Chapter 2
Chapter 2
Dreaming
I heard continously knocks on the door. Kauma-umaga nangbubulabog, alam na nga may beauty rest pa ako. At hindi ko pa feel bumangon, nakakatamad. I stretch my arms at sabay kusot sa mata ko.
"Sino ba yan?! Sige pasok!" I command.
I sudden open my eyes and I was shocked! One, Two, Three. Three seconds, I Just stopped for three seconds and still amaze from what my room looks like. Nagpalinga linga ako sa paligid at mukhang hindi nga ako namamalikmata. Muli kong kinusot ang mata ko at napanganga na lamang ako kasabay na pumasok ang babaeng nakapang anime ang damit.
"Good morning, Ma'am Jessica!" She greeted me. Ano daw? Is she said Ma'am? Mukha ba akong Teacher dito. Hindi naman ata diba? I look at her from head to toe at nanlaki lang ang mata niya nang titigan ko siya nang ganun.
Natawa na lamang ako ng mahina na maisip isip na ang gara ng yaya na 'to. Naka uniform pa na pang anime, you know yung mga damit na pang maid?
"Morning too." I smirk. Hindi ko alam pero parang ang yaman yaman ng dating ko.
"Ma'am, darating na po ang breakfast mo." She said, Wala akong idea sa sinabi niya. Tumingin siya sa pinto at napalingon din naman ako doon. And a girl like her uniform came out from the door. "She's here."
Hindi ko alam pero parang naloloka na ako sa nangyayari. First of all, wala akong natatandaan na may magara kaming maid dito sa bahay and itong breakfast na hinahatid sa room ko, iba na ata 'to. Saan ba ako napunta ngayon.
"Here's your breakfast Ma'am. Enjoy your meal." Saka niya nilapag ang tray na may lamang glass of milk, bread and egg and bacons. Aba! Sosyal nito ha. Nasa hotel pa ako sa isang five star o baka promo lang nila 'to?
"Thanks." I said. Kakain na rin sana ako na nakatayo lang sila sa giliran ko at mukhang may inaantay sa akin. "Why? May problema ba?" Pagtatanong ko.
Nagtinginan pa ang dalawa at sabay na tumingin sa akin. "Ah Wala po! Ma'am after you eat your breakfast, you may take your bath. Bath tub is already ready. Alis na po kami." Tumango naman ako sa kanila at dumiretsyo sila palabas ng kwarto ko.
I eat the breafast they gave me. Kung ngayon lang 'to susulitin ko na. Minsan lang ang mga ganitong pangyayari, so syempre I will grab the chance na. After I ate, kinuha ko na rin naman ang bathrobe ko at dumiretsyo sa cr ng kwarto ko.
Naglublob agad ako sa bath tub after I see it. First time din ito at minsan lang din. Ang bubbly ng tubig dito at ang saya paglaruan.
After a moment na magbabad sa bath tub ay lumabas na rin naman ako ng bathroom at nagpalit na ng damit. Tinignan ko ang orasan at magtatanghali na rin naman, masyado rin ata akong napababad sa bath tub.
Lumabas na rin ako ng kwarto ko.
At first glance, my breath stop. Hindi ko alam kung anong marereact ko sa nakita ko. Shining, glimmering at sarap tingnan sa paligid lalo na sa mata.
'Bahay ba namin 'to?' Aniko sa sarili ko. As in Wow! Hindi ako makapaniwala na ganito ang bahay namin. Total renovation ba ang nangyari kaya ganito ang kinalabasan? Wow!
Naglakad naman ako pababa at tumungo papuntang sala. Mas lalo pa akong namangha na makita ang sala namin na mas magarbo pa sa kilalang mayayaman na nagmamay ari ng mga milyones na bahay. Dumiretsyo ako sa sala at umupo sa sofa na mabalahibo and I think, balahibo ng hayop ang ginamit dito kasi ang sarap sa pakiramdam.
Nagpagulong gulong ako sa sofa hanggat sa malaglag ako. Napahaplos naman ako sa pwet ko at umayos ng pagkakaupo sa sofa.
"Yaya!" Tawag ko. May agad agad naman na dumating sa harapan ko na maid. Muli naman akong nagpalinga linga sa paligid at tinignan siya. "Nirenovate ba 'tong bahay?"
Umiling ito bilang sagot. "Wala pong renovation na nangyari. Bakit po?"
"Ah wala!" Sabi ko. "Sige alis ka na!" Saka naman siya naglakad patalikod sa akin. Muli ko naman siyang pinigilan at humarap siya sa akin. "Nasaan nga pala si Mommy? Saka si Pat?"
Sa sinabi ko, parang hindi naintindihan ng maid namin ang sinabi ko at nakakunot ang noo nito. "Ay Ma'am?! Hindi pa po umuuwi Mommy niyo, and sino po si Pat?"
Bago lang ba 'to dito at hindi kilala si Patricia?
"Patricia po! At alam ko po umuwi na si Mommy, anong hindi pa po?" Pagtatanong ko naman sa kanya.
"Sorry Ma'am, wala po talaga akong alam sa kanya. At opo si Madam ay hindi pa po umuuwi. At hindi na daw po siya uuwi dito."
Napatulala na lamang ako sa sinabi niya, umalis naman sa harapan ko ang maid. Ano bang nangyayari sa paligid at mukhang lahat nagbago?
Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumabas ako ng bahay at pumunta sa may garden, ibang iba na nga yung bahay namin, ito yung nasa panaginip ko eh, ito yung pinapangarap kong bahay pero bakit ganun kung kailan natupad ko na saka wala sila. Nasaan na ba kasi sila?
Teka, it shouldn't be a dream! Hindi naman diba?!
I sit upon the bench at kinuha ang cellphone ko. I browse the contacts at halos nanlumo ako na makita ko na walang mga numbers na nakalagay. As in ang linis ng contacts ko. Tinry ko naman na idial ang number ni Patricia, mabuti na lamang at kabisado ko. Unang dial ko pa lang ay sinagot na ito.
"Hello?!" Ani sa kabilang linya. Boses palang kilala ko na.
"Hello! Patricia!" Bakit parang ang saya ko na makausap ko siya.
"Ah! Sino ka?" Tugon nito sa kabilang linya.
"Si Jess 'to! Pinsan mo!" Aniko.
"Sorry, wrong number." Napakunot noo naman ako sa sinabi niya.
"Anong--!" Saka nito binaba. Napatingin naman ako sa phone at sinubukan magsalita pero wala na. Binabaan ako ng bruha.
Nilagay ko sa bulsa ko ang cellphone ko. Nakakapagtaka lang na, hindi ako nakilala ni Patricia doon. Hindi naman nag iba ang boses ko para hindi niya ako makilala at nagpakilala naman ako na pinsan niya diba. Bakit kaya hindi niya ako kilala?
Lumabas ako ng bahay. Wala namang nagbago sa daan, sa mga bahay na nakapaligid. Mistulang ang bahay at ang nasa loob ang nabago. Ano ba kasing meron. Naglakad lakad ako, siguro its time to spare the time sa park.
Nakarating din naman agad ako sa park dahil hindi naman kalayuan ito dito. Nakakapanibago din kasi wala man lang mga tao dito, I mean kasi diba, park dito naglilibang ang mga tao at ngayon walang katao tao. Masyado na ata akong napag-iisa dito. Tinungo ko ang playground at umupo sa may swing doon. Dalawa ang upuan ng swing, kaliwa at kanan pero sa kaliwa ako umupo. I miss this! Childhood fever.
I sudden felt the sadness ng maalala ko yung sinabi ng maid namin. Hindi na uuwi si Mommy at si Pat hindi ako kilala. How rude naman. Napabuntong hininga na lamang ako. Habang nagi-swing ako ay may tumabi sa katabing swing ko. Napalingon nama agad ako sa kanya at nagtama ang mga mata namin. Ngumiti siya at ganun din naman ang ginawa ko. Umiwas siya ng tingin sabay ng swing. Tinitigan ko ang mukha nito kasabay na paghangin ng buhok niya.
"Hi!" Sabi ko. Tumingin siya sa akin at nagstop sa pag-swing.
"Hi din!" Ang manly ng voice niya at tinindigan ako ng balahibo. The feels!
"Taga rito ka?" Pagtatanong ko naman. Ang kapal lang ba nang mukha ko na tanungin ko kung saan siya nakatira. Nakakapanis naman ng laway kung hindi ako magsasalita at siya lang naman ang nakita kong tao dito at sakto pa na lumapit sa akin.
"Hindi! Napadalaw lang ako dito." Aniya sabay nagswing ulit. Napangiti na lamang ako sa kanya. Mukhang stranger ang isang 'to.
"Ikaw taga saan ka?" Nag-isip agad ako ng maisasagot sa kanya.
"Ah diyan lang, liliko ka lang then viola!" In the end, nasabi pa rin kung saan.
"Ah! Nice." He stopped swinging. "What's your name?" He said straight forwardly.
"Ako?! Ah, Jessica Ford. You?" I cant find to stop smiling at him.
"Nice name. Well nice to meet you! Im Ivan Lesto." Saka siya bumalik sa pagiiswing.
Hindi na ako nakasagot pa dahil natameme na ako sa kanya. Ilang minuto rin ay napagpasyahan ko na rin na mauna na sa kanya.
"Ah, sige! Bye!" He said. Naglakad naman ako paatras at kakaway kaway pa sa kanya. He's not the Man i've been dreaming anyway. "Wait!" Tatalikuran ko na sana siya at nasaktuhan naman na may nakabangga akong lalaki.
Napatumba ako sa sahig. Nakita ko rin naman agad kung sino ang nakabunggo sa akin then he offered his hand para makatayo ako. Nang iabot ko ang kamay ko sa kanya ay tinitigan ko siya at may namukhaan ako bigla sa kanya.
"Salamat!" Muli kong inisip kung sino ba yung naaalala ko sa kanya then suddenly it pop ups in my mind. "Ikaw! Ikaw yung waiter sa restaurant diba?!" Pagtatama ko.
Ngumisi ito sa kain. "No way!"
"Pero---" Hindi na niya ako pinatapos sa pagsasalita ko.
"Im not the one who you reffering to." Saka siya naglakad papunta sa lalaking nakausap ko sa swing. "Ivan! Bakit ka mag-isa dito?!" He said to the Guy named Ivan.
"Boring."
Ngumisi naman si Waiter boy na nakilala ko sa restaurant na ang name ay Paul. "Tara sa restaurant." Tumayo naman si Ivan sa swing at lumapit kay Paul. Lumapit din naman silang dalawa sa akin. "Gusto mo sumama?" Yaya nito sa akin.
Hindi sana ako papayag pero hinigit na ni Ivan ang kamay ko kaya no choice ako. Habang naglalakad kami ay walang boses na namumutawi. I mean kasi ang tahimik at wala ni isa ang nagsasalita sa kanila.
"Hoy!" Tawag ko kay Paul na tumingin din naman agad sa akin. "Paul pangalan mo diba, ikaw nga yung waiter?!"
"Hindi nga ako waiter, ako ang may ari ng restaurant na 'yun okay? Im not the waiter, and Yes Im Paul." Saka niya ako kinindatan.
"May problema ba sa mata mo? Bakit pumipikit mag-isa?" I said sarcastically.
"Woah! I like this girl." Ivan said. Saka niya ako inakbayan na agad ko naman tinanggal.
"Teka, lalakarin lang ba natin papunta sa restaurant mo?!" Pagtatanong ko sa kanya na ginatungan din naman ni Ivan.
"Okay! Mag tataxi tayo."
Naghintay naman kami ng tatlo ng taxi. May huminto naman sa harapan namin, pagkapasok ko palang sa loob ay namukhaan ko agad ang driver ng taxi. Bakit siya nagtataxi? Sumisweldo naman siya sa bahay namin diba? Sapat naman para sa kanya yung sweldo niya at ano 'to nag papart time job pa siya?
"Kuya!" Kalabit ko pa kay kuyang driver.
"Bakit Miss?" Sagot nito habang nagmamaneho.
"Bakit nagpa part time job ka ngayon? Wala ka bang trabaho ngayon sa bahay?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Excuse me po, hindi ko po 'to part time job, trabaho ko po talaga ito, saka hindi naman po ako nagta trabaho sa inyo, saka hindi rin kita kilala." Napatahimik ako sa sinabi niya at hindi na nagsalita. Napahiya pa ako sa dalawang lalaking kasama ko.
Baliw din kasi si Manong driver, siya pa nga yung naghahatid sundo sa amin ni Patricia sa school at sasabihing hindi kilala? Haay. Baka finired na siya kaya ganun.
Ilang minuto ay nakarating naman kami sa restaurant daw ni Paul. Bumaba kaming tatlo sa taxi at tinungo ang papasok sa restaurant.
Nothings change. Ako lang ata ang nagbago eh.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top