Forgive and Forget
FORGIVE AND FORGET
- this is part of an anthology published book (family themed) under KM&H Black Forest Publishing.
By: Jhela Mae Alvez
Genre: Drama
I prepared myself and the things beside me, I looked outside the window of the airplane.
I felt nostalgic all of the sudden, but there's this misery and longing that keeps on forming in my heart. Pakiramdam ko bago lang ang lahat sa'kin.
"Okay ka na?" Tanong ni mama sa'kin na katabi ko lang, I gave her a quick and cold nod.
Medyo masama pa'rin ang loob ko sa pagpilit sa'kin na lumipat dito sa Manila, we are starting over again, pagkatapos kaming iwan ni papa para sa kanyang bagong pamilya ay nag-iwan 'yon ng sugat sa buong pamilya namin.
Kahit na nangyari ang mga bagay na 'yon, leaving Cebu is not my option at first. I'll still choose to forget everything, but mama's choice will be the majority.
"Alam kong masama parin ang loob mo, but please Stacy, cooperate with me, masakit sa'kin ang lahat, ang pag alis natin ng Cebu at ang pagpili ng papa mo sa isang pamilya niya," pakikiusap ni mama.
I stilled for a minute, I felt the heat at the side of my eyes.
But no.
Pinigilan kong tumulo ang luha ko, since I left Cebu, sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako maglalabas ng luha sa Manila.
"But why choose Manila, ma? 'Di ba ito ang lugar kung saan kayo nagkakilala ni papa?" Sumbat ko at pinagpatuloy ang paglagay ng mga damit ko sa closet.
"And itong bahay na ito, 'di ba ito ang bahay na pinagawa ni papa sa'yo at ipinangalan sa'yo? Why choose these simple memories with papa if the fact and the reason why we're here is because we need to forget him!" Hindi ko na napigilan at nasigawan ko si mama.
Agad akong nagsisi sa ginawa ko, tumulo ang mga luha sa mata ni mama at napa-luhod sa sahig.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"I-I'm sorry, ginawa ko lang naman ang mga bagay na ito, kasi kahit papaano, kahit ano pa ang ginawa ng papa mo, m-mahal na mahal ko parin siya, papa mo parin siya, siya parin ang unang lalaki na nagpadama sa'kin ng mga sari-saring emosyon," umiiyak na sabi ni mama.
"N-no, sorry po mama. Nabigla lang ako," sabi ko at hinayaan nalang tumulo ang luha mula sa mata ko.
Suminghot ako at niyakap ng mahigpit si mama, she did the same. We stayed like that.
Tumayo ako at hinila si mama patayo.
"No more tears now," bulong ko.
She smiled, pero hindi umabot sa mga mata niya ang ngiti na 'yon, which I find very hurting. Huling kita ko sa mga genuine na ngiti ni mama, noong maayos pa ang pamilya namin. Noong hindi pa ume-eksena ang kabit ni papa.
It could've been the same, if papa didn't cheated and still chose us. His real family.
"Do you want to leave this house? Hahanap ako ng ibang lilipatan-" I stopped her.
"No. It's your choice mama, kung gusto mo dito, dito tayo," sabi ko sa kanya.
Hindi siya umimik at tumitig nalang sa maleta ko na nakabalandra sa may pinto ng closet.
"How about your job?" Tanong ni mama mula sa kawalan.
I am a high school teacher, sa English subject. Sa Cebu ako nagtuturo and medyo matagal narin ako doon.
Sinabi ko sa kanila ang pag-reresign ko, nalungkot sila dahil do'n, kasi ako nalang daw ang teacher do'n na seryoso, kasi sila mga ma-gimmick sa buhay.
"Nag resign na po ako, hahanap nalang ako ng mga public schools dito para magturo, may resume naman ako at tinulungan narin ako ng principal sa CNHS, para 'di na ako mahirapan sa paghahanap," sabi ko kay mama at pinagpatuloy ang paniniklop ng mga damit ko.
"Good to hear that," sabi ni mama at medyo narinig ko ang pagtayo niya.
"Maghahanda nalang ako ng meryenda natin, alam kong puno lagi ang refrigerator dito dahil kay Ate Livia," sabi ni mama at lumabas na ng k'warto.
Natulala nanaman ako, these days, napaka bigat ng damdamin ko, at napaka simple lang ng ginagawa ko. I eat, I take a bath, I got to work, I go home and I tuck myself in my bed and I will cry until I sleep.
Paulit-ulit kong ginawa 'yon, simula ng pumili si papa. Simula rin na nangyari 'yon, the real Stacy is lost, 'di ko alam kung nasaan na siya, and hindi ko alam kung kailan niya balak bumalik.
"Kain na tayo Stacy!" Narinig kong sigaw ni mama mula sa baba kaya nagmamadali akong nagsuot ng sapatos at bumaba agad.
It's my first day sa work and I don't feel any pressure or nervousness. I mean, sanay na ako, this is what I love the most. Teaching.
Pagkapasok ko sa dining room ay nandoon na si mama at nakaupo sa isang upuan doon, naghihintay sa'kin.
Tinignan ko ang mga pagkain na nakalapag sa lamesa at napa-tsk nalang.
"What's with the face?" Tanong ni mama pagka-upo ko sa harap niya.
"My diet is ruined," angal ko at kumuha ng rice.
I heard mama's chuckle.
"You could've worried about that before you requested many foods," tawa ni mama.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, " I did?" I asked.
"Yes, last night? Or you were just sleep walking?" Then she stopped to think.
I mean seriously, she's thinking about it?
"I-" napatigil ako ng marinig namin ni mama ang doorbell ng bahay.
Tumayo siya at inilapag ang kubyertos sa lamesa, "ako na ang titingin, kumain ka na d'yan," sabi ni mama at pinuntahan ang front door.
Naglagay na ako ng eggs at bacon sa plato ko at naglagay narin ng juice sa baso, pagkatapos ay nag-sign of the cross muna ako bago kainin ang pagkain ko.
"'Nak..." Narinig kong tawag ni mama kaya dali-dali kong binitawan ang mga kubyertos at pumunta sa salas.
Pagkapasok ko ay laking gulat ko na may nakaupo sa sofa at kahit nakatalikod ito, ay kilalang-kilala ko ito.
"Papa..." I murmured. Tumingin silang dalawa sa'kin, doon narin ako nagkaroon ng access na makita ang itsura ni papa.
"What are you doing here?" Sabi ko kay papa.
"Stacy..." May tono ng pagbabanta na sabi ni mama.
"What? Tama naman ako eh, anong ginagawa niya dito?" Sabi ko.
I saw how papa's eyes saddened, he grew a big beard. Ano hindi siya inaalagaan ng pamilya niya doon tapos dito siya lalapit sa'min?
"Your papa needs our help, Stacy," sabi ni mama.
I laughed, nagpapatawa ba sila? Kasi, oo natatawa ako!
"Help? For what? Tapos ano kapalit? Iiwan ulit tayo niyan ma!" Sigaw ko.
Papa looked down after that and didn't spoke.
"Wait Stacy, before your other reactions, your father told me that his family in Cebu disclaimed him after knowing he has a Liver Cancer, his child wasn't really his child, gawa-gawa lang ng babae para makakuha ng pera sa papa mo," pagpapaliwanag ni mama.
But my mind is closed.
"Bahala na kayo ma, but remember I warned you," sabi ko at binigyan si papa ng huling tingin.
"S-stacy, a-anak-"
"Quit calling me that! Simula ng pumili ka, wala ka ng anak na pangngalan ay Stacy!" Sigaw ko at umakyat sa k'warto ko.
"Stacy!" Sigaw ni mama pero hindi na ako nagbalik ng tingin.
"Welcome and Good morning ma'am Stacy!" Bati ng mga istudyante ko na Grade 7.
"Thank you and please sit down," ngiti ko sa kanilang lahat.
"Okay class, ang topic for today is all about mythology, focus muna tayo sa greek mythology," sabi ko sa kanila ang nagsulat sa whiteboard.
"Are we talking about Zeus and the other Gods?" Tanong bigla ng isa kaya tumingin ako doon sa nagsalita.
I nodded, "yes," sagot ko sa tanong niya.
"Zeus? 'Di ba babaero 'yon?" Tanong ng isang student. Nagtawanan ang lahat dahil do'n at nag-ingay.
"Quiet. To answer your question, miss..." I looked at her.
"Alice po ma'am," sabi niya.
"Okay, Miss Alice. Yes, babaero si Zeus, because of his wealth, fame and power, many women adore's him and wants him, that is an advantage of him for him, pinagsamantala niya ang kanyang kapangyarihan para magpalit-palit ng babae," k'wento ko sa kanila.
"Parang sa real world lang-" I stopped when I saw someone raised their hand.
"Yes? Stand up, mister..." Sabi ko.
"Dylan po ma'am, but Zeus had a wife named Hera, right?" Tanong ni Dylan.
"Yes," I nodded, tinukod ko ang kamay ko sa desk.
"And after being with Hera, his playboy sides has come to an end," he pointed out.
"Yes but after that, he still searched for women-" I was stopped.
"Sorry for stopping you ma'am but that's another version of the story, pagkatapos maging sila ni Hera ay natigil ang pambababae ni Zeus, the lesson for them is, kahit gaano pa kababaero ng isang tao ay deserve nila ng chances, why do we think na kahit sobrang makasalanan na tayo pero buhay pa tayo? It's because God forgives us and gives us chances, ang Diyos ilang beses magpatawad, tayong mga tao pa kaya na hindi niya ginawang perpekto," sabi ni Dylan.
I was dumbfounded at what he said. Wala akong imik pero nagpatuloy lang siya sa pagsasalita at nagpatuloy lang ako sa pakikinig.
"May mga tao rin na nakagawa ng kasalanan like choosing what is indiscreet and made a bad decision which made someone leave or something to break, pero tao lang tayo, all we need to do is forgive and give at least chances," after that the class was dismissed.
Tulala ako habang pauwi, iniisip ko parin ang sinabi ng student ko kanina. That is the last thing that i'll think with pero may something, tama ang sinabi niya pero dapat ko ba'ng bigyan ng chance si papa?
Pagkadating ko sa bahay ay agad akong pumasok at ingay ng TV ang sumalubong sa'kin.
Nakaupo si papa sa sofa habang nanonood ng TV.
Nakita niya ang pagdating ko kaya agad siyang tumayo at sinalubong ako.
"Stacy, Ginabi ka ah, gusto mo na bang kumain, halika ipaghahanda kita," sabi ni papa sa'kin.
I shooked my head, "busog ako," sabi ko at umupo sa sofa.
"Inaantok ka na ba? Akyat ka na doon, bukas may pasok pa ulit," sabi ni papa.
And doon ko lang na-realize ang pagka-miss ko sa kanya. I wanted to hug him tight and forgive him, pero parang may pumipigil sa'kin.
"Stacy..." Bulong ni papa.
"What?" I tried my best not to let my voice break down.
"I'm sorry..." Sabi ni papa, kaya tuluyang tumulo ang pinipigil kong luha.
Naramdaman ko ang pagtabi ni papa sa'kin kaya niyakap ko siya. Yumakap naman siya pabalik.
"M-masakit, sobra. 'Yung pagpili mo sa isang pamilya mo, dinamdam ko 'yon pero wala eh, kahit anong mangyari tao pa'rin ako, dapat nagpapatawad, papa pa'rin kita kahit anong ginawa mong kasalanan," iyak ko.
He shushed me and I felt him rubbed my back to soothe me. I cried harder, I know that I wa too rude, they didn't grew me like that and I feel bad.
"Nanghihingi ako ng tawad sa ginawa ko, nagsisisi ako Stacy, sobra, mahal na mahal ko kayo ng mama mo," iyak rin ni papa.
"I-i forgive you... Papa," sabi ko kay papa.
Niyakap lang niya ako ng mahigpit, naramdaman ko rin na may pares pa ng mga braso ang nakiyakap.
"Ang daya niyo, ano kayo kang ang magyayakapan?" Sabi ni mama kaya nagtawanan kami.
People needs to forgive for other's mistakes too. Everyone should forgive and try to give chances, hindi man sa mabilis na panahon.
I love my family so much. And ours is neither perfect nor invincible. It's made to break and fall back together again. Just like other families. I will forever treasure the family that I belong.
Just like Hera and her children, they forgave Zeus.
-END-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top