Chapter 25: Breakup
Chapter 25: Breakup
But the day after that, Noah went back to our house to talk to me again. Wala roon si daddy kaya pinapasok lang din siya ni Mommy sa bahay namin. And Kiah also politely welcomed him. Pagbaba ko sa living room ay naabutan ko pa na kausap niya sina Mommy at Kiah.
"I apologize for how my husband reacted yesterday, hijo..." I heard Mommy saying this to Noah.
Nakita ko naman na umiling si Noah kay Mommy. And reassured my mom that it's okay. That he understands daddy...
Pagkatapos nang makita na nila ako ay iniwan din kami.
Muli kaming nagkaharap ni Noah. At doon ko pa lang napansin na may dala rin siya para sa akin. There was a large bouquet of flowers with him today and also a gift for me in thick a paper bag.
When I thought that he got angry just yesterday, he's here again now...
"Noah..." Napatingin ako sa mga dala niya.
"Is it okay for you to stand and walk around now?" He asked me worriedly.
Naramdaman ko naman na bahagya rin kumunot ang noo ko. Unti-unti naman akong tumango sa kaniya. "Yes, it's fine... You're here again..."
Noah was looking at me. "I want us to talk again... Zeph, you can slap me now. Please do so." aniya na para bang handa pa siya na sampalin ko nga siya ngayon.
Umawang naman ang labi ko at hindi ko alam ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya.
And I wasn't expecting this...
Pagkatapos ay nakita ko pa siyang lumuhod na sa harapan ko. My eyes widened more at his sudden action... "Noah! What are you doing?" Nagugulat kong tanong sa kaniya.
"I'm sorry..." He said it in a whisper—as if ashamed to even say sorry to me...
"Noah... What are you doing..." Nanghina na rin ako at napaupo sa harapan niya at naglebel kaming dalawa.
Nag-angat ng tingin sa akin si Noah. Nakita ko ang mga mata niya. There was even dark circles under his eyes. Mukhang wala pa siyang maayos na tulog...
"I'm sorry... I realize that that was your reaction yesterday... because you're still in pain... and mourning for our lost child... And just as much as I..." Halos putol-putol pa ang mga salita niya. Like while saying it he's already hurting.
"And how I reacted yesterday, I was shocked... I didn't know—I didn't expect that—" He really look hurt now even when speaking.
Unti-unti akong tumango. I get it that he was probably just shocked because of what he learned yesterday. Tingin ko ay kahit sino naman siguro.
"I can only put the blame on myself now. After all it was my fault. Because I failed to protect you, Zeph... and our child..." he said.
Siguro nga ay natauhan na rin siya ngayon. But I think his reaction yesterday was still valid. He was shocked to know it. And he knew it when it's even gone...
Umiling ako sa kaniya. "It's okay, Noah..."
Pero umiling din siya sa akin.
"It's okay, really." I said. "How you reacted yesterday, I think that was normal..."
Pagkatapos ay tumawag muna ako ng isang kasambahay. "Pakidala naman po ng mga ito sa kwarto ko sa taas. Salamat po." tukoy ko sa mga dala ni Noah ngayon na para sa akin...
Kahapon ay napaisip din ako. Kahit paano ay nakapag-isip din ako ng kung ano ang magiging sunod na hakbang ko ngayon pagkatapos ng nangyari...
"Okay po, Ma'am."
Tumango ako sa maid bago ko muling binalikan si Noah. We should talk now.
"Noah, please listen to me." Tiningnan ko siya sa mga mata niya.
Tumingin din sa akin si Noah.
Saglit muna akong pumikit bago ako nagpatuloy. Hindi rin ito madali para sa akin. Pero sa tingin ko ay ito ang makabubuti para sa amin pareho ni Noah sa ngayon...
"Noah..." I looked at his eyes. "Let's breakup." I said it straight to him.
His eyes widened a fraction after what I said. He's looking at me.
Huminga ako at kinalma ko rin ang sarili ko. "Ang daming nangyari, Noah... We had misunderstandings... We failed in our relationship... I have kept a secret from you. About my feelings... And about our child. Hindi ko agad sinabi sa 'yo na buntis na ako, Noah. I wasn't so honest with you... I was insecure. And we hurt each other, Noah..." I hurt him. Tiningnan ko siya. "I think we should heal ourselves first..."
Unti-unting umiling sa akin si Noah sa sinabi ko ngayon.
Hinawakan ko naman siya para mas makuha ko pa ang atensyon niya. He needs to understand. "Magulo pa sa ngayon, Noah... Magulo pa ang isip ko. I'm not mad at you or anything. I don't blame you either." Umiling ako.
"Okay?" I watched him. "Gusto ko munang mag-focus sa sarili ko ngayon, Noah..." Nagbaba ako ng tingin. I want to reflect on my life.
I have done mistakes in the past. At kahit pa pagkakamali iyon, hindi ako magkakamali sa buhay ko nang ganoon if I have lived my life a little better...
I just aim to be a better person now. Gusto kong ayusin ang sarili ko... Masakit iyong mga nangyari sa akin. Lalo na itong huli na nawala ang anak ko...
But I still want to be proud of myself someday... That despite all my mistakes and failures, there's still something for me... And that is something I can do for myself now...
And most of all I don't want to keep on hurting Noah. Muli ko siyang tiningnan sa harapan ko ngayon. Mukha siyang nanghihina, but I know he'll get over this...
I've hurt him. I was immature... And I failed to trust him more... Hindi pa ako ang babae na para sa kaniya sa ngayon...
I also want to be better for him... for us. Kung mabibigyan pa muli kami ng pagkakataon na dalawa sa hinaharap.
At kung kami talaga ang para sa isa't isa. Siguro naman ay may pag-asa pa rin kami sa susunod.
"I'm sorry, Noah..." Bahagya akong tumingkad para maabot ko pa ang mukha niya at hinagkan ko siya nang marahan sa pisngi niya. At habang ginawa ko iyon ay tahimik naman na tumulo ang luha ko sa pisngi ko.
At pagkatapos nang tingnan ko si Noah ay nakita kong namumula na rin ang mga mata niya dahil sa luha habang nakatingin sa akin...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top