Chapter 44: Sana Panaginip Lang
Chapter 44: Sana Panaginip Lang
"Ah!" Napahawak ako sa ulo ako, sobrang sakit ng katawan ko, hindi ko magalaw, hindi ko alam ang nangyari sakin, masakit ang braso ko
"Gising ka na pala" napatingin ako sa nagsalita, isang babae, nakangiti lang siya sakin
"Nasan ako?" Tanong ko, umayos ako sa pagkakaupo at tinitigan siya
[Jessica's POV]
"Jess? Jessica! Gising na!" Minulat ko ang mata ko, kinusot ko muna at dumilat, hindi pala panaginip yun, gustoo kong maiyak pero kailangan kong tatagan ang sarili ko, ginising ako ni mommy, she's been up all night, nag aalala sa nangyari kagabi, si daddy naman, sinundan ata si terrence, hindi ko alam na mag ama pala sila.
Pero si Daddy was my stepfather lang, hindi ko siya totoong tatay, dahil ang totoo kong tatay patay na. That was the first issue of mine
"Mom? Bumalik na po ba si papa simula kagabi?" Tanong ko, nag aalala pa rin ako, kasi baka kung ano pang mangyaring masama diba?
Yung mga panaginip ko. Sana hanggang panaginip na lang talaga yun. Hanggang sa ngayon, hindi ko parin alam yung ipinapahiwatig nun, ang alam ko alam mga boses, maingay.
"Hindi pa nak eh, nag aalala na nga ako eh" si mama, halata na rin sa mukha niya, hindi na nga natuloy ang dinner kagabi sa nangyari, dito muna pina stay si paul, kasi diba ginamit ni nate yung kotse niya? Ano bang pumasok sa utak nun at umalis bigla
"Teka lang mom" nagpaalam ako kay mommy tska ako tumayo, kinuha ko yung cellphone ko sa may table sa tabi ng vase, naiwan ko dun kagabi, I dial ivan's number, nagbabasakali na nasa kanila at umuwi si nate dun, sana nga.
"Hello ivan?" Sinagot din ni ivan
"Ohhhh.... ang aga mo naman napatawag?" Halatang bagong gising pa siya, sorry kung naistorbo pa siya, pero kapatid niya yung nawawala
"Sorry kung naistorbo ka? Nanjan ba si nate?" Tanong ko, sana nasa bahay na nila, at mahimbing ang tulog
"Nate? Sinu yun...?" Bangag ba ito si ivan? Kapatid hindi kilala, napailing naman ako
"Si Terrence? Umuwi ba jan?"
"Hindi baket?" Straight niyang sagot sakin
"Ha?"
"O sige bye" ibaba na sana ni ivan pero pinigilan ko siya
"Wait! Nawawala si terrence!" Sigaw ko na sa kanya, nakita ko si pat na bumaba ng hagdan, hindi ko na siya pinansin
"Ah mabuti naman"
"Ano ka ba? Nawawala na yun tao eh"
"Ano Nawawala?!!" baliw ba ito?
"Oo, sige hahanapin lang namin"
"Sige, balitaan nyo na lang ako" wala ba talaga siyang balak nahapin din? Tss, ang bitter talaga nito ni ivan kay nate, magkapatid talaga..
Binaba ko na ang cellphone ko, walang kwenta naman kausap si ivan, nakakaasar lang. Naglakad ako papuntang pinto nang sumakit ang bandang kaliwa ng dibdib ko
"PAT!" Sigaw ko, ah... ang sakit, sobra na ang hawak ko
"Jessica baket?......... oh my gad" hinawakan niya ako "tita! Tita si jess po" sigaw niya
"Ma, ang sakit .. ah"
"Take this" may pinainom siya saking gamot, pinilit kong inomin, pero bigla akong nahilo at mawawalan pa ata ako ng malay?
---------------------------------------------
Isang minuto na lang ng ikot ng orasan mag aalas dose na, nakatingin lang ako, nakakatitig dahil isang orasan lang naman ang meron dito.
Isang segundo at alas dose na.
"Wag kang pipikit" isang boses ng lalaki ang umalingawngaw, mistulang nag eecho ang boses niya, sa puting paligid
"Gumising ka" isang boses naman ng babae ang sunod na umalingawngaw
"Ingatan mo yan ha?" Isang boses na naman ng lalaki ang sumunod
At sunod sunod na boses ang umalingawngaw sa tenga ko mistulang may gusto silang iparating sakin, pero hindi ko alam kung anong meron. Mga maiingay na makina, mga sigaw, mga paputok ang mga ingay na naririnig ko
"Basta, isipin mo... di lahat totoo"
----------------------
Napabangon ako sa kinahihigaan ko, hinihingal ako, napahawak ako sa dibdib ko, sobrang bilis ng kabog
"Jess, gising ka na rin" binungad ako ni pat tska ni paul
"T-teka nasan ako?" Tanong ko sa kanilang dalawa, gusto kong bumangon pero pag pinilit koo sumasakit ang ulo ko, at kapag pinilit ko pa, parang may kinukurot sa bandang kaliwa nang dibdib ko, pinagmasdan ko ang paligid, nasa puting kwarto ako, mga amoy gamot. Nasa hospital pala ako, umatake na naman ba ang sakit ko sa puso? Lumalala na ata, di ko na ata to mapipigilan
"Nasa hospital ka jess, magpahinga ka na lang! Kami na ang maghahanap kay terrence!" Sabi ni pat sakin. Hinawak hawak ni pat ang buhok ko, nag aalala siya sakin kahit ako din naman nag aalala na sa kalagayan ko. Ayoko mawala. Sana panaginip lang ang lahat.
Humiga na lang ulit ako at nanood sa tv. Wala rin akong magagawa eh, sumasakit din ang ulo sa tuwing kikilos ako. Nagpaalam si pat na hahanapin nga nila si terrence kasama niya si papa. Which is nate's father.
[ Patricia's POV ]
Nag aalala ako sa mga nangyari, hindi ko rin naman kasi aakalain na mag ma pala si terrence tska si tito. Wala akong idea kaya kaming lahat nagulat sa nangyari kanina. We heard that terrence has been in an car accident kaya gumawa agad kami ng paraan para lang mahanap siya. Kasama ko si tito ngayon, hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon. We don't have ideas kung nasaan man siya. Napuntahan na rin naman namin kasi ang place kung saan nagkaroon ng car accident ang nandoon na lang ay ang kotse ni yammy. Walang terrence o kung ano man.
"Tito san naman po natin siya hahanapin?" Sabi ko kay tito, kasama rin pala namin si paul which help us to find terrence. Nag aalala rin siya. Tumingin sakin si tito na blanko, wala rin siyang idea kung saan kami pupunta. Sana panaginip lang ang nangyaring ito mas naging kumplikado pa pala ang lahat.
Napunta kami sa isang lugar kung saan ang lahat ng magpupunta dito ay sasabihin ng ghost town. Wala kaming idea ni tito kung paano kami napunta dito. Basta kung saan saan lang kami mapadpad. Bumaba ng sasayan si tito sumunod ding bumaba si paul at sumunod na rin ako mukhang walang pag asa dito na makita namin si ivan.
"Mukhang wala nang tao dito" sambit ni paul, wala naman kaming maiisasabi pa dahil wala naman talagang katao tao dito. Babalik na sana kami sa sasakyan nang may magtama sa aking mata na mistulang nakatayong babaeng may bitbit na basket. Hindi naman ako nag atubili pang hindi ito lapitan dahil mukhang may mapagtatanungan na kami.
Tumakbo ako palapit sa matandang babae. Sumunod naman sa sakin ang dalawang kasama ko. Nang makalapit na ako sa kanya. Minasdan ko muna ang matanda at kinilatis, siguro naman may alam siyang kung may nakatira man dito o wala.
"Patricia, sino ba yan?" Tanong ni tito, pero hindi ko siya sinagot kundi kinausap ko na lang ang matanda
"Ahm, maaari po ba kayong makausap?" Kung hindi naman siguro nakakasama diba
"Oh ano iyon hija?" Pagtatanong naman nito sa akin.
"May mga nakatira pa po ba dito?" Pagtatanong ko, masyadong tanga ang tanong ko, dahil kung pagmamasdan mo ang paligid at lugar wala nang katao tao.
"Hija, matagal nang walang naninirahan dito, mistulang ako na lang ang tao dito, ako lang" sambit nito.
"Kung ganun po? noong isang araw po may nabalitaan po ba kayong nabunggo ang sasakyan, mata-" pinatigil niya ako sa pagsasalita ko.
"Kitang kita ng dalawa kong mata ang pangyayari. Halika sumunod kayo sakin"
Sumunod lang kaming tatlo sa kanya, walang umimik sa mga kasama ko. Mistulang nahihiwagaan sila sa mga pinagsasabi ng matandang napagtanungan namin at maswerte lang siguro kami dahil makikita na ata namin si ivan. Hindi na mag aalala pa si jess.
Nakarating kami sa isang liblib na bahay, dumaan pa kami ng iskinita para maabot ang kabahayang ito. Mistulang matatakot ka at mapapanindigan ka nang balahibo sa tahimik. Pumasok ang matanda sa loob ng bahay, nakakatakot kung sumunod kami baka mamaya isa pala siyang mangkukulam. Pero lumabas uit siya at pinapasok kaming tatlo.
"Hindi kaya nag aaksaya lang tayo ng oras dito?" Pagtatanong ni paul. Hinawakan ko siya sa kamay niya at hinigpitan ang pagkakahawak dito.
"Hindi paul" sambit ko na lang. Umupo kami sa isang maliit na sofa na kahoy lamang nagkasya naman kaming tatlo, nag alok siya ng maiinom pero tinanggihan namin dahil ang kailangan namin dito, sagot sa mga tanong namin. Na nasaan na si ivan?
"Lola, kung nakita niyo mismo ang nangyaring bungguan, pakiusap pakikwento naman" pakikiusap ni tito sa matandang babae.
Kumuha siya ng isang maliit na bangko at doon siya umupo. Tumingin siya sa mata ko at doon ako pinanindigan ng balahibo.
"Kung ako ang sasagot, oo nakita ko. Isang binatilyo ang nabangga sa may puno. Naglalakad ako noon at naghahanap ng makakalakal nang makita ko ang pangyayaring iyon. Agad akong lumapit sa lalaking sugatan na puro dugo ang ulo nito, hindi na ako nag atubili pang maghintay ng ambulansya kung pagdating doon mamatay din. Kinuha ko na siya at dinala ko dito sa bahay ko"
"Nasaan na po siya?" Pagtatanong ko.
"Oo nga po, kung dito niyo siya dinala?" Dagdag pa ni paul.
"Pasensya na pero ayun din ang ikinagulat ko. Kaninang umaga lang wala na siya, umalis akko para subukan siyang hanapin at baka hindi pa nakakalayo pero dahil matanda na ako hindi ko kinaya"
"Saan na natin siya hahanapin?" Sabi ko. Ginulo ko ang buhok ko. Sigurado akong hindi nito mapapanatag si jess.
Nagpa alam kami sa matandang babae at bumalik sa aming sasakyan. Nagdrive na lang ulit si tito, at balik na naman kami sa dati, walang idea kung nasaan si paul. Pero pasalamat sa matandang nakausap namin dahil nasigurado naming ligtas si terrence.
Habang nasa kahabaan kami ng highway, hindi na rin ako mapakali at sobrang pagod na rin kaya inaantok na rin ako pero hindi ko kailangan magpahinga dahil may kailangan pa kaming hanapin. Nakadako lang ang paningin ko sa bintana nang sasakyan, at nang humagip sa mata kong isang pamilyar na lalaki.
Tinitigan ko ito at hindi ako pwedeng magkamali.
"Ano? Bakit? Nasaan?" Narinig ko si tito na may kausap sa telepono. "Kailangan natin pumunta sa hospital! Nawawala si Jess!" Nagpapanic na sabi ni tito.
"Pero tito, teka lang nakita ko si terrence!" Pagpipigil ko dito.
"Imposible pat, kailangan na nating pumunta sa hospital"
Wala akong nagawa kundi sumunod kay tito dahil siya ang nagmamaneho, sinilip ko ang bintana at wala na si terrence doon, hindi ko na siya matanaw. Nakatulog na lang ako sa buong byahe. At nagising ako saktong pagkadating namin sa hospital! Sana panaginip na lang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top