Chapter 4

Chapter 4

He's Real?

Lumabas kami ng Jewelry store na hindi mabigat sa damdamin, echos lang. Pinilit na rin naman kasi sakin ni Mommy na bilhin ko na rin naman daw tutal maganda naman daw. So I was like, wala talagang pinipili si Mommy kaya kahit anon a lang binibili. But its okay, nagustuhan ko naman pero somethings mystery to find here.

            Lumapit si Patricia sa akin. Tinulak pa ako nito at buti hindi ako natumba. "Jess, anong pinili mo?" Pagtatanong niya sa akin. Pinakita ko naman sa kanya yung necklace na binili ko.

        "Simple but elegant, don't you think?"

        "Oo nga simple siya pero nasaan yung kalahati? Okay na sana. Maganda na, epic fail lang. Kalahati lang sayo." Ngisi pa ni Patricia. Umangal pa akala mo naman siya ang gagamit. Siguro hindi niya lang mafeel na maganda nga, kasi in the first place sa necklace na ito ako unang na attract.

        "Pero Patricia, maganda naman diba?" Pagtatanong ko muli sa kanya.

        "Ewan ko sayo. Atleast itong sakin." Pinakita niya yung bracelet na binili niya na nakasuot na sa kamay niya. "Ang gara diba?" Pagmamalaki niya. I rolled my eyes to her, kahit kailan talaga. Mas pupurihin niya ang sarili niya.

        "Hindi Pat. Ang simple nga eh." Tugon ko sa kanya.

        "Tse!" Pagtataray nito sa akin. Huminto siya sa harapan ko at sinuri ang nakasuot na kwintas sa leeg ko. "Siguro Jessica, kaya kalahati lang ang kwintas mo. May isang tao ka na hahanapin which is yung kapareha ng necklace mo. OMG! This would be exciting!"

            "Hahanapin? Patricia, Im not a detective. Bakit ko pa siya hahanapin? Malay mo, babae rin pala may suot n'un? Ano yun so kaming dalawa? Just think of it Patricia." Saka kami nagpatuloy na sa paglalakad.

"What if lang naman. Try to Jessica, wala naman masama dun diba?"

            "Saan ko naman siya hahanapin, ni hindi ko nga alam kung saan siya bumili."

            "If hindi kayo magkitaan. Jessica, destiny will do that." Napataas naman ako ng kilay sa kanya. Ang dami niyang sinasabi, hindi ko rin alam kung papaniwalaan ko rin siya. Imposible rin naman kasi diba.

            Hinigit ko na siya palapit kay Mommy dahil nahuhuli na kaming dalawa. Ang dami kasing pakara ni Patricia, may sense naman kaya yun? Nang maabutan naming si Mommy ay sakto naman na sa Dress Shop kami pumasok. Nakakapagtaka lang kung bakit pa kami pumasok dito. Marami naman nauwi si Mommy na damit, almost all of her clothes na nga ata eh. Pero hayaan mo na, this is a shopping day.

            "Mom, bibili ka po ng dress?" Pagtatanong ko.

            "As if Jessica. Nasa dress shop tayo. Ano pa nga bang bibilhin dito? Food? Pang hardware?" Aakto sana akong babatukan siya pero nakatingin si Mommy at baka pagalitan lang ako. Okay nang magtimpi sa pinsang lubog.

            "Kayong dalawa talaga." Mom giggled. "Hindi naman para sa akin, para naman sa inyong dalawa." Napa-ah naman kaming dalawa ni Patricia. May kinuha naman si Mommy sa bag niya na inabot din naman kaagad kay Patricia. "Patricia, bigay sayo yan ng Mommy mo. Gamitin mo daw kapag kinakailangan. Wag mo na gamitin yan sa pangshopping mo. Ako nang bahala don."

            "Talaga Tita?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Pat. "Salamat po Tita!"

            Nagpunta rin naman kami sa sections ng dresses. Namangha lang kaming dalawa ni Jessica na puro branded ang mga nandito. Kaso binilinan kami ni Mommy na wag daw masyadong maraming bilhin kasi mahal nga daw dito. Agad din naman kaming dalawa na namili ni Patricia.

            "Jess! I like this dress." Sabit ni Pat habang nilalapat sa katawan ang color cream na dress.

            "Saan mo naman ba yan gagamitin?" I asked.

            "Kapag mag-momall tayo." Sabay tumawa siya. "Nakakasawa na kaya yung mga damit ko sa bahay. Paulit ulit ko na  lang yun sinusuot."

            "Atleast meron diba?"

            "Hindi naman branded." Wala talaga akong panlaban kay Patricia. Gagawa talaga siya nang paraan para makuha niya ang gusto niya. Hindi naman ako ang bibili kundi si Mommy, wala rin naman akong magagawa.

            Pumili rin naman ako ng mga dress at shirts. May napili naman ako na isang purple dress at  shirt na may logo na paris. Hindi naman kasi ako mapili kapag pagdating sa mga ganito kaya kapag natipuhan ko ang isang bagay, ayos na sa akin yun.

            Dinala naman naming ni Patricia ang mga napiling damit namin. Parehas lang naman kami ng damit binili, isang dress at shirt. Gaya gaya lang naman yan si Patricia eh. Pinuntahan naman kaming dalawa ni Mommy sa counter at siya na ang nagbayad nito. Hindi naman malaki ang binayad ni Mommy, ayos lang. Hindi nakakalaglag bulsa.

            Lumabas din naman agad kami ng dress shop, bitbit-bitbit ko ang napamili naming new clothes. Naglakad kami patungo sa Ice cream shop at iniwan muna kami panandalian ni Mommy dahil magwi-withdraw daw muna siya para pang grocery namin.

            "Patricia! Bili ka ng ice cream! Dali!" utos ko sa kanya.

            "Pera? Akin na!" I rolled my eyes to her, kahit kailan talaga. Kuriptot din ang isang 'to. Pumunta naman siya sa counter at ako naman ay naghanap ng mauupuan.

            "Can I sit here?" Napatingin ako sa lalaki na bigla akong kinausap. Napatango na lamang din kaagad ako saka siya umupo sa upuan. Kaharap ko siya ngayon as in.

            Inabala ko ang sarili ko habang nag-iipad ako. Binabalik ko ang tingin ko sa kanya dahil may namumukhaan ako sa kanya. Hindi ako makagconcentrate sa paglalaro habang siya ay nasa harapan ko.

            Huminga ako nang malalim. Nilapag ko ang Ipad sa lamesa, tinitigan ko siya.

            "Ivan?" Sabi ko. Agad naman napalingon sa akin ang lalaki at hindi nga ako nagkakamali dahil magkamukha sila. I mean, magkamukha? Hindi, kasi lumingon siya so it means...

            "Yes?"

            "Jessica!" Napalingon naman agad ako kay Patricia na tinawag ang pangalan ko.

            "Sorry, I have to go." Saka naman ulit nabaling sa kanya ang tuon ko. Lumapit na naman si Patricia sa akin saka nilapag ang Ice cream.

            Umupo si Patricia at parang naloloka na tinititigan na naman ako. "Jessica? Umamin ka! Sino 'yun?"

            Ako naman ay nataranta sa sinabi niya. "S-sino?"

            Napailing iling naman ito sa akin. "Siya ba 'yun?" Nag-isip pa ako sa sinabi niya, saka ako napatango sa kanya. "Wow! As in wow! Jessica, naka jackpot ka!"

            "Tse! Manahimik ka nga." Saka ko siya siniko.

            "Hindi mo man lang ako pinakilala sa kanya." Pang-aaso ni Patricia.

            "Kasalanan ko bang umalis siya kaagad? Pero Patricia, I never knew it was. Patricia, He's real."

            "Ay! Matutunaw na 'yang ice cream mo oh!"

            "Panira ka! I mean, sa panaginip ko lang siya nakita tapos ngayon nagpakita siya. Diba, nakakabilib lang. Akala ko dati it was never happened pero ngayon somethings surreal!"

            "So pa'no si Man of you're dreams mo?"

            "Syempre, hindi ko pa rin 'yun ipagpapalit 'no. Baka, Wait!" alam kong nagningning ang mata ko sa naisip ko. "Baka pwede rin na magpakita sa akin si Man of my dreams!"

            "Baliw!" Saka ako binatukan nito. "Dreams nga diba? Syempre imposible yun! Para kang ano diyan. Pero teka, ilan ba lahat nang lalaki sa panaginip mo?"

            Inisip ko rin naman kaagad. "Tatlo?"

            "Talaga!" She said excitedly! Ako naman ang bumawi sa pagkakabatok sa kanya. "Nananalig ako na isa diyan. Magiging akin!" Aniya na kinikilig.

            "Dream? Panaginip lang diba. Wag ka ring assumera." She rolled her eyes.

            "Oh, eh si Ivan ano 'yun? So nasa panaginip mo pa rin ikaw?"

            Napakunot noo naman ako sa sinabi niya kaya sinabihan ko siyang subukan niya akong sampalin at kurot kurotin para mafeel ko na hindi nga ako nanaginip.

            "Aray! Sabi ko hinaan mo lang! Hindi ko sinabi itodo mo." Pang-aaso ko. Ang sakit naman niya kasi mangurot. As in bumakat sa balat ko.

            Bago pa kami mag-away ay bumalik na si Mommy. Tumayo na rin naman kaming dalawa ni Patricia at sumunod na kay  Mommy sa paglalakad. Napunta naman kami ngayon sa Grocery which is ito talaga yung pakay ata talaga ni Mommy dito.

            "Mom, wala na bang stock sa bahay?" Pagtatanong ko naman.

            "Meron pa naman pero we need to buy. Ang laman na lang kasi nung ref. ay fresh milks, and some fruits na lang ang laman kaya kailangan talaga bumili."

            Tumango na lamang ako kay Mommy. Hindi na kami nakabili ni Patricia ng stock sa bahay simula nang malaman namin na uuwi na si Mommy.

            Agad din naman kaming namili. Si Mommy ay pumunta doon sa vegetables at fruits while us ay sa crackers, chocolates and sodas. Kuha lang naman kami ng kuha ni Patricia kaya malapit na namin mapuno ang isang basket. Kumuha na kami ng cart para hindi na kami naghahawak dahil mukhang mapaparami ang mabibili naming ngayon. Pinuntahan naman namin si Mommy at nilipat niya ang laman ng basket niya sa cart.

        "Ah! Jessica, pumunta ka nga ng pastry section. Magbabake ako." Tumango naman ako kay Mommy. Agad naman akong pumunta dooon at iniwan sila.

            Pagkarating ko sa pastry section ay kumuha na ako pang bakes and suchs. Kumuha na rin naman ako ng syrups pero hindi ko mahanap ang honey syrup. At nang tumingala ako ay doon ko lang nakita, nasa pinakataas siya so paano ko makukuha. Sanamay helping dog na tumulong sa akin dito, chos lang. Nagtatalon talon naman ako para makuha ang syrup sa itaas pero ilang saglit lang din ay may kamay na umabot dito at napatigil ako sa pagtalon kasabay nito ang pagbigay sa akin ng syrup.

            Gentleman. Nice. Hindi ko siya nilingon kundi nagpasalamat na lamang ako sa kanya.

            "Nahihirapan ka kasing kunin eh. Kaya kinuha ko na for you." He said. Nakakahiya tuloy kasi kanina pa niya ako nakikitang tumatalon.

            "Salamat ulit."

            "No problem. Sige, mauna na ako." Tumalikod na siya nang tiningnan ko siya.

            "Wait!" Pagpigil ko naman sa kanya. Humarap naman agad siya sa akin. "Ikaw! Ikaw nga! Paul?"

            Ngumisi ito sa akin. "Yes? Bakit?" ang ganda ng ngiti niya.

            "Diba ikaw yung waiter ng restaurant na malapit sa airport?" tanong ko naman sa kanya.

            Natawa siya bago sumagot sa akin. "Hahaha! Y-yes?"

            "Nice to see you ulit! Sige, mauuna na ako!" Aniko. Umalis na rin naman siya. Infairness, nagkita na naman kami. So somethings were meant to be happen. Ewan, pero kasi diba parang nagiging totoo na sila.

            Bumalik na rin naman kaagad ako kung nasaan sila Mommy. I wonder why, isa isa na ata silang nagkakatotoo. First is Ivan, bigla na lang siyang sumulpot tapos si Paul nagpakita na naman sa akin and Patricia ofcourse. Pano si Man of my dreams? Magiging totoo kaya siya?

            Mukhang imposible. It will never be happened.

            Tinungo naman agad naming ang counter saka binayaran ang mga pinamili namin. Pagkatapos bayaran ay umuwi na kami. Pagkadating namin sa bahay ay sinalubong kami ng ibang maids namin at binuhat ang ibang pinamili namin.

            "Mom, wala po bang charger 'tong Ipad ko?" Pagtatanong ko kay Mommy.

            "Ay nak! Naiwan ko sa France ang charger niyan. Makihiram ka na lang Pat muna." Ang daming dala ni Mommy at yung mismong charger pa ng ipad ko ang hindi nadala. Kaasar lang.

            "Pat! Pahiram muna ako ng charger mo."

            "Mamaya ka na! Deadbat na ko."

            Nilapag ko naman ang ipad ko sa tabi ng ipad niya. "I-charge mo na lang ang akin kapag natapos ka na ah." Tango na lang din naman sinagot niya sa akin. I need to rest ulit, nakakapagod. Si Mommy ay nasa kitchen kasama ang ibang maids ay inaayos ang mga pinamili. Tinungo ko na rin naman ang kwarto ko at pagkapasok ko ay nahiga naman agad ako.

            Hinawakan ko ang kwintas kong kalahati.

            "Nakanino kaya ang kalahati nito?" Sabi ko sa sarili ko. "Siguro kapag hinanap ko 'yun, siya na kaya yun?" Napabuntong hininga naman ako. Nagde daydreaming na naman ako. Tumayo naman ako at pinagsusukat naman ang mga pinamili kong damit. Nakakatuwa lang dahil bagay lahat sa akin ng mga pinili ko.

May kumatok sa pintuan at bumukas din naman agad ito. "Jessica, bumaba ka na lang mamaya. I'll prepare our dinner."

            Tumango na lamang ako kay Mommy. Bumalik ako sa pagkakahiga ko. I feel sleepy. Inalarm ko naman ang alarm clock sa bed side table ko. Pumikit naman ako habang hawak hawak ang half heartshaped necklace ko. Im dreaming again.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top