Chapter 16

Chapter 16

I hate Kate

 

Palapit sa akin si Kate na nakataas ang kaliwang kilay at nakanguso ang mapupulang labi at kung maglakad ay parang susugurin ako. Iniwan kasi naming siya kanina at sumunod pero ngayon na nagtago kami sa kanya ay nakita pa niya kami. Nakakaasar talaga. Ang taray ng pagmumukha niya, hindi ko siya matititigan.

            May gagawin ba siyang masama sa akin? Sasabunutan, sasampalin,tatadyakan? Ayoko pa naman magkaroon ng eskandalo dito sa mall. Ako pa naman pagdating sa mga bagay na ganito ay kusa na akong umiiwas, kapag alam kong magkakaroon ng away o gulo ako na lang ang lalayo. Ganun ako, hindi ako warfreak.

            Kate evil smile appeared. Ewan ko bakit ba ako natatakot sa kanya, ewan ko ba bakit ako kinakabahan sa kanya. Kate is just new to me pero the way she acts, alam kong iba ang mga kahulugan nun para sa kanya.

            Palapit na siya ng palapit hanggang sa huminto siya sa harapan ko. Nagkatitigan pa kaming dalawa. Hinawakan ako nito sa magkabilang braso ko na kinagulat ko lalo. Napapikit na lamang ako ng mata ko at handa sa gagawin niya. Tatanggapin ko na lang para walang gulo.

            But she didn't do anything unless she hugged then whisper, "Don't ever stole Ivan to me. Magkakaalaman tayo." Saka siya umalis sa pagkakayakap sa akin at sabay ngumiti. Napangiwi naman ako sa kanya.   

            "Bakit parang natatakot ka sa akin? Jess," she smirk, "Nevermind those things. Forget that." She said.

            Hindi ko maatim ang mga ginagawa niya sa akin. Niyakap niya ba ako para ipakita kay Ivan na hindi na niya ako sasaktan, masyado ata siyang plastic. Wait let me rephrase it, masyado siyang plastic!

            "You! Kate, you can go home now." Ivan said. Napalingon naman sa kanya si Kate na nakakunot ang noo saka ngumisi.

            "No, Ivan. Nandito na lang rin naman kayo. Sasama na ako." Sagot pa nito sa kanya.

            Napabuntong hininga na lang si Ivan sa kanya wala na siyang magagawa kay Kate dahil mapilit din ang isang 'to. Hindi pa rin ako komportable kay Kate, lalo na ang sinabi niya sa akin na wag ko daw agawin si Ivan sa kanya, bakit meron ba dapat? Ang pagkakaalam ko hindi ko naman kinukuha sa kanya si Ivan para sabihan niya ako n'un. Well, iba na talaga ang pag-iisip ng mga tao ngayon to the point na nagbibigay malisya na agad.

            As she said, bakit KO naman aagawin si Ivan kung may tao naman akong hinihintay. Si Terrence, ang man of my dreams ko. Hindi na magiging imposible sa akin ang lahat dahil malapit ko na siyang makita, at 'yun ang totoo. Walang imahinasyon, walang maglalayo sa amin sa isa't isa.

            I looked at Kate again. She's now grinning and that's scared me. Saka lang nito iniwas ang tingin sa akin nang mapunta ang tingin ko kay Patricia at doon naman siya pumunta kay Ivan para yakapin ang braso nito. Ang linta talaga.

            "Jessica, masyadong linta 'yang babaeng 'yan." Pat murmur.

            "Hmm, hayaan mo na siya." Bulong ko na lang din sa kanila.

            Pinapanood lang naming silang dalawa habang naghaharutan. Wala rin naman magawa si Paul kasi hindi talaga papaawat si Kate sa kanya. At mukhang wala nang balak umalis sa amin. Akala ko pa naman makikilala ko pa sila ng lubusan pero mukhang hindi, umentrada 'tong linta eh.

            We head to the Quantum para maglaro. Kay Patricia at Paul na lang ako sumama dahil baka kapag sa dalawa pa ako sumama ay sabunutan pa ako ni Kate. That girl is a witch. Kahit naiirita na ako sa kanilang dalawa, hindi naman siya pinapansin ni Ivan pero si Kate todo hawak sa pisngi ni Ivan at si Ivan naman ang hahawi palayo rito.

            Bumili naman kami ng tokens para maglibang libang na lang sa arcades sa loob ng quantum. Hindi na ako humihiwalay kay Pat dahil baka mamaya mapunta pa ako sa dalawa at ma-out of place lang ako. Kaurat lang.

            I enjoyed playing arcades naman hanggat sa pumunta ako sa basketball. Naghulog naman na ako ng token at nagsimula nang bumilang ang timer. Hagis lang ako ng hagis pero hindi nasesentro sa ring kaya kahit ni isa ay wala pa akong score.

            "Ano ba 'to! Bakit ang hirap naman." Sabi ko sa sarili ko sabay shoot ng bola na hindi na naman pumasok sa ring.

            "Ganito kasi." May biglang humawak na lang sa kamay ko at inayos ang posisyon sa pagshoot ng bola. Maya maya ay hinagis na niya ito. "See?!" Ivan said. Napatingin na lang ako sa kanya.

            Hindi ko alam kung anong mararamdaman mo na magdampi ang palad naming at tinuruan pa niya ako magshoot ng bola. Nabaling muli ang atensyon ko sa basketball arcade at ubos na ang oras na may isang puntos lang. Napangiti na lang ako, kung hindi niya siguro ako tinuruan hindi ako magkakapoints.

            "Salamat." Mahinhin kong sabi sa kanya. Hinawi ko naman ang buhok na humarang sa mukha ko at nilagay sa tenga ko.

            He smiled. "Anythime, Jess." Ngiti pa nito. Maya maya lang din ay sumingit na naman sa amin si Kate na tinignan pa ako mula ulo hanggang paa.

            "Nandito lang pala KAYONG dalawa." Pagdidiin pa nito sa salitang kayo. Ano naman pakelam niya kung magkasama kami diba? Actually, kaya nga kami nandito kasi nagyaya si Ivan not for her.

            "Shut up, Kate." Ivan pissed off.

            "Okay, tara Ivan. Karaoke tayo!" Kate said saka agad agad siyang hinigit nito papunta doon. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa, halata kay Ivan na iritado na 'to sa ginagawa sa kanya ni Kate. Kahit ako naman, tignan mo lang siya. Gusto mo nang patayin peor masama pumatay ng hayop.

            She pick a song then start shouting in the mic, ah I mean. Singing. Lahat ng mata at atensyon nang nandito sa loob ng Quantum ay napunta sa kanya dahil sa pagkanta nito. Nakakabarag ng eardrums. Maraming nairita sa pagkanta nito at maraming lumabas ng quantum dahil ayaw marinig ang birit nito. Too sad for her, walang nagkakagusto sa kanta nita. I even look Ivan at may salpak na ang tenga nito na earphones. Kinukulit siya ni Kate na pakinggan siya pero ini-snob lamang siya nito.

            Nagpatuloy lang siya sa pagkanta.

            "Nakakairita na, promise." Sabi ni Patricia na lumapit sa akin ito.

            "Ayaw mo 'yun, mapahiya siya?" Ngisi ko pa.

            "Ah!" sabi ni Patricia na parang may naisip na bright idea at saka ito binulong kay Paul. Agad namang umalis si Paul. "Oh my gosh! Hahaha!" tawa ng tawa si Pat.

            "Ano 'yun?" Pagtatanong ko naman sa kanya.

            "Look!" turo ni Patricia kay Kate na kinuha sa kanya ng guard ang mic na hawak hawak at pinapalabas na ng quantum. Hindi na ako magtataka kung bakit. Hindi ko na rin napigilan pang tumawa dahil sa nangyar. Sobrang kahihiyaan 'yan para sa kanya. Too bad for her.

            Matapos maagaw ni Kate ang atensyon ay bumalik na muli ako sa paglalaro at ang natipuhan ko naman ay ang stuff toys na nasa loob ng machine arcade. Naghulog naman ako ng isang token at sumubok na kumuha.

            First try is failed. Second try, ganun pa rin. Breathed in, breathed out saka ko hinulog ang token ko. Kinukuha ko ang pink teddy bear na nasa gitna lang naman. I push the button at bumaba na ang catcher. Dahan dahan itong kinuha at pinupunta sa drop side pero minamalas nga naman na kung kailan ihuhulog na ay nalaglag pa. Wala na akong extra tokens, sayang naman.

            "Let me try it." Nagulat na lang ako kay Ivan at hinulog ang token nito. "Sayo na lang ;to kapag nakuha ko." Sabi nito.

            Hindi naman ako nakapagsalita kundi tinignan na lang ang gagawin niya. Pinaturo niya sa akin ang teddy bear na gusto ko at doon naman niya hininto ang catcher. Dahan dahan nang bumababa na ako naman ay umaaasa na makukuha na. Kinagat na ang teddy bear at hindi ako makapaniwala na tuloy tuloy lang ito hanggat sa mahulog na ito. First try lang ni Ivan pero nakuha niya agad. Kinuha niya sa ilalim ang teddy bear at binigay sa akin.

            "Salamat dito." Sabi ko naman sa kanya.

            "Gusto mo isa pa?" pagtatanong pa nito. Mabilis naman akong umiling.

            "Ayos na 'to, Ivan. One is just okay for me." Inakbayan naman ako ni Ivan. Hindi ko naman maitanggal sa balikat ko ang kamay niya dahil ewan ko ba, kinakabahan ako na ewan.

            Sunod naman na sumubok sa stuff toy catcher sila Paul at ganun din dahil isang try lang at nakuha na ni Paul ito at binigay kay Pat. Nagtagal pa kami sa loob ng ilang minute dahil alam naming naghihintay si Kate sa labas.

            Palabas na kami ng Quantum na madatnan namin si Kate sa labas at naghihintay siya doon. Matibay ang isang 'to at hindi talaga papatalo. Hindi naman naming siya pinansin kundi nagpatuloy lang kami sa paglalakad.

            "Jess, saan naman gusto niyo?" He asked.

            Tumingin naman ako kay Patricia na nagkibit balikat naman sa akin. "Cine—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko na sumingit sa gitna namin si Kate at naalis ang pagkakaakbay nito.

            "Uuwi na tayo diba?" Pagpapacute pang tugon nito. Ang epal mo talaga Kate. That's why, I hate you.

            Hindi siya pinansin ni Ivan kundi sa akin na lang bumaling. "Ano Jess?"

            I sighed. "Uuwi na lang kami. See you na lang ulit! Patricia tara na!" sabi ko.

            Lumapit naman sa akin si Patricia na malahigad naman kay Paul.

            "Hatid na namin kayo." Ivan suggests.

            Nagkatinginan pa kami ni Pat bago ako sumagot. Para siguro hindi na maabala pa ang driver naming papahatid na lang siguro kami sa bahay.

            "Sige, okay lang." aniko.

            "Sama ako!" KATE!

            "No, kaya mo umuwi diba? You can go now." Sabi ni Ivan.

            Naglakad na rin naman kami patungong parking lot. Tinaguan pa namin si Kate para hindi na sumama sa amin. Success naman kasi hindi na kami nasundan. Sumakay na rin naman kami sa kotse. Si Paul na ang nagdrive taos katabi naman nito sa harap si Pat kaming dalawa naman sa likod ni Ivan. Hindi na ako masyadong naiilang kay Ivan. Bumalik na ulit sa dati.

            Mabilis naman kaming nakarating sa bahay.

            "Salamat, Paul, Ivan sa paghatid!" sabi ko sa kanila.

            "Wala 'yun Jess! Ikaw rin Pat!" Napalingon naman ako kay Pat na nagblush siya.

            "Bye, Jess!" saka sila sumakay sa sasakyan at mabilis naman itong umalis.

            Akala ko pa naman magiging close na todo na kami ni Ivan kasi makikilala na naming ang isa't isa pero hindi pala kasi dumating si Kate, na ex pala niya na gusto makipagbalikan. That's awful, iiwan ka tapos babalikan. Well, masama bumalik sa naiwan na. Wag nang balikan ang nalipasan na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top