Chapter 8
Chapter 8
Gusto kita!?
Panaginip na naman. At naalala ko na naman ang chance na 'yon.
I thought that's the chance to meet him but it was not my lucky moment. Sayang nga talaga na hindi ko na nakita, natuon lang talaga ang mata ko sa kwintas na suot nito na katulad at kalahati nang sa akin. Kung iniangat ko nga lang talaga ang ulo ko makita ang mukha niya. Kilala ko n asana siya, ang soulmate ko pero asar pa rin! Pero kahit ano naming mangyari, still loyal ako kay Man of my dreams. Nag-iisa lang siya.
"Here we are." Paul said. Bumaba na siya sa sasakyan dahil siya naman ang nagda-drive. Sumunod din naman kaming tatlo na bumaba sa sasakyan. Feeling ko, nawalan ako ng gana. You know the feeling when you thinking over and over again for a thing that you want to see and the moment you saw it, it never happened to saw what I want. Hindi naman sa nadidisappoint, nakakapanghinayang lang. Kailan ko kaya ulit siya makikita? And that's necklace.
Nandito kami sa Mines View Park. Nakikisama lamang ako sa kanila dahil sila rin naman ang kasama ko dito at baka matsempuhan ko pa ulit siya. Sumusunod lang naman ako sa lakad ng tatlo, picture dito picture doon. Lalo na si Patricia na dumiretsyo sa malalaking aso doon.
"Jessica! Picture-an mo nga ako!" Utos niyo sa akin. Dali dali ko naman kinuha sa kamay niya ang camera. Nakailang shots naman ako sa kanya. "Ikaw naman! Dali!" Aniya sabay kuha sa kamay ko ng camera at ako naman ang pumwesto katabi ng malaking aso na ito. Mabuti na lang at hindi 'to nanghahakmal.
Naka-isang picture na siya sa akin kaya tumayo na ako. "Ang cute 'no?" Sabi ko naman.
Tumango naman siya sa akin. "Pero wait! Tignan mo mukha mo dito, Jess! Bakit ang lungkot? Ano meron?" She looked at me saka naman ako umiwas.
"Ah? Kasi...wala!" Saka ako ngumiwi.
Hindi na niya rin naman ako pinilit na sabihin kaya nagikot-ikot pa kaming apat sa park na ito. Nagtititingin tingin na lamang ako sa paligid tapos inaalok nila ako nang mga pagkain at ibang giveaways ay tumatanggi na lamang ako. Iba ang hanap ko.
Napaangat na lamang ako ng ulo ko na tumabi sa akin si Ivan saka ako naghalf-smile.
"May problema ka ba Jess?" Ivan started. I shook my head as response to him. "Ramdam ko, is it something wrong?"
"Ivan... wag ka na makulit. As I said, wala 'to." Saka na ako ngumiti sa kanya.
"'Yan! Dapat lagi ka kasing nakangiti, cute ka diyan eh!" Saka nito pinisil ang pisngi ko.
"Wag mo nga ako binobola, Ivan!" I giggled. Nagtawanan na lang din kami ni Ivan. "May pupuntahan pa ba tayo?" Pagtatanong ko naman sa kanya.
"Ah, oo ata."
"Saan?" I asked. Ivan shrugged.
"Pero bakit ka pa magtatanong kung sa puso ko naman pwede ka nang pumunta?" Ah he said. Alam kong naginit ang mukha ko sa sinabi niya. Ewan ko pero parang feeling ko kinilig ako sa kanya. Banatero rin pala 'to si Ivan hindi lang napaghahalataan.
"Hoy! Tama na nga landian diyan. Oo alam namin, bagay kayo." Patricia frankly said. Nagulat naman kaming dalawa ni Ivan at todo defend sa aming dalawa. Tatawa tawa naman si Paul sa amin. Pero silang dalawa ni Patricia parang walang something.
"Actually, Jessica, Ivan. May something kayo." Paul said. Napataas kilay naman ako sa sinabi niya. Hindi ba pwedeng si Man of my dreams na lang. Oh well, hayaan na nga lang.
"Ang harot mo kasi e, 'yan tuloy napagkamalan pa tayo." Sabi ko naman sa kanya at naunang maglakad pero hinabol ako nito at hinawakan sa braso ko at napaharap ako sa kanya.
"Binibiro ka lang e. Ang bili mo naman—" pinutol ko na siyang magsalita pa.
"Alam ko Ivan, it isn't a joke." I rolled my eyes.
"Then yes it is." He smirk. As I rolled my eyes again, hinigit ko na ang kamay niya at sumunod na muli sa paglalakad. Dahil nakaramdam na rin ako ng gutom ay kumain kami, Ivan treated me syempre.
"Tara na guys sa Wright Park!" Paul said. Sumunod din naman kami at tinahak ang daan patungo sa sasakyan. Sumakay at mabilis itong umandar.
"Jess?" Ivan again. Naramdaman kong hinawakan nito ang ibabaw ng kamay ko, napatingin ako doon at agad ko naman inalis. Nakaramdam kasi ako ng kuryente sa pagdikit ng balat namin.
"Ivan, mamaya na."
"Galit ka ba? Nilibre na nga kita eh. Bakit ba?" I sighed and look at him.
Pero magsasalita na sana ako nang biglang sumingit si Patricia sa aming dalawa. "Wow ha?! LQ kayo?" I glared at Patricia.
Iniwas ko na rin naman ang tingin sa kanya at kay Ivan binaling. "K-kasi... kasi gust—"
Napabangon ako bigla sa kinahihigaan ko. "Kasi nagugustuhan na kita!" Napamulat ako sa nagawa kong pagsigaw. As in sumigaw pala ako. "Patricia!"
"Oh Jessica! Ano ba! Nananaginip ka na naman ba?! Baliw ka talaga!" Sabi nito saka ako pinalo sa braso ko.
"Nasaan tayo?!" Pagtatanong ko sa kanya. Lumilingon lingon naman ako sa paligid at mukhang nasa kwarto ako.
"Sa bahay na natin, akala naming hinimatay ka kaya dinala ka sa clinic, pinabuhat ka pa sa guard don. Mabuti na lang at wala gaanong tao don. Agaw atensyon masyado, Jess. Tss."
I sighed. "Hindi ko alam, hindi naman ako hinimatay pero parang nakatulog na lang ako bigla. Hindi naman kulang tulog ko Pat."
"Malay ko sayo, tsaka ano 'yang sinisigaw sigaw mo diyan na nagugustuhan mo na?" Napakagat ako ng labi ko sa sinabi niya. Kasi naman. Pero bago pa ako magsalita ay pumasok sa kwarto si Mommy na may dala dalang tray ng pagkain.
"Oh Jessica, I heard your voice. Mabuti at gising ka na." Nilapag naman nito sa side table ko ang tray.
"Medyo nahihilo lang ako, Mom." Pagamin ko naman. Hindi ko alam kung bakit ganun. Nababahala pa rin ako sa panaginip ko, talaga bang sinabi ko 'yun? Hindi pa rin ako makapaniwala.
"Sige, nagluto naman ako ng soup tapos uminom ka na rin ng gamot." Sabi ni Mommy. Tumayo naman ako at sumunod pala ng kwarto.
Habang naglalakad kami ay sinisiko ako ni Patricia at inaasar sa sinigaw ko kanina. I rolled my eyes to her, kung makaasar kasi parang wala nang bukas.
"Sino ba sinabihan mo n'un?" Pangungulit pa niya.
Hindi na naman ako naka-angal pa dahil sa kulit nito.
"Patricia, panaginip lang naman kasi 'yun."
"Eh kasi kanino mo nga sinabi 'yung 'Kasi nagugustuhan na nakita!'" Paggaya pa nito sa pag-sigaw ko daw kuno.
"Wala..." Nauna na akong maglakad sa kanya pero hinablot niya ang braso ko at tinitigan ako sa mata ko. Naguluhan naman ako sa ginawa niya kaya pinipilit kong inalis ang kamay niya.
"Sino nga?"
"I wont."
"Dali na! Hindi ko naman kasi sasabihin. Please?" Pagmamakaawa pa nito.
I smirk. "Patricia, its my dream. Its confidential and private." After I said it she lose her hands in my arms. Nagpout ito kaya napatawa na lang ako sa kanya.
Tinungo na naming ang kitchen at pagkadating namin doon ay busy si Mommy sa paghahanda nang aming makakain. Namiss ko talaga 'yung mga gawain ni Mommy kaya miss na miss ko siya nang sobra. Umupo naman kami sa upuan at nagsimula nang kumain.
"Jess, mainit init pa 'yan. Kumain ka ng marami ha." Mommy said. Tumango na lamang ako. Nagsimula naman akong humigop sa soup ko. Nairita naman ako bigla kay Pat na makatitig sa akin dahil hindi ko sinabi sa kanya kung sino 'yung sinabihan ko n'un. She insist me. Hindi ko naman sasabihin, unless diba? Darating din naman ang time na malalaman rin niya pero its just a dream, kay Man of my dreams pa rin talaga ako.
"Patricia, kumain ka na nga lang. 'Wag mo ko titigan."
"Sino nga kasi 'yun?" Pagpupumilit pa niya.
"Alam mo Patricia, try mo rin managinip para maranasan mo rin yung nafifeel ko diba?"
"Okay fine! Unless, si Ivan ang tinutukoy mo."
Halos mabilaukan ako sa sinabi niyang pangalan. Napatitig na lamang ako sa kanya at siya matawa tawa na. Nagpunas naman ako nang labi ko at inirapan siya.
"Oh my gosh! Jessica! Si ivan?" I shook my head. "Weh? Wag nga ako. Halata na sayo eh."
I sighed. "Bahala ka diyan." Ang epal naman kasi ni Pat kung makabanggit ng pangalan akala mo close sila. Ah, kahit ako naman hindi rin eh.
"Kinikilig ako for you Jess! JeVan FTW!" Napailing iling na lamang ako sa kanya at nagpatuloy sa pagkain. Iba talaga kapag may pinsan kang kakagaling lang mula sa mental, joke lang.
Nauna ako matapos kumain kay Patricia kaya nauna rin akong pumunta sa kwarto ko. Nilaro ko muna ang Ipad ko pampalipas oras at pampa antok na rin. Habang naglalaro ako ay may kumatok sa pintuan at pumasok na ito.
"Jess, gising ka pa ba?"
"Oh, bakit?"
"Nandiyan si Ivan." After she said those lines. Napaharap agad ako sa kanya. Kinabahan ako bigla.
"Seriously?!"
"I knew it! Tama nga hinala ko. Jessica, hindi mo naman kasi dapat pagtaguan pa. Nahalata ko naman." Totoo nahiya ako bigla. Hindi ko naman mean na sabihin 'yun eh. Siguro nadala lang ako sa panaginip ko kaya nadala in-reality. Minsan diba, ganun? Tumatawa ka nga minsan kapag tulog. Ang sarap kaya sa pakiramdam n'un.
"Sige, lumabas ka na." Saka ako bumalik sa pag-lalaro ko sa Ipad.
"Ay, seryoso ako Jess. Nandiyan sila sa labas."
Napabangon ako dali dali sa kinahihigaan ko. Ayos pa ba ako? Mabango ba ako? Naligo na naman ako diba. Dali dali naman akong lumapit kay Patricia.
"Paano nila nalaman na dito tayo nag-stay?" Pagtatanong ko naman sa kanya.
"Tinext nila ako, bibisita daw sila eh. Ang late na nga eh."
"Talaga? Tara!" hinigit ko naman si Patricia papunta sa sala at halos maluwa ang mata ko na wala akong madatnan.
Nadisappoint naman ako bigla.
"Hinahanap?"
"Kasi sabi mo nandito sila diba?"
"It's a 3J Jess."
"Anong 3J?" Pagtatanong ko naman sa kanya.
"JOKE! JOKE! JOKE!" Then she laughed. Wala na naman ako, talo na naman ako. Wala na buking na talaga ako. Si Patricia na talaga. "JeVan For The Win!" she cheered. Napailing iling na lamang ako sa kanya.
I sighed. Jevan? What?!
'Hindi pwede si Ivan. Loyal ako kay Man of my dreams.' Ani ko sa sarili ko.
Bumalik ako sa pagkakahiga ko at tinuon ang paglalaro muli sa Ipad hanggat sa bumalik sa isipan ko ang nangyari sa panaginip ko.
*DreamFlashback*
"Pero bakit ka pa magtatanong kung sa puso ko naman pwede ka nang pumunta?" Ah he said. Alam kong naginit ang mukha ko sa sinabi niya. Ewan ko pero parang feeling ko kinilig ako sa kanya. Banatero rin pala 'to si Ivan hindi lang napaghahalataan.
"Hoy! Tama na nga landian diyan. Oo alam namin, bagay kayo." Patricia frankly said. Nagulat naman kaming dalawa ni Ivan at todo defend sa aming dalawa. Tatawa tawa naman si Paul sa amin. Pero silang dalawa ni Patricia parang walang something.
"Actually, Jessica, Ivan. May something kayo." Paul said. Napataas kilay naman ako sa sinabi niya. Hindi ba pwedeng si Man of my dreams na lang. Oh well, hayaan na nga lang.
"Ang harot mo kasi e, 'yan tuloy napagkamalan pa tayo." Sabi ko naman sa kanya at naunang maglakad pero hinabol ako nito at hinawakan sa braso ko at napaharap ako sa kanya.
"Binibiro ka lang e. Ang bili mo naman—" pinutol ko na siyang magsalita pa.
"Alam ko Ivan, it isn't a joke." I rolled my eyes.
"Then yes it is."
*EndofDreamFlashback*
That's the worst dream ever!
I yawned. Nilagay ko naman sa side table ko ang Ipad ko at muling bumalik sa pagtulog baka muling matuloy ang panaginip na nabitin.
"Really?" I asked Ivan. He's smiling and hoping for my answer.
"Ano 'yun?" Pagtatanong ko naman sa kanya.
"You said you like me." He said.
"Oh my gosh! Guys, kayo na!" Patricia said.
Napailing iling na lamang ako sa kanilang tatlo.
"Sige na, tara na sa Wright Park." Paul saved me.
Naglakad naman kaming tatlo pabalik sa sasakyan at sa hindi ko malamang dahilan ay biglang hinawakan ni Ivan ang kamay ko. Hindi ko naman inalis hanggat sa makarating na kami sa sasakyan ay hindi niya pa rin ito binibitawan.
"Ah, Ivan. Hindi mo ba bibitawan 'tong kamay ko?"
"Nope." Tipod nitong sagot sa akin. "Because Jessica, I want to hold you right now."
"Huh? Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi na ako makakakita ng isang katulad mo. I will never let go if your hand. Hinding hindi ko na 'to papakawalan pa."
"Eh?" taas kilay ko naman siyang tinignan. Saka ako nito biglang kiniliti, ako naman ay todo defense ay ganti sa kanya at nang makatakas sa kanya ay tumakbo ako. Pero sa hindi ko napansin ang taong nasa harapan ko kaya natumba na lang ako.
"Jess!" I heard Ivans voice na palapit sa akin pero nang tumingin ako sa kanya ay tumigil ito.
Napatingin naman ako sa harapan ko dahil may kamay. "Sorry." Inabot ko naman ang kamay ko sa kanya at tumayo ako.
"Salamat." I said saka ko na siya nilingon. "Wait—Ikaw?!" Halos magulat ako sa nakita ko. Ngumiti na lang ito at tumakbo palayo sa akin.
Tumakbo na naman siya sa akin. Ayaw niya ba akong makasama?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top