Chapter 47: In Danger.
Chapter 47: In Danger.
3rd POV.
Dumating sina Patricia, Ivan, Terreence at Paul. Ang papa ni Patricia at ang tatay ni Jess. Kinakabahan ang lahat ng patungo pa lang sila sa lugar na iyon. Liblib ang lugar kung saan wala gaanong mga tao ang pumupunta dito lalo na kapag gabi dito ay tiyak na hindi ka makakauwi ng ligtas.
"Buti na lang umaga ngayon." Sabi ni Patricia. Mas nakakatakot kasi kung gabi sila susugod dahil na rin sa iba pang pwedeng mangyari dito.
Nasa kamay na nila ang limang milyon. Inutang ng papa ni Jess ang isang milyon sa tatay ni Patricia. Nagtulungan na rin sila para sa ikabubuti ng lahat. Bumaba sila sa kotse. Nanginig ang kanilang mga binti dahil baka mamaya isang tao ang pagbabarilin sila.
"Tibayan niyo ang loob niyo." Sabi ng papa ni Jess. Naglakad ang Dalawang tatay papasok sa loob ng abandonadong bahay. Tila isang malaking mansyon na napabayaan na.
Naiwan ang apat sa labas ng kanilang sasakyan. "Nag aalala ako kay Jess. Baka kung ano nang ginawa nila sa kanya." Napaupo ang babae sa takot at nagsimula na itong umiyak.
Pinatahan ito ni Paul na kanyang nobyo. "Alam din naman nating malakas ang loob ni Jess." Sabi ni Paul.
"Tama ka diyan, Paul." Pagsang ayon ni Terrence.
"Nagkakamali kayo!" Natatakot na sabi ni Pat. Tila napakunot ang tatlong lalaki sa sinabi nito.
"Bakit naman?" Ani ni Ivan.
"Malakas man siya sa labas at loob, pero may isang kahinaan pa rin ang nagtataglay sa kanya," Nakikinig lang ang tatlo sa sinasabi ni patricia. Gumugulo na rin ang isipan nila sa sinasabi nito at lalo silang kinakabahan sa mga oras na ito. "Mahina ang puso niya."
"Oo nga pala!" Sinipa ni Terrence ang gulong ng sasakyan sabay ginulo ang kanyang buhok. "Bwisit!"
Nakatitig lang mga ito kay Terrence. "T-terrence..." Lalapit sana si Patricia subalit bigla itong tumakbo papasok sa loob ng abandonadong bahay.
"Terrence!" Sigaw ni Ivan sa kapatid niya.
Nag alala ang tatlo sa ginawa ni Terrence. Hahabol pa sana ang kapatid nito pero napigilan siyang tumakbo ni Paul. "H'wag ka na magbalak Ivan. Mapanganib."
Pero sa isang malakas na tulak ni Ivan napatumba ang lalaki. Agad na lumapit si Patricia kay Paul para alalayan tumayo pero tsempo naman na tumakbo na rin si Ivan.
"Wala na tayong magagawa, kailangan na nating sumunod." Sabi ni Patricia kay Paul. Kahit na mapanganib at pwede nilang ikamatay nagtuloy pa rin sila.
Patagong lumalapit sila Patricia at Paul sa bahay dahil kung hindi makikita sila kung meron mang nagbabantay dito.
Sa kabilang banda kung saan magkasama ang papa ni patricia at jessica. Hawak hawak nila ang dalawang maleta na nagkakahalagang limang milyon. "Nandito na kami." Kausap ni Arthur o ang papa ni Jessica ang Nanghihingi na ransom sa mga ito.
"May susundo sa inyo diyan." Binaba agad ito ng kidnapper. Ilang minuto lang may dumating na ring dalawang nakabonet na itim na lalaki. Ang dalawang lalaki ay may mahahaba at puno nang bala ang baril. Tila bumilis ang tibok ng mga puso ng Dalawa dahil nakatututook ang mmga ito sa kanila. Konting pitil lang sa baril tiyak na buhay na. Agad ang kapalit.
"Sumunod kayo sa amin." Pinauna ng mga nakaitim na bonet ang mga may hawak ng maleta. Nakatututok pa rin sa kanila ang mga baril nito.
"Ilang milyon yan?" Tanong ng isang lalaki.
"Limang milyon gaya ng gusto niyo." Sagot naman ni Arthur. Nagpatuloy lang sila sa paglakad ng mapunta sila sa isang malaking space kung saan walang mga gamit dito.
Kundi ang isang upuan lang.
"Jessica!" Sigaw ni Arthur nang makita ang anak sa isang upuan sa gitna mismo. Hinawakan siya ng isa sa mga nagbabantay sa kanila.
"Papa?" Naintindihan pa rin ni Arthur ang sinabi ng anak. Sigaw lang ito ng sigaw. May panyo pa rin ang bibig nito para hindi na makasigaw. Nakatali ang mga kamay. Nakapiring ang mga mata.
"Nandiyan na pala kayo?!" Isang lalaki ang lumabas mula sa isang pintuan. At iyon ang mastermind sa pangingidnap.
"Nandito na ang hinihingi niyo. Pakawalan niyo ang anak ko!" Nilapag nilang dalawa ang dalawang maleta.
"Wag mo kong sigawan," ikinasa ang baril nito at itinutok kay arthur, "Kundi.. mapapatay kita."
Tinanggal ng mastermind ang panyo sa bibig ni Jessica kaya malaya na itong nakakasigaw. pero kahit anong sigaw niya, wala siyang magagawa.
"Pakawalan mo na ang anak ko."
"Inuutusan mo ba ako?" Itunutok muli nito ang baril nito.
"Nagmamakaawa ako, nandito na ang hinihingi niyo. Pakawalan niyo lang ang anak ko."
"Paano kung ayaw ko?"
Ipinitik ng mastermind ang baril at dire-diretsyo itong papunta kay Arthur.
"HINDIIIII!" Isang sigaw ng lalaki ang namukaw sa kanila. At ang lalaking iyon ang nagligtas kay arthur gamit ang sariling katawan niya.
"Papa!" Iyak lang nang iyak si Jessica dahil sa sunod sunod na pagputok na ng baril. Hindi na niya mapigilan kaunti na lang at bibigay na rin siya. Hindi na niya kaya. Hindi na.
"Ilabas mo na at pumunta na kayo sa hospital dalian niyo." Agad binuhat ng papa ni patricia ang walang malay na katawan ng lalaki.
Nagsuguran na rin ang ibang pulis dahil sa narinig na mga putok ng baril.
Lumabas si Terrence sa pintuan kung saan nanggaling kanina ang mastermind at dire diretsyo itong pumunta sa kinauupuan ni Jessica. "Jessica, Jessica..." Hinahawakan niya ito sa pisngi subalit hindi ito sumasagot kaya tinanggal na niya lang ang mga piring at pagkakatali dito.
Sumugod si Arthur sa mastermind. Nakipag agawa ito ng baril. Pilit silang nag aagawan. Tila isang buhay ang mawawakasan. Pumaibaba ang agawan nila ng baril hanggat sa isang putok ng baril ang nangibabaw. Natigil ang pareho sa nangyari, ikinagulat kung sino ang tinamaan. Naunang bumagsak ang mastermind. Tinamaan ng bala sa kanya tagiliran.
Hindi na niya ito pinansin subalit nagpatuloy ito kung saan nagmumula si Terrence at Jessica. Dumating na rin si Patricia at Paul mula sa kanilang kinatataguan.
"Jessica..." Nag aalalang tanong ng ama ni jessica. Tila walang malay ito sa mga oras na ito.
"Dalhin na natin sa ospital." Sigaw na ni patricia sa sobrang pag aalala. Binuhat ito ni terrence. Nagmamadali ang lahat na sana may tsansiya pa itong mabuhay.
Pagkarating sa sasakyan ay nagdirediretsyo na agad sila sa malapit na ospital sa liblib na lugar sa downtown. Pagkadating sa ospital ay agad idineretsyo ang walang malay na katawan ni Jessica.
"Sana natutulog lang siya. Sana panaginip lang lahat." Ani ni Patricia.
Nag aalala ang lahat nang maipasok si Jessica sa emergency room. Nag aabang ng impormasyon mula sa doctor.
Pabalik balik at hindi mapakali si Patricia kahit ang nga kaibigan nito sa kanilang mga kinauupan tila lahat ay natatakot. Kinakabahan sa magiging resulta. Natigil ang tensyon nang lumabas ang doktor mula sa emergency room.
"Ano na pong balita?" Sabi ng papa ni jessica.
"Mahina na ang tibok ng puso ng pasyente, kung makakahanap tayo ng magdodonate ng puso within 24 hours ay maililigtas pa natin ang pasyente." Sabi lang nito sa kanila. "Maiiwan ko na kayo, kung may katanungan nasa receptionist lang ako."
"Saan tayo maghahanap? At within 24 hours pa?" Nag alala ng todo ang pinsan nito.
"Teka lang nasaan na pala si Ivan?" Nagtaka ang mga ito kung bakit hindi nila kasama si Ivan ngayon.
"Hindi namin alam. Basta tinakbuhan niya kami."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top