Oversoon

Oversoon
by Jhela Mae Alvez

---

“We always talked about his past. He always thinks I’m the future. All I can see is a future with him with two kids. We’ll live in a small house. He will leave us for work, I will prepare him breakfast after settling the kids. He will come home to me. I’m a bit shy to tell him this, but he was very vocal about us…” Sabi ko habang sa malayo ang tingin.

“Continue, Wynea…” My friend urged me.

Ngumiti ako, hindi pa rin siya tinapunan ng tingin.

“There’s this tree… Sa Quezon City Memorial Circle. Sa ilang taong lumipas, simula nang kami ay magkakilala, it was the witness of if all— the smiles, the laughs, the tears, and the words we exchanged.”

“But…” Muli naman ako nakaramdam ng matinding kalungkutan nang napagtanto na ang isusunod ko.

“But?”

“It wasn’t all glitter and gold for us. Akala namin madali ang lahat. Akala ko madali lang manipulahin ang tadhana, pero hindi pala. Minsan nagtataka nga ako na… Bakit nag mukha namang madali ‘yun? My father and mother made it until the end, couples die in each other’s arms. Why can’t we?”

Nakita ko sa gilid ng aking paningin ay tumango siya at umayos ng pagkaka-upo.

“The future is in our hands… That’s what they always tell me. We already had our future planned out. We made sure that there will be no loopholes in our plans together.” Sabi ko at nagsimula nanamang mamuo ang luha sa mga mata ko. “You see, we have a very healthy relationship. We love each other, we can’t swallow the existence of cheating, we have very understanding friends.”

“If it’s not too much to ask… What happened?”

“Life happened.” Sabi ko at mapait na napangiti at nagbaba ng tingin.

Muli ko rin itinaas ang tingin dahil ramdam ko na tutulo na ang luha.

“Don’t stop yourself from crying, Wy. Let it all out.” Sabi niya, at dahil doon ay hinayaan ko na nga tumulo ang mga luha.

“We married right after our graduation.”

“Yo, Noah! Balita ko may pa-party daw sa inyo after ng graduation ceremony? Imbitado ba kami d’yan?” Biglang naputol ang pag-uusap namin ni Noah nang may sumingit.

Mga ka-batch namin iyon na ka-close talaga ni Noah kaya hinayaan ko nalang. Mukhang napansin din naman nila ang presensya ko dahil binati nila ako.

“Hello, Wynea! Ang ganda mo talaga.” Sabi ng isa sa kanila na si Terrence, dahilan kaya naghiyawan ang mga kasama nito.

“Hoy, tarantado ka talaga! Off limits ang girlfriend ko.” Kahit na halatang nairita si Noah sa sinabi ng kaibigan niya ay kita kong napangisi naman siya.

“Joke lang, ano ka ba! Pero maganda naman talaga si Wynea.” Sabi pa niya ulit at binigyan ako ng isang ngiti. Sinuklian ko naman iyon ng ngiti rin.

“I know.” Dinig ko ang tono na parang proud si Noah.

Nagkwentuhan pa sila ng kaunti at hinayaan ko lang. Nasa cafeteria lang kami at may fifteen minutes pa naman bago matapos ang lunch break namin. As usual, magkasama kami ni Noah.

“Oh, paano… Una na kami, Wynea, Noah. Kitakits nalang sa graduation!” Paalam nila at kinawayan kami.

Kumaway ako pabalik at muling hinarap si Noah.

“Same spot, okay?” He told me and I immediately nodded.

“As always.” Sabi ko at ngumiti siya sa sagot ko.

Muli akong nasa Quezon Memorial Circle, sa ilalim ng puno, malapit sa playground.

Our schedules are a bit different kaya minsan nauuna talaga ako sa kaniya dito, kaysa naman maghintay pa ako sa university. We agree on meeting here every time, para na rin makapag-date kami.

I always sit here and wait for him. I always bring my school textbooks and Neil Gaiman books with me. Kahit na sobrang ingay sa paligid dahil sa mga batang naglalaro at mga pamilyang natambay rin dito, mapayapa pa rin ang kalooban ko.

I was reading a book I brought with me today. It was my favorite Neil Gaiman book, titled ‘Coraline.’

Mga ilang oras ang lumipas at nagtaas ako ng tingin, at nahagip ng mata ko ang papalapit na isang bulto na sobrang pamilyar sa mata ko.

A smiled formed in my face, automatically. I didn’t got up from sitting in a very comfortable position in our picnic blanket. Sinusundan lang ng mata ko ang bawat galaw niya hanggang sa nakarating na siya sa harapan ko.

Pumwesto na siya sa blanket at iniligpit ang ilang gamit ko. Ngayon ko lang napansin na dala pala niya ang bag namin na lagi naming pinupuno ng pagkain. Hindi lang kami natambay dito, nakain din naman kami.

Pagkatapos ligpitin ang gamit ko ay isa-isa niya nang nilabas ang laman ng mahiwagang food bag namin.

“About the party after the graduation ceremony, you can go home first and I will just pick you up. Ipapaalam nalang kita kila tita sa mismong ceremony.” Simula niya nang magsimula na kaming kumain.

“Ikaw bahala. Akala ko ‘di ako invited d’yan.” Muli kong biro. Inirapan niya naman ako.

Napangisi nalang ako sa ginawa niya. Maloko na, suplado pa! Minsan mas babae pa kung kumilos si Noah kaysa sa akin.

“I’ve been telling you about the party for weeks now. Don’t tell me that slipped off your mind? And of course you’re invited.”

Tapos na kami kumain at nakahiga na ako sa mga hita niya habang siya ay nakasandal sa puno. The same and usual position we do after eating. Pipikit siya habang ang kamay ay nasa buhok ko.

I have never felt too peaceful in my entire life.

“The sky has never been so bluer and the sun has never been so brighter, not until today.” Biglang sabi ni Noah kaya napatingin agad ako sa kaniya.

His eyes are now open and looking up from the sky. Patuloy pa rin siya sa paghimas ng buhok ko.

“What?”

“I feel like it’s a brand new day, it feels like there’s a brighter future ahead of us…” aniya at napatingin narin ako sa langit.

“I don’t think so…”

“Just look at the sky today, babe. It has always been blue and white during the day, but why does it seem like it’s brighter today?” Paliwanag pa niya.

Muli naman ako sa langit but I just saw the same and blue sky.

“I’m starting to be frightened, Noah. Ano na nakikita mo… Saka ka na magka-ganyan after—”

“Can you promise me one thing, babe?” Putol niya sa pagsasalita ko.

Muling nakakunot ang noo ko at napatingin na ako sa kaniya.

“I’ll try. What is it?”

“After our graduation, you’ll marry me.” Aniya at hindi na ako nagulat doon.

We always talk about our future together. Alam ko na sa kasalan din ang hantungan ng lahat na bagay na ito habang kasama ko siya. I’m willing to spend forever and eternity with him.

“Yes… I will marry you, Noah. Kahit pa nga sa mismong araw ng graduation natin.” Biro ko nanaman. Sanay narin siya sa ganoong ugali ko.

“Really?”

Tatlong beses ako tumango. “Of course. Saan pa ba tayo pupunta at doon din naman ‘di ba?”

“Isn’t that a bit fast? I’m not saying this because I’m not sure of you, but because our future relies on this, babe.”

“I’m sure.”

I don’t think it’s a rush for us. I mean, we’ve been dating for years. Our relationship is healthy and it keeps on growing and growing. My feelings for him continue to get deeper, and our connection has never been so unbreakable.

“Are you sure?” He asked.

I smiled. “Never have I ever been so sure before.”

“Then, let’s get married on the same day as our graduation day.”

Our parents were always supportive of us. My parents like Noah and his parents like me. Ang tingin ng mga magulang ko kay Noah ay isang matured and independent na lalaki. Mapagkakatiwalaan nila siya pagdating sa akin.

Ngunit laking gulat nila nang ibalita namin ni Noah sa kanilang lahat ang balak naming pagpapakasal sa mismong araw ng graduation.

“Aren’t you two moving too fast?” I could hear the doubt in my mother’s voice when she said that.

Umiling ako at lumapit kay mama, trying my charm over her.

“Ma, I’m 23 years old. I’m graduating college and I have a job despite being in college. Plus, it’s not too fast for us as we have been dating for years.” Paliwanag ko kay mama.

Napatingin naman ako kay papa na nakatingin kay Noah.

Noah was also trying to convince his parents. Among all, alam kong si papa ang posibleng tatanggi. I’m an only child, at babae pa. Alam kong masakit para sa kaniya na lalagay na sa tahimik ang nag-iisang anak.

“Ask your father, honey. I don’t know what to do.” Parang natataranta naman si mama nang marinig ang paliwanag ko.

Natawa ako at hinalikan si mama sa pisngi. Lumapit ako kay papa at niyakap siya. Hindi niya iyon sinuklian at natawa naman ako ulit dahil alam kong kay Noah pa rin siya nakatingin.

Nang kumalas ako ay doon siya tumikhim at umayos ng pagkaka-upo.

“Wynea, your mom’s right. It’s too early for the both of you. You’re just about to graduate college. Wala ka pang naipundar na kahit ano. Even though Noah is rich and can feed you without you making an effort, marriage means a lot, and it’s a lifetime commitment. Hindi siya parang kanin na pwedeng iluwa kapag naisubo mo habang mainit pa ‘to.”

“Pa naman…”

I’m aware that marriage is a lifetime commitment and that we shouldn’t play with it. It’s a sacred thing and I get it. But I have never been so sure in my entire life.

“I want a lifetime with him, dad. I’m so sure of him. I know what marriage is. I value the sacredness of marriage.” Sabi ko kay papa.

He just sighed and avoided my gaze towards him. He gazed back at me.

“You don’t know how hard is it for me to pass you to a man this early. I want you to enjoy your life and the career you will choose.” Sabi nito at napangiti pa ako nang makitang kumislap ang mata niya, senyales na nagpipigil siyang mapaluha.

“Being married won’t make me limit all my movements pa. I will still make my dreams come true. I will still help you and mama.”

“I just don’t get it why do you have to rush this. You can still go on with life. Hindi sa sinasabi kong hindi pa talaga kayo, pero posible na makahanap pa kayo ng iba. That will lead to adultery—”

“Papa…” Pigil ko agad sa sinasabi niya.

I know Noah better than that. Sa ilang taon kaming magkarelasyon, ni minsan hindi siya nagpakita ng ganoong klase ng pag-uugali. Kaya sobrang imposible naman ang theory ni papa.

“I’m just looking at the possibilities, Wynea. Kung kayo naman sa huli, kayo pa rin talaga.”

“I’m sorry pa…” Umiling ako. “But nothing’s gonna make me change my mind. It’s either you support me, or I will still continue with our plans…”

Umiling siya at ngumiti sa akin. He bowed down a bit and gave me a kiss on my forehead.

“I’ll still support you all throughout your plans, your future, kahit na hindi na kami parte ng mama mo doon. I had expected this to happen a long time ago, I just didn’t expect that it would be early. But nevertheless, I’m happy that you found the person that you’re so sure of spending your life with.”

Hindi ko napigilan ang pagbuhos ng luha sa mga mata ko nang marinig ko kay papa ang mga bagay na iyon, kaya napayakap agad ako sa kaniya.

Naramdaman ko naman ang presensya sa tabi ko at ang pagsali no’n sa yakapan namin ni papa.

It was mama. I felt her kissing my head and whispering things to me.

“I’m so happy for you, Wynea. You grow up so fast.”

Ilang minuto rin ang itinagal ng drama namin, si papa na ang kumalas at pinagpag ang damit.

“Let’s save the tears for the actual ceremony. So…” Ani papa at ibinaling ang tingin kay Noah at sa magulang nito.

Mukhang tapos narin sila mag-usap. His parents were smiling at us. I can sense that it’s all genuine.

Alam ko rin na mahirap para sa kanila ang desisyon namin ni Noah dahil tulad ko ay nag-iisa rin siyang anak pero dahil may sarili na kaming desisyon sa buhay ay wala silang magagawa kung hindi ay suportahan nalang kami.

Fifteenth of April ang aming graduation. Same day of me and Noah’s marriage.

Sa lumipas na linggo ay busy kami ni Noah sa preparation ng aming kasal. Hindi iyon gaano kabigat, dahil kaunting kaibigan at kakilala lang ang invited.

Tinawagan pa nga namin ang mga kamag-anakan namin at maging sila ay nagulat sa biglaang desisyon namin ng boyfriend ko. But they were all happy for us and they are all going to our wedding.

Sakto pa at may graduation party na gaganapin kila Noah. Doon narin namin idadaos ang aming wedding reception. Isasabay na kaso gagawing formal ‘yon.

“I’m so happy for you, Wy! Parang kahapon lang ay nadadapa ka pa sa pagtakbo, ngayon ay magiging isang ganap na misis ka na!” Naiiyak na bati sa akin ng tita ko na kapatid ni mama.

Inaayusan na ako ng mga hair stylist at makeup artist na binayaran ni Noah. Simple lang talaga ang kasal at sa simbahan iyon.

“Tita, ‘wag mo naman ako paiyakin. Hindi water proof ang makeup ko!” Saway ko sa tita ko at humalakhak.

“Kasi naman, parang kailan lang… Pero alam ko naman na nasa mabuti kang kamay. Napatunayan ni Noah sa amin na nasa ligtas kang kamay. I’m so proud of you.” Madamdaming sabi ni tita at tuluyan na ngang tumulo ang luha sa mata nito.

Close talaga kami ni tita dahil tuwing nasa trabaho si mama at papa ay sa kaniya ako nila iniiwan. I would always run around her garden until my legs give up on me.

My past was always something I’m proud of, and now that I’m getting married, I’m sure that my future will be as beautiful as my past.

“Sabay na ang graduation gift at marriage gift ko sa iyo ah.” Sabi ni tita at natawa naman ako sa sinabi niya.

“Thank you, tita.” Ani ko nalang habang pigil pa rin sa pag-iyak.

“Dapat waterproof ‘yang makeup mo. Paniguradong iiyak ka mamaya!”

“I, Wynea, take you, Noah, to be my lawfully wedded husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part.” Gaya ko sa sinabi ni pari.

I saw Noah smiled. Parang nagwala naman ang kung ano sa tiyan ko. Gustong kumawala lahat ng nararamdaman ko kaso sa grabeng pagpipigil na ginawa ko— nailalabas ko ito sa pamamagitan ng mga luha at ngiti.

“I, Noah, take you, Wynea, to be my lawfully wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part.” Sunod naman ng Noah sa pari.

Pagkatapos ay ring exchange naman at mas lalong nagwala ang kung ano man sa loob ko.

“Wynea, I give you this ring as a symbol of my love. As it encircles your finger, may it remind you always that you’re surrounded by my enduring love.” Sabi ni Noah habang sinusuot sa akin ang isang gintong wedding ring.

Pagkatapos ay ako naman ang nagsuot sa kaniya ng singsing. I did the same, said the same words.

The priest said a lot more but my focus was with the man beside me. Grabe talaga ang pag-uumapaw na kilig na nararamdaman ko.

“By the power vested in me, I now pronounce you husband and wife,” sabi pa ng pari.

“You may now kiss the bride.”

Hindi pa tapos ang pari sa pagsasalita ay hinila na agad ako ni Noah at tinaas ang tabing ko sa ulo. Hinapit niya ako sa bewang at binigyan ng isang masuyong halik sa labi.

I closed my eyes and it made me feel as if the world stopped moving. As if there was no one else in the church but us.

After ng halik ay pumalapak ang lahat ng tao na nandoon.

“I love you, babe.” Bulong sa akin ni Noah.

“I love you too.”

“Congratulations! Alam namin na kayo talaga ang ikakasal. Kayo, at kayo talaga. Pero hindi namin inaasahan na ganito kabilis. Tingnan niyo si Terrence, bitter!” Salubong sa amin ni Francis at saka tinuro si Terrence na masama ang tingin dito.

“Ulol! Crush lang naman ‘yun. ‘Di ako gano’n ka-affected!” Rebut ni Terrence sa pang-aasar ni Francis sa kaniya.

We all laughed at that. After noon ay muli nila kami binati at may mga sumunod sa kanila.

Lahat ay nilapitan kami para bumati. Hindi naman masira-sira ang ngiti sa labi ko habang kinakausap ako ng mga kaibigan at mga kamag-anak namin ni Noah.

Nang nabati na kami ng lahat at nagpapatuloy nalang ang graduation party and reception namin, biglang bumulong si Noah sa akin.

“Let’s escape this place.” Sabi niya na nagpapula ng pisngi ko.

It didn’t occur to me that we’re already married and pretty much legal to do ‘it’, and basically all the married couple’s duties. We’ll also live together like a family.

“Mamaya na.” Sabi ko nalang at pumirmi naman siya sa upuan niya.

“Wynea, Noah, anak…” Lumapit si mama— Noah’s mother.

“Bakit po?” Tanong ko dito. Pareho kaming nagtaka ni Noah sa paglapit nito.

Kanina lang ay nagpahayag na ang lahat ng message sa amin. Makalipas rin ng ilang oras ay aalis na kami ni Noah para sa unang gabi namin bilang mag-asawa.

May inilahad siya sa akin na isang brown envelope. Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong kinabahan.

“This is just a little gift for the both of you. Noah will still be working at his father’s company until he decides to retire, and Noah will take the highest position.” Sabi nito at ngumiti sa anak niya.

Kinuha ko ang envelope at dahan-dahang binuksan iyon at inilabas ang laman. Huminga muna ako ng malalim at sinubukan basahin kung ano man iyon. Pinakita ko rin kay Noah ang kung ano man ang nasa papel.

Halos mahulog pa ako sa upuan ko nang mabasang titulo iyon… Titulo ng isang bahay at lupa.

“Surprise! Congratulations for finishing your studies and for your wedding!” Sabi ni mama nang makita ang reaksyon ko.
Tumingin ako kay Noah. Siya naman ay nakangiti lang at inangat ang tingin kay mama at nagpasalamat dito.

“Thanks mama!” Sabay na sabi namin ni Noah kay mama.

“You’re welcome! I’ll leave you two here. Mamaya ay sasamahan ko kayo kung saan ang bahay niyo. Enjoy this night.” With a smile, she left us.

Tuwang-tuwa naman ako sa papel na nasa kamay ko. I can’t believe how our life is turning into.

And for our very first night as Mister and Misis Velasquez, we went to the house that Mama gave us. Noah kissed me when we were all alone. All I can feel is as if I was floating and dreaming.

A FEW MONTHS LATER

“Wala pa rin.” Salubong ko kay Noah na printeng nakaupo sa sofa habang nanunuod ng TV.

Inilipat niya ang tingin mula sa TV patungo sa akin. He tapped the space beside him, kaya dumiretso ako doon at umupo sa tabi niya.

“Stop stressing yourself out. I told you, you can work at my father’s company. Kapag ako na ang president, gagawin kitang sekretarya ko.” Aniya habang patuloy ang walang direksyon na paghilot niya sa balikat ko.

My nerves calmed down a bit because of his body heat. Ilang linggo narin ako naghahanap ng trabaho na akma sa tinapos ko noong kolehiyo, but I still had no luck in my shoulders.

“Alam mo na ang sagot ko d’yan, Noah…”

I don’t want to work in their company. Hindi dahil possible na mababa ang position ko doon hangga’t hindi si Noah ang tumatayong presidente, ngunit gusto kong magtrabaho sa kung ano ang tinapos ko.

“Kaysa naman nahihirapan ka ng ganito.”

“Kaya ko pa naman. Saka ko na iisipin ‘yan kapag bibigay na ako. Ilang linggo palang naman ang lumipas, hindi ilang taon.” Sabi ko at bahagyang tumawa.

“But—”

“No.”

“Okay.” Sabi niya at tinaas ang kamay.

Kinurot ko siya sa pisngi at niyakap pagkatapos. He kept on kissing my hair and I liked it a lot.

We always had those days. Walang araw na nagtalo kami. Natutuwa nga ako na ganoon ang kinalabasan kasi sabi nila mahirap daw ang buhay may asawa, pero para sa akin ay napaka dali lang. I even think we would last until forever. Noah was always an understanding person.

Minsan ay dinadalaw kami dito ng mga magulang at mga kaibigan namin. My father was still worried for us. I explained to him that we were doing fine. We still love each other and we love each other even more than before.

How bad can it get?

After a few more weeks, I got hired for a job. Akma sa kung ano tinapos ko, kaso dahil nga bago pa ako ay under probation muna ako. Binibigyan din nila ako ng mabibigat na trabaho.

I know it will be worth it. After a week, tapos na ang probation ko at regular na ako.

Iyon ang akala ko.

After a week, mas bumigat ang trabaho ko. They keep piling my table with paperworks, hindi naman ako makareklamo dahil baguhan lang ako. Baka patalsikin agad ako sa trabaho.

Ayaw ko na ipagpabukas ang trabaho dahil alam kong kinabukasan ay panibagong stack nanaman ng papel.

Dahil sa OT ko ay gabi na ako nakakauwi. Minsan ay naabutan kong tulog si Noah, at kung kadalasan ay wala siya sa bahay. He would text me or call me, saying that he would go home late.

Ang tanging oras nalang namin sa isa’t isa ay weekends, depende pa iyon kung ipapatawag siya ng papa niya sa opisina nila.

It was all okay for me…


Okay ako sa set up namin. We understand each other. We understand that we have careers, we have jobs, we’re doing this for our future. We’re doing this to prove to our parents that marrying oversoon is not a big deal. We can get it all together.

Kumbaga, para sa akin ay nag-aadjust pa kami.

Sabado ng gabi, nag-usap kami nang nagkaroon kami ng oras. We talked about our works, our days for the past week, our future and what should we do. Medyo nahihirapan na kasi kami sa set-up namin. Namimiss na namin ang isa’t isa.

Hanggang sa napunta kami sa topic ng pagkakaroon ng anak.

“Are we old enough for it?” Nag-aalala na tanong ko. Handa naman na ako kaso iniisip ko siya.

“Of course. Besides, we’re already married, right? I know our parents are expecting from us now…” Aniya at binigyan ako ng ngiti.

Family planning… That’s what we were doing. Hindi ko inaasahan na darating talaga ako sa punto na pag-uusapan namin ang mga ganitong seryosong bagay. Handang handa na ako na gumawa ng isang pamilya, mas lalo na ang kasama ang aking asawa.

“Let’s go out tomorrow. Are you free?” Tanong niya nang matahimik kami. He broke the silence with the question I was meaning to ask him earlier.

Agad akong tumango. It’s good for us to have these dates kahit na isang araw lang. I know how pressured he is at work. His father is making him work nonstop dahil siya ang papalit sa pwesto nito balang araw. Gusto ng papa niya na paghirapan nito ang posisyon.

I don’t hear any complaints from him. Kaya sa tingin ko okay lang sa kaniya. But I have been very worried for him and his health. Hindi ko na siya masyadong naaasikaso dahil abala rin ako sa aking trabaho. My boss is giving me piles of works, still.

It was a sunny Sunday morning. Hindi mapatid ang ngiti at comfort sa akin. Nakabihis na ako.

Si Noah ay dumaan sa kanilang kompanya dahil pinatawag siya ng ama niya. Sandali lamang daw iyon at susunduin niya ako maya-maya lang.

Habang wala pa siya ay inabala ko ang sarili ko sa pag plantsa ng kaniyang mga office attire.

Hindi kami kumuha ng katulong dahil kaya naman namin gawin ang mga simpleng gawain na ito. But we’re considering in taking one if I’m positive for pregnancy.

Inubos ko na ang oras ko sa pagbabasa ng libro. Like the usual, ang Coraline na sinulat ni Neil Gaiman. Huling basa ko dito ay noong linggo bago kami magtapos at ikasal ni Noah.

Hindi ko na napansin ang oras. Ibinaba ko ang libro at tumingin sa wall clock namin at nagulat nang makitang tanghali na. Wala pa rin si Noah. Ang balak pa naman namin ay um-attend sa morning mass sa simbahan. But we can still attend the afternoon mass.

Kinuha ko ang cellphone ko para tignan kung may mensahe siya para sa akin, pero wala. Dahil medyo maaga pa naman ay pinagpaliban ko muna iyon at muling nagbasa.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako.

Nagising ako at agad kinuha ang cellphone ko para tingnan ang oras at kung may mensahe si Noah. It was already 7 PM. He still hadn’t arrived to pick me up and he didn’t even bother to send me a message.

I feel disappointed. Ang ganda ng plano namin para sa araw na ito. Kahit message lang na nag-eexplain siya kung bakit hindi niya ako nasundo ay hindi niya nagawa.

Pero umaasa pa rin ako. Hindi pa naman malalim ang gabi. Niligpit ko ang libro at napag-pasyahan na lumabas ng bahay namin at doon siya abangan.

Madilim na at malamig ang ihip ng hangin. Maraming kotse ang dumadaan but still no signs of his car— his car that his father gave him for our wedding and graduation.l

Hawak ko ang cellphone ko habang may suot na cardigan. Umupo ako sa upuan namin sa maliit na hardin. Nakatanaw lang sa gate at inaabangan siya.

But a few more hours passed, walang Noah ang nag-pull up sa harap ng bahay namin.

My phone bleeped, a sign that someone sent me a message. Agad kong binuksan iyon at pigil hininga pa nang makita ang pangalan ni Noah.

Noah: I can still make it. Sorry. Please give me a few minutes to finish my tasks and I will go home and pick you up. Sorry again, babe.

And just that, I continued to understand him. I gave him the ‘few minutes’ that he was asking for. Hindi nga ilang minuto ang inabot ng patience ko, inabot pa ng ilang oras ang paghihintay ko.

10 PM na nang nag desisyon akong pumasok na ng bahay. Alam kong wala ng pag-asa.

Ininit ko ang natitirang ulam namin sa microwave. Habang naikot iyon ay umakyat ako sa taas para magbihis na ng pang bahay.

Pagkababa ko ay saktong tumunog na ang microwave. Kumain ako ng tahimik.

Pagkatapos ligpitin ang pinag-kainan ko ay naligo na ako at pumwesto na sa higaan.

Pumikit ako at pinilit ko talagang makatulog pero naiisip ko siya at ang hindi niya pagsipot sa bahay. Naramdaman ko nalang na tumutulo na ang luha sa mata ko.

Ilang oras pa ang lumipas, patuloy lang ako sa pag-iyak. I was crying like acid rain.

Hindi ko nalang namalayan na nakatulog na ako sa kakaiyak.

Naalimpungatan ako dahil sa isang halik sa labi ko. Sinunod ng taong iyon ang noo ko at ang buhok ko. He also keeps whispering sorry to my ears.

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy nalang ako sa pagtulog. I still forgive him. I understand that he is working hard for the family that we’re trying to build.

Pero kung magpapatuloy ito, hindi ko alam kung magiging matayog nga ang tinatayo naming pamilya.

Nagising ako na siya ang katabi. He is supposed to be at work today. Maaga napasok ang isang ‘to kaya inaasahan ko na wala na akong katabi. Malaking gulat sa akin na madatnan siyang nahilik pa at nakapatong ang braso at binti sa akin.

Tumayo na ako at hindi napansin na nakangiti na pala ako. Naghahanda ng almusal para sa aming dalawa. Tinawagan ko narin ang katrabaho ko para sabihing kukuha muna ako ng leave sa araw na ito.

I have a feeling that we’ll spend this day together. Babawi siya sa akin.

I was happily preparing our breakfast when I saw him entering the kitchen. Ang ngiti sa mukha ko na hindi nawawala simula nang magising ako ay agad napawi nang makitang bihis siya na pang opisina habang inaayos ang kurbata.

“You’re going to work?” Tanong ko nang makalapit na siya sa akin. He gave me a peck on the lips and he sat down after.

“Dad called, he said he needs me.”

Pinaghandaan ko pa rin siya kahit nakasimangot na ako ng oras na iyon.

“Why aren’t you dressed up for work?” Tanong niya nang napansin na nakapang-bahay pa rin ako.

“I took a day-off,” matabang na sabi ko habang pinaghahainan siya. “I thought you were making up to me for yesterday.”

“Sorry,” I can hear the sincerity in his voice. “I’m really sorry, babe. I’m doing my best at work to get to you early but dad keeps on giving me work. I tried to tell him but he’s also a busy man, and I can’t just leave all those to pile up. I hope you understand.”

“I understand,” pilit na ngiting sabi ko. “I just don’t understand why can’t you take a minute and tell me that you can’t come. Umasa ako, nag-abang at nag-alala ako sa’yo. Your father won’t get mad at you for informing your wife at home, ‘di ba?”

“I’m so sorry again. I promise to keep in touch with you. It’s just that it’s been a busy day. I will make it up to you when I have the chance.”

“Just do your best at work, please. Get home to me soon.”

“You took a day-off? Magpahinga ka nalang. I know how tiring your work is too.” Suhestiyon niya.

“No. I will go to work. Hindi rin naman ako makaka pahinga sa kakaisip sa ‘yo dito.”

He nodded. I also ate my breakfast and after that, I went upstairs to prepare myself for work. Nakapag-mensahe narin ako sa ka-trabaho ko at sinabing papasok pala ako.

Pagkatapos ko ay nagulat akong nandoon pa rin si Noah sa baba. Nakaupo sa salas at parang naghihintay.

“Let’s go?” Aya niya nang tuluyan akong makapunta sa harap niya.

“Why are you still here? You’re late for work!” I exclaimed, but when he asked for my hand, I reached out to him and he intertwined it with his.

“A little sermon from my dad won’t hurt. Ihahatid kita.” Aniya at ngumiti.

Hindi naman ako magka-igi sa sinabi niya. Parang ang gusto niya gawin ay enough na para makabawi siya sa pang-iindian niya sa akin kahapon.

“My boss is still giving me lots of work, but I understand that. I’m just finishing it all before the work piles up.” Kwento ko nang itanong niya sa akin ang patungkol sa trabaho ko.

It was all again so smooth for us. But this thing that had happened— him staying a few hours to wait for me to get to work, it never happened again.

After I introduced him to my co-workers and my boss, he immediately kissed me even in front of them, and left our building. I distracted myself with all the work.

Pareho kaming nagpakalunod sa mga gawain.

Two more months later and I was doing fine at work. Biglang napansin naman ng isang ka-trabaho na namumutla daw ako.

“Namumutla ka, Wynea! Magpahinga ka kaya muna.” Nag-aalala ang tinig ng ka-trabaho ko.

Binigyan ko siya ng ngiti pero lumabas na isang ngiwi iyon. Wala na akong matinong tulog sa pagsubok na hintayin si Noah mula sa trabaho ng madaling araw. Hindi ko na siya naabutan dahil hindi ko kinakaya magpuyat.

“Kaya ko naman. Ilang buwan na nga ako dito, ngayon pa ba ako susuko?” Biro ko kahit na halatang nanghihina na ako.

Sasagot pa sana niya nang makaramdam ako na parang umakyat lahat ng laman ng tiyan ko papunta sa bibig ko. Kaya ko pa sanang pigilan iluwa iyon kaso parang umalburoto pa ang laman ng tiyan ko kaya tumakbo agad ako papunta sa malapit na CR.

Lahat na yata na laman ng tiyan ko ay sinuka ko sa sink. Pati yata organs ko. Halos maiyak na ako dahil patuloy pa rin ako sa pagsusuka.

Hindi kaya super stressed na ako sa work at kay Noah? Nagkakasakit na ako dahil sa kakaisip.

Wala naman sa plano ko na dumalaw sa doctor pero dahil pinilit ako ng mga ka-trabaho ko at binigyan pa ako ng boss ko ng leave para magpatingin ay napilitan ako.

And I’m so glad I did!

The doctor said I was already 3 months pregnant. He said I should be resting at home and avoid stress, as this is my first pregnancy, it could be a bit dangerous for me.

Sa sobrang saya ko pa nga nang ibalita iyon ng doctor ay napayakap ako dito.

After giving me things to do, things to avoid, and advisable things to eat. He let me go.

Sa sobrang excited ko ay dumiretso na ako sa company nila Noah para ibalita sa kaniya ang magandang balita.

I expected him to take a leave, but he didn’t. My pregnancy pushed him to work even harder. I still understand him.

But these days I’ve been feeling extra cranky. Naiiyak pa nga ako kasi naiisip ko na ang mga asawa dapat ay nasa tabi ng buntis nilang asawa, ‘di ba? What if I craved for something?

At days, I would often go at my parents’ house. Sila ang nagpoprovide sa akin ng mga kailangan ko dahil busy talaga ang asawa ko.

Dahil hindi naman ako regular worker sa trabaho ay napilitan akong mag resign. Alam ko naman na kaya ko pa magtrabaho, kaso pinigilan ako ni Noah at ng mga magulang ko dahil unang pagbubuntis ko raw ito kaya dapat nagpapahinga lang ako.

My 12th week of pregnancy was the hardest of all.

I was often crying and overthinking. I had no one beside me. Noah is busy as always.

Hindi ko alam kung ano ang sumanib sa akin sa araw na iyon, but I was crying heavily and I planned to go to Noah’s workplace. Naiinis ako na wala siya, kung kailan pinaka-kailangan ko siya ay mas lalo pa siyang nasubsob sa trabaho.

Habang nasa jeep ako ay napapahawak ako sa tiyan ko at nagdadasal. Sana walang mangyari sa amin ng anak ko.

Ngunit hindi lang dahil nagdadasal ako ang dahilan ng paghawak ko sa tiyan. Nakakaramdam ako ng paghilab mula doon. Habang patagal ng patagal ay mas lalo sumasakit iyon.

“Ah…” I blurted out when the contractions became more painful.

Mukhang napansin naman iyon ng katabi ko na babae at inalalayan ako.

“Okay ka lang ba?” Tanong nito sa akin.

Sunod-sunod ang pagtango ko kaso naputol pa ng mas lalong humilab ang tiyan ko. Doon na ako napasigaw. Naramdaman ko na parang may tumutulo pababa sa mga binti ko. Sinubukan ko pang punasan iyon, nagulat ako nang makitang dugo na iyon.

Napasigaw narin ang katabi ko nang makita iyon. Mas lalo naman ako nanghina sa nakita ko at napahawak sa tiyan ko. Napahagulgol at hindi namalayang nahimatay na pala sa natuklasan.

Nagising nalang ako dahil sa maliwanag na kwarto at maingay na paligid. May nagtatalo at naalala ko naman ang anak ko sa tiyan ko.

Napaupo agad ako at hinayaang mag-adjust ang mata ko sa maliwanag na paligid.

Napatingin ako sa gawi nila at nakitang nakaupo si Noah sa sofa, nang makitang nakaupo na ako ay lumapit agad siya sa akin. His eyes were bloodshot and swollen, as if he just finished crying his heart out.

Sila mama ay nakatayo habang parang stressed na stressed sa nangyari.

“How are you? Do you need anything?” Noah came to my aid.

Umiling lang ako at napatingin sa tiyan ko. “Is the baby alright?” Instead, I asked.

Sasagot na sana si Noah pero sumabat si mama. Napansin ko naman ang lungkot sa mukha ni Noah, dahil doon ay nakaramdam ako ng kaba sa kalooban ko pero pinipilit ko balewalain iyon.

“What were you thinking, Wynea? Bakit ka sumakay ng jeep! Look what happened to you and your—” Pinutol naman ni papa si mama.

“Stop meddling, Miranda. Ang dapat mag-usap ay ang mag-asawa. Kagigising lang ng anak mo.” May awtoridad na sabi ni papa at doon nga napatigil si mama.

Minsan lang maging ganito si mama. She is a calm and composed person.

“We’ll leave you two to talk. Noah, I suggest you tell your wife everything. ‘Wag mo na patagalin. Wynea, please listen to your husband, okay?” Ani ng mama ni Noah.

Tumango naman ako kahit hindi ko naiintindihan ang nangyayari.

Nang maiwan na kami mag-isa ni Noah sa kwarto, hinawakan niya ang kamay ko at hinalik-halikan iyon.

I looked for the courage to ask him, kahit na sobra-sobra na talaga ang kaba ko.

“What do you need to tell me, Noah?” Sa nanghihina ang boses, tanong ko.

“Our baby…” He whispered and gave me a kiss on the forehead. “Our baby couldn’t make it. He couldn’t hold on for any longer.”

Akala ko wala na akong ibang iiyakan pa nang iyakan ko ang pagiging wala ni Noah sa tabi ko. After hearing what he said, he started making me calm. Hindi ko na nga napansin na umiiyak na pala ako at nagwawala.

I was asking him to take it back. Dinadasal ko naman na sana binibiro lang ako ni Noah. Umiiling lang siya habang nagpipigil umiyak.

I was screaming and my tantrums began to worsen. Hindi ko na nakikita ang paligid ko dahil sa pag-iyak. Noah was still trying to make me calm. Pero ilang mga minuto lang ay nakaramdam ulit ako ng panghihina at may karayom na nakatusok sa balikat ko. I dozed off with the thoughts of my baby and the family that I dreamed of, starting to crumble down my feet.

It was a few weeks later, okay naman ako, I’m forcing myself to be okay kasi mukhang hindi naman ‘big deal’ iyon sa lahat.

I thought it was all okay, but ten and a half months later, I was still grieving and crying in my sleep. I often dream of our baby. I already had a name and it was such a frightening time for me.

Minsan akala ko pa nga nasa tabi ko ang baby ko at yayakapin ko, unan lang pala.

The first few months was all tears and sobs for me. I never saw Noah cried. Iniisip ko tuloy na parang hindi big deal sa kaniya iyon, isa pa ay patuloy pa rin siya sa pagpasok sa trabaho kahit na nawalan na kami ng anak.

I got mad at him. Sinumbat ko sa kaniya lahat iyon, hanggang sa iyon na nga, he bursted out his inner thoughts and feelings.

“I don’t wanna cry because it won’t help! Okay? Why do you want to see me cry so bad?” Nahihirapan na aniya.

That angered me a lot more. So parang okay lang na ako ang hindi na magka-igi sa kakaiyak dito sa amin?

“All I want is someone here with me? Bakit hindi mo na muna ipagpaliban ‘yan. I need you, Noah…” Naiiyak na sabi ko at napatakip ng mukha.

“I’m doing this for us… I’m doing this for me. I’m running my hours out to work so I can forget about this. I know you understand me—”

“I don’t understand you!” Sigaw ko sa kaniya. There, I said it. “I never understood why do you have to work your ass off until you run out of time for me! Hinding-hindi ko maintindihan iyon pero sinubukan ko. Wala ka na oras para sa ating dalawa. I don’t understand that!”

Hindi iyon ang huli naming pagtatalo. We haven’t solved that issue. Iniiwasan namin ang isa’t-isa na parang wala lang.

He would still go home late despite the fact that I had told him that I don’t understand why he has to.

And the last time we fought was the end of it all… I thought it was the end.

Naabutan ko siyang umuwi ng alas tres ng madaling araw. Hindi ako nakatulog dahil patuloy akong nananaginip sa nangyari, hindi ako pinapatulog ng nangyari. Lagi kong naririnig ang tila ba isang iyak ng sanggol at paghingi ng saklolo ng isang bata.

“Why are you still up?” Tanong niya habang hindi ako tinatapunan ng tingin, habang tinatanggal ang suot niyang medyas.

“Where have you been?”

“Where else? Of course, work.” Napapagod ang tinig niya.

Nilapitan ko siya at inamoy, parang nagsimula naman mag-init ang ulo ko nang maamoy na kakaiba sa kaniya.

“Oh really?” Sarcastic na tanong ko dito. “Why do you smell like a woman has been kissing and hugging you?” I was already gritting my teeth.

“Wynea, I don’t want to argue. That’s your perfume from your towel that I used earlier.”

I didn’t bought that explanation. Pinagpilitan ko ang isang bagay na hindi ko inaasahan sa kaniya.

“You’re cheating!”

Nagtalo pa kami. Sinumbat ko sa kaniya ang pambababae niya habang ako ay nagdurusa sa pagkawala ng unang anak namin. Pinipilit pa rin niyang itanggi ang lahat kahit huling-huli na siya.

Hanggang sa ibagsak niya sa akin ang isang bomba na halos sumira sa buong pagkatao ko.

“Let’s split up.”


“And then what happened?”

Napangiti naman ako sa tanong ng aking kaibigan.

“Halos sirain ko na ang lahat ng makikita ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko matanggap na after mawala ng anak namin at ‘nahuli’ ko siyang nambababae ay makikipaghiwalay siya sa akin.” Sabi ko at natatawa pa kahit wala naman nakakatawa sa bagay na iyon.

“Anong ginawa niya?” Tanong niya. Ngayon lang ako napatingin sa kaniya sa tanong niya na iyon.

“Hindi naman niya tinuloy. I know he was also grieving but I was focusing on my own pain. Hindi siya nakipaghiwalay sa akin, instead, he helped me. He talked to me and made me understand that I need help…”

“At first, I didn’t understand what he meant… Hindi ko alam na… That I was suffering a trauma from the loss I had… From the loss we had.”

Tumango siya at may isinulat sa kaniyang papel. She was a friend of mine from college. She graduated psychology, and she is my psychologist. Pumupunta rin ako sa psychiatrist ko para sa medication ko.

Isang taon na nang mangyari ang pagkawala ng anak ko. Hindi ko pa rin tanggap but I’m working on it. Alam ko na masaya na siya sa kung saan man siya ngayon. Dapat ako rin ay maging masaya na para sa kaniya. That’s why I’m cooperating with my psychologist and psychiatrist.

“Go on, Wynea…”

“Here we are… I wouldn’t be here talking to you if it wasn’t because of him. He helped me… Naintindihan ko na he was just trying to be strong for us.”

“Post-traumatic stress disorder is difficult to handle, mostly for those who experienced miscarriage. I’m seeing some improvements. Wynea is already opening up to me…” Ngumiti siya sa amin.

Noah held my hand and kissed it. Namula naman ako sa ginawa niya.

“I still have nightmares…”

“Don’t worry, I will try my best to help you recover, I just need your cooperation. You told me your psychiatrist has told you that you’ve been responding to your medicines?” Ngumiti siya at natutuwang tumango naman ako.

“We’ll get over this soon, babe… I trust you and us.” Bulong ni Noah habang hinahalikan ang noo ko.

“I hope so… Thank you so much, Noah.” Ani ko at hindi na siya nagreply doon, ngunit ngumiti lang siya.

“We’ll build the family that we want. I will make sure it will be strong enough for any storms to come.” Sabi niya at tumingin sa tombstone ng anak namin.

It’s been two years, anak… I’m still sorry.

“I’m sorry, baby… You will always be remembered. You will always be part of our family. We love you!” Sabi niya sa anak namin.

The hospital gave us options. We chose to bury our baby and gave him a proper burial. He still deserves it. Hindi niya kasalanan kung bakit siya nawala.

We want to have another chance together. Alam na namin na dapat hindi binabasta-basta ang lahat ng bagay na ito. Yes, we married oversoon. It was oversoon for us— we got married right away.

Akala namin sobrang dali lang ng buhay mag asawa, not until we faced the actual problems of it because we’re both focused on doing our best in our own careers. But now, we know what to do. We can do it this time.

I will make sure this time that I will communicate better with him. It’s never oversoon to do so.

For me, the sky is bluer and the sun is brighter, not until today. It’s a brighter day ahead of us.

THE END

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top