makipag-usap kasi baka isipin nilang nakiki-belong lang ako.

"Mag-totwo years na kami dito, syempre kailangan masanay," halakhak ni Abby.

"Yeah, right!" Sang-ayon ni Wenry.

"Wow, ume-english na si Wenry!" pang-aasar sa kaniya ni Dianne.

Nagpatuloy ang pangungutya nila kay Wenry na napapailing nalang ako namumula na sa inis.

Nagliligpit na kami ng mga kalat nang may kumatok sa nakasarado na na front door.

Nakatayo doon ay isang matangkad at makisig na lalaki.

Hindi ko alam bakit pero biglang nag-wala ang kalooban ko nang makita ang kaniyang mukha.

Pinapasok agad ito ni Abby at in-entertain.

"What can we do for you, Mr. Gwapo— este, Mr. My Future- joke!" pang-bobola ni Abby sa customer na iyon.

Napailing nalang kaming lahat dahil sa kakulitan niya na mukhang wala naman para sa gwapong customer na iyon.

"I need a bouquet of red roses," sabi nito pero hindi kay Abby ito nakatingin, kung hindi ay sa akin.

Ang assuming ko naman! Baka naman  sa pader lang sa likuran ko.

"'yon lang po ba, Mr. gwapings?" tanong nito habang may matamis na ngiti sa labi.

Ngunit ang atensyon nito ay wala sa kaniya. Nag-iwas nalang ako ng tingin sa direksyon niya at nagpatuloy sa pagliligpit ng counter ko.

"That's all. I need it ASAP," sabi nito at si Abby naman ay tinawag si Marian.

"Marian! Kumuha ka ng bouquet doon a stock room. 'yong fresh na fresh para sa VIP natin dito!"

"May ka-date ka ba ngayon, Hailey?" nawala ang atenyon ko sa customer na iyon dahil sa tanong ni Wenry.

"Ay wala, wala," iling ko at ngumiti ng maliit.

"Talaga? Sa ganda mong 'yan parang imposible wala kang karelasyon," biro nito. "Hindi ka ba susunduin ng manliligaw mo?"

Natawa nalang ako sa mga pinagsasabi niya.

"'wag mong sabihin pati manliligaw ay wala ka? Iisipin kong binoboka mo nalang ako," sabi niya at pinanliitan ako ng mga mata.

"Wala talaga," totoo naman ang sinasabi ko.

"Ano ka ba. 'wag ka nang mahiya, magkaibigan na tayo dito nila Abby, p'wede ka na mag-share ng mga secrets mo. Paniguradong gwapo rin 'yang manliligaw mo, mala-dyosa kasi ganda mo," tawa nito at siniko-siko pa ako,

"Wala naman talaga."

"Impossible 'yan, ako nga hindi naman kagandahan ay may isang nangahas manligaw!" sabi nito at tinaasan ako ng kilay.

"Hindi katulad mo si Hailey na kailangan pang mang-gayuma para lang may pumatol sa kan'ya!" singit ni Marian sa amin.

"Epal—" hindi na natuloy ang protesta nito sa sinabi ni Marian nang bulyawan kami ni Abby.

"Hoy mga babae! Baka nakakalimutan niyong may customer pa tayo dito? Nag-tipon na kayo d'yan!"

Napalingon kaming lahat sa direksyon niya. They were both looking at us with impatient reactions.

"P'wede naman kasing ikaw gumawa!" Reklamo ni Wenry at napa-kamot ng batok.

"Ayaw ko nga!"

Tapos nagsimula silang magturuan. Since parang nayayamot na 'yung customer, ako na sumingit ang kumilos.

"Ako nalang ang kukuha," mungkahi ko kaya napatahimik sila at nagka-tinginan.

"Why not? I mean, sige ikaw nalang Hailey!" Abby exclaimed.

Lumapit naman sa akin si Marian at bumulong.

"Makikipag-landian muna kami kay Gwapong Customer, hihi," natatawang bulong ni Marian at napa-lip bite.

Tumango nalang ako at papunta na sana sa stock room nang pigilan ako no'ng customer.

"Can I come with you?" he asked.

Napatikhim naman silang lahat dahil sa sinabi nito.

Ano daw?

"Uhm... Only staffs can go inside?" parang nag-aalangan pa na sabi ni Wenry.

"Yes, yes. Only staffs lang po. You can stay with us while waiting for your order," sabi naman ni Abby.

"If I have to pay double for the flowers, just let me go with her," nakakunot ang noo na sabi nito.

"Ano kasi... Paano ba 'to..." natatarantang bulong ni Marian.

"Fine, fine," kilaunan ay pumayag rin si Abby at pinanlakihan siya ng mata nila Wenry.

Lumapit naman sa akin si Abby at bumulong.

"Ako nalang sasama sa kaniya at-—" ngunit hindi na ito natuloy nang hilahin ako ng isang tao.

Napa-singhap ako pero napa-maang nang makitng 'yong customer pala ang humila sa akin.

Tipid na ngumiti ito sa akin habang hawak ako sa braso ng marahan.

I felt the moment stopped. Parang nagwawala ang kaloob-looban ko dahil sa simpleng ngiti at hawak niya sa braso ko. Hindi ko maintindihan bakit ako nag-kakaganito pero kahit anong pilit kong iwasan ito ay parang natural na lamang ito sa akin.

"Your co-workers are crazy," panimula niya sa pinaka-unang conversation namin.

Binitawan niya narin ako at ngayon ako ang nangunguna papunta sa stock room namin.

Tumango lang ako at kinagat ang pang-ilalim na labi.

Hindi ko alam kung anong dapat kong i-reply!

"Wow.  Are you really this quiet?" he chuckled and smirked a bit at me.

"Hindi ko lang alam ang dapat kong sabihin," pag-amin ko.

"Come on, converse with me," sabi nito at lumingon sa harap namin.

Nasa harap na kami ng pinto ng stock room kaya kinuha ko ang duplicate key ko dito para buksan ito.

"Ano ba gusto mo pag-usapan?" maliit na boses na tanong ko habang hinahanap ang supply ng fresh roses namin.

"Since you're a girl, is red roses a good valentine flower to give to a girl?" he asked.

Tumingin agad ako sa kaniya at tingil ang ginagawa.

Dito ako magaling. I like giving advices about these things.

"It's good. Since red roses represent your deepest love interest for someone. Depende nga lang talaga sa gusto mo ipa-hiwatig," sabi ko at muling ngumiti.

He smiled back and looked at the stack of dead roses in the corner of the room.

"If I give some roses and she just left it to dry and die, what does the woman might be thinking?" muling tanong nito.

"Since tinanggap naman n'ya ay may unting pag-aalinlangan siyang nararamdaman. It means, she feels something else for you. Hindi niya kayang ibalik sa'yo ang nararamdaman mo," sabi ko at malungkot siyang ngumiti sa akin.

Umakyat ako sa step ladder at hinanap ang isang bouquet ng fresh pa na roses doon at kinuha na ito.

Hindi ko pa ito nabibigay sa kaniya ay kinuha na niya ito sa mga kamay ko para makababa ako ng maayos.

"I will be honest with you. I have nobody to give this with," sabi niya at humalakhak.

Kumunot ang noo ko at tinignan siya na parang napaka-weird n'yang tao.

"What's that for? Bakit tinanong mo pa ako kung anong ibig-sabihin n'yan?" nalilitong tanong ko.

"Can you choose a date for me? I mean... I'm assuming that you're good at match making, since you have great choice of words about flower facts."

Natawa naman ako sa sinabi niya at medyo kinabahan. Akala ko nagkakilala na kami noon kasi alam niya na marunong akong mag-match making.

"I can help you with that. What's your type of girl?"

"I like sweet and demure women," simula nito.

Muli kong naramdaman ang pagkalabog ng dibdib ko.

Nakalabas na kami ng stock room at dahan-dahan nang lumalakad pabalik.

Sa likod ko ay isang piraso ng rose na nakuha ko sa sahig. Baka mabulok lang kasi ayang naman, kaya kinuha ko ito at inangkin na lamang.

"And?"

"Soft and a simple woman too. To sum up, someone who cooks splendidly."

Sa totoo lang, hindi ko alam kung sino ang irereto ko dito. I don't know anyone here. I tend to be good at this back at our province kasi marami akong kakilala at alam ko ugali ng bawat isa. I can't just match his guy with some random girl.

"Lastly, whose independent and doesn't need her parents' money for her wants and needs," sabi nito at napa-isip ako.

"I'm sorry, I don't know anyone here yet. Bago lang kasi ako sa Maynila," pag-hingi ko ng patawad.

"Oh, isa kang probinsyana. Interesting... Just uhm... Give me a girl that I can give this flowers with," sabi niya at inanagat ng bahagya ang red roses.

Si Abby ang unang pumasok sa isip ko. Kahit para tumatanggi ang kalooban ko ay siya nalang. Kahit parang gusto kong ituro ang sarili ko, ay hindi p'wede kasi magmumukha akong katatawanan.

"Si Abby sana..." sabi ko sa kaniya.

"Your co-worker?"

"Yes," tango ko at ngumiti ng maliit.

Nauna ako sa paglalakad at nagmadali makaalis doon.

"For you..." sabi ni customer kay Abby na gulat na gulat sa ginawa nito.

"Ha? Para sa akin?" halos nag-niningnig ang mata na hindi makapaniwalang sabi nio sabay turo  sa sarili niya.

Tumango ang gwapong customer na iyon at napalinggon sa akin. Seryoso ang mukha nito at parang may gustong iparating sa akin.

Probably, he wants to say thank you. Because looking at them, they look like a perfect couple. Maganda at matalino si Abby. I'm no where near her and the customer's standards.

Sa likod ko ay hawak ko parin ang isang piraso ng red rose, sariwa pa ito at alam kong mamamatay lang ito sa akin kaya lumapit ako kay customer at binigay ito sa kaniya.

Busy pa si Abby sa pag-amoy sa palunpon ng roses na natnggap niya habang kausap ang mga kaibigan.

"This will die in my safety, kaya sa'yo nalang ito or i-dagdag mo sa bouquet ni Abby," nguso ko sa rose na nasa kamay na niya.

Naka-kunot ang noo niya habang nakatingin sa rose na iyon.

"This means..." hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya nang in-isturbo nila Abby ang pag-uusap namin.

"Mag-didinner pa kami, would you like to join us?" tanong nito sa customer habang may matamis na ngiti.

"Uh, sure..." sabi nito kay Abby na halos magwala n kasama sila Wenry.

"How about you, Hailey?" tanong sa akin ni Marian.

Umiling ako. "Kailangan kong umuwi kasi tatawag pa ako sa magulang ko sa probinsya," tanggi ko sa offer nila.

"Sayang naman, sige alis na kami," tango sa akin ni Marian.

Pinasakay na ni customer si Abby sa kotse nito pero bago pa ito sumakay sa driver's seat ay napatingin siya sa akin at nag-mouth ng isang bye.

Ngumiti lang ako. Isang mapait na ngiti na sana hindi niya nahalata.

I guess, this is the last time that I will see you, Mr. Red Roses.


"Wala ba nag-aya sa iyo ng date? Buti alam nila kung saan sila lulugar!" sabi ni Kuya Gael na tinawanan ko nalang.

"Bakit ako aayain dito eh wala nga akong mga kakilala dito kun'di ay mga babaeng ka-block mate ko lang at mga ka-trabaho," naiiling na sabi ko kay Kuya Gael.

"Paniguradong may mga customer kayo d'yan na natipuhan ka bigla. Sa ganda ba naman ng lahi natin," sabi naman ni Kuya Rem.

Biglang sumagi sa isip ko 'yong customer kanina.

"Wala..." nguso ko kahit alam kong hindi naman ako nito makikita.

"Niloloko mo yata kami. Sinisekreto mo pa, ayaw mo siguro na dumaan muna sa dahas," they 'tsked' at the background.

"Bahala nga kayo d'yan."

"You're sweet, nice, beautiful and simple, men likes that," sabi ni kuya.

May sumagi nanaman sa isip ko pero pinili ko itong ialis sa isip ko.



"Nagluto lang ako," sabi ko sa tatlong ka-room mate ko habang hinahanda ang mga niluto ko kanina.

Mas mabigat kasi mga trabaho nila. Mga call center agents sila. Gusto ko rin sanang trabaho 'yan kaso ayaw naman pumayag nila kuya at mama.

Pumwesto agad sila at kumuha ng mga niluto ko.

"Ang sarap mo magluto, Hailey!" sambit ni Michelle.

"Oo nga! Parang pang-restaurant. Mas masarap pa nga sa mga pagkain sa restaurant!" sabi naman ni Janine habang manghang nakatingin sa akin.

Nahihiyang tumgin ako sa kanila at natawa.

"Hindi naman," sabi ko.

"Anong hindi? Kaya nitong magpa-ibig ng kahit sino mang lalaki! Alam mo 'yong kasabihan na 'the way to a man's heart is to his stomach'? hindi lang sa stomach at heart ang bagsak nito, pati sa kaluluwa nila!" sabi ni Cyrene.

"Binobola niyo nalang ako eh."

Kahit anong gawin ko, pumapasok sa isip ko 'yong customer kanina. Kahit anong iwas kong isipin siya.

"Ah basta, napaka-sarap nito!"


Balik trabaho nanaman ako kinabukasan. Hindi na masyadong marami ang customers, may iilan nalang kaya medyo nakakahinga na ako ng maluwag.

Buong araw rin nagkwekwento si Abby sa naging date niya kuno kasama si customer. Halata sa mukha niyang inlove siya pero tuwing mapapatingin siya sa akin ay napapangiwi siya at iniiwasan ako.

May ginawa ba ako? Sinabi ba ni customer na ako ang dahilan kung bakit siya nabigyan ng flowers?

Ah basta, wala akong ginawang mali.


Closing time nanaman, panibagong nakakapagod na araw.

Abby still hasn't talked or made contact with me unless it's work related. I'm getting worried.

"What happened, I noticed Abby's not talking to you like she usually does," bulong sa akin ni Marian.

Nakatingin kaming dalawa sa kanila ni Wenry habang nililinis na nila ang mga kalat-kalat na piraso ng flower petals.

"Hindi ko rin alam. Akala ko ako lang nakapansin."

Bakit pa ako magtataka eh hindi naman talaga kami close. I don't think she consider me as her friend even though I do.

"May nasabi ka ba o nagawa? Hindi naman s'ya gan'yan eh," sabi niya at ngumuso sa kanila.

"Parang wala naman..."

"So... Nililigawan ka ba ni customer? Teka, ano ba pangalan no'n," tanong ni Marian kay Abby.

Kasalukuyan na kaming nag-aabang ng masasakyan sa labas ng area ng mall. Medyo maaga nagsarado ngayon kasi pang-bawi sa overtime namin kagabi.

Kaailangan ko rin talaga ng extra'ng pahinga dahil hindi nalang ako physically drained, emotionally at socially narin.

Pino-problema ko rin kasi ang pag-iwas sa akin ni Abby sa hindi ko malamang dahilan.

"Hindi eh," nawala ang ngiti sa kan'yang labi nang sabihin iyon.

"Bakit naman? Binigyan ka nga niya ng flowers, edi ibig-sabihin ay may gusto s'ya sa'yo!" kunot-noong sabi ni Wenry.

"Eh? Anong pangalan niya—"

Naputol ang tanong ni Marian nang may sumulpot na kotse sa harap namin. Ang ganda ng kotse, halatang mamahalin at bigatin ang may-ari.

Kaya halos hindi na ako magulat nang bumukas ang pinto nito at si customer ang iniluwa nito. Nagulat kasi andito siya, at hindi narin kasi alam kong ma-datung siya.

He was looking directly at me. Well, that's what I want to assume pero bakit naman? Baka napatingin lang sa akin.

Tumingin rin siya kanila Abby. See? Hindi ko alam kung bakit umasa pa ako na ako ang lang ang pag-tutuunan niya ng pansin.

Bakit siya nandito? Maybe he realized that he and Abby could make a really great couple and he's here to ask her again.

"Can we talk?" tanong nito at pinasok ang parehong kamay sa magkabilang bulsa.

Hindi ako nakatingin sa kaniya pero sigurado akong si Abby ang sinabihan nito.

"Alis na ako," paalam ko sa kanila pero pinigilan agad ako ni Marian.

"Ikaw ang gusto niya makausap..." bulong at siko sa akin ni Marian.

Lumingon muli ako kay customer na seryoso na ang tingin sa akin. Walang malay akong napa-tingin kay Abby na seryoso na ang mukha.


"What do we need to talk about?" diretsong saad ko.

Tumingin lang siya sa akin at seryoso lang ang ekspresyon niya. Nababagot na ako kasi kanina pa kami nakatayo dito. Umalis na sila Abby, walang imik parin siya.

"We can't talk about it here. Come with me," sabi niya at sinenyas ang kotse niya.

Edi siya na may kotse.

"I'm not..." baka saan pa ako dalhin nito!

"Don't worry, I won't kidnap or harass you. We'll just go eat dinner," narinig ko ang slight na pagmamakawa nito na siguro guni-guni ko lang.

Kahit nag-aalangan ay sumama parin ako para ma-resolba ko na ang nararamdaman ko tuwing malapit siya o naiisip ko siya.

He drove with complete silence. Kahit isang tingin lang ay hindi niya ako tinapunan. Which is weird, at first I thought he was a very talkative person.

Dinala niya ako sa isang mamahaling restaurant! I was about to complain when he opened his door and got out of the car.

Nataranta ako sa paglabas niya kaya bubuksan ko na sana ang pinto sa gilid ko nang umikot lang pala siya para ipagbuksan ako ng pinto.

Wala parin siyang imik. Pati ako. Well, this would be a very awkward dinner.

The waiter left us after getting our orders. It was the perfect time to confront this man that I don't even know his name.

Naiilang ako sa restaurant na ito. My clothes aren't suitable for this place. Ang mga kababaihan dito ay may suot-suot na mga nag-gagandahang dress at iba pang designer clothes sabay jeans at white t-shirt na medyo naninilaw pa ang suot ko.

"Don't be so quiet," sabi ng kaharap ko.

Muntik ko nang isipin na-pipi narin ito.

"Why did you invite me over... here?" I asked directly, pertaining at the fancy restaurant that I definitely don't and will never belong with.

"I want us to talk," sabi nito at sumandal sa kaniyang upuan.

Psh. "Talk about what?"

Ano naman ang pag-uusapan namin? We are complete strangers. We don't know each other, we only met yesterday. We don't even know each other's name. That's that.

Hindi na siya sumagot at tumitig lang sa akin.  Seryoso lang at halos nakakatunaw ang ginagawa niyng paninitig.

"Why would you bring me—" I was cut off when the waiter already brought our food.

I guess, I should ask him all about this later. I'm hungry.

Natapos nalang kami sa pag-kain nang wala parin talagang imikan. This is very uncomfortable.

Nasa parking lot na kami nang magsalita narin siya sa wakas.

"Hailey..." he called out.

Nagulat ako nang marinig ang pangalan ko mula sa kaniya. How did he knew my name?

Pero naisip ko si Abby. She must've said it. Right.

"Yes?"

"I haven't introduced myself to you," he chuckled.

It was relaxing to hear his chuckle again. Parang nanumbalik sa akin ang taong nakausap ko kagabi lang. That made the growing tension that was built earlier to collapse.

"Oo nga. So... What's your name?" tawa ko at tinanong ito.

"My name is Jax Montpelier," he introduced.

"Nice to meet you, Jax. I'm Hailey Fransisco," I said and raised my hand for a hand-shake.

He took it without hesitation and initiated the shake.

"So... Hailey. I know this may sound weird, odd or strongly peculiar, because coming from someone who's particularly a stranger. Please don't hate me, but I... I like you..." sabi nito at tila nabingi ako ng ilang sandali.

"What?" it came out as a whisper and a question for myself.

I was in the state of shock and it made me still from my position.

"You heard me..." halos namumula sa hiya na sabi nito.

"You know what?" sabi ko at ngumiti ng malaki sa kaniya.

He smiled at me. "What? Hope that smile is not a smile that you're sorry and that you have to reject me," sabi nito at mapaklag tumawa.

Umiling ako at tinawanan ang reaksyon nito sa mukha na parang takot na takot.

I do too. I feel scarred. I'm afraid that he's just messing with me. But I'll give my feelings a try. Deep inside I know what I feel towards this stranger.

"It's not too late to ask you to be my valentine, isn't it?" he asked and rubbed his nape with his hands.

I smiled again.

"Of course."

Nagulat naman ako sa pag-puntaniya agad sa kotse niya at may kinuha sa compartment nito at bumalik sa harap ko.

Napakunot ang noo ko nang makita ang isang red rose ang hawak niya.

"This is the rose that you gave me last night," sabi nito at inilahad sa akin.

I gaped at the sight of that red flower, which is still looking fresh, surprisingly.

"You're my greatest love interest, Hailey Fransisco. Be my late Valentine tonight and forevermore."



-END-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top