Chapter 19

Chapter 19

Same school

 

~Jessica's POV

I stretch my arms and yawned. Napatanghali na naman ang gising ko at hindi na 'to mauulit dahil malapit na rin pala ang pasukan. Friday ngayon tapos sa Monday ay pasukan na. Wala pa rin  akong gamit so kailangan ko nang bumili. Wala kasing time eh, lagi akong napapagod hindi ko alam kaya tinutulog ko na lang minsan, laging mabigat ang pakiramdam ko.

            "Patricia!" tawag ko sa kanya. "Punta tayo bookstore, bili na tayo ng gamit natin." Sabi ko naman sa kanya.

            Halos maluwa ang mata niya sa sinabi ko at napatakip na lamang ng bibig. "OMG! Sa Monday na pala pasukan 'no? Hindi natin naalala." Tulalang sabi ni Patricia.

            "Ano alis tayo later?" pagtatanong ko.

            "Now na!" sabi pa nito.

            "Ay, pwede mag-ayos muna ako?" mabilis niya akong binigyan ng tango. "Sige, magbihis ka na rin doon." Sabi ko sa kanya saka lumabas siya ng kwarto ko. Ang aga-aga kasi nagsa-shopping sa kwarto ko ng pabango. Kuhaan daw ba ako?

            Naligo at nagbihis na rin naman agad ako para mabilis din kaming makauwi at pupuntahan rin namin ang school naming for to see our sections. Bumaba na agad ako ng hagdan papuntang sala at nakita si Patricia na nakatayo na doon. Paglapit ko pa lang sa kanya ay naamoy ko na sa kanya ang pabango na kinuha niya sa kwarto ko. Okay lang naman sa akin dahil doble doble na rin sa kwarto ko 'yun eh.

            "Nakapagpaalam ka na ba kay Mommy?" I asked her.

            She smile widely. "Yes! Tapos binigyan pa tayo ng pambili." Pinakita nito ang pera na binigay sa kanya ni Mommy para pambili ng mga gamit namin.

            Lumabas na kami ng bahay at nagpahatid na lang sa driver namin papuntang mall. Dahil sa hindi naman kalayuan ang mall dito sa amin ay nakapunta na rin agad kami. Hindi na naming pinahintay ang driver naming at tatawagan na lang siya kapag uuwi na kami. Diretsyo kami sa bookstore at doon namili ng aming mga gamit.

            Senior na rin pala ako, graduating sa Stateville Academy. Si Patricia rin ay senior at hoping naman lagi kami na magka-section kami kasi lagi namang ganun. Kumuha kami ng basket na mapaglalagyan ng mga gamit namin. Libot libot, kuha ng kuha ng mga notebooks, pens, and such na magagamit talaga namin. Syempre hindi na mawawala ang mga novels na new release lang ay nilalagay ko agad sa basket ko. Bookworm din ako, hindi lang halata. Kaya nga puro fictional character ang nasa isip ko. But Terrence is real.

            "Patricia, which one is better?" pagtatanong ko sa kanya sa notebook na kinuha ko. Ang isa naman ay color pink na may black dots ang isa naman ay blue na may white dots.

            "Blue with that white dots." Okay at inilagay ko rin naman sa basket 'yun.

            After we find the things we need ay tumungo na kami sa counter at good to see naman dahil nakita pa naming si Paul.

            "Ano mga pinamili niyo?" He asked.

            "Ah, mga gamit naming sa school." Patricia smiled. "Ikaw saan ka ba mag-aaral?"

            "Ah, Stateville Academy. How 'bout you guys?"

            Nagtitigan pa kaming dalawa ni Patricia. Good to hear that were on the same school. "Kami rin!" sabi ko naman.

            "Really? Wow. Nice. Ito nga oh, namili na rin ako." tinignan naman naming 'yung basket niya at mga notebooks din ang laman.

            "Ah, si Ivan pala saan siya mag-aaral?" pagtatanong ko naman.

            "Sa Stateville din siya." Paul said.

            "Talaga?" Paul just nod.

            Pagkatapos naming bayaran ang aming mga pinamili ay nagkayayaan na tumambay muna kami sa Starbucks at syempre bonding na rin kahit wala si Ivan dito. Nagtungo na agad kami at umorder ng aming frappe. Sa labas na kami umupo para malibang libang naman kahit papaano.

            "Jess, I heard that Ivan's brother is already here." Paul said.

            Halos maluwa ang mata ko sa sinabi ni Paul at tinigil ang pag-inom sa kape ko. "As in? totoo?" pagtatanong ko sa kanya. Malay mo kasi pinagti-tripan ka lang ni Paul diba, pero hindi naman halata sa mukha.

            "Oo nga? Saan mo nalaman?" Patricia asked.

            "Ah, sa restaurant sa branch namin sa airport. Nalaman ko sa manager naming doon." Paul said. Napakunot noo na lamang ako sa kanya, bakit hindi man lang sinabi sa akin ni Ivan na dumating na pala 'yung kapatid niya, si Terrence diba? "I know you want to see him." Paul said.

            Ewan ko pero parang nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. And the feels of TERRENCE NATE SALES! Makikita ko na siya, excited na ako. Kabog na nang kabog ang dibdib ko sa sobrang kilig at excitement. I never felt this feeling way before.

            "Ay wait, Paul! Bakit ba bumabalik 'yang Kate na 'yan?" Sabi ni Patricia.

            Paul shrugged. "Ewan, siguro gusto balikan si Ivan." Hindi siguradong sabi ni Paul. Napataas kilay naman ako sa sinabi niya.

            "Diba si Kate boyfriend si Ivan habang may boyfriend?" I asked.

            H nod. "Yes, at doon sila nagbreak. Ivan call her the two timer girl. Ay mali! Hindi  lang kasi minsan dalawa ang jowa n'un na sabay sabay. Alam mo na." Paul smirk.

            Okay. A two timer, three timer and so on and so forth. In short din, malandi siya. Pero siguro may dahilan naman siya kaya ganun, I don't even want to waste my time over her.

            "Change topic." Sabi ko na lang saka silang dalawa ay natigil na lang sa usapan. "Paul, natignan mo na ba ang sections mo sa school?" I asked him.

            He shook his head. "Not yet, pero pupunta ako ngayon. Sabay na kayo gusto niyo?"

            "Tara!" Patricia excitedly said. Siya na nauna na maglakad kasabay si Paul.

            Habang palabas kami ng mall ay sumagi sa isip ko kung paano kami magiging sweet din ni Terrence when he doesn't even know me. Naa-out of place naman ako sa dalawang ito dahil parang silang dalawa lang ang magkasama at hindi ako belong. May nafi-feel nga akong something na namumuo sa dalawa eh. Kung ano man 'yun, I need to find out.

            Pinauna ko na silang maglakad hanggang sa makarating sa parking lot sa kotse ni Paul. Hindi ako lumapit sa kanila baka mapagkalaman pa akong kabit or malandi like that Kate. Tinungo na ng kotse ni Paul ang daan patungo sa Stateville. Pagkarating na pagkarating naming ay tinahak agad naming kung saan nakalagay ang bulletin board.

            May mga iilang estudyante rito na tinitignan din ang sections nila. Hinanap na namin ang senior level at hindi ako nagkamali dahil nasa Section A ako.

            "Patricia! Section A ako." sabi ko naman sa kanya.

            "Ako rin naman eh! Magkaklase na naman tayo!" We just hugged each other, magkasama na naman kaming dalawa ni Pat. Nakakatuwa lang. "Paul ikaw?"

            Paul searched his name on the bulletin board. Tinuro naman nito ang pangalan niya nang makita ito. "Good to see na magkaklase tayong tayo!" saka kami nagtawanan.

            Ito na 'yung feeling na magkakasama na kami buong taon. Tinignan ko naman si Patricia at kinikilig sa nangyari. Magkaklase kasi silang dalawa at syempre ako rin. Nakakatuwa lang.

            I've searched Ivan's name in the bulletin. "Guys! Kaklase rin natin si Ivan!" I said excitedly. Wow! Hindi ko inakala na magiging magkaklase rin kami. Siguro puro trips lang at hang-outs ang mangyayari sa amin. I never had this school will be happier than ever.

            "Guess what? Ivan's brother, Terrence. Kaklase rin natin." Paul said.

            Nabato naman ako sa kinatatayuan ko at napatitig na lang kay Patricia. Anong sinabi niya? kaklase? Eh?

            "What?"

            "You heard it. Kaklase natin siya." Kinimkim ko na lamang sa loob loob ko ang kilig na nadarama ko dahil baka mahalata pa ni Paul ang excitement ko na malaman na 'yun. Tumatalon na ang puso ko sa sobrang excited na makita siya.

            Hindi pala isang araw ko lang siyang makikita kundi buong isang taon na. Akala ko sa panaginip lang mangyayari ang mga ito pero mukhang ang lahat ay magiging totoo na. Tiningnan ko naman ang pangalan ni Terrence sa list at nabasa ko ang gwapong pangalan niya.

            "Terrence Nate Sales." Sabi ko nang pabulong baka marinig nila. Napakunot noo naman ako na mapansin na walang middle initial si Terrence. "Ah, bakit pala wala siyang middle initial diyan?"

            Paul shrugged. "Ang pagkakaalam ko, hindi ginagamit ni Terrence ang last name ng tatay niya kundi sa nanay niya lang. That's what Ivan said.

            I just nod. "Eh, ano bang pangalan ng Mommy niya?"

            "Ariena Sales Lesto." I heard it right. Last name nga ng Mommy niya ginagamit niya. Well hindi ko na aalamin 'yun kasi mukhang private na at namemersonal na ako. "Tara na guys! Hatid ko na kayo!" Paul suggested.

            Sumakay na rin naman kami sa kotse ni Paul at tumungo sa bahay. Pagkadating namin sa bahay ay nagpasalamat naman kami sa kanya at mabilis siyang umalis.

            Papasok na sana kami ng bahay namin na si Patricia ay parang nabato sa kinatatayuan sa labas. Nilapitan ko naman ito at hindi ko alam kung bakit ang lapad lapad ng ngiti ng babaitang 'to.

            "Patricia? Ayos ka lang?" Hindi niya ako sinasagot. "Patricia?" pagyugyog ko na sa kanya.

            "Huh? Jessica?"

            "Anong nangyari sayo, tara na sa loob." Hinigit ko na siya papasok pero nagpapabigat pa at hindi talaga maalis sa labi niya ang ngiti. Mukhang baliw.

            "Jessica, he said he will court me." Halos masamid ako sa sinabi ni Patricia at muling nilingon siya.

            "Di nga?" She nod again to me. "Congrats! Babae ka na!" pagkayakap ko pa sa kanya.

            "Baliw, tara na nga sa loob." Sabi pa nito at nauna nang pumasok sa akin. Iba pala talaga kapag inlove.

            Nagpahinga naman ako sa sofa dahil napagod na naman ako bigla. Kinuha ko naman 'yung phone ko at tatawagan si Ivan para sabihin na magkaklase kaming dalawa. I dialed his number at nag-ring naman ito bigla.

            "Hello? Ivan?" I said.

            "Bonjour!" (Hello!) Napakunot noo naman ako sa sumagot sa akin kaya agad ko naman itong binaba. Hindi naman siguro si Kate 'yun diba kasi hindi naman English or tagalog language 'yung sinabi niya parang French eh.

             I tried to diall Ivan's number again.

            "Bonjour!" (Hello!) Muli kong binaba ang cellphone ko. Sino naman kaya 'yun. Hindi naman siguro babae ni Ivan ano?

            I yawned. I think I need to sleep, again.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top