The Tale Of The Two Lovers

THE TALE OF THE TWO LOVERS
by Jhela Mae Alvez / Itsjhelaaaa

Genre/Theme: Dark/Gothic Romance

February 20, 2021







Taong 1960, sa isang asylum sa Pilipinas, sila ang unang gumamit ng mga straitjacket para iwasan nang mga pasyente dito ang saktan ang kanilang mga sarili.

Ito ay matatagpuan sa gitna ng kawalan, at ang mga pasyente dito ay ang mga tinatawag na ‘high risk patients’ o ang mga taong hindi na magagamot pa.

Gracie was pushed into a room while wearing her tight straitjacket. She was laughing and chuckling at her fall to the ground.

"You think this room will keep me from killing all of you?" bulyaw nito nang maisarado ang pintuan nang madilim na kwarto na iyon.

Nagpatuloy ang pagsigaw niya at ang pamumura niya nang may magsalita sa isang sulok ng kwarto.

"Stop shouting. It will do no good," ani ng isang boses lalaki.

"Who are you?"

"I'm you."

Tumawa ng malakas si Gracie sa sinabi ng lalaki na nasa madilim na sulok.

"You are crazy," sabi ni Gracie habang tumatawa parin.

Ang tawa niya ay nakakasindak at nakakatakot. Isa siyang baliw na tinapon ng kaniyang kamag-anak dahil sa mga ginawa niya.

"That's why you're here, too. Tama ba?" sabi nito at unti-unting lumakad palapit sa kaniya.

"Hindi ako baliw! Ang baliw dito ay ikaw... Ang mga kamag-anak ko! Ang mga taong nasa lugar na ito!"

"Maniniwala ka ba kapag sinabi kong hindi rin ako baliw?" tanong nito.

Natahimik si Gracie. Patuloy lang niya sinasabi sa kaniyang sarili na hindi siya baliw. Alam niyang hindi siya baliw.

Nang makalapit ang lalaki, tila natunaw si Gracie sa ginagawang paninitig nito sa kaniya. Namumula ang kaniyang mata at madilim ang tingin kay Gracie.

Napansin rin niyang dumudugo ang ulo nito at dugu-duguan ang straitjacket niyo.

"Bakit ka nandito?" tanong ni Gracie at umupo sa sahig ng maayos.

Sobrang naiirita ito sa suot ngunit wala iyang magawa.

"Katulad mo, marami akong pinatay. Kaya kong pumatay. Gusto kong pumatay."

Napangisi si Gracie sa narinig at tumawa nanaman ng malakas. Pati ang misteryosong lalaki ay tumawa narin ng malakas.

"Ano ang pangalan mo?" tanong ni Gracie.

"Ako si Rory."

"Ilan na ang napatay mo?"



Nanginginig sa galit si Gracie habang nakatingin sa kaniyang kapatid na naglalaro.

Siya ang dahilan kung bakit nasira ang tiwala ng kaniyang mga magulang sa kaniya.

Gracie's hand clenched as a fist while staring at her sister with anger. Napangisi siya maya-maya habang nanginginig rin ang labi.

"George, pwede ba kitang yayain sa likuran?" tanong nito sa kapatid nang makalapit dito.

"Para saan po ate?" inosenteng tanong ng bata habang nakatingin sa panganay na kapatid.

Walang emosyon ang mukha ni Gracie, maraming senaryo ang pumapasok sa isip niya. Gusto niyang gilitan ang kapatid, gusto niya makakita ng dugo.

"May ipapakita lang ako sa'yo, sasama ka ba o hindi?"

At sumama nga ito sa nakatatandang kapatid.

Habang nakatalikod si George at nakatingin sa puno na tinuro ng ate ay sa likuran niya ang kapatid na naka tagilid ang ulo habang may hawak na balisong.

Nanginginig ang kamay ay bigla niya itong sinaksak sa kapatid, walang dalawang isip at walang awa nitong sinaksak.

Nanlalaki ang mata ni Gracie sa galit habang patuloy sa pagsaksak sa kapatid. Hindi na niya bilang kung ilang saksak ang ginagawa niya pero natutuwa siya sa dugo na lumalabas mula sa kapatid.

Nang makontento sa nakita at nagawa ay agad itong pumasok sa bahay nila at nilinis ang sarili.

Si Rory ay isang bata na hindi nilalapitan at kinakausap ng lahat. Para sa kaniyang mga kaklase, isa siyang weird na mag-aaral. Lagi nitong kausap ang sarili at kapag kinakausap ito ng mga kapwa niya mag-aaral ay tinititigan lamag niya ito gamit ng kaniyang walang buhay na mata.

Isang araw ay naglalakad siya papunta sa canteen ng paaralan nang marinig niya ang pinag-uusapan ng kaniyang mga kaklase.

"Si Rory? Ang weird niya! Gwapo sana kaso naririnig kong may kinakausap siya kahit wala naman siyang katabi o kaharap!" maarteng sabi ng kaklaseng babae.

"Tama ka! May sabit yata, balita ko iniwan na siya ng magulang niya, kasi nga baliw siya," sabi pa ng isa habang tumatawa.

Nakaramdam ng matinding galit si Rory sa naririnig pero nanatili siyang nakatayo doon sa lugar na hindi siya nakikita ng mga kaklase niya.

"Tinatawag na yata ang lahat ng santo! By the way, sa library meet up natin ah, mamayang uwian."

Kahit nanginginig sa galit ay nakaisip agad si Rory ng paraan para makaganti. He sees red everywhere and all he wants to do right now is kill.

Nandoon na si Rory sa lugar kung saan balak magkita ng mga kaklase niya. Maayos na niyang naiplano ang balak niya. Matindi ang yakap niya sa kaniyang school bag habang naririnig ang mga yabag at tawanan ng mga tao na palapit sa isang lamesa.

Nang masilip ni Rory na kompleto na sila ay sakto pa na umalis muna ang librarian. Tumayo si Rory, mukhang hindi pa siya napansin ng mga kaklase niya dahil abala ang mga ito sa pagkwekwentuhan.

Lumapit siya sa pinto at kinandado ito. Sa isip niya ay oras na para gawin ang plano niya.

Lumapit siya, dahan-dahan, papunta sa lamesa ng mga taong kinaiinisan niya dahil sa ginawang pag-uusap ng mga ito tungkol sa kaniya.

Hawak ni Rory ang kaniyang bag, habang ito ay nakabukas ng kaunti nang makalapit siya ng tuluyan sa maingay na lamesa na iyon.

Lahat nang tao doon sa lamesa ay nakatingin sa kaniya at nagulat nang makitang si Rory ito.

"Rory?" pangingilala ng isa.

Gulat na gulat sila at hindi alam ang gagawin. Mas lalo na nang ilabas ni Rory ang kanina pa niyang dinadala sa bag niya. Tinaas niya ito at tinututok sa mga kaklase niya isa-isa.

Sumigaw silang lahat at pumunta sa iba't ibang direksyon. May isa pang sumubok na lumabas doon pero agad na nahabol ito no Rory at dinaplisan ang kamay nito gamit ang balisong na hawak.

Pagkatapos ay tinarak ito sa puson at dibdib ng kawawang babae.

Sinunod niya ang mga kaklase na nakatago sa ilalim ng lamesa at sinaksak agad sa mga dibdib nito ng ilang beses.

Rory smiled, he was satisfied with what he done. Iniwan niya ang balisong doon at iniwan ang karumaldumal na ginawa.

"Iyan lang ang nagawa mo? Masyado kang mahina," singhal ni Rory kay Gracie.

"Iyon lamang ang nakwento ko sa'yo, hindi ko na ike-kwento pa ang ginawa kong pagpatay sa mga magulang ko."

"Now, that's more like it," ngisi ni Rory at tumawa ng malakas.

Blankong tumingin lamang si Gracie at napansin muli ang dugo na unti-unting namumuo sa ulo ni Rory. Gracie suddenly felt the need to kill someone at the sight of blood.

Tumayo si Grace at lumapit sa lalaki. Ngumiti siya na parang isang demonyo at nginuso ang ulo ni Rory.

"Gusto ko rin niyan," sabi ni Gracie, ang tinutukoy ay ang dugu-duguang ulo ni Rory.

"Gusto mo i-untog kita sa pader? If you say so," sabi ni Rory at lumapit kay Gracie.

Dahil nga may suot silang mga makikitid na jacket ay hindi ito magagawa ni Rory gamit ang kaniyang mga kamay. Kaya ang ginawa niya ay binunggo ng malakas si Gracie.

Nang mahulog ay muling tumawa si Gracie ng malakas at para kay Rory isa itong pag-uudyok na ulitin nito ang ginawa.

"Alam mo, Gracie. Gusto kita... Gusto kita, kaso baliw ka," sabi ni Rory at ngumisi kay Gracie na nakahiga na lamang sa sahig.

"Parehas lang tayo. Gusto rin kita kaso isang kang baliw. Kaya bagay tayo," ngisi rin ni Gracie.

Tumawa naman si Rory ng malakas at sinipa si Gracie.

Umiiling ang mga taong nakasuot ng scrub suit habang nakatingin sa dalawang baliw na nagkakasakitan at nagtatawanan.

"Iyan ang dulot ng pagmamahalan nilang dalawa," sabi ng isang doktor.

"Ano ba ang nangyari sa kanila?" inosenteng tanong ng isang baguhang doktor habang nakatingin sa ngayong naghahalikan na mga baliw.

Kanina pa nila inoobserbahan ang dalawa mula sa isang bintana na hindi makikita mula sa loob. Kita nila ang ginagawa ng dalawa simula pa kanina. Naisipan nilang ipagsama ang dalawa dahil gusto nilang malaman kung ano ang gagawin ng mga ito.

"They were in a relationship back then, walang makakapaghiwalay sa kanila. Parehas nilang pinatay ang magulang nila nang tumutol ang mga ito sa plano nilang magpakasal. Ngunit hindi doon nagsimula ang sunod-sunod nilang pagpatay sa mga bumabangga nila, pinatay ni Rory ang mga kaklase niya, si Gracie naman ay pinatay ang kapatid niya, doon nagsimula ang kakayahan nilang pumatay," kwento ng doktor.

Muli silang tumingin sa dalawa, ngayon ay parehas na itong nakahiga sa sahig habang dugu-duguan narin ang bibig ni Gracie dahil sa pagkagat ni Rory sa labi nito at ang ginawang pagsipa nito kanina lang.

"Sayang sila..." nanghihinayang sabi ng isang doktor.

"Sobrang sayang sila."

Nakamulat si Gracie habang nakatingin sa kisame ng kwartong iyon, katabi niya si Rory na ganoon rin ang siyang ginagawa.

Bumaling si Gracie dito at ngumiti.

"Rory, mahal na mahal kita. Walang makakapigil sa atin, walang makakapaghiwalay sa atin muli..." sabi ng baliw na si Gracie.

"Likewise, my Grace. Papatayin ko ang mga sagabal."

Napangisi si Gracie at pinikit ang kaniyang mata. Maya-maya ay parehas silang tumawa ng malakas at nakatulog rin.

Parehas nanunuyo na ang mga dugo at hindi alintana ang mga sakit sa katawan.

YEAR 1999 when a fire was set on the asylum where Gracie and Rory was admitted in.

Sa kasamaang palad ay sina Gracie ag Rory lamang ang hindi nailabas sa asylum na iyon. They both died with eyes closed as the fire consumed the whole asylum.

And that was the tale of the two lovers who had gone crazy loving each other.


WAKAS

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top