Their Affair

THEIR AFFAIR

- supposedly, this piece is an entry to Psicom's anthology contest but unluckily, this story didn't meet their expectations.

- this was made during weekends and I had to go to the computer cafe to pass this on their official gmail email address.

By: Jhela Mae Alvez

Original title: Loving Him

Genre: Tragic Romance




"How many times do I have to tell you to don't shut things between us?" May halong inis at pagkalamig ang sabi ni Zaren.

I shooked my head and looked down. As usual, ako nanaman ang lalabas na mali sa away na ito. Lagi naman at malapit na akong magsawa.

"I'm sorry."

"Fine. I forgive you. You know I can't resist you," sabi niya at yumakap sa'kin.

I felt myself shivering at that. Parang nawalan ako ng gana na ewan. I didn't hugged back but his hug was tightening.

"I don't want to lose you..." Bulong niya sa tenga ko.

I don't understand myself anymore. I used to be crazy at every little move he make, sobrang baliw na baliw ako sa kanya, but right now all I feel is indifference, and i'm not really sure if it's really indifference. I'm sure that it isn't love anymore nor hate.

Gan'to naman kaming dalawa eh, we tend to fight over simple things tapos sa huli ako ang magmumukhang mali sa lahat ng away, tapos ako ang manghihingi ng tawad tapos siya ang magpapatawad.

I don't know if I still can hold on to this promises, pero naaalala ko kasi ang sinasabi sa'kin ng mommy ko noon habang nabubuhay pa siya.

She said that I should hold on to something and never let go if i'm still not sure, but if I think about it carefully, I will realize everything until it falls down into pieces that I will surely understand.

Mahal ko si Zaren. Sobrang mahal na mahal ko siya. That's our foundation, 'yon ang pinanghahawakan ko, but really, i'm getting tired.

"Can you pass me the chips?" I asked my sister.

We are watching a new movie at our living room, dapat siesta namin ngayon pero kaunting oras nalang ang nabibigay ko sa kapatid ko at hindi na kami nakaka-bonding.

Inabot niya 'yon at ibinigay sa'kin habang nakatuon ang pansin sa TV.

In the middle of the movie, my phone rang, it filled the whole living room.

"Ate naman!" Reklamo ng kapatid ko dahil da ingay ng cellphone ko.

Kinuha ko agad 'yon at tinignan ang Caller's ID. Si Zaren.

"Zaren?" I called out to the other line.

Yes. We don't have any endearments. Sabi kasi niya, may mga relasyong hindi tumatagal dahil sa mga call signs na 'yan, hindi na ako nakipagtalo kahit na gustong-gusto ko talaga.

"Let's date, Isabella," malamyos na sabi nito.

Medyo nairita ako, timing naman, ngayon nalang kami ng kapatid ko nagkasama dahil busy kami sa aming mga trabaho tapos ngayon lang siya nag-aya ng date!

"Busy ako ngayon, Zaren," medyo malamig na sabi ko, pero hindi ko 'yon pinahalata.

"Gan'yan ka naman eh! Kapag ako na ang nag-rerequest lagi ka'ng busy! Bigyan mo naman ako ng time mo!" Nagulat ako sa pagsigaw niya.

See? I will always be wrong. The tables will always be turned.

"Okay, date tayo," pumayag ako para hindi na humaba ang away namin.

"Fine. I will get you," sabi niya at bago pa man ako maka-sagot ay napatay na niya ang tawag.

Ten minutes after ay sinundo na niya ako, I had a hard time explaining this to my sister pero kalaunan ay naintindihan niya rin at sabing mag-duduty nalang siya sa hospital dahil wala rin naman daw siyang gagawin sa bahay.

Wala rin si papa dahil nagbakasyon sa bahay nila sa Batangas.

"Where do you wanna go?" He asked while driving the car.

Nag-isip ako ng mga lugar na p'wedeng puntahan pero ang isip ko ay lumilipad sa mga alaala namin sa kotse na ito, we used to have long roadtrips and jammings on this car. Subalit ngayon kahit magsalita parang naiilang na ako.

"Kahit sa Luneta nalang tayo, gusto ko ng sariwang hangin," sabi ko.

"Okay," aniya.

Napuno ng nakaka-ilang na tensyon sa loob, hindi ko alam kung anong gagawin ko para maibsan 'yon, sinubukan kong alalahanin ang mga ginagawa ko noon pero may pumipigil sa'kin.

Nagulat nalang ako ng buksan niya ang radyo ng sasakyan niya at isang pamilyar na kanta ang nagpapatugtog doon.

It was a song about losing someone and having trouble moving on until she find herself at the end of everything.

"Bakit tahimik ka?" Tanong ni Zaren pagkatapos ng kanta.

Binigyan ko siya ng malumanay na ngiti, muntikan pa 'yong maging ngiwi.

"Nagugutom lang," sabi ko.

He chuckled because of that and told me we'll eat later after walking and inhaling some fresh air.

Weeks after that, I realized that I shouldn't treat him like that. I should confess about what I feel, I should give this a chance again. S'yempre dapat alam niya ang iniisip ko dahil part kami ng isang relasyon na dapat walang mga sekreto.

I should give this relationship we have a chance.

Papunta ako sa condo unit niya habang nag-iisip kung paano ko ipaparating sa kanya ang mga naramdaman ko netong nga nakaraang araw.

Hanggang sa nakarating ako doon. Nasa harap na ako ng pinto niya at huminga ako ng malalim, I typed his passcode pero nagtaka ako ng sinabing invalid ang passcode na nilagay ko doon, I repeated it carefully pero hindi talaga gumana.

So I had no choice but to use the doorbell. I rang it three times and stood there while waiting for him to answer the door.

It took him three minutes before he could answer the door.

"What?" Sabi niya pagkabukas ng pinto, pero mukhang natigilan pa siya ng makitang ako 'yon.

Binigyan ko siya ng matamis na ngiti, isang tunay na ngiti.

"Zaren, what took you so long to answer the door?" I asked with a genuine smile.

"S-Sorry, I was asleep," he said.

Tinignan ko ang itsura niya ng pinapasok niya ako, the place is a mess, parang dinaanan ng lindol na ewan.

His hair is a mess too, topless siya ngayon at nakasuot lang ng short na pambahay.

Dumiretso siya sa kwarto niya na nagmamadali, inabot pa siya ng tatlong oras bago lumabas na naka suot na ng t-shirt.

"What brings you here, Isabella?" He asked and sat on the sofa next to me.

"Is it wrong if I visit my boyfriend?" I asked him with my eyebrow raised.

He chuckled and shooked his head.

"Not at all," he said and pulled me for an embrace.

"I need to talk to you," he said, naging seryoso siya bigla at kinalas ang yakap sa'kin.

"I something to say too," I said seriously too.

"You go first," I told him.

He sighed and formed his hand to a fist. Med'yo kinabahan pa ako dahil napaka-unusual nito. He doesn't really have this serious talks with me.

"Please don't hate me. But, we need to end everything, Isabella," sabi niya.

Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko dahil doon, naramdaman ko rin ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko.

"What?" I half-whispered with tears in my eyes.

"Yes. I'm breaking up with you, Isabella," sabi niya at tumayo mula sa pagkaka-upo.

Hinila ko siya paupo ulit at hinalog siya.

"W-Why? Please, give me a valid reason, b-bakit?" Sabi ko habang umiiyak.

It really hurts inside. Ang sakit sa puso.

"I'm getting tired of this, Isabella. These days, akala mo ba hindi ko napapansin na parang nawawalan ka ng gana? Pakiramdam ko may iba ka na, you cheated on me!" He said defensively.

What? I cheated?

"A-Ano? Kailan ako nagtaksil? W-Walang iba, Zaren! I-Ikaw kang!" Sabi ko habang nagkakanda-utal na.

No! I didn't cheat! Naging ganoon lang ako dahil nga sa parang nag-iiba na ang lahat. Cheating didn't ever crossed my mind.

"N-No, I didn't cheat," I said and held on his face.

Inilalayo niya ang mukha niya at kamay ko, pero desidido akong ayusin ang lahat at makuha ang rason na gusto ko.

"Zaren naman, stop joking please," sabi ko habang nanginging ang boses.

"Let's end everything, Isabella. I'm sorry, you should go and never come back," sabi niya at hindi ko na siya napigilan, tumayo siya at sakto nagulat ako ng bumukas ang pinto ng kwarto niya.

Nagulat ako, lumabas ang isang babaeng kilalang-kilala ko.

"S-Saleyah?" Gulat na saad ko habang inililipat ang tingin ko kay Zaren at kay Saleyah na bestfriend ko.

My flooded eyes wandered at what she's wearing, t-shirt 'yon ni Zaren na regalo ko noong 23rd birthday niya. Nakasuot lang siya ng boxer shorts at magulo ang buhok.

It became clear to me now. Silang dalawa...

I shooked my head and throwed them the promise ring that Zaren gave me before and left the place with them looking guilty at everything.

I left them with tears on my eyes, I can't believe them.

Now I understand why they were super close, yung mga araw na muntik na silang magkahalikan at ang yakapan nila. Akala ko noon malapit na sila bilang magkaibigan, hindi pala.

They both cheated on me, and it really hurts. My boyfriend... My bestfriend.

Akala ko ako ang makakasakit ngayong araw, hindi ko inaasahan na ako pala ang masasaktan.



-END-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top